This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mga artists para kay Leni-Kiko, lumikha ng masaya’t puno ng pag-asa na mga mural sa volunteer campaign HQ

    Mga artists para kay Leni-Kiko, lumikha ng masaya’t puno ng pag-asa na mga mural sa volunteer campaign HQ

    Sa Leni-Kiko Volunteer Center na nakatakdang buksan ngayong hapon, Nobyembre 27, ang mga mural na ginawa ng mga volunteer artists ay makulay, masaya, may pag-asa – sumasalamin sa masaya at positibong kampanya ng presidential aspirant na si Vice President Leni Robredo, at ng kanyang running mate, Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

    Inilarawan ng kilalang tagaguhit na si Robert Alejandro ang isang floral bus na kulay pink na may panawagang bumoto nang tama para sa kinabukasan ng kabataan, habang iwinawagayway ng mga pasahero nito ang watawat ng Pilipinas.

    Sa itaas mismo ng mural ni Robert ay ang 60-talampakang portrait nina VP Leni at Sen. Kiko na ginawa ng kilalang muralist na si AG Saño at ng kanyang team, at tinulungan nina Glendford Lumbao at ng kanyang grupo. Inabot sila ng halos anim na gabi para matapos ang dalawang mural. Dahil sa laki nito, kitang-kita ang mga mural kung ikaw ay nasa kanto ng Aurora Boulevard at Katipunan Avenue, kung saan matatagpuan ang volunteer center.

    Higit sa 20 volunteer artists ang nagbigay-buhay sa bakanteng lote na may mga blangkong pader sa pamamagitan ng kanilang pagkamalikhain at pagnanais na magkaroon ng mas magandang kinabukasan para sa bansa sa pangunguna nina VP Leni at Sen. Kiko.

    Bukod sa pagpapakita ng masaya at positibong kampanya, na hindi pa nakikita sa anumang halalan sa Pilipinas, ang mga likhang sining ay kumakatawan din sa diwa ng bolunterismo na nagpasigla sa kampanya mula nang ideklara ni VP Leni na siya ay tatakbo pagka-Pangulo noong Oktubre 7. Ito ay naging isang "people’s campaign," sinabi mismo ni VP Leni.

    Ang volunteer artist na si Ina Esquivel ang nag-coordinate sa lahat ng kapwa niya artists.

    “Originally when you look at it [the space], you would think, ‘Okay, let’s just paint everything pink’. But sayang naman ‘yung area, and it’s not nice to just keep putting up tarpaulins. It doesn’t look as organic,” kuwento ni Ina.

    Doon nagpasya sina Ina at ang kanyang mga magulang na sina Gerry at Beng na maghanap ng mga artists na gustong tumulong sa pagdidisenyo ng lugar.

    Sinabi ni Ina na ang dahilan sa likod ng pagpipinta ng mga mural na ito ay para magbigay ng boses sa komunidad na sumusuporta sa plataporma nina VP Leni at Sen. Kiko.

    “They [artwork] are each a different interpretation of what the campaign means to the artists,” paliwanag niya. Idinagdag ni Ina na ang lahat ng artworks ay mga personal na mga konsepto ng mga gumawa nito na bukas sa interpretasyon at pagpapahalaga ng sinumang tumitingin dito.

    “What I like about what we made is that as a volunteer center, it was built by volunteers. It wasn’t created just for them. It’s really a way of saying to everyone: ‘Come and join this movement and be part of it in any way that you can’,” sabi ni Ina.

    Si AG, isang propesyonal na muralist, ay gumawa rin ng iba pang mga mural sa center, na nagsisilbing headquarters ng lahat ng mga volunteers para sa kampanyang gawing bagong Pangulo ng bansa si VP Leni at si Sen. Kiko, ang susunod na Bise Presidente sa 2022.

    “AG was really ready to do anything, to paint anything,” kuwento ni Ina. Ginawa rin ni AG at ng kanyang team ang sahig ng center at ang sikat na "Leni hair flip" mural sa gilid ng gusali kung saan pwede mag-kape ang mga volunteers.

    Noong Agosto, ibinahagi ni Robert sa isang artikulo ng Inquirer ang kanyang kwento: siya ay nagpapagaling mula sa cancer. Di-nagtagal pagkatapos ng anunsyo ni VP Leni na siya ay tatakbo bilang Pangulo, nagsimula si Robert na aktibong mangampanya sa pamamagitan ng kanyang nakikilalang mga likhang sining – ang mga nakikita natin sa sikat na tindahan ng crafts na Papemelroti, na itinatag ng mga magulang ni Robert.

    Gumawa si Robert ng mga drawing na naglalarawan ng masasayang ordinaryong Pilipino, na may panawagan na suportahan si VP Leni. Ginawa niya itong available online upang ma-download ito ng mga tao nang libre at magamit ang mga ito para sa mga campaign paraphernalia.

    Ikinuwento rin ni Ina na gustong tumulong ni Robert sa paggawa ng mga mural sa volunteer center kaya naman ipinadala nito ang kanyang mga disenyo kay Ina.

    “He really, really wanted to be part of the campaign,” ibinahagi ni Ina. “He really wanted to contribute something. So because he cannot physically paint, he just kept on giving designs that could be applied.”

    Bukod kina Robert at AG, nag-ambag din ng kanilang oras at talento para sa mga mural ang iba pang artists na gustong tumulong sa pagpapalaganap ng platform nina VP Leni at Senator Kiko sa mas maraming tao. Ang ilan sa kanila ay ipinakilala kay Ina ng ibang campaign volunteers.

    Kahit na hindi pa siya makakaboto sa May 2022, isang 11-anyos batang lalaki ang walang pagod na tumulong magpinta ng mural, bilang pakikibahagi niya sa paghubog ng kanyang kinabukasan. Ang iba pang batang mga artists ay kasama rin ang kanilang mga magulang, kapatid, at pinsan na gumawa ng iba’t ibang mural.

    "They [family members] just wanted to help! Every mural had help from family,” sabi ni Ina, na kasama ang kanyang ina, kapatid, at mga kaibigan, sa pagpipinta ng mga mural.

    Sa isa sa mga mural, maaring subukang hanapin ang mga QR code na inilagay ng mga artists kung saan naka-embed ang tulang, "Isang Guhit". Ito ang isang bahagi ng tula:

    “ibalik muli ang kapangyarihan sa kamay ng taong bayan.

    upang kanilang maguhit ang isang maliwanag at tuwid na kinabukasan.

    kabalikat ang tamang pinuno na tapat maninilbihan.

    kapakanan ng lahat ang tanging nasa isip, puso, at damdamin.

    kanyang sarili ay pansamantalang kalilimutan.”

     

    Ang mga artists na gumawa ng mga murals sa Leni-Kiko Volunteer Center ay sina:

    AG Saño and team: 60-foot portrait of VP Leni and Senator Kiko; Leni hair mural

    Glendford Lumbao and team” “Rosas ang Kulay ng Bukas” (collaboration with Issa Cruz); LENI/KIKO corner mural

    Reena Gabriel: “Laban” mural

    Albert Raqueño: “Paglaum” (hope) mural

    Gabe Naguiat and Jan Sunday: Leni mural

    Kyla Gancayco: Leni and Kiko (Roads) mural

    Lee Caces: Abstract mural

    Melissa and Mark Canteras: Birds mural

    Bet Lazatin: Philippine map mural

    Didi Lopa: Floral Leni/Kiko mural

    Ysa Da Silva, Nathan Sarcia, and Celline Mercado: “Lalaban Tayo Leni” mural

    Sam Bumanlag and team: Bayanihan mural (located by the gate)

    Elena Moran: “Kalayaan sa COVID” mural

    Architects for Leni: background of the stage

    Joel Fabonan, Noel Martin, and Marga San Juan and team: “Leni lugaw” mural

    Cristina Arrobio: “Angat Lahat” mural

    Ina Esquivel and team: bus, jeepney, and carabao mural (disenyo ni Robert Alejandro) (end)

     

     

     

     

     

    Posted in Press Releases on Nov 27, 2021