This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo Blessing and Turnover of Urns of Extrajudicial Killing (EJK) Victims

    Message of Vice President Leni Robredo Blessing and Turnover of Urns of Extrajudicial Killing (EJK) Victims

    Note: Parts of this message were omitted to protect the identity of the EJK victims’ families.

    Ngayong hapon, mag-uumpisa iyong panibagong yugto ng pagdadalamhati n’yo. Tapos na iyong limang taon, mauuwi n’yo na iyong mga labi ng mga mahal n’yo sa buhay. Ako, hinuhulaan ko lang kung ano ang nararamdaman n’yo, dahil pareho n’yo, nawalan din ako. Biyuda din ako. Siyam na taon nang wala iyong asawa ko. Noong nawala iyong asawa ko, hindi din inaasahan. Bigla-bigla na lang iyong pangyayari at napakahirap para sa amin. Pero iyong dahilan ng pagkawala ng asawa ko ay aksidente. Walang marahil may kasalanan kahit sino. Pero iyong sa inyo, doble iyong bigat, dahil namatay sila sa kamay ng mga dapat sana ay nagpoprotekta sa kanila. Hindi ko lubos maisip kung ano iyong bigat na naramdaman n’yo noon. Ano iyong bigat na magpatuloy ang buhay na wala na sila. Ako, mayroon akong mga anak, mayroon akong trabaho, pero nabigatan ako nang—nabigatan ako nang lubos noong nawala iyong asawa ko.

    [...]

    Ang iba sa inyo, nakasalamuha ko na... Ang iba sa inyo, may kaunting tulong na naibigay ang aming opisina. Pero hihingi pa din ako sa inyo ng paumanhin dahil ako Pangalawang Pangulo, pero hindi ko… hindi ko nahinto iyong patayan na nangyari. Kasalanan din iyon ng lahat ng nasa pamahalaan na nangyari siya—na nangyari siya habang kami ay nanunungkulan. Ang pinakatulong siguro na mabibigay namin sa inyo, siguruhin na mabigyan ng katarungan iyong pagkamatay ng mga mahal n’yo sa buhay at siguruhin na iyong mga naiwan kahit paano ay may nasasandalan.

    [...]

    Alam ko na kahit anong sabihin ko ngayon, hindi maiibsan ang bigat. Gaya ng sabi ko, ako, siyam na taong nang nawala iyong asawa ko. Hindi naman siya pinatay—namatay siya dahil sa aksidente—pero iyong bigat, ramdam na ramdam ko pa rin hanggang ngayon. Siguro sa inyo, doble o triple sa nararamdaman ko, dahil nga pinatay iyong mga mahal n’yo sa buhay, at limang taon pa lang ang nakakaraan.

    Pero siguro iyong pinaka-kahulugan kung bakit ginagawa natin itong event dito sa loob ng simbahan, iyong pagbibigay sa inyo ng, parang, assurance na parating may dahilan kung bakit nangyari iyong mga nangyari. Na hindi kayo pababayaan, at sana lakasan n’yo iyong loob n’yo—hindi lang para sa sarili n’yo, pero alam natin maraming umaasa sa inyo.

    [...]

    Marami pa iyong puwedeng gawin. Pero sana hindi tayo mawalan ng… mawalan ng lakas ng loob. Dahil iyong bukas ay marami pang puwedeng mangyari. Hindi na natin mababalik iyong buhay ng mga nawala sa atin, pero kapag pinagbuti natin ang buhay natin, parang iyon na din iyong alay natin sa kanila: na kahit wala na sila dito ay siniguro ninyo na iyong mga naiwan nila ay napapangalagaan. Nandito lang po ako, nandito lang iyong aming opisina. Kapag may kailangan—o kahit walang kailangan; kailangan lang ng kakuwentuhan—bukas na bukas po iyong aming pinto sa inyong lahat.

     

    - 30 -

    Posted in Speeches on Oct 20, 2021