This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of VP Leni Robredo at the Launching of Istorya ng Pag-asa in Manjuyod, Negros Oriental

    20 May 2017 Office of the Vice President

    Manjuyod, Negros Oriental, 19 May 2017

    Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.

    Maayong hapon kaninyong tanan. Hanggang doon lang iyong alam ko. Pero nakakaintindi po ako, kaya puwede akong makipag-usap na ako nagta-Tagalog, at iyong kausap ko, Bisaya.

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang muna sa opsiyal na kasama po natin ngayong hapon.

    Siyempre po, sa pangunguna ng ating Congresswoman, Cong. Joselyn Limkaichong. Palakpakan po natin si Cong. Kasama din po natin, Vice Governor Mark Macinas. Magandang hapon po, Vice Gov. At siyempre po, ang minamahal na ama ng munisipyo ng Manjuyod, Mayor Felix Sy. Magandang hapon po.

    May dalawa pa rin po tayong mayors na kasama po ngayong hapon. Mayor Emmanuel Iway ng La Libertad, magandang hapon, Mayor. At Mayor Nonong Ruperto ng Tayasan, magandang hapon po.

    Nandito rin po si Board Member Georgita Martinez. Nandito rin po iyong mga city councilors ng Canlaon. Nandiyan po sila sa unahan. At nandito rin po ang ating parish priest, Fr. Dexter Pomada.

    Iyong lahat pong mga local officials, mga barangay officials, mga mamamayan ng Manjuyod: Magandang magandang hapon pong muli sa inyong lahat.

    Unang pagkakataon po na nakarating ako sa Manjuyod. Ilang beses na po akong nagpunta ng Dumaguete, pero parati lang hanggang Dumaguete. Matagal ko na pong pinapangarap na maikot man lang ang buong lalawigan ng Negros Oriental, pero hindi ko pa rin po nagagawa.

    Nag-umpisa po kami kahapon. Pumunta po kami sa San Isidro, Davao Oriental. Kahapon hanggang kagabi, nasa Dumaguete kami. Nagkaroon rin kami ng launch sa Silliman University ng Istorya ng Pag-asa. Kaninang umaga, pumunta po kami ng Siquijor, at bago po pumunta dito, kanina pong ala una ng hapon, nandoon po kami sa Zamboanguita.

    Ano po iyong dahilan ng aming pagbisita? Dalawang dahilan po. Iyong isa nga, ayain kayong maging partner namin dito po sa Istorya ng Pag-asa. Mamaya po ipapakilala ko ang programa. Ang pangalawa po, binibisita namin iyong mga communities na tinutulungan namin sa Angat Buhay.

    Dito po sa Negros Oriental, iyong pinakauna pong naging partner namin na munisipyo, iyong Zamboanguita, dahil po merong sinusunod na formula. Nag-launch po iyong Office of the Vice President ng programa, iyong Angat Buhay, na iyong mga pangangailangan ng isang munisipyo, hinahanapan po namin ng mga private partners para tumulong.

    Pinakauna pong napili dito sa Negros Oriental iyong Zamboanguita dahil sila po ay 4th class municipality. Kaya po galing ako doon kanina. Pumunta po kami doon sa bukid, doon po sa Sitio Kalanggaman. Alam niyo po iyong Sitio Kalanggaman, napakataas ng numero ng mga batang hindi nag-aaral. Kaya pumunta po kami, tiningnan namin kung ano iyong mga dahilan kung bakit hindi nag-aaral iyong mga estudyante. Isa po sa mga dahilan, sobrang layo ng paaralan.

    Meron po doon, isang Lumad community. Karamihan po sa hindi nag-aaral, mga taga-doon sa community na iyon. Noong September, iyong mga magulang, nagtayo na po sila ng isang paaralan. Four classroom na school building pero light materials lang po ito. Sila-sila lang iyong gumawa. Napakaganda rin ng pagkagawa, pero iyong nakakatakot po doon, kapag masama iyong panahon o bumagyo, baka masira rin.

    Kaya ang ginawa natin, naghanap po tayo ng private partners na puwedeng mag-donate ng school building. Kanina po, kasama po natin iyong private partner na magpapatayo doon ng school building, kaya mapapalitan na iyong temporary school building ng Sitio Kalanggaman.

    Pero pagpunta po namin, marami pa silang problemang inihain sa amin. Ang isang problema doon ay tubig. Meron din po kaming kasamang partner na gustong tumulong sa paglagay ng isang water system, doon din po sa Sitio Kalanggaman sa Zamboanguita.

    Ito po ang ginagawa namin. Maghanap ng mga paraan, para kahit papaano, makatulong.

    Alam niyo po, ang aming opisina, hindi naman malaki ang budget para po sa pag-implement ng mga programa. Pero kahit po ganoon, naghahanap tayo ng tulong galing sa pribado.

    Nakuwento po namin kay Congresswoman Josy ang aming Angat Buhay program. Ang sabi po ni Cong. Josy, “Bakit Zamboanguita lang iyong napili sa Negros Oriental?” Ang sabi po namin, iyon lang naman ay first batch pa lang. Pero magdadagdag pa kami. At isa po sa mga na-suggest na lugar ang Manjuyod. Kaya po nandito po kami ngayong hapon.

    Iyong staff po namin, nauna sa amin ng ilang araw para tingnan ano ba iyong mga kailangan pa ng Sitio Manjuyod. Alam ko po, napakahusay naman ni Mayor, pero ano pa iyong mga kailangan na puwede po nating mahingi sa ating mga partners. Kaya nilu-look forward po namin iyong partnership sa mga susunod. At masaya tayo na ang mayor po ng La Liberta at mayor ng Tayasan ay kasama rin po natin ngayong hapon. Puwede po tayong mag-explore ng mga possible na mga partnerships.

    Pero ang pinakasadya natin ngayong hapon ay Istorya ng Pag-asa. Ano po ang Istorya ng Pag-asa?

    Ang Istorya ng Pag-asa, naisipan po namin itong simulan dahil ibang-iba na iyong mga relasyon ng maraming mga tao ngayon. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang nagfe-Facebook. Meron ba ditong nagfe-Facebook? Sino ang nagfe-Facebook sa inyo? Imposible namang wala. Naku, mga bata. Sa mga matatanda? Nagtuturuan kayo. Kasi kung nagfe-Facebook kayo, anong mga nakikita natin sa Facebook ngayon? Maraming away, ‘di ba? Ang mga dating magkakaibigan, nag-away-away dahil sa pulitika. Tapos na iyong eleksyon, pero hindi pa rin tapos iyong awayan.

    Kaya po nag-isip kami. Ayaw naman po naming makipag-away rin. Kasi kung makikipag-away rin kami, hindi natin pinapabuti ang situwasyon. Kaya nag-isip po kami, ano ba ang puwede nating gawin?

    Hanggang naimbitahan po ako sa isang forum ng mga kabataan. Pag-attend ko po ng forum ng mga kabataan, ang title po ng kanilang forum, “Let us change the conversation.” Gustong sabihin, palitan na natin iyong pinag-uusapan. Kaya noong nag-attend po ako doon, tinatanong ko iyong mga kabataan, “Bakit ba gusto niyo nang palitan iyong pinag-uusapan?” Ang sabi po nila, “Kasi naaapektuhan na kami ng lahat ng awayan. Naaapektuhan kami, lahat na lang kasamaan. Naaapektuhan kami kasi lahat na lang negative. Kaya gusto na naming palitan.” Ang sabi ko po, mabuti pa ang mga kabataan. Talo kaming matatanda. Kasi sila, naisip nilang may gawin. Marami sa atin, nagrereklamo. Ibang-iba na ngayon, parang lahat ng tao, galit. Pero itong mga kabataan, nakaisip silang palitan ang conversation.

    Kaya po naisip namin sa opisina, oo nga naman. Bakit hindi tayo mag-isip ng isang activity na positive naman, ng isang activity na papalitan ang usapin. At ang naisip po namin, iyong maghanap ng mga istorya ng pag-asa. Mga kuwento ng pag-asa.

    Bakit ganoon? Dahil ang pag-asa, iyon ang magbibigay ng liwanag sa kadiliman. ‘Di ba? Ang pag-asa ang magpapalit ng ating pag-iisip. Iyon ang magpapalit ng mga awayan. Pero sabi namin, saan tayo maghahanap ng kuwento ng pag-asa?

    Sabi po namin, iyong kuwento ng pag-asa, marahil mahahanap natin iyon sa mga ordinaryong tao na may pinagdaanan o may ginawang extraordinary na mga mga bagay.

    Kaya ito po, mula noon, nag-isip na kami. Papaano natin mapapalitan ang kuwento sa paraan ng paghahanap ng mga kuwento ng pag-asa?

    Noong kami po nagsimulang maghanap, marami kaming nakuhang mga kuwento. At ikukuwento ko sa inyo iyong iba naming nakuha.

    Iyong pinakauna pong kuwento ay kuwento ni Nanay Lorna. Marami tayong mga kababaihan ngayon. Si Nanay Lorna po, siya ay biyuda. Namatay iyong kanyang asawa sa sakit, at dati mayroon siyang sari-sari store. Pero dahil hindi naman niya pagmamay-ari iyong lugar, pinaalis na siya doon. Ngayon po, nagkakariton na lang siya. Iyong picture na ‘yan, meron pa siyang tindahan. Pero ngayon, nagkakariton na lang siya. Nagbebenta siya ng banana cue tsaka turon. Pero sa kanyang pagsisipag, iyong apat niyang anak, napag-aral niya at napagtapos niya ng college. Ngayon po, iyong isa niyang anak ay abogado na. Iyong pangalawa niyang anak ay teacher na sa Cubao. Ang pangatlo niyang anak ay nurse. Kaaalis lang po, nasa Dubai na ngayon. At iyong pang-apat niyang anak, napakahusay – scholar po sa UP, kumukuha ng Medicine, at nakapasok po siya doon sa napakahirap pasukan na Intarmed, iyong Medicine na pitong taon lamang. Kahit grabe iyong kanyang pinagdaanan, si Nanay Lorna ay puwedeng maging inspirasyon nating lahat. Nabiyuda siya, mahirap iyong buhay, pero napagtapos niya ang kanyang mga anak.

    Ang pangalawang kwento si Mike. Si Mike, noong nasa Pilipinas pa siya, hindi siya makahanap ng maayos na trabaho. Nag-OFW siya, nagtrabaho siya sa San Diego, California. Pero sa pagtrabaho niya sa San Diego, California, ang pinaka-pangarap niya talaga, mag-iipon lang siya ng pera. Uuwi din siya kasi gusto niyang maging negosyante dito sa atin. Gusto niyang magkaroon ng sariling restaurant. At noong nakaipon na siya ng pera, umuwi siya – taga-Ilocos Norte siya – at ngayon, mayroon na siyang isang beach resort sa Pagudpud at mayroon na rin siyang sarili niyang restaurant sa Laoag.

    Ang pangatlong kuwento – ito magandang kuwento ito – si Alexander. Si Alexander ay isang traffic enforcer. Hindi ko alam kung narinig niyo na iyong Eastwood sa Quezon City, mayroon doong mga mall. Pero itong si Alexander, traffic enforcer siya doon. Pero iyong malungkot na nangyari sa buhay ni Alexander, nakipag-break sa kanya iyong kanyang girlfriend. At na-brokenhearted si Alexander. Noong na-brokenhearted siya, ang ginawa niya, nag-aral siyang sumayaw. Ayun, nag-aral siyang sumayaw habang siya ay traffic enforcer. Noong nag-aaral siyang sumayaw, naisip niya, puwede niya palang gamitin iyong pagsasayaw niya sa kanyang pagiging traffic enforcer. Kaya ngayon sikat na sikat na si Alexander doon sa may Eastwood. Kilala siya bilang isang dancing traffic enforcer.

    At kahapon – kinuwentuhan ko kayo – nasa Silliman kami. Sa Siliman, may ipinakilala din sa amin na dalawang istorya ng pag-asa. Hindi ko alam kung mayroon na kaming picture.

    Iyong unang ipinakilala sa amin, si Rizal Quio. Iyan si Rizal. Anak siya ng isang magsasaka. Pang-eight siya sa eleven na mga anak. Pagkatapos niyang mag-graduate ng elementary, pinahinto na siyang mag-aral. Pinatulong siya sa kanilang sinasaka para makapag-aral naman iyong ibang mga kapatid. Pero si Rizal, gustong-gusto niya pa ring makapag-aral. Noong 18 years old na siya, nagsarili siyang maghanap ng scholarship. Nag-apply siya sa Siliman at nabigyan siya ng scholarship. Nag-highschool siya, 18 years old na. Hindi siya nahiya na matanda na siya, pero nagpatuloy pa rin siyang mag-aral. Hinusayan niya at naging very active siya mga activities sa paaralan. Noong nakaraang Marso, nag-graduate na siya ng Bachelor of Arts in Business Administration. At ngayon, hindi pa tumatagal na naka-graduate siya, mayroon na siyang trabaho. Sa Siliman mismo. Isa na siyang billing clerk doon sa Siliman University Medical Center.

    May pangalawa kaming nakilala na taga-Siliman. Si Gilbert. Kahapon nandoon siya. Umiiyak siya noong ipinapakilala ko siya. Kasi si Gilbert, parang si Rizal din siya. Mahirap na mahirap lang, walang pampaaral sa kanya iyong kanyang mga magulang. Pero nakakuha siya ng scholarship sa Siliman. Noong nakakuha na siya ng scholarship sa Siliman, talagang inayos niya iyong kanyang pag-aaral. Honor student siya, tapos kaga-graduate niya din lang noong March. At ngayon, gusto niyang magtrabaho sa gobyerno. Kahapon noong nandoon kami, sabi niya, na-interview na raw siya sa Bureau of Immigration.

    Napakaganda ng kuwento nila dahil nagbibigay ng inspirasyon. Na kahit mahirap, kahit parang wala nang pag-asa, kapag nag-desisiyon sa buhay, maraming nagiging magandang resulta.

    At kanina, pagdating namin dito sa Manjuyod, nakilala naman namin si Jomari. Ayan, kasama namin sa unahan si Jomari. Baka gusto mong tumayo para makita ng lahat. Iyan si Jomari, kababayan ninyo. Si Jomari, 20 years old na siya pero Grade 11 pa lang. Kaya siya Grade 11 pa lang, kasi hindi siya pinag-aral noon. Kasi natatakot iyong kanyang magulang noon na baka pagtawanan, baka awayin, baka i-bully sa paaralan.

    Pero desidido si Jomari. Sa tulong ng kanyang lolo, kahit may kapansanan siya, talagang nagdesisyong mag-aral. At ngayon, si Jomari, Grade 11 na. Isang taon na lang, magka-college na siya. At tinanong namin si Jomari kung ano iyong kanyang ambisyon sa buhay niya. Ang sabi niya, gusto niyang maging teacher. Kasi tingin niya, kahit siya ay may kapansanan, ay marami siyang maitutulong sa kanyang kapwa at pamilya.

    Iyong kuwento ni Jomari, nakakaantig ng puso. ‘Di ba? Nakakaantig ng puso kasi si Jomari iyong kanyang kapansanan, hindi niya hinahayaan na maging sagabal para makuha niya iyong pangarap niya sa buhay.

    Kaya iyong tanong sa atin: tayong mga walang kahirapan kagaya ni Jomari, ganyan din ba tayo kadesidido? Ito iyong gusto nating mahanap sa Istora ng Pag-asa. Ang gusto nating mahanap, iyong mga kuwento, hindi lang ng mga taga-Manjuyod, pero iyong mga kuwento ng mga karatig-munisipyo at karatig na mga lugar. Na baka mayroon ding mga kuwentong alam niyo na kagaya ng kuwento ni Jomari. Gusto nating i-feature iyong kanilang mga kuwento. Magkakaroon tayo ng travel caravan, ikukuwento natin iyong kanilang mga kuwento sa iba’t ibang mga lugar at iba’t ibang mga tao. Iiikot natin sa mga paaralan, mga simbahan, mga commercial establishments para ang pinag-uusapan iyong mga magaganda nang mga bagay at hindi na iyong mga awayan lamang.

    Kaya iyong pagpunta namin ngayong hapon, ito ay isang imbitasyon sa inyo. Imbitasyon na makipag-partner sa amin. Si Mayor nag-promise na. Sabi ni Mayor, gustong-gusto nilang makipag-partner. Si Cong. Josy, ganoon din. Si Vice Gov, ganoon din. Pero inaaya din naman kayo. Tulungan natin si Mayor, si Cong, si Vice Gov na maghanap ng mga kuwento ng pag-asa dito sa inyo. Hindi naman para sumikat kayo. Pero para iyong mga kuwento ninyo, gawing inspirasyon ng napakaraming mga tao.

    Kaya maraming salamat sa pagpunta niyo ngayong hapon. Excited kami sa future partnership natin hindi lang sa Istorya ng Pag-asa pero pati na rin sa Angat Buhay program ng aming opisina.

    Pero bago po ako magpaalam, ang aking pagbigay lang ng pasasalamat sa inyong lahat. Unang pagkakataon po ito na nakabalik ako sa Negros Oriental pagkatapos ng election. Siguro po, alam niyo naman na napakalaki ng panalo ko dito sa inyo. Kaya maraming maraming salamat sa suporta na ibinigay niyo sa akin noong nakaraang eleksiyon. At maraming maraming salamat sa suportang ipinapakita ninyo sa pagpunta ngayong hapon.

    Maayong hapon ulit sa inyong tanan.

    Posted in Speeches on May 20, 2017