This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo to the Ati Community Ati Village, Sitio Lugutan, Brgy. Manocmanoc Malay, Aklan

    Message of Vice President Leni Robredo to the Ati Community
    Ati Village, Sitio Lugutan, Brgy. Manocmanoc Malay, Aklan

    [START 00:04]

    VP LENI: Ayan maraming salamat. Maupo po tayong lahat. Gusto ko lang pong magbigay galang sa mga kasama po natin ngayong umaga, pinakauna si Ms. Delsa Justo, ang ating Tribal Chieftain, ‘yung mga Daughters of Charity na kasama po natin ngayong umaga, si Sis. Elvira, Sis. Socorro, saka Sis. Rio. May kwento lang po akong kaonti tungkol sa kanila. Kakilala ko po sila dahil ‘yung school na pinanggalingan ko, doon po ako nag aral ng elementary saka high school, sila rin po ‘yung nagpapatakbo ng eskwelahan namin. Gusto ko din pong magbigay galang sa ating Parish Priest, kay Fr. Joe, sa mga pari po na kasama natin ngayon, si Fr. Bong, ay Fr. Bong– Fr. Vic, ayan Fr. Vic, saka si Fr. Vernon. Ayan kasama ko si Fr. Vernon kahapon. Sa inyo pong lahat, magandang umaga muli.

    Alam niyo po nagulat ako. Nagulat po ako pagdating ko na ang daming pink. Nagulat din ako na ‘yung mga bata nag chi-cheer para sa akin. Ang inaasahan ko lang po pagdating ko dito na bibisitahin ko ‘yung isa sa mga pinakahuling pinuntahan ng asawa bago siya namatay. Noong nalaman ko po na pupunta kami ng Aklan, tapos noong nalaman ko na merong pagkakataon na maka saglit kami dito sa inyo, isa po ‘yun sa sinabi ko dahil naikwento sa akin ng asawa ko ‘yung pagbisita niya dito sa inyo. At naalala ko po galit na galit siya noon na pinapaalis kayo, na alam naman natin na kayo ‘yung pinakauna, wala pang Boracay noon kayo na ‘yung nakatira dito. Malungkot po para sa amin ‘yung mga nangyari sa inyo at hindi lang kayo ‘yung dumadaan sa ganito. Merong ibang mga lugar na ‘yung mga katutubo, nawawalan talaga ng pagkakataon na maipaglaban ‘yung kanilang karapatan na manirahan dahil sa maraming bagay.

    Kanina po nakakadurog ng puso na mapakinggan ‘yung inyong pinagdaanan. Alam ko po na si Cong. Teddy Baguilat, kasama ko po siya sa Kongreso noon, siya po ‘yung Chairman ng Committee on Indigenous People, kasama siya dito pag award sa inyo, pag award sa inyo ‘yung 2.1 hectares. Tapos noong namatay si Dexter, si Secretary De Lima naman ang pumunta dito.

    ‘Yung sa akin lang po, kaya siya mahalaga na nakausap ko kayo at napakinggan ko ‘yung buong kwento, dahil ito po talaga ‘yung pangarap natin sa mga IP communities: na number one, masiguro na nakakatulog kayo gabi gabi na panatag ‘yung kalooban na hindi kayo papaalisin, na araw araw tahimik ‘yung inyong pakiramdam, na ‘yung kinatitirikan ninyo ay walang pangamba, walang pangamba na kakamkamin ng iba. Pero ‘yun ay unang hakbang pa lang ‘yun. Ang pangalawang hakbang, siguruhin na ‘yung pamahalaan binibigyan kayo ng maraming pagkakataon para, ‘yung sabi nga kanina, mabuhay na may dignidad. At natutuwa po ako na may apat ng nakapagtapos ng college. Nakita naman natin sa ating emcee, ‘yung nagsalita kanina na napakahusay. At ito talga ‘yung– ito ‘yung pinakasusi para una maging inspirasyon kayo sa mga bata, maging inspirasyon kayo na mangarap din sila na pag sila ay lumaki, maging kagaya niyo din. Maging kagaya niyo na nakakapag aral dahil ito lang talaga ‘yung susi para malabanan ‘yung kahirapan. Pero ‘yung pangatlo, sa proseso ng pagkupkop sa inyo, sa pagsiguro na hindi kayo papaalisin, sa pagbigay sa inyo ng mga pagkakataon, sisiguraduhin din natin na ‘yung kultura niyo ay hindi nawawala. Paminsan, lalo ‘yung Boracay, dinadayo ng turista, kaunti lang naman ‘yung lupa na naibigay sa inyo, ang 2.1 hectares kakarampot lang naman ‘yun sa malaking kalupaan na available. Pero paminsan hindi nakikita ng iba, ang iniisip nila ‘yung sayang na 2.1 hectares kasi pwede sanag mapalago sa negosyo. Ang hindi iniisip na ‘yung kultura niyo mas mahalaga pa sa kahit anong negosyo, na ‘yung inyong kultura ay– ‘yung pangangalaga dito ay bahagi ng ating pagiging Pilipino.

    Kaya ‘yung sa akin masaya ako na nakita ko kayo ngayon para bigyan kayo ng assurance na hindi namin kayo papabayaan. Alam ko na may mga hinaharap pa din kayo na kahirapan ngayon, kinukuwento sa akin ni Tribal Chieftain na may kaso pa dahil patuloy na naghahanap ng paraan para makuha ito. Pero hanggang nandito po kami, hindi din namin ‘yun ipapayag. Tapos siguro ‘yung pang huli, totoong nasa kampanya kami at natutuwa po ako doon sa kwento kung papaano kayo nakaabot sa desisyon na ako ‘yung tutulungan, na nagkaroon ng mga discernment ‘yung pag ano ito, pag discuss ng mga, sino ‘yung mga kandidato, ano ‘yung kanilang mga pinaninidigan. Naisip ko lang na sana ‘yung lahat ng mga komunidad ganito. Sana ‘yung lahat ng komunidad nabibigyan ng pagkakataon ‘yung mga tao na makilala kung sino ‘yung mga kandidato at nagdedesisyon sila base sa katotohanan.

    Sa paraan pong ‘yan mas maswerte kayo. Mas maswerte po kayo kaysa sa iba na nabibigyan ng ganoong pagkakataon. Ang iba, nandoon ‘yung lahat na– nandoon ‘yung lahat ng oportunidad para sa trabaho, sa negosyo, pero sa pagpili ng kandidato ay hindi napapagisipan nang maayos kung sino ‘yung– kung sino ‘yung may, ano ito– may paraan para makagalaw ng mas bwelo bilang kandidato, may pera, may pangalan. ‘Yun ‘yung pinapaniwalaan ng iba dahil hindi dumaan ng prosesong pinagdaanan niyo. Kaya ako po nagpapasalamat ako sa mga kaparian, kina Sister, sa mga community leaders na natitiyaga na merong ganitong pagpoproseso. Salamat din po at ‘yung inyong mga, ‘yung inyong mga ano ito– pink banners, ‘yung mga parol, ‘yung mga posters– natutwa akong marinig ‘yung kwento na ‘yung pinakaunang paglagay diyan ng pink ay talagang pinag tiyagaan pa para maka pa-imprenta. ‘Yun po ‘yung kakaiba sa kampanyang ito. ‘Yung kakaiba po sa kampanyang ito, ‘yung mga tao ‘yung naghahanap ng paraan para ipakita ‘yung suporta nila sa isang kandidato. Kadalasan po kasi pag kampanya ‘yung kandidato ‘yung parang ipipilit sa’yo na kami ito, pero kayo nakapag desisyon kayo galing sa mahabang pagpoproseso.

    Gusto ko din pong pasalamat ‘yung mga nag aalaga sa atin, ‘yung mga community leaders. Kanina impressed ako doon sa kwento ng every week meron kayong meeting ng mga leaders, at every month meron kayong general assembly. Ito din po ‘yung pinapangarap natin na gagawin pag tayo ay binigyan ng pagkakataon, na ma-encourage ‘yung mga communities na ginagawa ang prosesong ito. Dahil ito ‘yung paraan na kung saan ‘yung pinakamaliit sa atin, nabibigyan ng boses. Kasi ‘yung pagbibigay ng boses ay hindi naman doon natatapos, ‘yung pagbibigay ng boses isa lang ‘yung paraan para ‘yung gobyerno maka-respond, makasagot ng maayos sa mga pangangailangan ninyo, dahil kung meron man pong kailangang gawin para sa inyo, kayo ‘yung magsasabi sa amin kung ano ‘yung mga kinakailangan niyo at hindi ididikta lang namin.

    Ang akin lang– siguro pang huli na ito– ang akin lang pong– ang akin lang din na assurance sa inyo na pag tayo po binigyan ng pagkakataon, gaano man kakaunti kayo, gaano man kalayo kayo, sisiguraduhin po natin na ‘yung ating gobyerno ay inaalagaan kayo. Kaya maraming salamat po. Maraming salamat sa inspirasyon na binigay niyo sa amin ngayong araw. Bitbit po namin. Bitbit namin sa aming mga puso ‘yung narinig namin na kwento, bitbit po namin sa pag-alis namin ‘yung pagpapasalamat na kahit marami kayong hinaharap na mga problema, naiisip niyo pang magkampanya para sa akin. Kaya salamat po sa mga bata. Kanina po ‘yung nagbigay sa akin ng regalo, tinatanong ko siya kung kilala mo ba ako, ang sabi niya sa akin, Leni Robredo. So kilala niya ako. Pero maraming salamat po. Hindi po ito– hindi po ito huli na pagbisita ko. Pero una po itong pagka-bisita ko sa Boracay mula noong namatay ‘yung asawa ko, hindi pa po ako nakabalik ever. So maraming salamat sa pagkakataon na makabalik ako at makasama kayo kahit saglit. Maraming salamat po.

    [END 11:03]

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 16, 2022