This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of VP Leni at Hernani, Easter Samar

    14 September 2016

    Alam ninyo po, papunta po ako dito, nasa sasakyan kami, sinasabi ko po sa mga kasama ko, ibang-iba na ang istura ng Hernani ngayon. Kumpara po iyon sa pabalik-balik na pagpunta ko dito, pagpunta pagkatapos ng Yolanda.

    Heto po, nandito po ako sa stage na ito noong nakaraang taon, diba, Vice? Nandito ako noong namigay tayo ng school supplies sa mga kabataan galing po sa Carmen, sa San Isidro, saka sa Central din.

    Wala pa po itong bubong, pero ngayon, akala ko nga mali ang napuntahan namin, kasi iba na talaga yung itsura. Napakasaya po, gusto ko pong sabihin, talagang bumabangon na muli ang Hernani.

    Sinilip ko kaagad iyong munisipyo sa likod, kasi naalala ko po noong pagkatapos ng Yolanda, wasak din iyan. Hindi kasi nalaman ni Vice Mayor kasi masyadong ma-presko kasi wala siyang dingding, diba?

    Pero ngayon parang walang nangyari. Kanina po nadaanan ko po ang bagong munisipyo. Sabi ko kay mayor, “Mayor, napakaganda ng bagong munisipyo.”

    May gusto akong tingnan ulit, hinahanap ko yung sementeryo, hindi ko naman mahanap. Nasaan na iyon? Ah, nandoon, hindi ko nadaanan. Gusto ko rin makita iyong isang barangay sa may paaralan. Na pagkatapos ng Yolanda, wasak na wasak.

    Ito nga, mga bahay dito, wasak na wasak din, pero ngayon, parang hindi dinaanan ng bagyo, pasalamat po tayo kay Mayor Bong, kay Vice Mayor, sa ating mga opisyal at sa inyo pong lahat na tulung-tulong, pinilit, naibangon muli ang inyong bayan.

    Alam ninyo po mula noong Yolanda, taun-taon, iniimbitihan ako rito sa piyesta ninyo ni mMayor at ni Vice Mayor. Kaya alam ninyo po, iyong piyesta ninyo po kasabay ng piyesta namin ng Penafrancia.

    Kaya noong mga nakaraang taon, hindi po ako nakakapunta. Pero ngayon po, nangako ako kay Vice Mayor, iyong kanyang follow-up, sabi ko, “Vice, ngayong taon, babalik na ako.”

    Pumunta na ako sa amin noong Biyernes at Sabado, babalik ako sa Biyernes at Sabado sa katapusan ng piyesta sa amin.

    Gustung-gusto kong makabalik para magkaroon ako ng pagkakataon magpasalamat sa inyo. Dahil noong nakaraang eleksyon, panalo po ako rito po sa buong Eastern Samar.

    Kaya maraming maraming salamat po, hindi lang sa mga opisyal natin dito, hindi lang kay Mayor at kay Vice Mayor, pero pati sa ating mga Mayors na nandito, ayan si Mayor Alan, pagod na pagod iyan sa atin. Grabe iyong pangangampanya niya, marami kaming kausap noong eleksyon.

    Napakasaya. Napakasaya na ngayon nakangiti na kayong lahat. Alam ninyo po, naalala ko iyong pinakaunang punta ko sa inyo, matagal po akong nakapagkuwentuhan sa mga mangingisda at saka sa mga magsasaka.

    Kinukuwento po nila kung anong nangyari sa bawa’t isa sa inyo noong tumama ang Yolanda. Napakasaklap. Kinekuwento po nila iyong inaanod na tao, inaanod na mga bahay, talagang hindi natin lubos na maiisip na nangyari ito sa Hernani.

    Sabi ko nga po, noong una kong pagbisitia, wasak na wasak po lahat. Pero ngayon, halos, ilang taon na ba, tatlong taong nakaraan, parang hindi na namin makita ang kahirapan na pinagdaanan ninyo, iyong takot na pinagdaanan ninyo.

    Napakasayang pagkakataon ngunit ngayon pong nabigyan akong pagkakataon manilbihan sa inyo. Sa mas mataas na katungkulan, sisiguraduhin ko na gagawin namin ang lahat na makakatulog kayo nang maayos sa gabi kahit na may malakas na bagyong darating.

    Sana sa susunod na taon, talaga pong mamadaliin natin ang pagbabahay. Tinatanong ko po si Mayor, 900+ na pabahay iyong ginagawa, pero malayo pa siya, kaunti pa lang ang nagagawa.

    Nag-promise po ako kay Mayor pagbalik ko po sa Manila, sisiguraduhin po namin na lalo sa madaling panahon matapos na iyon dahil po alam ko na bawat bagyong dumadaan, parati tayong natatakot.

    Sabi nga ni Vice Mayor sa akin, ngayong mga nasa temporary housing, natamaan ulit, gaya noong nangyari noon. Ito po ay iibsan natin pag siniguro natin na lahat ng imprastuktura, pala-pala po, protected na lahat ng buong bayan, buong distrito ng Eastern Samar, nandiyan na.

    Ngayon po, masaya na ako iyong daan ninyo, maganda na. Iyong unang punta ko dito hindi pa ganyan kaganda ang daan. Kaya napakatagal po ng biyahe galing sa Tacloban papunta dito.

    Ngayon po, hindi na ganoon kahirap. Pero hindi pa din tayo nakukuntento. Hindi pa tayo kuntento dahil ang gusto natin, hindi lang daan. Kasi ang gusto natin, pagkabangon natin, mas magiging mabuti ang buhay natin sa darating na panahon, kumpara po sa nakaraan.

    Ngayon po, paunti-unti, papunta na tayo doon. Siguro sa susunod, si Mayor bibistahin ko din. Dahil alam ninyo po, noong pumunta sa kanyang munisipyo, iyong kanyang chief ay nilipad.

    Iyong kanyang munisipyo ay wasak na wasak. Si Mayor Alan, binisita ko din, iyong kay Mayor Alan hindi grabe ang munisipyo. Naalala ko, Mayor pagbisita ko sa inyo, may pa-training na kayo kaagad.

    Mayron na rin po tayong naitulong dito, pinapaalala sa akin ni Vice Mayor kanina. Nagbigay po tayo ng mga bangka, para po sa mga mangingisda, nagbigay po tayo ng mga pananim para sa mga magsasaka.

    Kung naalala po ng senior citizens, nagdala po kami dito ng mga duktor, para po mabakunahan kayo. Nagdala din tayo ng school supplies.

    Ngayon, iyong gusto natin ay maging regular ang buhay, hindi lang panandalian, hindi lang po dahil sa Yolanda pero sisiguradhin natin na mararamdaman sa inyo na hindi naman kayo nakakalimutan ng ating gobyerno.

    Alam ninyo po, iyan ang mahirap pag medyo malayo tayo sa Manila. Mahirap kasi bihira tayo mabisita ng mga opisyal na galing sa Manila. Kaya naman ako gusto ko na maging mas madalas iyong ating pagbisita para hindi lang Hernani ang ating mabisita pero iyong ibang mga bayan dito sa inyo mapuntahan po natin.

    Kaya ngayong umaga po, habang nagdiriwang kayo ng inyong piyesta, nakikiisa kami sa inyong kasiyahan pero sa pagiging isa sa inyong kasiyahan, pagpapaabot din po sa inyo na nandito po kami.

    Kausap ko naman madalas iyong inyong mamumuno kung ano ang maitutulong ng aking opisina, kung ano po ang maitutulong ng iba pang ahensya ng gobyerno sabihan ninyo po kami.

    Para kahit kayo po ay dito tutulungan ko po kayo maglakad ng inyong mga pangangailangan sa national government. Kaya, maraming maraming salamat po sa mainit ninyong pagtanggap sa amin, happy fiesta po sa inyong lahat.

    Sana po sa darating na panahon hindi ninyo makakalimutan iimbita ako para po makisaya sa inyo.

    Kung overnight po sana ako, papasayawin sana ako ni Vice Mayor pero ang problema po hindi po ako makakatagal kasi mamaya pong alas-dos, iyong ating pong pangulo nagpatawag po ng Cabinet meeting.

    Kaya ang lahat po ng pupuntahan sana iniksian namin para makabalik ako sa Manila in time para sa Cabinet meeting.

    Pero babalik po ako, basta gusto niyo pa akong bumalik.

    Maraming salamat, happy fiesta!

    Posted in Speeches on Sep 15, 2016