This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of VP Leni Robredo Campaign Headquarters

    Message of VP Leni Robredo
    Campaign Headquarters
    Concepcion, Tarlac

    [START 00:00]
    [cheers]
    VP Leni: Magandang hapon! Ayan, maraming salamat! Magandang hapon sa inyong lahat. Kahit nasa, kahit kainitan ay mainit na mainit pa din 'yung pagtanggap ng lahat. Maraming salamat po sa inyo. Alam nyo po sa totoo lang nagulat ako pagdating ko kanina. Kasi ang alam ko pupunta kami dito para mag-attend ng mass sa Immaculate Conception, pero pagpasok po namin ng Concepcion, marami nang naghihintay sa tabi ng daan. Kaya maraming maraming salamat sa inyo. Kay Atty. Castro, kay Doc Willy, sa lahat pong mga naging dahilan kung bakit ganito 'yung ating laban dito sa Concepcion, maraming maraming salamat sa inyo.

    Kasama po natin ngayong hapon maliban kay Senator Kiko, Dean Chel Diokno, Senator Bam Aquino, ang ating minamahal na congressman, Congressman Noel [applause, cheers]. Hindi ko po alam kung nakasunod dito 'yung ating local officials pero kung oo po, si Mayor Andy, si Mayor Joey, 'yung atin pong mga councilors. Meron po tayo ditong import – ayan councilor – meron pa tayo ditong import, galing pang Batangas si Board Member Jess De Veyra. Yung atin pong mga barangay captains, mga barangay officials. Hindi ko alam kung andito pa si Fr. Mon pero kung wala na maraming salamat din kay Fr. Mon. Nandiyan pa? Ah nasa loob. Ayun sa inyong lahat magandang magandang hapon po ulit.

    Alam nyo po pagpasok ko kanina, tinuturo ko po sa staff ko na kasama ko sa sasakyan. Sabi ko ang dami ko nakikitang mga tarpaulin, na 'yung design ngayon ko pa lang nakita. Tapos iba-iba talaga 'yung design. Ngayon, 'yung pink natin iba-iba din na shade. Diba? Ako nga naka-blue ako ngayon. Meron lang ako pink na… Galing kasi po akong Baguio, naubusan ako ng pink [laughter]. Naubusan din kayo? Pero tingnan nyo, tingnan nyo po mga katabi nyo na mga naka pink, di ba iba-ibang shade? Tapos 'yung mga print, iba-iba din. Pero di ba ito 'yung maganda ngayon? Ito 'yung kagandahan ng ating laban ngayon kasi hindi lang ito laban namin ni Senator Kiko saka ni Dean Chel, pero laban natin ito lahat [applause, cheers]. Alam niyo po pagsimula pa lang, siguro alam nyo naman 'yung kwento di ba? Pareho kami ni Senator Kiko wala naman kaming balak tumakbo pagka Pangulo saka Pangalawang Pangulo. Mahaba 'yung kwento hindi ko na ikukwento pero dumating 'yung oras na nagdesisyon din kami. Pero, alam nyo po nung nag-uusap kami ni Senator Kiko, sabi po namin sa bawat isa, dahil sa experience namin in the last five and a half years, humanda na tayo na magiging malungkot ang laban na ‘to. Siguro alam nyo naman kung ano ang gusto kong sabihin. Kinausap ko po si Senator Bam. Si Senator Bam po kakandidato sana senador. Actually, nag-iisip siya kung kakandidato sya o hindi. Ang sabi ko po kay Senator Bam, ito rin ang sinabi ko sa kanya nung 2016. Kung hindi ka magka-campaign manager sa akin, hindi na ako tutuloy. [applause, cheers] ‘Yung akin pong kapagkapanalo sa 2016 ay dahil yun sa sipag at husay ni Senator Bam, siyempre dahil din sa suporta ninyo kaya parang mahina ang loob ko na hindi ko siya kasama sa laban na ito.

    Pero alam nyo po si Senator Bam, siyempre may sarili din siyang tatahakin na landas. Pero nung kinausap ko siya, walang agam-agam, umoo kaagad. [applause, cheers] So parang 'yung samahan namin, si Dean Chel kasama namin since 2019. Nandiyan si Senator Kiko, nandiyan si Senator Bam, magaan sa pakiramdam kahit alam namin na mahirap 'yung laban. Magaan sa pakiramdam kasi 'yung mga kasama namin alam ko, personal na alam ko na kahit mahirap handang lumaban para sa taong bayan. [applause, cheers] Pero alam niyo po, nagulat kami, nagulat po kami, na nung araw na nag-announce kami, bumuhos na talaga 'yung volunteers. Lahat po kami, si Senator Kiko, kumakandidato na mula 2001, ako po mula 1988 tumutulong na ako sa eleksyon kasi 'yung asawa ko 'yung pulitiko, si Senator Bam marami na ding eleksyon na pinagdaanan, si Dean Chel ilan na din 'yung election na pinagdaanan, pero lahat po kami in agreement na kakaiba ang eleksyon na ito. [applause/cheering] Kakaiba dahil ala- alam nyo po da- dati ku- kandidato kami pag kapag nag-announce na kami, kapag nag-file kami, kami 'yung mag-oorganize ng mga volunteers aasikasuhin namin 'yung headquarters, magpapa-print kami ng mga tarpaulin, magpapadesign kami ng mga t-shirt, magpa-plano ng kung anu-ano. Ngayon, nauunahan ninyo kami. [applause/cheering] Hindi pa po kami handa, dahil late nga kami nagdesisyon. Susunod na araw pagkatapos namin mag-announce, marami na agad 'yung lumabas na mga tarps, marami na 'yung lumabas na mga t-shirt kaya nga iba-iba kasi kanya-kanyang pagawa. [applause/cheering]

    At alam nyo po may headquarters kami, may headquarters tayo sa- parang 'yung main headquarters, volunteers center sa Quezon City. Sabi po ng mga nag-aabang doon, I think 'yung mga mga nagbabantay pala kasi sila- ang iba sa kanila kasama din natin noong 2016, sinasabi po sa amin kakaiba ito ngayon. Kasi dati 'yung mga pupunta ditong mga supporters, humihingi ng tarpaulin. Ngayon 'yung mga pupunta dito hihingi- may mga dalang USB, makikikopya lang ng design at sila na 'yung magpaparint. [applause/cheering]

    Diyan po kami humuhugot ng lakas. Alam natin lahat kung gaano magiging mahirap ang eleksyon na ito. ‘Yung atin pong mga kasabay na nagkakandidato matagal nang handa, at 'yung takot ng lahat, lahat na pera, lahat na makinarya, lahat na lakas sa politika lalo pa nagkaisa na lahat baka hindi natin kayanin. [crowd responds: Kaya!]
    Pero kapag nakikita ko po araw-araw ang mga ginagawa na- ninyo na mga volunteers, sino ba naman ‘yung makakatalo nang ganitong klaseng energy, [applause/cheering] nang ganitong klaseng passion. Ako po, nagkukumparahan- siguro nagfe-Facebook din kayo ano? [crowd responds: Yes!] Sa Facebook nagkukumparahan. Mas marami ang sumama sa motorcade nito, mas konti ito. pero ako po maniwala kayo sa akin, ang dami ko nang pinuntahan na lugar. Kami po ni Sen. Kiko saka ni Dean Chel. Kakaiba talaga ngayon. [applause/cheering] Kakaiba dahil hindi na lang ito ordinaryong kampanya, 'di ba? Ang ordinaryo kasing kampanya, pinapanalo ninyo ‘yung mga kandidato niyo. Pero ngayon, nagiging krusada siya. Lumalaban kayo hindi lang para sa kandidato niyo, pero para sa bayan. [applause/cheering]

    Ang ipinaglalaban niyo na po ngayon kaya ganyan kayo kasi- kadesidido, ang pinaglalaban niyo 'yung kinabukasan ng mga anak at apo ninyo. [applause/cheering] Kaya po kahit kami saan pumunta, 'yung sigasig ng volunteers kahit pagod na din kami napapawi ang aming pagod. Paminsan po parang matatanggal na 'yung mga kamay namin ni Sen. Kiko. kasi paminsan hindi kami binibitawan.

    Pumunta po kami sa Iloilo, galing lang kami sa Iloilo last week, magkahiwalay po kaming sasakyan pero 'yung buong daan sa Iloilo punong-puno ng tao. Nung natapos po 'yung motorcade pareho 'yung nararamdaman namin ni Sen Kiko, ang sakit ng balakang namin. Dahil nakasakay po kami sa van, nakaganoon kami sa labas para mahawakan ng iba, yumayakap, ang iba bumabati. Pagbaba namin pareho masakit ito namin. Pero 'yun 'yung masarap na klaseng sakit dahil [applause/cheering] nararamdaman natin ang pagmamahal ng ating mga kababayan. [applause/cheering]

    Gaya po ng sabi ni Dean Chel kanina, ang dami nating problema ngayon. Umiikot po kami, ang madalas na hinaing sa amin trabaho. Parating hanapbuhay, tarabaho dahil sa mahahabang pandemya, 'yun 'yung pinakaproblema ng lahat. Marami po tayong mga panukala para maresolbahan 'yung ating problema sa trabaho. Lahat pong kandidato haharap sa inyo, lahat magsasabi na meron kaming solusyon 'di ba? Ganoon naman pagdating ng kampanya nanliligaw ang mga kandidato magsasabi na mahal ko ang mahihirap, bibigyan namin ng trabaho ang mahihirap. Pero ako lang po iisa lang 'yung sasabihin ko, dapat sigurong itanong natin sa kanila, noong hindi pa sila kandidato, nasaan sila? [applause] Madali lang pong sabihin na napakaganda, napakaganda 'yung programa natin para sa hanapbuhay. Pero kung ang tao walang tiwala sa gobyerno, mahirap ibangon ang ating ekonomiya. Kanina po sinasabi ni Dean Chel, noong panahon ng pandemya, ang opisina namin ang daming naitulong kahit konting pera. Ganoon pong klaseng pamahahala ang gusto nating iparamdam sa bawat isa, na ang pamahalaan hindi lang po ‘yun sa mga namumuno, pero 'yung pamahalaan tayong lahat ‘yun. Kaya po pag gusto natin ng pagbabago, kahit magpalit tayo nang magpalit ng Pangulo, kung walang tiwala ang taumbayan sa mga namumuno, wala din tayong magagawa. Kaya 'yung sa kin po, nakapaka- napakamahalaga ng tiwala.

    Paano ba tayo titiwala? Pag ang ating pamahalaan ay matino at mahusay. Pag ang ating mga- pag ang mga kandidato nagsasabi mahal ko ‘yung mga mahihirap, nakikita ‘yun sa track record nila. [cheers] May eleksyon, walang eleksyon, tumutulong sila. Kampanya man o hindi, nagtatrabaho sila. Kaya ‘yung sa kin po ‘yun 'yung malaking assignment natin ngayon, kasi 'yung mga nandito mga volunteers lahat, di ba? Hindi pa naman official campaign period, pero marami na tayo puwedeng gawin. Kasi may six months pa.

    Ano 'yung mga puwede nating gawin? Unang-una, na ma-sustain natin itong ginagawa natin hanggang sa May. Anim na buwan po ‘yun. Kaya ba? [crowd responds “kaya ma’am”] Pangalawa, na hindi tayo makuntento na tayo-tayo lang 'yung nag-uusap. Kailangan, magparami tayo. Pero ito din 'yung paki-usap ko, sa pagparami natin, huwag tayo mang-away. Puwede ba ‘yun? [crowd responds: Yes!]

    Alam niyo po, in the last five and half years, ramdam niyo naman siguro, di ba? Ramdam niyo na maraming away, lalo na sa social media, maraming kantiyawan, maraming toxicity, maraming trolls… Ang pakiusap ko lang, tayo na 'yung magdala ng pagbabago. [crowd responds: Yes!]

    Kung 'yung iba naiinis tayo kasi masama 'yung kanilang- masama 'yung kanilang treatment sa iba, huwag na nating gayahin. [crowd responds: Tama!] Kung may kasinungalingan, kailangan po natin ;'yung ituwid, pero sa mabuting pamamaraan. [crowd responds: Yes!] Kaya nga 'yung sabi natin, di ba? Madaling makapag- makipag-debate pero… [crowd responds: mas radikal ang magmahal] mas radikal ang magmahal. [cheers]

    Paminsan, paminsan mahirap, mahirap magmahal, di ba? Lalo na pag ikaw 'yung inaaway. Pero, wala po tayong mararating kung hindi dahil sa pagmamahal. Kung may gusto man tayong pagbabago para sa bayan natin, ‘yun ay kailangan habaan natin 'yung ating pag-unawa, habaan natin 'yung ating pagpasensya, lakihan natin ang ating pagmamahal. [cheers]

    Ngayon po, sabi nga ni- sabi nga ni Attorney, parang napaka-timing naman 'yung pag- pagbukas natin ng, pagbukas ng ating headquarters. Di ba, timing na Feast of the Immaculate Conception? Nasa Concepcion, Tarlac tayo. Kanina po sa simbahan kinuwento ko na sa Naga 'yung parish ko, Parish of the Immaculate Conception din. [cheers]

    Kaya nga po noong inimbitahan po ako ni Tito Paul, 'yung tatay ni Senator Bam, na dumaan dito galing Baguio, sabi ko po, tamang-tama kasi hindi ako makaka-uwi para mag-Immaculate Conception sa amin, dito ko ito ise-celebrate ngayon. [cheers]

    Pero, ano 'yung, ano 'yung aral, ito huli na kasi naiinitan na kayo. Ano 'yung aral sa atin ng Feast of the Immaculate Conception? Marami. ‘Yung pinaka-una, magtiwala, di ba? Alam niyo ngayon pag tiningnan natin 'yung mga numero pakiramdam natin dehado tayo. [crowd chants disagreement] Di ba dehado tayo? Napakalakas ng kalaban. [crowd chants disagreement] Pero 'yung sa akin po, ewan ko kung sino 'yung mga kasama ko dito noong 2016, ganoon din tayo nag-umpisa di ba? Ganoon din tayo nag-umpisa, pero tumiwala tayo na may dahilan kung bakit tayo lumalaban. [cheers]

    Kaya ‘yun 'yung hihingin natin sa inyo, on the Feast of the Immaculate Conception, 'yung tiwala sa Maykapal, [cheers] na 'yung sa atin, ang parating ang mananaig sa katapusan ay kabutihan lamang. [cheers]

    At 'yung pangalawa, ito 'yung homily ni Bishop kanina, ang homily ni Bishop kanina 'yung mga hindi nakapunta sa simbahan, sabi niya, subukan niyong maging, maging holy every single day. Pag sinabi nating holy hindi naman maging santo, pero sa mga maliliit na ginagawa natin, subukan natin maging mabuting tao. [cheers] At pag tayong lahat dito sumusubok araw-araw, na tayo ay maging mabuting tao, ‘yun 'yung umpisa ng pagbabago para sa bayan natin. [applause]

    Kaya ‘yun po 'yung aking kahilingan sa inyo ngayon. Pero 'yung pinakahuli na, 'yung aking malaking pasasalamat. Alam niyo po, pang- pangatlong bayan itong nabisita ko dito sa Tarlac. Galing po kami sa Capas noong nakaraan buwan kasi nag- nagbakuna po kami doon sa Aeta community. Galing din po ako sa Tarlac City, sila Attorney nandoon nasa Tarlac pagpunta ko, napakarami din volunteers na nagpakita. Tapos ngayon, dito sa Concepcion. Lahat pong pagbisita ko, ramdam ko ang pagmamahal ninyo. [applause] Kaya maraming-maraming salamat sa inyo. Hindi pa po ito ang huli. Pag official campaign season na, siguradong babalik kami sa Tarlac, pero habang hindi pa po kami nakakabalik, magpapatulong po kami sa inyo. [cheers] Magpatulong po kami sa inyo na magparami tayo, makakumbinsi pa tayong marami, pero sa pagkumbinse, parati lang tayong nasa mabuti. [cheers]

    Maraming salamat, mabuhay po kayong lahat!
    [END 16:59]

    Posted in Transcripts on Dec 08, 2021