This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of VP Leni at the Inauguration of Ernestville

    7 November 2017

    Nenita Extension, Novaliches, Quezon City

    Maraming salamat. Magandang umaga po!

    Ayan, bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang lang po sa mga opisyal na kasama po natin ngayong umaga. Siyempre po, pinamumunuan ng ama ng inyong barangay, Kapital Aldrin Tolentino: Magandang umaga po. Pati po iyong mga barangay officials ng Barangay Gulod: magandang umaga po sa inyong lahat.

    Siyempre, ang atin din pong magbigay-galang kay Ka Nely saka po iyong lahat na opisyal ng Ernestville Homeowners Association. Iyong mga tao din na naging bahagi at naging dahilan kung bakit naisakatuparan ang programang ito, nandito po sila, kasama natin sa unahan—si Jing, Maricel, kay Ana Oliveros ng SHFC. Iyong iba pa pong tumulong para mangyari iyong inyong panaginip, sina Father: Magandang umaga po, Father.

    Sa inyo pong lahat, magandang umagang muli!

    Unang una po, hihingi po ako ng paumanhin. Hindi po yata ako nakadamit na pang-blessing nito, kasi galing po ako sa isang okasyon. Nagsalita po ako sa ASEAN Women’s Forum. Nagpalit lang po ako ng sapatos sa sasakyan. Dumiretso na po ako dito kasi male-late ako. Pero isa pong napakalaking karangalan na naimbita niyo po ako sa isang napakahalagang okasyon.

    Alam niyo po, noong nabubuhay iyong asawa ko, ito po iyong pinaglaanan niya ng maraming oras niya—na iyong mga informal settlers ay matulungan na magkaroon ng pabahay. Alam niyo po, nag-mayor iyong asawa ko, 29 years old, batang bata, pareho ni Kapitan. Iyong pinakapanaginip niya po talaga, na iyong lahat na walang sariling bahay magkaroon ng sarili. Kaya po mula noong 1988, ito na po iyong inasikaso niya. Kaya naging maayos iyong problema ng informal settlers sa Naga.

    Noong nabigyan po siya ng pagkakataon na mamuno ng DILG, ito din po iyong binigyan niya ng panahon. At sa tulong po ng maraming kasamahan niya, nai-budget nga po noong 2011 iyong 50 billion [pesos] para sa informal settlers, at kayo po ay ilan doon sa mga grupong nabiyayaan na magkaroon na ng sariling bahay.

    Kinukuwento ko po kanina na binibilang ko kung ilang pabahay na na galing sa 50 billion [pesos na iyon] iyong naimbita ako [na bumisita]. Hindi ko po masiguro, pero napuntahan ko na iyong CORINA, iyong sa Pasay. Napuntahan ko po iyong AMVACA sa Valenzuela. May napuntahan pa din po akong iba, pero hindi ko kasi maalala iyong mga pangalan ng mga asosasyon. At ngayon naman, nandito po ako sa inyo.

    Alam niyo po, alam ko kung anong klaseng pagod—hindi lang pagod, dugo at pawis, ‘di ba? Dugo at pawis iyong ibinuhos niyong lahat para maisakatuparan ang proyektong ito. Kakaiba po kayo sa ibang nabigyan ng bahay, kasi iyong iba pong nabigyan ng bahay, pagpasok nila nandoon na iyong titirahan. Pero kayo, mula sa paghahanap ng lugar na tatayuan, magmula—

    Gaya ng sabi ni Kapitan, alam niya na noong nakikipaglaban pa kayo [para] sa right of way, sa mga daan, iyong para ma-acquire niyo ang lupang ito, iyong pagpondo. Nakita ko po iyong mga lumang pictures niyo, nagpa-plot pa iyong mga estudyante ng Architecture ng UP, pinaplano pa lang ito. Hanggang sa groundbreaking noong January 5, 2012, kung saan nadaluhan ng asawa ko. Walang wala pa ito, ‘di ba? Ibang iba pa iyong itsura niya sa pictures. At naisip ko nga po, nagbabalik-tanaw po ako, isa yata kayo sa pinakahuli na nasamahan ng asawa ko, kasi iyon din iyong taon na pumanaw siya.

    Alam niyo po, marami pong panaginip iyong asawa ko po na— Sana nakita niya na iyong pinagpaguran, pinagtulungan, pinagsakripisyuhan noong kaniyang mga kasama na matagal na panahon. Nakita niya sana na masaya na, ganito na iyong kalagayan. Pero sa kasamaang palad, hindi na po natin kasama siya ngayong umaga.

    Pero alam niyo po, kahit nakakalungkot na hindi siya iyong nandito, ramdam na ramdam ko na kasama natin siya ngayong umaga. At alam ko po na kung ano iyong kasiyahan sa inyong mga puso, iyon din iyong sa kaniya.

    Kanina tinitingnan ko iyong itsura [ng mga bahay]. Sabi ko, “Kakaiba yata iyong design ng mga bahay dito.” At iyon iyong pinaka-puso at kaluluwa ng People’s Plan, ‘di ba? Marami po dati iyong tumutuligsa ng People’s Plan kasi napakatagal daw ng proseso—pinag-uusapan namin iyan ni Ana noong ako po ay HUDCC [chair] at si Ana ay SFHC [head] pa. Pero kahit matagal iyong proseso, ito iyon, eh, ‘di ba? Kasi mula sa pinakaunang bato at pako, kasama na kayo. Kasama kayo sa pagpili ng lugar. Kasama kayo sa pagdesisyon kung ano iyong magiging itsura ng mga bahay niyo. Kasama kayo sa pagdesisyon kung ano pa iyong nararapat sa bawat isa sa inyo.

    Kaya hindi po ako nagdududa na kapag nandito na lahat iyong 212 [na pamilya], magiging napakasayang community ito. Kasi ito iyong parang inanak niyo, ‘di ba? Inanak niyo—mula sa umpisa hanggang sa kahuli-hulihan.

    Kaya ngayong umaga po, iyong ating ipinagdiriwang hindi lang iyong may bahay na kayo, pero pinagdiriwang natin iyong lahat na sakripisyo. Pinagdiriwang po natin iyong dedikasyon, iyong pagod, iyong luha, iyong dugo na inialay niyo para maging totoo iyong inyong panaginip. Isa lang po iyong aral na makukuha natin: na kapag tayo ay nagkaisa, lahat na imposible, puwedeng maging posible.

    Kaya congratulations po sa inyong lahat! Maraming, maraming salamat sa lahat na tumulong. Magpasalamat po tayo kay Kapitan, saka po sa buong barangay council. Salamat po kay Ma’am Ana sa SFHC. Salamat po kay Jing saka kay Ma’am Maricel. Salamat po sa lahat na tumulong para makamtan natin iyong ating pinapangarap.

    Magandang umaga pong muli sa inyong lahat!

    Posted in Speeches on Nov 07, 2017