This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Turnover of Livelihood Subsidies for Abaca Farmers

    Turnover of livelihood subsidies for Abaca farmers

    ABC Hall, Municipal Complex, Brgy. Bubo, Piagapo, Lanao del Sur

    delivered on 06 March 2018

    Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang muna po sa mga opisyal na kasama po natin ngayon, siyempre po sa pangunguna po ng minamahal niyo pong lahat, napakabait po at napakasipag na vice governor, palakpakan po natin, Vice Gov. Bombit Adiong. Palakpakan din po natin iyong ating pong napakahusay, at sabi noong emcee natin napakaguwapo—parang nabayaran ni Mayor iyong emcee—ayan, Mayor Ali Sumandar, at si Vice Mayor, Vice Mayor Ansari Sumandar. Iyong atin pong mga miyembro ng Sangguniang Bayan; iyong atin pong mga barangay captains; iyong atin pong mga barangay officials; iyong atin pong mga kasamahan sa AFP; iyong atin pong mga abaca farmers, sa pamumuno po ng ating presidente, Mr. Malik Datumanong, magandang umaga po.

    Sa inyong lahat, magandang umaga pong muli.

    Ako po, natutuwa na nakapunta din po ako dito sa inyo sa Piagapo. Mula po noong umpisa, noong sumiklab pa lang po iyong laban sa Marawi, gusto ko na pong pumunta dito pero hindi po kami makapunta dahil sa security. Pero sinubok po namin na iyong aming team, ilang beses pong nakababa dito.

    Pero siguro maaalala po ni Vice Gov saka ni Mayor Ali na bago pa man po sumiklab iyong laban, nasa Marawi po tayo, nandoon po tayo sa Provincial Capitol, para po i-launch iyong aming programang Angat Buhay. At iyong programa po naming Angat Buhay, pinipili po namin iyong mga lugar dito sa buong Pilipinas na tutulungan ng aming opisina. At dito po sa Lanao del Sur, hindi lang po isang bayan, kundi maraming bayan iyong aming napili. Kung hindi po ako nagkakamali, 16 na bayan iyong aming napili. Ano po iyon, mga end of March 2017.

    Pero bago pa man po kami nakapag-umpisa para i-implement iyong Angat Buhay dito, nagkaroon na po ng gulo. Kaya imbes po na naumpisahan na natin ito, halos lahat na oras at halos lahat na pagod po natin napunta sa pagtulong sa ating mga IDPs. Pabalik-balik po ako dito noong panahon na nandiyan pa iyong kaguluhan, para tumulong sa mga evacuation centers, para bisitahin iyong ating mga sundalo at kapulisan na nasusugatan, namamatay. Pero hindi tayo nakabuwelo sa pag-umpisa ng Angat Kabuhayan. Noong natapos po iyong kaguluhan, doon pa lang tayo nakapag-umpisang muli.

    Dapat po mas maaga pa ito. Dapat po mas maaga pa kaming nakababa dito, pero hindi po namin inaasahan na ganito din pala kahirap kumuha ng stripping machine. Noong nakausap po namin si Mayor Ali, sinabi ni Mayor Ali na iyong isa sa mga priorities talaga ng bayan ninyo ay tulungan iyong… kayo po, iyong mga abaca farmers. Sinabi po sa amin ni Mayor na kayo iyong priority niya.

    Pero alam niyo po, iyong abaca, isang malaking industriya din po ito dati doon sa amin sa Bicol; marami pong nag-a-abaca sa amin. Ngayon, hindi na masyado, pero mayroon pa din. Mayroon po sa aming kumpanya na gumagawa ng mga stripping machines. Ang problema lang po, mahaba iyong pila. Napakahaba iyong pila. Gusto po sana naming pumila, pero nakahanap iyong opisina ng ibang mabibilhan sa ComVal (Compostella Valley). Kaya ang pagkaalam ko—sa ComVal natin nabili ito? Ang alam ko po iyong ihahatid namin sa inyo ngayong umaga, hindi na po ito galing sa amin, na dapat sana doon kukunin, pero galing ito sa ComVal.

    Nakuwentuhan po ako ng aming team na pinag-aaralan—sila po iyong kausap ni Mayor mula umpisa—kung ano iyong kahirapan na pinagdadaanan niyo bilang abaca farmers. Sabi po sa amin, pumupunta pa kayo sa Balo-i para doon kayo makigamit ng stripping machine. At dahil bibiyahe pa kayo, dahil pumipila din kayo doon, iyong dapat sanang kita niyo ay hindi na nasasagad.

    Kaya ngayon po, iyong pagdala natin nito, ito ang umpisa. Maliban sa stripping machine, mayroon po tayong dalang mga sprinklers, mayroon po tayong dalang mga sickle, mayroon po tayong dalang organic fertilizer. Pero iyong amin lang pagnanais na sana ngayon pong nabigyan kayo ng stripping machine, sana makagaan-gaan sa inyo. Tingin ko po malaking tulong ito kasi hindi na kayo magbibiyahe papuntang Balo-i, hindi na kayo pipila. Sa inyo na iyong gamit. Solo niyo na iyong stripping machine. Kayo-kayo na lang iyong mag-i-schedule.

    Pero sana ito makagaan-gaan. Sabi nga po noong ating MSWD kanina, isa iyong bayan niyo sa pinakamahirap, at dahil doon po, naghahanap tayo ng mga paraan para makatulong. Mapalad po tayo na, sabi nga ninyo, iyong atin pong Vice Governor parati pong nandiyan para tumulong, pero sabi po sa akin ni Vice Gov, mas mapalad rin kayo dahil napakahusay at napakabait ng inyong mayor. Ito naman po, iyong amin pong pagtulong, mas napapadali po iyong aming pagtulong kapag iyong local government ay nakikipagtulungan, iyong local government talagang pinapakita iyong kooperasyon sa aming tanggapan.

    Alam po ito ni Vice Gov, alam po ito ni Mayor, iyong amin pong opisina, iyong Opisina ng Pangalawang Pangulo, isa pong opisina na pinakamaliit iyong budget sa buong burukrasya. Pero sabi po namin, kahit napakaliit ng budget ng aming opisina, hindi din ito dahilan para hindi na kami tumulong. Kaya sa abot po ng aming makakaya, parang naghahanap po kami ng ibang malalapitan para magdala ng tulong. Ito pong tulong namin sa inyo ngayon, galing po ito sa pondo ng aming opisina, pero halimbawa po maya-maya, kami ni Vice Gov, lilipat po kami sa Marawi—mayroon po doon na ang tawag po namin ngayon, Angat Buhay Village. Mayroon pong initially 60 na mga kabahayan na itatayo, pero iyong amin pong pangarap, maging 100 ito. Pero ito pong 60 na kabahayan na itatayo, ito po ay galing lahat sa pondo ng aming mga private partners; hindi po ito galing sa gobyerno dahil hindi po iyon kaya ng budget ng opisina namin. Pagkatapos po namin sa Marawi, lilipat po kami sa Saguiaran. Doon naman po iyong tutulungan natin, iyong mga kababaihan na na-train para magtahi. Ang ibibigay naman po natin doon mga makina.

    Alam po natin na dahil sa kaguluhan na nangyari dito, marami iyong pangangailangan. At hindi ko po halos maisip kung paano ginagawa nina Vice Gov iyong pagtulong ngayon, lalo ngayon na buong probinsya iyong kailangang ibangon muli. Pero iyong sa amin naman po, sa abot ng aming makakaya, kung anuman iyong makakatulong, kung anuman iyong makakagaan, nandito po kami para tumulong.

    Iyong akin lang pong pakiusap, sana maalagaan natin… maalagaan natin iyong gamit na ibibigay. Sana maging daan ito para mas lalong makagaan sa inyong dala-dala. Iyong amin pong pagnanais na sana tuloy-tuloy na iyong katahimikan na natatamasa natin ngayon. Sana tuloy-tuloy na para naman po makabangon na din tayo.

    Kinukuwento po sa akin kanina ni Vice Gov na dalawang termino pa lang si Mayor, pero marami nang nagawa dito sa inyo, at iyong kahirapan kahit paano naibsan na. Mayor, iyong sa amin lang po, iyong aming pakikiisa—kung anuman po iyong iba pang kaya naming itulong o puwede naming itulong, huwag po sana kayong magdalawang-isip na ipaabot po sa amin.

    Kaya sa inyo po—sa atin pong mga abaca farmers—sana po tanggapin niyo nang buo iyong aming tulong, at iyon nga, gaya ng sabi ko, sana kahit paano makagaan ito sa inyong mga pang-araw-araw na hinaharap na mga kahirapan.

    Kaya sa inyo pong lahat—sa atin pong mga barangay officials, sa atin pong mga opisyal ng bayan ng Piagapo—maraming salamat pong muli sa mainit na pagtanggap sa amin ngayong umaga. Magandang umaga po sa inyong lahat!

    Posted in Speeches on Mar 07, 2018