This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of VP Leni at Brgy. Luz, Cebu

    23 August 2016

    Iyong pangalan po ng urban poor program sa Naga ay “Kaantabay sa Kauswagan”. Hindi ko alam iyong equivalent niya sa Cebuano pero ang gusto pong sabihin noon, “Partner sa Progreso.”

    Ang pinakabuod po ng program sa Naga, hindi kayo… ang treatment sa inyo ay hindi beneficiary. Ang treatment sa inyo partner ng gobyerno. Iyan po ang gusto natin pairalin sa lahat ng housing programs ng gobyerno.

    Kasi ang traditional na model, gobyerno ang nagpaplano, binibigay na lang sa inyo. Ang gusto sana nating pairalin na modelo, kayo ang magpaplano para sa sarili ninyo.

    Anong klaseng bahay gusto ninyo, anong klaseng scheme, saan, halimbawa relocation, saan kayo papasok, ano ang preference ninyo. Ang gobyerno, kami, nandito para tugunan ang mga plano ninyo. Nakuha ninyo po?

    Hindi kami ang magpaplano para sa inyo. Nandiyan lang kami para mag-render ng technical assistance kung mayroon kayong hindi kayang iplano. Pero ang pinakamalaki na boses sa conceptualization, kayo pa rin.

    Noong nabubuhay pa po ang asawa ko, DILG Secretary po siya, may sinimulan sila nina Ma’am Ana sa relocation. Nagbaba ang gobyerno ng P50B na relocation fund, pero para lang ito sa Metro Manila pero ang pinairal nila ay ang tinatawag na People’s Plan.

    Iyong mga ni-relocate, iyong mga tao nagdesisyon. Saan nila gusto mag-relocate, anong klaseng mga bahay gustong gawin, ano ang scheme na gusto i-undertake?

    Ang resulta po noon ay mas maganda. Mas maganda dahil ang tao mismo, ang mga miyembro, mas cooperative kasi nararamdaman nila na kabahagi sila. Hindi iyong parang binigyan lang kahit ayaw, pinapasikmura.

    Paminsan hindi nagiging effective kasi ayaw naman sa lugar na tinapunan sa kanya kasi napakalayo sa trabaho. Kaya ito na po ang papairalin natin. Bibigyan kayo ng mga training, tutulungan kayo na may ma-develop na capabilities para mag-plano. At pagkatapos niyan i-scascale up natin ng isang step. At ito nakita natin sa modelo sa Thailand.

    Sa Thailand po mayroon po siyang tinatawag na community builders. Ito po, tiningnan niya sa bawat urban poor community, mayroon ba ritong karpintero? Mayroon ba ritong mga mason? Mayroon ba ritong mga plumbers? Mga electrician? At inorganisa niya ito.

    Iyong hindi naman doon kabahagi tapos walang trabaho na gustong magkatrabaho sa construction, tini-training. At ang training po ay hindi basta-bastang training, pero ang advance na kaalaman sa pag-coconstruct ng mga building.

    Ang nangyayari po sila na ang hina-hire ng gobyerno. Sila ang hina-hire para gumawa ng mga housing project.

    So ito, parang kumprehensibo ang programa. Hindi mo lang binibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng bahay, pero binibigyan mo ng pagkakataon magkahanap-buhay.

    At ito, tumataas ng tingin ng miyembro sa sarili niya dahil naging kapaki-pakinabang siya. Kayo ito ang gusto natin na sundan na daan. Hindi iyong, “basta ito para sa inyo, take it or leave it.”

    Diba may mga ganoon? Ayaw na natin noon. Ang gusto natin, palakasin niyo ang mga organisasyon ninyo, kayo mag-desisyon. Ito po, medyo wala tayong pasensyang maghintay, gusto madalian na.

    Kaya ito, lalo na kay Sir nagsasabing gustong mag-CMP, lalo na sa mga wala pa sa CMP, ganito po ang modelo na ipapasunod natin. Na malaki na iyong partisipasyon ninyo sa pagdesisyon kung saan patutungo ang organisasyon ninyo.

    Kaya ito po sana, sa aking pagbalik, sana sa aking pagbalik makapagsabi na ako sa inyo, pag ganito, 15 days na lang. Ngayon po kasi hindi pa ako makakapagsabi kasi ano po iyan, ginagawa pa namin ni Ma’am Ana.

    Pero sana sa aking pagbalik, masasabi ko, pag ganito 15 days, pag ganito 20 days, basta walang lalampas ng 30 days. Kaya sa inyo pong lahat, maraming salamat.

    Parating masaya ang pagbalik ko sa Cebu, parati ko po itong inuulit, kabahagi na yata ng aking puso ang Cebu dahil iyong aking pong asawa dito po huli buhay, kaya pabalik-balik ako dito.

    Tapos magpapasalamat din ako sa inyo dahil napakarami pong boto ang nakuha rito sa Cebu. Malaki po ang pinanalo ko rito sa inyo kaya maraming maraming salamat po sa pagmamahal ninyo.

    At asahan ninyo po sa pagmamahal namin sa inyo, papadaliin po namin ang inyong mga buhay.

    Maraming salamat, magandang umaga!

    Posted in Speeches on Aug 23, 2016