This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Presentation of Oposisyon Koalisyon (OK) Slate

    Presentation of Oposisyon Koalisyon (OK) Slate

    Parang Covered Court, Brgy. Parang, Marikina City

    Maraming salamat! Magandang umaga po! Maupo po tayong lahat.

    Pagbigay-galang muna po sa ating dating Pangulo, President Aquino; sa atin pong mga senador na nandito ngayong umaga—Senator Kiko [Pangilinan], Senator Sonny [Trillanes], Senator Bam [Aquino]; sa atin pong mga kongresista, siyempre sa pamumuno ng ating host ngayong umaga, Cong. Miro Quimbo; ay, si Senator Risa [Hontiveros] po pala, naku – Senator Risa, magandang umaga po; sa iba pa pong mga congressman na nandito—hindi ko na po iisa-isahin, kasi baka may makalimutan ako; sa mga opisyal po ng Marikina—hindi ko po alam kung nandito si Vice Mayor Cadiz—ay, nandiyan—magandang umaga po; mga konsehal; siyempre po, sa ama ng Brgy. Parang, palakpakan po natin, Kapitan Tatang Zulueta, at iba pang mga kapitan at iba pang mga barangay officials na nandito; iyong mga kasamahan po natin sa Koalisyon—mga miyembro ng Liberal Party, miyembro ng Aksyon Demokratiko, miyembro ng Magdalo, miyembro ng Akbayan, miyembro ng Tindig Pilipinas, miyembro po ng mga CSOs, mga people’s organization, iba’t iba pang mga organisasyon na nandito; mga residente ng lungsod ng Marikina: Magandang, magandang umaga po sa inyong lahat! [applause]

    Unang-una po sa lahat, maraming, maraming salamat sa pakikiisa sa amin sa pagpapakilala po namin ng aming ipinagmamalaki—walo na ikakandidato natin sa darating na halalan. Walo na mga kandidato natin sa Oposisyon Koalisyon.

    Marami pong nagsasabing hindi madali maging oposisyon ngayon. Iyong lahat na naglalakas-loob na magreklamo, lahat na naglalakas-loob na tumuligsa: minamaliit, niyuyurakan, kinakasuhan, kinukulong. Pero ngayong umaga, pinakita po natin na sa kabila ng kahirapan, marami pa din ang naninindigan at marami pa din iyong lumalaban. [applause]

    Iba-iba po, iba-iba ang paraan ng ating pakikipaglaban. Maraming nagsasabing natutulog ang oposisyon, pero buhay na buhay po ang oposisyon noong pumunta tayo sa kalsada noong pasikretong paglibing sa dating diktador. Buhay na buhay ang oposisyon nang iyong mga kabataan, nagreklamo at pumunta din sa kalsada para kay Kian. Buhay na buhay din po ang oposisyon, [sa] pagpapakita ng mga taong nakikiramay sa mga pamilya ng mga namatayan dahil sa laban sa ilegal na droga. Buhay na buhay po ang oposisyon sa nakikita nating pakikipaglaban ng ordinaryong lingkod-bayan, na kahit napakahirap ng kalakaran ngayon, patuloy pa din na nakikipaglaban. Buhay na buhay po ang oposisyon sa lahat na nandito ngayon, na handang ipaglaban ang walo na isasabak natin sa darating na eleksiyon. [applause]

    Hindi po naging madali. Hindi po naging madali ang proseso. Ang pagsasama-sama po natin ngayon, iba’t ibang kulay—nakikita natin, may mga dilaw, nakikita natin may mga luntian, nakikita natin may puti, may asul, may pula, may itim. May pink pa pala. [laughter] Ay, si Atty. Romy Mac[alintal] pala, pink. Pero kahit po iba-iba ang kulay, iisa ang nagbubuklod sa atin—ang ating pagmamahal sa bayan. [applause] Marami din po tayong iba-ibang paniniwala, maraming iba-ibang tinatayuan. Pero ngayong umaga, pinapakita natin, na handa nating isantabi iyong lahat nating pagkakaiba para sa ating bayan.

    Iyong atin pong ilalaban na walo, iba’t iba din iyong pinanggalingan. May nanggaling sa matinding kahirapan, may nanggaling din po sa mga pamilyang malalaking pangalan sa ating bayan. May mga dati nang nahalal, may mga unang pagkakataon ay sasabak sa halalan. Pero lahat po sila hindi matatawaran ang kakayahan. Hindi po matatawaran ang kakayahan, hindi lang sa salita, kundi sa pinakita nila na track record. Isa-isahin po natin, tingnan po natin iyong mga nakaupo sa unahan. Ipinagmamalaki po natin silang lahat.

    Hindi po naging madali—maraming diskusyon, mahabang proseso, marami debate—para makabuo po tayo ng walo na handa nating ipaglaban sa iba pang mga kandidato. Mga walo na siguro, hindi masyadong kilala. Marami po iyong nagsasabi, napakahirap ng laban nila kasi mas makapangyarihan, mas kilala iyong kanilang mga kalaban. Pero ako na po siguro iyong pinakamalaking halimbawa. Noong una po akong humarap sa inyo, noong ako po ay kumakandidato noong 2016, lahat nagsasabi, “Wala iyang kapag-a-pag-asa, hindi iyan kilala.” Mas malalaki pong pangalan iyong aking katunggali. Mas kilala, mas beterano na po sa pulitika. Nag-umpisa po ako 1%. Kapag tiningnan iyong numero sa survey, parang wala talagang kalaban-laban. Pero dahil po sa pagkakaisa natin, dahil po sa tulong ninyong lahat, naging posible iyong 1% to Vice President. [applause]

    Kung naging posible po iyon noong 2016, wala rin pong dahilan kung bakit hindi po natin maipapanalo iyong ating walo. [applause] Basta po tayo’y magkakaisa. Hindi po tayo mananalo kung hindi po tayo magkakaisa.

    Dapat po handa nating isantabi iyong mga hindi pagkakaintindihan, handa nating isantabi iyong hindi parehong mga paniniwala. Pero sabi ko nga po kanina, pinagbubuklod tayo ng pagmamahal natin sa bayan, kaya ilalaban po natin iyong ating walo.

    Sabi po ni Senator Bam kanina, handa dapat tayong mag-sakripisyo—kakatukin iyong lahat na pamilya at mga kamag-anak at mga kalapit ng bahay, ipapakilala iyong walo. Hindi po natin hihiwa-hiwalayin iyong walo, kasi iyong pag-asa po natin, ‘pag iniharap natin iyong walo na magkakasama. Dahil po itong walong ito, subok na ang pagmamahal sa bayan. Sila po iyong ating maaasahan.

    Magbabalik-tanaw po tayo sa eleksiyon noong 2016—parang katatapos lang, ‘di ba, tapos nag-e-eleksiyon na naman tayo. Magbabalik-tanaw po tayo sa eleksiyon noong 2016, alalahanin natin: ano ba iyong mga pangako ng mga kandidato na humarap sa atin noon? Natupad ba ang kanilang mga pangako? [Audience: “Hindi!”] Balikan po natin, ano ba iyong mga dahilan kung bakit binoto natin iyong mga ibinoto natin noong 2016? At sana po, ngayong 2019, kung may mga pagkakamali man tayong nagawa noong eleksiyon ng 2016, panahon po ito para itama natin iyong ating mga mali. [applause]

    Hindi po tayo magpapadala sa tamis ng salita, hindi po tayo magpapadala sa dami ng pangako, pero tingnan po natin sinu-sino ba iyong ating mga iboboto. Ano ba iyong kanilang record noong hindi pa sila humaharap sa atin? Ano ba iyong mga nagawa nila, ano iyong kanilang mga paninindigan? Dahil napakadali lang pong mangako; ang mahirap iyong pagtutupad sa pangako. Napakadali lang pong sabihin na, “Gagawin ko ito.” Pero iyong mahirap, ano ba iyong pagkatao ng bawat isa sa ating mga kandidato?

    Ngayon pong halalan na darating, pagkakataon para iwasto natin lahat. Marami pong nagrereklamo ng kung anu-ano, pero hindi po tayo nawawalan ng pag-asa. Tinitingnan lang po natin iyong walo, buhay na ulit iyong pag-asa sa ating mga puso. Tinitingnan natin iyong walo, sasabihin natin, hindi pa naman ubos iyong pag-asa sa pulitika. Mayroon pa tayong pagkakataon para linisin kung ano mang dumi ang nandiyan.

    Ngayon po, 2019 na sa susunod na taon, ilang buwan na lang mag-e-eleksiyon na ulit. Haharap po ulit tayo sa taumbayan, pero ang pagharap po natin sa taumbayan, may buong pagpapakumbaba. Pagpapakumbaba na tanggap po natin na hindi lang naman tayo ang nagmamahal sa bayan—marami namang ibang nagmamahal sa bayan. Tanggap natin na hindi tayo ang pinakamagaling. Tanggap po natin na gaya natin, marami din ang gustong mag-sakripisyo para sa bayan. Pero dahil po tinatanggap natin iyan, sinasabi din natin, ang solusyon wala naman sa mga lider. Ang solusyon nasa taumbayan. At ang solusyon, pagpili ng taumbayan ng mga lider na marunong makinig. [applause]

    Ang solusyon po, nasa bawat Pilipino na nagdadaan sa matinding kahirapan araw-araw. Ang solusyon, nasa bawat Pilipino na maraming sinasakripisyo—marami pong mga pribilehiyo na nararamdaman ng iba na hindi nila nararamdaman. Mga Pilipinong nagugutom, mga Pilipinong naghihirap. Ang solusyon po, nasa kanila. At iyong responsibilidad po natin bilang mga lider, pakinggan sila. Bumaba po tayo sa ating mga kinatatayuan at makiisa sa mga taong dumadaan sa matinding hirap dahil iyong solusyon po, nasa kanila. Makinig po tayo. Matuto sa kanila. At kumilos.

    Iyan po iyong tinatayuan ngayon ng Oposisyon Koalisyon—”Makinig. Matuto. Kumilos.” At makiisa po sa lahat ng mga Pilipino. [applause]

    Kaya ngayong umaga po, ipiniprisinta po namin sa inyong muli iyong walo: Mar Roxas, Romy Macalintal, Samira Gutoc, Chel Diokno, Erin Tañada, Florin Hilbay, Gary Alejano, Bam Aquino. [applause]

    Ang laban ng walo, laban po ng bawat Pilipino! [applause]

    Posted in Speeches on Oct 24, 2018