This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of VP Leni Robredo at Agutaya, Palawan

    4 November 2016

    Masayang masaya po ako, nakarating na po ako sa Agutaya. Ito po, aamin ko na po sa inyo, madalas po ako sa Palawan. Nag-aattend ako ng mga seminar, kahit po hindi pa ako pangalawang pangulo.

    Pero madalas, doon lang po ako sa Puerto Prinsesa, pero alam ko po yung northern Palawan, yung Coron, Culion, iyong Amanpulo nababasa ko lang iyon, hindi ko yata kaya kasi mahal. Pero iyong Agutaya hindi ko po siya alam dati.

    Pero noong ako ay nakaupo bilang pangalawang pangulo, nagdesisyon ang aming opisina na hahanapin namin iyong mga napakalalayong mga lugar na marahil maraming pangangailanagan.

    Kaya kami po, pinagaralan namin: Ano ang mga malalayong ugar sa Pilipinas na halos hindi nabibisita ng mataas na opisyal ng gobyerno? Isa po na lumabas sa aming pagsusuri ang iyong barangay ng Agutaya.

    Alam ninyo po na nabasa ko iyong Agutaya sa aming listahan, hinanap ko po kayo sa mapa. Halos po hindi ko kayo mahanap, kasi po di ba ang Palawan ang haba, doon ko kayo hinahanap, iyon pala ang layo niyo po pala.

    Nandoon ang Palawan, ito ang Agutaya kaya pala hindi ko siya mahanap. Parang mas malapit na kayo sa Mindoro. Kaya hindi ko po alam na mayroong Agutaya. Kung hindi ko alam, lalo na ang ating kababayan, hindi nila alam.

    At iyon po ang sadya sa aming pagbibisita. Nakikita ninyo may kasama kaming photographer, may kasama kaming nag-vivideo, para maraming mga makuhang litrato dito. Kaya pag pinipikturan kayo, mag-smile para pagbalik naman po namin sa Maynila, mapakilala po naman namin ang inyong bayan.

    Mapakilala po namin ang inyong barangay, may mga maiiwan po naman dito. Ngayon ko lang po nakita ang tunnel, baka po, masyado pong malayo?

    Baka puwede natin pikturan para ipakita natin sa Department of Tourism para puwede po nilang i-develop iyon.

    Pero alam ninyo po, ang Office of the Vice President, wala naman po kaming malaking budget para sa proyekto. Kasi ang budget para sa proyekto, nasa mga ahensya ng gobyerno.

    Pero hindi ko rin po gusto sabihin na kahit walang budget hindi na kami magtratrabaho. Diba? Kasi iyong gagawin namin, mahaba ang listahan ni Mayor ng inyong pangangailangan.

    Mahaba ang listahan ni Captain ng inyong pangangailangan. Pati po si Ma’am sa Dep Ed, mahaba ang listahan ng inyong pangangailangan. Kaya iyong eskwelahan ninyo sa Brgy. Diit, pinikturan namin ng pinikturan, kasi nasira pala po ng Yolanda, hanggang ngayon hindi pa naayos.

    Kaya ang gagawin po namin, pagbalik namin doon, iisa-isahin namin ang mga pangangailangan doon, hihingi kami ng tulong sa ahensya na nagbibigay ng tulong. Pero hindi lang kayo ang fo-follow up, tutulong kami sa inyo.

    At hindi lang po iyon, si Mayor po, alam niya ito. Mayroon po tayong proyekto sa opisina namin, ang pangalan ng proyekto, Angat Buhay. Iyon po ang may i-naadopt kami. Mayroon kaming inaalagaan na 50 munisipyo.

    Isa doon ang Agutaya. Inaalagaan po namin, ibig po sabihin, inaalam namin ang pangangailangan dito. Hihingi ng tulong sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kung hindi po kaya ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan, hahanap tayo ng partners.

    Actually po noong nagpresenta po ang inyong mga opisyal noong October 10, pumunta po sila, pinakita po ang pangangailangan, marami sana gusto tumulong. Pero noong nakita nila kung gaano kalayo, nagba-back out po kasi hindi po nila alam kung paano sila pupunta dito.

    Kaya kami na ang pumunta para makita namin kung ano ang pagpipilian nilang paparaan para pumunta, para hindi naman sila matakot pumunta. Papakita namin na ako nga nakarating dito. Kung ako nga nakarating dito, hindi imposible sa kanila na pumunta din para tumulong. Hindi ba po?

    Pero napakasaya ko po, alam ninyo po, sabi ko nga hindi ko po alam kung saan ang Agutaya. Pero alam ninyo po kahit hindi ko alam kung saan ang Agutaya, kahit hindi ako pumunta dito noong kampanya, ang laki po ng panalo ko dito sa inyo.

    Kaya naman po, parang kasalanan na hindi ako pumunta dito para personal naman pong magpasalamat. Dahil kahit na hindi pa tayo nagkita dati, kahit na hindi pa ako nakapagbisita dito, tinulungan ninyo na ako. Ngayon naman po, ako naman po yung tutulong sa inyo.

    Hindi po natin ito minamadali, pero ito po iyong umpisa na hahanapan natin ng paraan, na-interview ko na si Mayor, si Cice, tinanong ko na ang DepEd kung may maayos dito na health center. Kanina tinatanong ko po, paano yung gusto mag college at wala ditong college? Kasi mag-boboard and lodging po sa Cuyo, sabi ni Kapitan.

    Sabi ko paano naman ang walang pambayad ng board and lodging, hindi na lang mag-cocollege? Iyon iyong mga bagay na hindi ko malalaman kung hindi ako pumunta dito, diba?

    Kaya, mayroon po akong assignment sa kanila, bilangin kung magpapatayo ng college ng munisipyo ng Agutaya, ilan kaya iyong mag-eenroll? Alam ninyo kasi, pag kaunti lang, hindi papayag ang CHED.

    Kaya magpapatulong po ako na magkaroon tayo ng survey. Sunod po, kausap ko si Mayor, kumusta po ang health center? Kasi malayo kayo sa mga ospital, paano kung may emergency?

    Kung may magkakasakit na kailangan ng tulong? Iyon po ang kailangan nating gawin. Kumusta iyong tubig dito?

    Sabi ni Mayor wala kayong kuryente. Kanya-kanyang generator pero iyong kaya ng generator, paano iyong hindi kaya? Hindi po ba?

    Kaya ito po, hirap po tayo kung masyadong malayo pero sana makahanap tayo ng mga sponsor ng solar electricity kasi off grid na po kayo. Ito ang mga bagay na dahilan kung bakit tayo nandito.

    Nakikita namin kung ano ang sitwasyon pero alam ninyo po, gamit ang aking mata, na kahit ang hirap ng buhay dito parang ang sasaya ninyo.

    Mas masasaya po ang mga mukha ninyo kaysa sa mga nakikita namin sa Manila. Kaya gusto ko sabihin na mas maganda ang buhay dito sa inyo. Kami po ang naiinggit sa inyo. Kahit mahirap ang buhay, mas masaya naman kayo, kaya iyon naman po iyong nasa inyo at wala sa amin.

    Kitang kita sa mga mukha ninyo na masasaya kayo. Hindi lang po namin mapapangako na mahahanapan namin ng solusyon ang lahat ng kahirapan, pero kahit papaano, makagaan-gaan sa kahirapan na dinadaan.

    May isa po akong tinanong, kasi maulan na sa school, sabi ko, “wala po ba ditong covered court?”

    Sabi nila, “Wala.”

    Akala ko dito mayroon, pero wala. Sabi ko, paano kung may okasyon kayo tapos umulan? Wala pala po kayong…

    Kaya ito ang mga nakikita natin na paunti-unti, hindi po kami nangangako na maibibigay, pero ipapaalam natin sa mga nanunungkulan ng mga anong wala dito sa inyo. Alam ko na hindi niyo naman hinihingi ang malalaki, iyong hinihingi ninyo ay ang mas makakagaan.

    Kanina po, si Sir Melvin, sinabi niya po sa amin iyong kahirapan ninyo sa seaweed, na masyado na kayong nababarat sa presyo. Kaya iyon po, sabi ko ipapaaral para kung bakit nagkaganoon, kasi kung dati po P115 per kilo tapos ngayon ay P25.

    Parang hindi naman yata iyon kapani-paniwala, iyong pagbagsak. So aayusin natin. Kasi ang sabi sa akin pag maayos iyong panahon, maayos din ang pangingisda pero may mga buwan na talagang walang wala.

    Iyong gusto lang natin ay, ako po ayoko rin yumaman kasi mas maraming problema po iyong mayaman. Pero ang ating ambisyon ay ang mas makagaan-gaan lang at iyon naman po ang ating inaambisyon din.

    Kaya ang pagpunta ko po dito ay napakalaking bagay po sa amin. Napakalaking bagay kasi kilala na namin kayo at puwede na namin ipaglabas na napuntahan na namin ang isa sa pinakamagandang isla sa Pilipinas na kung saan mababait iyong tao, mainit iyong pagtanggap sa amin, at masasaya kahit nahihirapan.

    Kaya ito po, ipayag ninyo sana kami na ipakilala po namin kayo sa ating mga kababayan na hindi nakakaputa dito. Sabi ko pa sa mga teachers, baka sa Lunes–baka matagal na iyong Lunes–nasa Facebook na po kayo.

    Papakilala namin kung sino kayo, ano iyong Agutaya, para iyong kasiyahan na naramdamin namin sa pagkikita maramdaman din po nang iba at mahikayat silang pumunta kasi mas maraming pumunta dito, mas marami sa atin tutulong.

    Kaya maraming maraming salamat po, pero medyo mapalad yung Barangay Diit.

    Nagtatampo iyong ibang Kapitan. Gusto man namin ikutin iyong sampung barangay, ang problema po kasi, magbabarko po kami papunta dito, kaya lang masama iyong panahon dito, hindi po kami pinayagan.

    Pero kaunting oras lang po iyong binigay sa amin kasi po masama iyong panahon. Kaya hindi po kami nakaikot, isang barangay lang po ang napuntahan namin, kaya napakapalad ng Barangay Diit.

    Pero nagpapasalamat po ako sa lahat ng kapitan, na kahit po malalayo ang kanilang barangay na hindi namin mapupuntahan, pumunta sila dito lahat at nakilala po natin. Kaya maraming salamat po, maraming salamat kay Mayor, maraming salamat kay Vice Mayor, maraming salamat sa Dep Ed, sa ating pong host barangay, sa barangay captain dito sa Diit, sa ating ASF, sa inyong napakainit na pagtanggap,.

    Pagpasensyahan ninyo na lang po ang abala na dinatnan ninyo, pero masayang masaya po kami at ramdam po namin ang inyong pagmamahal.

    Posted in Speeches on Nov 04, 2016