This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo Grand Province-Wide H2H Pasasalamat

    Message of Vice President Leni Robredo
    Grand Province-Wide H2H Pasasalamat
    La Paz Football Field, La Paz Plaza, Iloilo City, Iloilo


    VP LENI: Maraming salamat! Maayong hapon, Iloilo! Maraming salamat kay Mayor Jerry Treñas. Alam niyo nagulat ako kasi ang usapan wala na tayong rally. Mayor Jerry, ang usapan magpapasalamat lang tayo sa mga nagha-house to house. Pero napakarami niyong lumabas ng mga bahay at napakaraming pumunta dito. Kaya maraming maraming salamat.

    Pero bago po ako magpatuloy, ang akin pong pagbigay galang sa ating iniidolong lingkod bayan, Senator Frank Drilon. Ang atin pong governor, Governor Toto Defensor. Ang ating former governor, Governor Art Defensor. Ang atin pong mga Congressmen, Second District Congressman Mike Gorriceta, Third District Congressman Nonoy Defensor. Ang atin pong mga mayors maliban kay Mayor Jerry, nandito din po si Mayor Carina Flores ng Oton. Nandito din po si Mayor Suzette Alquisada ng Tigbauan. Nandito din po, former mayor Juancho Alvarez ng Ajuy. Kasama din po natin, Board Member Mark Palabrica. Ang atin pong representatives ng iba't ibang mga grupo na supporters natin. 'Yung mga nag perform ngayon, 'yung mga nagha-house to house– sino ba dito sa inyo mga nagha-house to house?

    'Yung pagbisita ko po ngayong hapon, talagang pasasalamat po ito sa mga nagha-house to house. Pasasalamat po ito sa lahat ng ating supporters na mula po noong nag announce tayo ay talagang grabe na 'yung sakripisyo, karamihan ay mga abonado. Marami po tayong mga grupo, kanina po nag perform 'yung mga Doctors for Leni, nag perform 'yung UP alumni for Leni, nag perform po 'yung angel, nag perform 'yung– ano 'yun? Mamaya na tayo sumigaw. Mamaya na. Ah, dumating din po Congressman, Congresswoman Jam Jam Baronda, maraming salamat. Maraming salamat po.

    Gaya po ng sabi ko, gaya ng sabi ko, nandito ako para magpasalamat. Parang first time in history na nagha-house to house ang para Presidente saka Bise Presidente. Bakit po kailangan nating gawin ito? Kailangan po nating gawin dahil ang pinaka kalaban natin ngayon, fake news saka kasinungalingan. Alam niyo po, na bago pa man 'yung campaign period, grabe na talaga 'yung disinformation. Kaya kailangan po nating basagin ‘yung mga kasinungalingan at palitan ito ng katotohanan.

    Nagpapasalamat po kami sa inyo dahil po noong nag appeal kami sa inyo na mag house to house, talaga namang grabe 'yung sipag na pinakita niyo sa amin. Kaya maraming maraming salamat.

    Kung napapansin niyo po, ilang beses na kaming bumalik sa Iloilo. 'Yung pinakauna ko pong punta dito noong ako ay kandidato na, hindi pa official campaign period, December 4. December 4 po andito ako, pumunta po ako hindi lang Iloilo City pero pumunta po ako sa Leganes, pumunta ako sa Maasin para po bisitahin 'yung aming project doon na Community Learning Hub. Sa Leganes po kasama natin doon 'yung ating Doctors for Leni. Kaya maraming maraming salamat.

    Bumalik po ako noong February 25, nagkaroon tayo ng grand rally dito sa Iloilo City. Nag-attend ba kayo noon?

    CROWD: Yes!

    VP LENI: Ang saya di ba?

    CROWD: Yes!

    VP LENI: Masaya siya kasi walang pilitan, walang bayaran 'yung pag punta. Hindi lang hindi bayad, pero marami sa inyo abonado pa. Pero hindi niyo ba napansin? Noong rally natin, grabe 'yung spirit of bayanihan. Kahit kayo ang tagal tagal niyo naghintay, matagal na nakatayo, napakainit, pero pag uwi masaya pa din dahil alam natin na nandoon tayo para ipaglaban ang ating bayan.

    At 'yung pakiramdam natin na spirit of bayanihan, kakaiba siya. 'Yung mga pumunta sa rally na may mga baon, hindi lang para sa kanila, pero para i-ambag sa iba. Pagkatapos ng rally, ilang oras lang, malinis na 'yung rally site dahil 'yung mga rallyista mismo 'yung naglinis.

    Ang puwede lang gumawa nito, mga tao na inspirado. Bakit ba insipirado tayo? Dahil siguro pinapangako namin ni Senator Kiko, isang gobyernong tapat–

    CROWD: Angat buhay lahat!

    VP LENI: Para umangat ang buhay ng lahat. Pero pag ito simpleng pangako lang, tingin ko hindi naman kayo ganito magpapagod. Pero alam niyo na 'yung pangako gagawin namin dahil ganito talaga 'yung uri ng pamamahala na pinapaniwalaan natin. Isang pamamahala na ang mga lingkod bayan niyo, matitino at mahuhusay. Isang pamamahala na sinisiguro na ang pera ng taumbayan napapangalagaan para nakakarating sa pinakanangangailangan. Pinakita na po namin ito sa aming panunungkulan lalo na noong ako ay nasa Office of the Vice President.

    Anim na taon, maliit ‘yung mandato, mas maliit ‘yung pondo, pero marami kaming nagawa na proyekto. Dito lang po sa lalawigan ng Iloilo, kasali na ang Iloilo City, hindi ko na iisa-isahin, dahil napakarami naming proyektong dinala dito.

    In fact, noong height po ng pandemic, pumunta ako dito para bisitahin ‘yung mga proyekto natin dito. Gaya ng sinabi kanina ni Doctora, panahon ng pandemic, sino ‘yung naasahan? ‘Yung ating opisina. Pero, hindi lang po ‘yun panahon ng pandemic, lahat na krisis, lahat na sakuna, pumupunta po kami dito, sinisiguro namin na kahit papaano, makatulong kami.

    Pagkatapos po ng typhoon Odette, magki-Christmas na noon, pumunta po ako dito, nagdala po tayo ng relief goods para doon sa mga nasalanta ng bagyo. Hindi lang po ‘yun. Noong pagpunta namin dito, February 25, marahil karamihan sa inyo nakita lang ‘yung malaking rally natin dito sa Iloilo City.

    Pero bago po noon, may anim na iba pang munisipyong pinuntahan tayo. Pumunta po tayo sa Oton, umagang umaga kasama natin si Mayor Karina. Pumunta po tayo sa Concepcion kasama natin si Mayor Raul. Pumunta tayo sa Ajuy, ayun si former Mayor Juancho saka si Mayor. Sa Passi, pumunta tayo, volunteer driven ‘yung ating programa doon. Sa Pototan, pumunta tayo, Santa Barbara, pumunta tayo.

    Bakit ba tayo nagpapagod ng ganito? Bakit ba hindi tayo nakuntento na isang malaking rally lang? Dahil po, ganto ‘yung pamahalaan na pinapangako namin sa inyo. Isang pamahalaan na gobyerno ang lalapit sa tao.

    Sa anim na taon na panunungkulan ko bilang Vice President, mahigit kalahati noon nasa pinakamalalayo akong mga komunidad. Mas mahirap puntahan, mas tinutulungan. Mas naghihirap ‘yung bayan, mas tinutulungan. Hindi po namin tinitingnan kung maliit ba o kaunti lang ‘yung botante doon, kahit napaka kaunti ng tao, basta nangangailangan, tutulungan. At ito po ‘yung aasahan niyong pamahalaan sa amin.

    Noong 2016, napakalaki ng botong binigay niyo sa akin. Alam niyo, halos pareho siya ng boto na nakuha ko sa sarili kong pinanggalingan. Noong 2016, wala pa ko masyadong maipakitang resibo sa inyo. Nangako lamang ako na gagawin ko ng buong puso at husay ang pagiging Pangalawang Pangulo ko. At tiniwalaan niyo ako.

    May eleksyon o wala, nandito ako kasama niyo. Kaya ngayon, bumabalik ako, mas malakas na ‘yung loob kong hingin ang inyong tulong dahil masasabi ko sa inyo, hindi ko sinayang ‘yung tiwala na binigay ninyo sa akin. Hindi lang sa pagserbisyo sa Iloilo, hindi lang sa pagdala ng proyekto sa Iloilo, pero pinakita ko sa inyo kung ano ang magagawa ng isang pamahalaan na matino at mahusay.

    At ito ‘yung pinaglalaban natin ngayon. Ang pinaglalaban natin ngayon, ‘yung kagustuhan natin dahil nakita naman natin, puwede naman pala. Puwede naman pala ang disente pero mahusay na pamamahala. Puwede naman pala na walang korapsyon. Kasama natin dito sa taas ang inyong mga lingkod bayan dito sa Iloilo. Mga lingkod bayan na ini-idolo at hinahangaan natin dahil matitino at mahuhusay.

    Pag tinitingnan ko sila, nagiging kampante ako na talaga ang Iloilo, marunong naman pumili ng kanyang mga lingkod bayan. Ilang beses na, ilang beses ng sinubukan na idaan sa pera ang eleksyon, pero hindi nagpadala ang Iloilo.

    Ang inaasahan ko po ngayon, ganoon pa din, na kahit anong pera ‘yung gamitin, kahit anong makinarya ‘yung gamitin, ang mga Ilonggo, pipiliin pa din ang tama. Ang mga Ilonngo marunong tumingin kung sino ‘yung makakadala sa kanila ng kabutihan.

    Kaya po ngayon, malakas ‘yung loob ko. Mas malakas ‘yung loob ko ngayon. Ano ‘yun? Medic. Medic, medic? Bigyan niyo ng space. May tubig ba kayo diyan? Magdala ng tubig. Bigyan niyo ng space kung kayang madala dito, mas mabuting madala dito.

    Ayan, tatapusin ko na kasi matagal na kayong nabibilad sa araw saka matagal na kayong nakatayo. Pero maraming, maraming salamat. Pagkatapos po ng araw na ito, pagkatapos ng araw na ito, apat na araw nalang ang natitira para magkampanya tayo. Sana po ihirit pa natin ‘yung kaya nating ihirit. Kaunting tumbling nalang. Pag hinusayan natin, ang susunod kong pagbalik dito, magpapahatid na ko sa Malacañang.

    [crowd cheers]

    Kaya maraming, maraming salamat po. Mabuhay po kayong lahat.

    [END]

     

    Posted in Transcripts on May 03, 2022