This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the San Isidro Housing Community

    Message of Vice President Leni Robredo

    San Isidro Housing Community

    Iloilo City, Iloilo 

     

    [00:00]

    VP LENI: Salamat. Maayong aga. [cheering] Ayan. Bago ako magpatuloy, magbibigay galang muna po ako sa ating barangay officials, sa pangunguna po ng ating minamahal na kapitan, Kapitan Felix Dureza. At 'yung lahat na Sangguniang Barangay na kasama, mga barangay tanods, 'yung mga volunteers na tumutulong ngayong umaga, magandang umaga sa inyo. Alam niyo po, pag mayroong pagtitipon na ganito, ito po talaga 'yung aking trabaho sa mahabang panahon.

    Noong ako po ay naging abogado, ang pinaka-una ko pong trabaho sa PAO. Pero pagkaalis ko po sa PAO, lumipat ako sa isang NGO, pangalan niya po SALIGAN. Karamihan po sa mga kasong hinawakan ko ay para sa urban poor. Ito po 'yung mga dinedemolish, ito ‘yung, kami 'yung, kami 'yung nasa picket lines para hindi idemolish. Kaya pag nakikita ko po ‘yung mga housing projects na mayroon na 'yung mga kababayan natin, natutuwa ako. Ito po, 'yung asawa ko po, matagal na mayor ng Naga. ‘Yung inasikaso po talaga ng asawa ko noong mayor siya sa Naga, nabigyan ng katahimikan sa pagbuhay 'yung mga tao na mayroon na siyang sariling lupa at bahay na 'yung arrangement ay hindi mabigat para sa kaniya.

    Kaya noong siya po ay naging DILG Secretary, isa po sa mga inasikaso niya 'yung paglabas ng gobyerno ng P50 billion para 'yung mga urban poor na nakatira sa mga danger zones ay mailipat na sa mas ligtas na lugar.

    Ang, sa kasamaang palad po, noong 2012, two years pa lang po Secretary 'yung asawa ko sa DILG, bumagsak 'yung eroplanong sinasakyan niya kaya namatay siya. Doon po nagsimula ‘yung pagpasok ko sa pulitika kasi humalili ako sa kanya bilang lider doon sa amin.

    Pero noong ako, ako po ay Congresswoman na, isa sa mga adbokasiyang isinulong ko talaga, housing. Noong ako po ay naging Vice President na, na-appoint po ako na housing secretary. Ang ginawa ko po noong umupo ako - five months lang po ako tapos tinanggal ako sa puwesto - noong ako po ay Housing Secretary, 'yung inaayos ko po 'yung mga, ang, ang pinaka-una magkaroon ng inventory 'yung mga lahat ng mga pag-aari ng pamahalaan para 'yung mga walang sariling tinitirikan ng bayan, ay, bahay, ay magkaroon na ng sariling lupa at bahay.

    Kaya lang hina, hindi po ako tumagal doon sa posisyon ko, pero marami akong mga nakita na dapat baguhin. Halimbawa, marami pong mga, mga informal settlers sa Manila. Nire-relocate sa ibang lugar para magkaroon na ng sariling bahay at para hindi na sila squatter sa Manila. Ang pinaka-problema po, hindi naman sila kinonsulta. Pag hindi sila kinokonsulta, paminsan, ire-relocate sila sa isang lugar na napakalayo. Napakalayo na, ang layo pa sa kanilang hanapbuhay. Kaya kanina po, tinatanong ko si Kapitan, iniinterview ko po si Kapitan, saan kayo galing. Kasi nakita ko po na relocation site 'yung San Isidro. Sabi po ni Kap, ay galing kayo sa iba't ibang mga lugar na karamihan sa inyo ay 'yung mga tinamaan ng mga sakuna.

    Pero ako 'yung kinakatuwa ko, alam kong hindi pa perpekto, mayroon kayong mga pangangailangan. Sabi nga ni Kap, ang problema daw dito drainage, ang problema daw 'yung sewerage system na kailangan pang asikasuhin. Pero siguro 'yung kabutihan ninyo, kumpara sa mga nakikita kong ibang mga housing projects, kasi 'yung nilipatan niyo, malapit lang. ‘Yung iba kasing, 'yung ibang mga relocation sites, lalo sa Metro Manila, itatapon sila sa malayong lugar, totoong may lupa't bahay, pero wala namang hanapbuhay.

    Kaya nangyayari po, halimbawa, may isa akong relocation site na pinuntahan sa Laguna, ini-interview ko 'yung mga pamilya doon, galing daw sila sa Pasig, mga...mga... hindi pala Pasig, Marikina. Mga sapatero sa Marikina. So sabi nila, gumagawa naman kami dito ng sapatos pero wala namang, wala silang market. So 'yung mga asawa nila na lalaki, bumalik sa Marikina para doon maghanap buhay. Iniwan ‘yung kanilang mga pamilya at saka mga anak doon sa Laguna.

    Ang problema, dahil madalang umuwi, ang iba nakakuha na ng bagong pamilya [laughter]. Noong nakakuha ng bagong pamilya, 'yung unang pamilya ay mayroon nang tirahan, informal settler na ulit yung bagong pamilya.

    So para sa akin, pag inaayos 'yung housing, kailangan tinitignan kung ano 'yung magiging trabaho, may pag-aaralan ba 'yung mga bata na malapit? Kasi kung mamamasahe kang napaka, may bahay ka nga pero kailangan mong mamasahe ng napakalayo, ang iba kailangan pang mag-boarding house ulit para malapit sa trabaho, parang hindi din natugunan ‘yung pangangailangan.

    Kaya ito po ay - uy na - nawala 'yung, nawala 'yung init, naawa sa atin [laughter]. Kaya ito po ay masaya ako pag nakakabisita akong ganito kasi naaalala ko lampas isa ay - lampas sam...sampung taon po ako nagtrabaho bilang abogado para sa mga informal settlers and pag may nakikita akong community na settled na 'yung mga tao, kahit papano natutuwa ako. Natutuwa ako na, alam mo, hindi naman, ewan, ewan ko lang sa inyo ha, pero halimbawa ako, hindi naman ako nangangarap yumaman. Ang pangarap ko lang naman, may sarili akong tirahan, 'yung mga anak ko makapag-aral ng maayos, at may, may sariling hanapbuhay pagkatapos. Ako tingin ko marami sa iyon pareho ko din eh. Na hindi naman tayo nag-aambisyon na may magara tayong kotse, maganda 'yung bahay. Basta sa atin, sama-sama 'yung pamilya, nakapag-aral lahat, mayroong, mayroong pagkakataon makatrabaho, okay na tayo. Di ba?

    So, so, ako na-natutuwa po akong nakasama ko kayo ngayong umaga dahil 'yun nga, pag inaasikaso 'yung pangangailangan, parang tulong ito ng gobyerno na halos magpantay-pantay tayo. Kasi minsan, kahit sasabihin natin lumago ‘yung ekonomiya, pero paglago ng ekonomiya ang yumaman lang 'yung dati nang mayayaman, pero 'yung mga mahihirap ay na-naiiwan, ang sabi ko po dapat baguhin natin 'yung sukat.

    Pag ako po ay, pag ako po ay pinalad, sa tulong ninyo, 'yung paggawa ng mga gobyerno sa pamahalaan - ang paggawa ng gobyerno ng mga proyekto, parating ang mga target natin na 'yung mga mahihirap ay naaangat na 'yung buhay. Kasi paminsan, 'yung targets natin kung ilan 'yung naibigay na tulong, paminsan hindi na natitignan kung sino 'yung nabigyan. Paminsan 'yung nabibigyan hindi naman 'yung pinaka-nangangailangan. Diba?

    So ako po, pag ako pinalad, parating, halimbawa, halimbawa, sabihin natin pondo sa agrikultura. Pag tiningnan po natin ang accomplishment report, kadalasan ito 'yung numero ng traktor na binigay. Ito 'yung numero ng, ng sako ng fertilizer na ibinigay, ito 'yung mga banhi na ibinigay. Pero hindi naman nasusukat kung 'yung binigyan, bumuti ba yung buhay. So ako po, kapag ako po ay naging Pangulo, ang lagi kong sukat kung yung mga nasa baba na naiiwan ay natulungan na maka-angat yung buhay.

    Kaya ito po [applause], ito po mag-eeleksyon na naman, di ba? Mag-eeleksyon na naman sigurado akong hindi siguro ako yung unang bumisita dito pero sigurado ako na hindi ako yung huli. Marami pang ibang kandidato na pupunta. Yung mga kandidatong pupunta pare-pareho naman po ang sasabihin: mahal ko yung mahihirap, aalagaan ko kayo, ganito ang aking plano. Bawat kampanya ganun naman eh.

    Pero, paano ba tayo makakapamili ng maayos? Makakapamili tayo ng maayos pag tiningnan natin ano ‘yung pinagdaanan ng kandidatong ito. Nung nabigyan ba sya ng posisyon dati, talaga bang inasikaso nya yung mahihirap? Nung siya ay nakaupo, hindi ba siya nakasama sa kahit anong korupsyon?

    Kasi pag, pag nangungurakot ang apektado pinakamahirap eh di ba? Kasi dapat sana sa inyo na yun. Hindi ko alam kung nanunuod kayo ng mga Senate hearings, si Senator Drilon  saka si Senator Kiko kasama. Noong panahon ng pandemic na ang daming naghihirap na mga Pilipino, grabe pala yung nawawala sa pamahalaan dahil sa pagbili ng mga napakamahal. Eh, imagine ninyo di ba? Kung wala sanang kumita doon sana napunta na iyon sa mga nawalan ng trabaho.

    Kaya ang sa akin lang ang pakiusap ko po sa inyo tulungan nyo po kami. Tulungan nyo po kami hindi lang na iboto kami pero tulungan nyo kami na maparamdam sa mga kababayan natin kung gaano kahalaga ang eleksyon na ito. Kapag sinabi ko pong kung gaano kahalaga, ‘yung bobotohan natin dun nakasalalay ang kinabukasan ng mga anak natin. Kaya, kaya sa akin po actually maswerte kayo dito sa Iloilo, maraming lugar po akong iniikot sa buong Pilipinas . ‘Yung Iloilo ang isa sa pinaka-paborito ko. [applause] Lagi ko po itong inuulit, maliban sa napakasarap ng pagkain ninyo. ‘Yung pangalawa dun eh kasing importante mababait talaga ‘yung mga Ilonggo di ba [applause]? Kahit po nasa Maynila ako, ‘pag may nakakakwentuhan akong hindi ko kilala, parang kapag sinasabing Ilonggo sya umiiba na kaagad ang impression ko kasi dahil sa magandang impression ko bawat punta ko dito sa inyo.

    Pero 'yung pangatlo, siguro, lagi po akong pumupunta dito, ngayon pong Vice President ako pang-sampung beses ko na ito ngayon, kasi marami po kaming programa sa labas ng Iloilo City.Meron po kami sa Concepcion, meron kami sa Anilao, meron kami sa Carles, meron po kami sa, sa San, San Joaquin, meron kami sa Conce- ay meron kami sa Lambunao , meron kami sa Oton, meron kami sa Cabatuan, mga para sa mga magsasaka, meron po kami sa Santa Barbara, meron kami sa Tigbauan. So iyon po ang mga pinupuntahan ko, kapag pumupunta ako dito.

    Pero kahit madalas akong pumunta bawat dating ko parang may bago. Parang may, parang umiiba yung mukha ng Iloilo, di ba? And kanina po nag-bisikleta kami kanina alas-sais ng umaga nag-bisikleta kami kasama ng ibang mga riders dito sa Esplanade inggit na inggit ako. Inggit na inggit ako gusto ko sabihin yung mga taga-Iloilo marunong pumili, marunong pumili ng mga leader [applause]. Sinasabi ko po yan kasi kapag maayos naman ang nahahalal maayos din naman 'yung bayan. Kaya sa akin, sana huwag magpa- alam ko 'yung nandito medyo kumbinsido na. Pero alam ninyo po marami kasing mga fake news sa Facebook. Lagi tayong nasa Facebook, Youtube. Maraming napapanood dapat po pinaguusapan para alam natin kung totoo o hindi ang napapanood natin. Sa akin lang, 'yung lang po sana ang pagkumbinsi sa mga kasama na siguro may mga pupunta dito na mag, magbabayad ng alam ninyo po ngayon, nauuso yung… kaya tuwang-tuwa ako sa caravan natin kahapon. Sumama ba kayo [applause]? Di ba? Sa atin ang pagsama natin na sa loob natin walang bayad, di ba? Walang bayad, ‘yung iba hindi pa nakapag-trabaho para sumama. ‘Yun ‘yung kabutihan sa samahan natin kasi kanya-kanya. Kanya-kanyang t-shirt, kanya-kanyang tarpaulin, pero yung iba nagsasabi na kapag sumama merong ganitong bayad. Sa ‘kin wala tayo noon pero kung meron mang ganoon ang iba, huwag sana ‘yun maging dahilan para mag-iba ang desisyon natin. Di ba?

    Kaya tulungan nyo po kami, tulungan nyo kami na ang magiging basehan ng pagpili ng mga kababayan natin, 'yung kung ano lang ang tama at makakabuti sa atin. Kasama po namin ngayon, kanina nagpakilala na si Sen. Kiko, pero kasama po natin ngayon si Atty. Sonny Matula.

    Si Atty. Sonny Matula po ay leader ng isa sa pinakamalaking labor organizations dito sa Pilipinas. Galing po sa hirap si Atty. Sonny Matula. Kung hindi ako nagkakamali, dati nagtitinda ka ng dyaryo ba? Nagtitinda siya ng dyaryo, pina-aral ang sarili, scholar, nakatapos naging abogado pero 'yung pagiging abogado niya ay dinevote  niya sa pag-aabugado para sa mga manggagawa.

    Kaya mahabang panahon, mahabang panahon iyon ang kanyang trabaho, na kapag siya ay tinulungan natin sa Senado ay mayroong magre-represent sa boses ng manggagawa. ‘Yung problema po natin si Atty. Sonny Matula, napahusay, napakabuting tao, ang adbokasiya maayos. Pero ang pinaka-problema ng sistema ng politika natin, ‘yung mga kagaya niyang baguhan sa politika, mahihirapan. Di ba, dahil ‘yung mga nakaka-angat, yung marami ‘yung resources para ipakilala ‘yung sarili.

    And sa akin po, unti-unti baguhin natin iyon. Unti-unti baguhin natin 'yung ganoong klaseng politika na kung sino ang may pera siya ‘yung mananaig. Ngayon po sinasabi sa amin matatalo kayo kasi wala kayong pera, wala kayong makinarya, ang kalaban ninyo grabe. Hindi ako naniniwala doon. Lahat po ng pagkandidato ko wala akong pera, wala akong makinarya. Noong nag-Congresswoman po ako kalaban ko napakalaking politiko sa amin. Ako ni-isang, ni-isang rally wala ako. Pero noong nag-eleksyon, landslide ako. Ang gusto lang po nyang sabihin marahil importante 'yung pera tsaka makinarya, pero wala siyang sinabi sa lakas ng taong bayan [applause]. Kaya ito po 'yung hinihingi ko po sa inyo na sana sa paghakbang namin na ito, sa laban namin na ito, samahan ninyo kami na humakbang sa tabi namin [applause].

    Salamat po, solid kami kay VP Leni Robredo. Salamat, salamat. Kung si Senator Kik,o maraming nagsasabi gwapo ka pala sa personal. l kanina po may good news saka bad news ako. Ang parating sinasabi sa akin “daog na daog na.” Sino dito Bicolano? Sino Bicolano?

    Ayan, anong gustong sabihin ng daog na sa atin? Pierde! Sa amin ang daog, pierde. Kaya kahapon takot na takot ako sabi ang lahat ng tao sinasabi matatalo ako. Ang gusto palang sabihin ng daog dito kabaligtaran. Ang pangalawa na magandang sinasabi sa akin laging, ay ka-gwapa. Bihira po ako niyan masabihan parang sa Iloilo lang ako sinasabihan kaya babalik ng babalik ako dito [laughter] para, para po napupuri ako. Pero hindi na po ako magtatagal kasi uminit na muli. Maraming maraming salamat sa inyo.

     

    -30-

    Posted in Transcripts on Dec 04, 2021