This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of VP Leni Robredo at the Taysan Central School

    Office of the Vice President 14 June 2017

    Message of VP Leni Robredo at Taysan Central School, Taysan, Batangas, 13 June 2017

    Magbibigay galang muna po tayo sa mga opisyal na kasama po natin bago po ako magpatuloy. Siyempre sa pangunguna ng ating punong bayan na si Mayor Gutierrez at sa kanyang may bahay, magandang hapon po sa inyo Mayor.

    At nandito rin po iyong ating vice mayor, Vice Mayor Titoy Perez, at tsaka po iyong mga miyembro ng konseho ng munisipyo ng Taysan. Nandito rin po iyong ating DepEd district supervisor, Mr. Luisito de Castro.

    At tsaka siyempre, iyong ating principal ng Taysan Central School, Ms. Melinda Arellano. Pati po iyong mga kaguruan ng Taysan Central School at tsaka iyong ating mga estudyante.

    Gusto ko ding po ipakilala iyong mga Angat Buhay partners na kasama natin ngayong hapon. Siyempre sa pangunguna ni Mr. Jeff Ng, nagsalita po kanina. Mr. Jeff Ng ay Vice President ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry. Ang kasama niya po iyong mga representatives ng FFCCCI sa pangunguna po ni chairman ng welfare committee, Mr. Bonifacio Luy. Tsaka po Mr. Andrew Tan, na pangulo po ng Batangas FFCCCI.

    Gaya po ng sabi ni Jeff, mula po noong ako ay nanalo bilang pangalawang pangulo, nagpa-meeting na po agad sila sa aming mga magkaklase at sinabing matagal na po tayong inalagaan ng ating bayan bilang mga iskolar ng bayan, panahon na rin po siguro para isukli natin.

    Kaya mula po noong ako ay naging pangalawang pangulo, ang tawag po namin sa kanila Vice Squad. Sila iyong mga kaklase ko noong college. Nandiyan po si Jeff at nandiyan po si Judith Azarcon. Ayan. Sobrang dami na pong naitulong, sinasabi kanina ni Jeff, pati po iyong mga sakuna na dumadaan sa atin, mayroon ng ilang bagyong dumaan, pinakahuli noon iyong bagyo sa Bicol. Noong typhoon Nina tumulong po sila. Noong lindol, hindi lang dito sa Mabini, Batangas pero sa Surigao din, tumulong po sila. Tapos ngayon pa lang po nagkaroon tayo ng relief operations sa mga biktima ng Marawi Siege na nasa Iligan. Sila rin po iyong mga katulong natin.

    Si Judith po maliban po sa pagiging miyembro ng aming klase, siya rin po iyong namumuno ng RA Forwarding Inc. Dalawa po silang nandito ngayon, nag-pipicture iyong isa doon sa likod, iyong magandang nakaitim. Lahat po yata ng mga sakunang pinuntahan namin sila iyong kasama natin. Sila po iyong nag-tatransort nang libre ng mga relief goods na pinapadala natin. Kaya po nauuna pa tayo minsan sa gobyerno. Nauuna iyong kontribusyon ng pribado dahil po sa kanila na panahon pa lang ng sakuna nandiyan na.

    Ang kasama po natin iyong representatives ng Circle Hostel. Kanina nagsalita si Germs Chua-Pek at tsaka si Mark Villa at tsaka si Rafael Oka ng Circle Hostel. Sila po iyong negosyo nila hostel, parang mga hotel pero iyong kanilang advocacy ay para sa kalikasan. Kaya tinuruan nila tayo kanina ng kanilang eco bricks na imbis na hollow blocks iyong ating ginagamit, ginagamit po natin iyong mga plastic na hindi na marerecycle. Sabi po namin sa kanila iyong Office of the Vice President, magiging mas aktibo na magiging partner sila sa kampanya sa pagpapalinis ng ating environment.

    Andito rin po si Dr. Anthony Cordero ng UP Manila Community Health Development Program. Partner po ng Bayan ng Taysan ang UP Manila Community Health and Development Program, at tinitingnan po ng UP Manila kung papaano makakatulong sa pagtrain ng inyong health staff. Para po ma-improve iyong health system tsaka delivery ng health services dito sa Taysan.

    And kasama din po natin ngayon iyong Republic Cement. Tatlo po silang nandito. Andito po si Yule Araya, abugado po siya, kababayan ko, taga-Bicol. Nandito rin po si Vida Rodriguez tsaka si Phil Napoles. Napakaganda po ng proyektong dinala at dadalhin ng Republic Cement dito. Iyon po iyong pinagkuwekuwentuhan namin kanina. Doon po sa kabila, maglalagay po sila ng community kitchen. Iyong community kitchen po, maseserbisyohan po nito 4 na paaralan. Hindi lang Taysan Central School, pero pati na rin Pag-asa Elementary School, Bilogo Elementary School, at Mapulo Elementary School. Ito po iyong ipipilot nila dito. Kanina po pinagkukuwentuhan namin, kinukwento ko sila na mayroong parehong na project na ganito.

    Pumunta pa po kami sa Brazil, dinala po kami doon ng World Food Program para pag-aralan. Doon po sa Brazil, bawat paaralan, mayroong ganyang community kitchen, at alam ninyo po, in 10 years mula noong sinimulan iyong programa, wala nang–naging 0% po iyong malnutrition ng buong bansa ng Brazil.

    Kaya alam ninyo po, nung launching po ng Angat Buhay, nandoon po si Mayor tsaka si Vice Mayor. Isa po iyan sa hinihingi ng Taysan sa amin, na tulungan po kayo sa inyong nutrition program. Kaya nagpapasalamat po kami sa Republic Cement na nandito po sila ngayong hapon. Kasama rin po natin- kasama rin po natin.

    Hindi ko alam kung nandidito pa po sila, pero iyong pinuntatahan natin kanina kasama natin, iyong Pilipinas Shell Foundation. Ay, iyon pa pala sila. Andito po si Olive Sorio tsaka si Chari Credito. Kaya po natin sila kasama kasi sinama po namin sila sa una naming pinuntahan sa Barangay Pinagbayanan, kasi nabalitaan po namin na may 3 barangay, 3 mayor dito na ang hanapbuhay ng mga kababaihan iyong paggawa ng barbeque sticks. Sumama po iyong Pilipinas Shell. Iyong Pilipinas Shell po matagal nang partner ng OVP para po tingnan kung puwede bang magkaroon ng matching na trabaho iyong mga tao dito. Tiningnan po nila kung puwede iyon.

    Marami din po silang programang ginawa sa amin sa Camarines Sur, patungkol naman po sa vegetable garden, sa organic gardening—hindi lang sa Camarines Sur, pati na rin sa marami nang ibang mga lugar. At titingnan po nila kung puwede rin nila gawin dito. Pero bakit po natin ginagawa ito?

    Ginagawa po natin ito kasi noong mag-uumpisa po iyong Angat Buhay. Ang Angat Buhay po iyong flagship program ng OVP. Marahil po familiar naman kayo, ang opisina po namin, wala mandato para mag-implement ng mga proyekto, kaya wala po kaming budget para sa pag-implement ng proyekto.

    Kaya nga lang sabi namin, alangan namang 6 na taon kami dito na walang natutulungan, so nag-decide po kami mag-launch ng Angat Buhay nung October. Ito po ay isang anti-poverty program. Ang ginawa po namin, naghanap po kami ng pinakamahihirap na lugar.

    Isa po sa mga nahanap namin ang Taysan pero ang pagkahanap po namin ng Taysan, hindi lang dahil siya mahirap, dahil ang dami namang mahihirap, pero nagpili po kami ng 50 all over the Philippines pero mahalaga po na criteria ng pagpili namin, iyong namumuno, iyong local officials, malinis at mahusay kasi hindi po- hindi po namin isusugal iyong programa at iiwan sa mga namumuno na hindi naman mapapagkatiwalaan, kaya pinag-aralan po namin iyong background ni mayor, ni vice mayor tsaka nung konseho.

    Tingin po namin, hindi kami mapapahiya sa aming mga partners. Kaya iyong Taysan po, isa sa first 50 na napili namin. Iyong mga lugar po namin, buong Pilipinas po ito. Pinaka-north po namin iyong Apayaw, mayroon po kami sa Luna, Apayaw, mayroon po kami sa Kiyangan, Mountain Province; mayroon po kami sa Natonin, Ifugao, hanggang sa Basilan, mayroon po kami na sinasabi ni Jeff kanina—Eastern Samar, Salcedo, Eastern Samar, mayroon po sa Manolo Fortich sa Bukidnon

    Mayroon sa Zamboangita sa Negros Oriental. Actually po yung Marawi, area po namin yun. Kaya noong nakaraang pong mga buwan, pabalik-balik po kami sa Marawi dahil tinutulungan po sana namin doon. Mayroon po silang mga weavers na mga kababaihan. Nakahanap nga po kami ng funding para tulungan sila sa equipment at noong isang araw po bago nagsimula nung giyera noon.

    Nandoon po sila sa opisina namin sa Maynila. Nandoon po sila noong May 22 para tanggapin yung tseke galing sa Metrobank Foundation. Kase yung Metrobank Foundation po yung nagdonate para sa kanila. Bumalik sila sa kanila ng May 23. May 23 din po sumiklab yung away pero nakumusta na namin sila, okay naman sila. Pero ito pong ginagawa namin, pinipili namin iyong mga mahihirap na lugar at pinupuntahan namin para alamin ano iyong mga kailangan at dahil wala naman po kaming pera, dinadala po namin ang mga kagaya niyo para kayo po ang mag-papartner.

    Alam niyo po iyong opisina namin, bawal po kaming tumanggap ng donasyon. Kaya ang ginagawa po namin, kapag pumupunta kami sa lugar, dadalhin namin iyong mga kagay a ninyo para magkakilala kayo at kami po ay nagsusupervise nalang pero iyong partnership between the town and between partners. Napakaganda naman po ng simula at iyong singkwenta pong pilot namin, one hundred twenty-seven na po ngayon kase marami na pong dagdag. Marami po iyong nakaalam ng programa at nakiusap kung puwede silang isama.

    At kapag chinicheck po ng ating Angat Buhay team po si Geo-Ann, si Georgina Hernandez, siya po iyong namumuno ng Angat Buhay. Kapag chinicheck po nilang nangangailangan talaga at matino naman iyong mga namumuno, ginagawa po natin na area.

    Kaya ngayon po from 50 to 127 na. Kanina po. Eh ngayon po ang dala po natin dito iyong classrooms. Marami pang kulang pero aasikasuhin natin iyong kulang. Iyong community kitchen na galing po sa Republic Cement. Iyong nakaraan pong linggo, iyong AGAPP Foundation, nagbigay po dito ng 250 na mga armchairs para sa mga estudyante pero iyong partnership po natin buo. Hindi lang education pero gaya po kanina, sabi ko pinuntahan po namin yung Barangay Pinagbayanan kasama po namin hindi lang Pilipinas Shell pati DOST. Kasama po natin iyong DOST para po mag-design sila ng makina para po tulungan nila ang mga kababaihan mapadali iyong trabaho. Kasi po pinakita po namin, pinakita po sa amin kung paano nila ginagawa iyong barbeque sticks.

    Ang isang kawayan parang ilang linggo po nilang pagtatrabahuan. Tapos iyong kita nila ay napakakaunti. Gaya po noong isa, nagkukwento siya na ang gross income niya for 3 weeks ay Php1,400.00 lang. Wala pa po doon iyong gastos. Kaya hindi po talaga. Parang hindi maangat iyong kabuhayan.

    Kaya iyong gusto po natin, ipakilala natin sila sa DOST, turuan ang teknolohiya na magagamit nila para mapabilis iyong trabaho. Sana po magkaroon ng common service facilities. Tapos i-lilink na po natin sila sa malalaking mga market. Kasi ngayon po ang ginagawa nila ay binibili sa kanila mga 100 sticks isang bundle, 5 pesos ang bili sa kanila pero ang hirap pong pinagdadaanan, ang proseso grabe. Ang barat ng pagbili kasi marami ng middlemen. So, sa atin lang po, maayos lang natin iyong quality, maayos lang natin iyong supply.

    I-lilink na po natin sila sa market tapos iyong pakiusap din po namin kina mayor, siguraduhin lang po natin na mayroon ng plano sa pagrereplant ng mga kawayan kasi kung lumaki na iyong market ang problema noon ay supply. Excited tayo kasi nakita po natin na napakadesidido ng pamahalaang lokal. Iyong mga tao po, iyong mga pinuntahan namin kanina napakababait, napakasisipag. Kaya excited po tayo na matulungan sa kahit anong paraan.

    Siguro po kung may negosyo kayong mga nangangailangan ng produkto nila. Ngayon po kasi barbeque sticks lang yung ginagawa nila pero sabi po namin na baka may mga produktong ibang puwedeng gawin na as mataas iyong halaga. Iyon po ang assignment ng DOST. Nandiyan po sila kanina. At hopefully, pagbalik po natin, ongoing na lahat. At kapag ito po ay nagtuloy-tuloy na, sigurado po tayong iyong pamumuuhay ng mga tao dito, bubuti.

    Kaya nagpapasalamat po kami sa pamahalaang lokal ng Taysan sa pamumuno po ni Mayor Grande, Vice Mayor Nitoy, iyong buo pong konseho at siyempre sa pamunuan din po ng DepEd, sa pangunguna po ni Mr. De Castro, yung ating Principal, si Ma’am Belinda. Kasi po kung hindi naman po kayo cooperative, mahihirapan din kami.

    Kaya dahil po lahat naman very helpful, excited po tayong lahat na lalo pang hahaba, na lalo pang magiging fruitful iyong ating partnership. Ayon sa FCCCI, matagal na po ko kayong partner kahit noon pang Congressman ako, nagpapasalamat ako mukhang kami ay napakahalaga pong napuntahan niyo ito. Siguro po ay nakita natin kung ilang classrooms iyong nasira. Kaya sigurado po ako na malaki iyong pasasalamat ng paaralan dahil rin po sa tulong ninyo.

    Kaya sa inyo pong lahat, maraming maraming salamat po sa mainit na pagtanggap sa amin.

    Posted in Speeches on Jun 14, 2017