This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Open Forum with Students at the 5th General Trias Youth Leaders’ Summit

    14 December 2016

    Lyceum of the Philippines University, General Trias City, Cavite, 14 December 2016

    Q: Can we get updates or details sa planong pag-memeet formally ng LP with President Aquino?

    VP LENI: Ang nag-aayos ng schedule for January si Sen. Kiko kasi siya iyong interim president ng partido. Nag-usap na kami kasi iyong dating timetable, March pa magpapatawag ng meeting kaya lang sinuggest natin na agahan.

    Kasi gusto ko din na galing sa akin iyong pagsabi, pag-update ng pangyayari. Kasi marami sa amin, except for the leadership, iyong ibang miyembro ng partido parang nalalaman lang nila iyong nangyayari galing sa balita.

    Pero hindi pa kami nagkakaroon ng isang pagtitipon talaga. Iyong pagtitipon na nangyari, pagtitipon ng mga LP, sa House of Representatives.

    Pero iyong mga LGU officials, iyong mga LP leaders, wala pa talaga. Sabi ni Sen. Kiko na magpapatawag siya this January.

    Q: Part po ba ng pag-uusapan natin doon iyong direksyon na tatahakin ng partido given na kayo na nga po iyong voice of the opposition?

    VP LENI: Ako sa isang banda, oo. Kasi iyong hindi lang tungkol sa atin, actually iyon din po ang mga Liberal Party sa House of Representatives, parang walang party stands sa ibang mga issues, gaya ng death penalty, gaya ng lowering the age of criminal liability, iyong i-napprove kahapon na ammendment sa sin tax, parang dahil hindi pa nag-mimeet ang partido, walang party stand.

    Kaya iyong pagboboto ngayon mas ano talaga, mas kanya-kanya. Sinu-suggest nila na gusto nila mag-meet at magkaroon ng dating ginagawa na may isang policy body para naiintidihan ng mg miyembro–halimbawa pag pinag-uusapan ang pederalismo tungkol ba ito sa saan.

    Iyon ang sinasabi nila na mas mabuti sana bago ito pinag-uusapan sa Kongreso para alam na rin namin ang direksyon.

    Pero iyong tungkol sa pagiging boses ng opposition, tingin ko kasi hindi lang ito, hindi siya limited sa political parties. Hindi lang boses ng LP bilang opposition pero tingin ko pag-u-unify ng boses ng pagpupuna natin sa ibang polisiya ng gobyerno, na tingin natin na iyon talaga nakaka-threaten ng ating democratic institutions.

    Mas nanaisin namin na tingnan ito na hindi partisan na pag-oppose pero ang pag-oppose ng nakararami sa mga specific polisiya sa mga specific na polisiya ng gobyerno.

    Halimbawa, the last two days iyong mga bisita sa opisina lahat nirereklamo extra judicial killings. Kahapon mayroong mga grupo ng mga Filipino-Chinese na nagrereklamo din na on the rise na uli ang kidnapping for extortion.

    Hindi ko nga ito nalaman, first time ko narinig sa kanila na marami na sa Binondo at Tondo na mga negosyante na kini-kidnap for extortion. Ang kanilang allegations mga alagad ng batas ang gumagawa. So alarming ito. Humihingi ako ng detalye sa kanila.

    Kahapon mayroon ding dalawang grupo ng pederasyon ng mga urban poor na pumunta sa amin. Akala ko housing ang irereklamo, pero ang nirereklamo nila extra judicial killings.

    Parang karamihan daw sa miyembro nila mayroon nang kamag-anak na naging biktima. Kaya gusto nila, naghahanap din sila ng boses na parang mag-u-unify sa kanila.

    Maraming gustong umalma, hindi alam kung papano. Kaya ano talaga, ngayon kinakalap natin ang lahat ng datos pagdating sa extra judicial killings kasi nakakabahala talaga.

    Kahapon mayroon akong kaibigan na nakatira sa Netherlands. Ang sabi sa akin may three-part daw na documentary na ipinakita ang Dutch TV tungkol sa extra judicial killings sa Pilipinas.

    Humihingi nga ako ng kopya, parang ganoon. Parang nababantog tayo sa buong mundo. Dahil dito naging feature tayo sa New York Times.

    Tingin ko isang bagay ito na hindi nalang natin puwede ipagsantabi. Gaya ng sinasabi ko dati, parang mas nababahala ako na parang hindi ganoon kadami ang outrage. Parang nasasanay na tayo ng ganito.

    Kanina binabasa ko ang dyaryo parang sinasabi niya, an average of 40 deaths a day. Napakarami noon. Parang ilang katawan na lang talo na natin ang Yolanda levels.

    Noong panahon ng Martial Law na grabe ang outrage, mayroong 3000+ na namatay. Ngayon, less than 6 months, almost 6000 na ang namatay.

    Kaya tingin ko ang daming mga bagay na kailangan ang mga boses ng outrage pinapag-isa natin. Hindi na ito partisan issues lamang.

    Q: Aminado po na si President na he’s not feeling today, what are you thoughts about it? Almost everyday.

    VP Leni: Ako ang kailangan kasi natin magpalakas siya. Para sa atin kasi ang may mandato na mag-lead natin siya. Hindi ko pa nakikita ang kanyang statement. Tingin ko matter of national interest na malaman natin kung ano ang pinagdadaanan niya.

    Tayo wini-wish din natin na kung ano ang nararamdaman ng ating pangulo, malagpasan niya. Siya yung ating hinalal na mamuno sa atin, kailangan malakas ang pangulo natin.

    Q: How do you take it tuwing nagbibiro ang pangulo na nagdadasal ang Vice President?

    VP Leni: Noong una natatawa ako kaya lang ang hindi ako natawa iyong sa Bukidnon na pinagdarasal ko na bumagsak iyong eruplano. Ako nawalan ng asawa dahil bumagsak ang eruplano hindi iyon biro.

    Unang una hindi ko alam kung biro iyon o may pinaparating sa atin kasi kung medyo seryoso siya sa alegasyon o gusto niyang ipalabas na ninanais natin na may mangyari sa kanya mali naman ata iyon.

    Nariyan tayo para sumuporta kaya natin tinanggap ang posisyon sa Gabinete dahil gusto nating ipakita na kahit na hindi namin pagkakaintindihan sa maraming issue nariyan ako para sumuporta.

    Ako iyong kanyang pangalawang pangulo pero pangulo siya. Ang ninanais lang nati na pakinggan natin ang mga boses ng mga hindi natin pagsang-ayon sa mga polisiya niya pero hindi ibig sabihin noon ninanais natin na may mangyari sa kanya.

    Q: Clarify lang po natin, ano po ibig sabihin ng boses of opposition versus opposition leader.

    VP Leni: Iyong boses ng oposisyon hindi iyan partisan. Oposisyon sa mga specific na polisiya ng gobyerno. Nag-tratranscend ito ng mga political parties.

    Kapag sinabi mo kasi na opposition leader ka parang lahat na lang ng gawin ng administrasyon kontra ka.

    Parang hindi naman iyon tama. Parang hindi na natin binibigyan ng pagkakataon ang administrasyon na mag-succeed.

    Tayo gusto natin mag-succeed ang administrasyon kaya mahalaga sa atin na palakasin ang boses natin dahil palagay natin mag-susucceed ang administrasyon na ito kung papakinggan niya iyong boses natin sa pagoppose natin sa mga polisiya na ginagawa niya.

    Posted in Transcripts on Dec 14, 2017