This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Misa Para sa Katarungan

    Office of the Vice President

    September 21, 2017

    Parish of the Holy Sacrifice, UP Diliman

    Magandang hapon po sa inyong lahat.

    Tayo po ay nagtipon-tipon ngayong hapon para gunitain ang madilim na kabanata sa ating kasaysayan, na nagsimula 45 taon na ang nakakaraan. Ginugunita po natin ngayong hapon iyong lahat na biktima ng Batas Militar. Iyong lahat na nagbuwis ng kanilang buhay para maibalik iyong ating mga karapatan. Iyong lahat na naabuso. Iyong lahat na sinaktan dahil sa lakas ng loob na sumalungat sa pamahalaan.

    Inaalala po natin iyong lahat na mga kababayan natin na nakulong dahil lamang sa kanilang paniniwala. Ang hapon pong ito, sa paggunita sa kanila, ginugunita rin natin ang mga aral noong madilim na bahagi ng ating kasaysayan. At iyong mga aral pong iyon, iyon iyong aral na dala-dala natin hanggang sa ngayon.

    Iyong kultura ng karahasan, iyong pagkawala paunti-unti ng ating mga karapatan. Iyong pagwasak ng mga institusyon ng pamahalaan. Iyong pagkawala paunti-unti din ng ating kalayaan. Iyon po iyong mga nakita natin at pinagdusahan natin noong madidilim na bahagi ng ating kasaysayan. At ngayong hapon po, sabi nga sa kanta, lahat tayo ay may pananagutan. Pananagutan na ipaalala sa sarili natin, ipaalala sa bawat isa, na hinding hindi na tayo papayag na mangyari ulit sa ating bansa iyong madilim na bahagi ng nakaraan natin.

    Malaking aral po na napulot natin noon, kapag tayo ay nagkakaisa, lahat na inaakala nating imposible, puwedeng maging posible.

    At ngayong hapon po, iba-iba man ang ating pananaw sa pulitika, iba-iba man ang ating paninindigan, nandito po tayong lahat, nagkakaisa dahil sa pagmamahal sa ating bayan.

    At iyong ating paggunita po sa Batas Militar, magpapaalala sa atin na hinding hindi natin makakalimutan iyong lahat na aral na napulot natin.

    Nakakalungkot man po, 45 taon na ang nakakaraan, 14 na taon nating pinagdusahan iyong Batas Militar, pero tila hindi pa din tayo natututo. Sa paligid po natin, tila nag-umpisa na naman iyong kultura ng karahasan. At iyong kultura ng karahasan, ang biktima hindi na lamang iyong mga sumasalungat sa gobyerno. Pero kahit sino, kahit bata, nagiging biktima ng karahasan na ito.

    Ito po nagdadala ng takot sa puso natin, sa puso ng bawat pamilya. Ang tanong lang po sa atin: Ito ba tayo? Ganito ba tayong mga Pilipino?

    At alam ko po, kayong lahat na nandito ngayong hapon, sasabihin natin, “Hindi tayo ganito.” At hinding hindi natin papayagan na iyong dating pinagdaanan natin, pagdadaanan natin ulit. At iyong pinakaaral, magkaisa po tayo. Magkaisa tayo hindi lang po para ipaglaban iyong ating mga sariling paniniwala, pero magkaisa po tayo sa pagmamahal sa ating bayan.

    Muli po, maraming maraming salamat sa pakikiisa po sa ating lahat. Nawa’y hindi po natin makalimutan ang pananagutan natin na ipaalala sa ating lahat iyong mga aral na napulot sa madilim ng bahagi ng ating kasaysayan.

    Magandang hapon pong muli sa inyong lahat.

    Posted in Speeches on Sep 21, 2017