This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Aniban ng Lehitimong Paninirahan na Ligtas sa Sakuna (ALPAS) I turnover

    ALPAS Site, Harmony I Subdivision, Brgy. Muzon, San Jose del Monte, Bulacan

    delivered on 14 April 2018

    Maraming salamat. Magandang hapon po sa inyong lahat!

    Ayan, bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang muna sa atin pong mga opisyal na kasama po natin ngayong hapon. Siyempre po sa pangunguna ng ama ng inyong lungsod, Mayor Art Robes, magandang hapon po. At siyempre po, iyong kaniyang maybahay, Congresswoman Rida Robes. At ito po iyong boss naming lahat, kahit po noong nasa HUDCC (Housing and Urban Development Coordinating Council) ako, siya din po iyong ama ng housing sa House of Representatives—boss po nating lahat siya— Congressman Albee Benitez.

    Nandito din po iyong ating kapitan, Kapitan Marciano Gatchalian. Alam niyo po, si Kapitan, iyong asawa niya estudyante ko. Alam niyo po kasi noong nasa Naga pa po ako, nag-aaral po ako ng abogasiya sa gabi, kapag araw, teacher ako. Iyong asawa niya estudyante ko. Dapat pala hindi ko na sinabi kasi mabubuko niyo iyong edad ko. [laughter] Pero ayan, kaya si Kap, parang estudyante ko na din. Parang batang-bata din si Kap.

    Pagbigay-galang din po sa mga local officials—ang ating pong mga councilors dito po sa San Jose del Monte, saka po iyong ating mga barangay kagawads na kasama po natin ngayong hapon: magandang hapon po sa inyo. Siyempre po si Ka Buboy, Ka Manny, at iyong buong Kilos Maralita team; iyon ating pong developer—developers— nandito po sila ngayong hapon, nandito po sa harap, iyong GBC, ano, GBC Construction. Nandito din po… siyempre hindi ko po kakalimutan iyong mga opisyal ng ALPAS I Homeowners Association, sa pangunguna ni Girlyn. Ayon. Napasok ko kanina iyong bahay ni Girlyn. Napakaganda.

    Nandito rin po si Lt. Col. Arnel Tabugon. Sinalubong po tayo kanina. Nandito rin po si Police Supt. Fritz Macariola, magandang hapon po, sir. Iyong mga beneficiaries po, hindi lang ng ALPAS I, pero iyong iba pang mga proyektong nandito, pati iyong… Nakita ko kayo kanina mga taga-North Triangle. Nakita ko kayo papasok. Sabi na, nandiyan kayo. Nakita ko kayo kanina, mga taga-North Triangle. Iyong iba pang mga… iyong iba pang mga People’s Plan sites [beneficiaries] na nandito po sa atin ngayong hapon… Mga minamahal ko pong mga kababayan: magandang, magandang hapon po sa inyong lahat!

    Ayan, alam niyo po, ngayon lang lumabas iyong boses ko. Pareho po kami ni Congresswoman Rida, ubo kami nang ubo. Galing po ako sa Germany. Mayroon po akong in-attend-an doon na conference. Dumating po ako hatinggabi na kagabi. Akala ko hindi ako makakapunta dito ngayon, kasi mga dalawa’t kalahating araw, wala po akong boses. Pero pagdating ko dito, biglang lumabas iyong aking boses. [applause]

    Noong… kagabi po, pagdating ko—alam niyo po nawala ako ng isang linggo— tinatanong po ako ng mga anak ko, “Siguro naman, Mama, wala ka nang lakad bukas saka sa Linggo?” Sabi ko, “Mayroon pa kasi bukas.” Sabi nila, “Bakit may lakad ka pa?” Sabi ko, “Hindi puwedeng… hindi puwedeng hindi ko puntahan.” At kinuwento ko sa kanila kung bakit hindi puwede.

    Tama po iyong sabi ni Ka Manny, na noong nabubuhay pa po iyong asawa ko—kahit po iyong hindi pa siya DILG Secretary, mayor pa lang po siya sa Naga—iyong tinulak niyang tinulak na paraan ng pabahay, parating People’s Plan, sa paniniwala na iyong nakakaalam kung ano talaga iyong nararapat, iyong nakakaalam kung ano talaga iyong gusto, kung sino iyong titira, ‘di ba? Kaya ito po, noong siya po ay naging DILG Secretary, binigay din sa kaniya ni Pangulong Aquino iyong obligasyon na asikasuhin iyong mga informal settlers, ito din po iyong tinulak ng asawa ko. Kung naaalala po ng mga leaders ng homeowners associations dito, dito po nagsimula iyong 50 billion [pesos] na budget. Naalala niyo iyon? Iyong 50 billion [pesos] na budget na binaba noong 2012 o 2011? 2011. Ito po iyong pagbaba para iyong… ito iyong makakadagdag sa mga pabahay ng mga wala pang bahay. Kaya lang siyempre, kahit napakalaking pera iyong 50 billion [pesos], kulang pa rin iyon sa pangangailangan. Kaya iyong inuna po iyong mga—gaya ng sabi ni Congressman Albee—iyong mga binabaha, iyong mga nasa danger zones, kaya isa kayo sa mga naunang grupo.

    Ang nakakalungkot lang po, hindi na nakita ng asawa ko iyong produkto noong tinutulak niya, kasi kung bumaba iyong 2011 na 50 billion [pesos], noong 2012 nawala na po iyong asawa ko. Pero sinabi ko po sa sarili ko na wala man iyong asawa ko, lahat na produkto ng kaniyang pagod ay pupuntahan ko. Kaya kung hindi ako nagkakamali, iyong mga napuntahan kong mga People’s Plan: iyong sa Corrinai sa Pasay; nakapunta po ako sa AMVACCA, na hanggang ngayon hindi pa lumilipat, ang tagal ko nang hinihintay; napuntahan ko rin iyong Ernestville dito po sa Quezon City; tapos iyon, iyong mga taga-North Triangle, galing pa lang kami… nag-ano pa lang kami… naggawa pa lang kami ng mga bahay doon, ‘di ba, noong nakaraang buwan, diyan sa Pasong Tamo sa Quezon City; tapos ito, at marami pang iba.

    Kaya ito po, kahit wala na iyong asawa ko, kapag nakikita ko iyong mga pamilya na mababago iyong buhay dahil mayroon nang sariling lupa at bahay, nakakatuwang isipin. Parang pakiramdam ko buhay pa din iyong asawa ko.

    Pero ito po, maraming kailangang obligasyon din… obligasyon sa bahagi niyo. Hindi lang iyong pagbabayad ng monthly amortization, pero sisiguraduhin na magiging masaya, magiging matahimik, iyong pagtira ninyo dito, kasi habambuhay nandito na [kayo]. Tama iyong sabi ni Mayor kanina: sana ito na nandito na, huwag sanang ibebenta, kasi galing ito sa dugo at pawis ninyong lahat, ‘di ba? Magmula sa pagplano, magmula sa paglakad—alam natin na ilang taon ninyo itong nilakad. Ilang taon niyo itong pinag-sakripisyuhan. Ilang taon niyo itong pinagpaguran. Kaya sana, hindi basta-basta ibebenta lamang.

    Noong ako po ay nasa HUDCC pa, kami po ni Congressman Albee, pinag-uusapan namin na sana mula noong panahon na iyon hanggang sa mga susunod na taon, iyong lahat ng ire-relocate, hindi na mahihirapan sa kuryente, sa tubig, sa kung anu-ano pang pangangailangan. Hindi pa po ako HUDCC [Chair], nag-commission na po ng survey sina Congressman Albee at natapos iyong survey na iyon na HUDCC [chair] na po ako, na hanapin iyong lahat na government properties dito sa Manila na puwede nang mapapunta sa housing. Kasi po nakita namin na ang problema, kapag masyadong malayo iyong tinatapunan ay hindi nagtatagumpay. Hindi din nagtatagumpay dahil hindi lang sa layo, kundi sa kawalan ng hanapbuhay.

    Kaya po natutuwa ako—medyo masuwerte iyong mga taga-ALPAS, ano? Medyo masuwerte, kasi napakalapit lamang. Napakalapit ng nilipatan niyo at napakaganda ng bahay. Tinatanong ko kanina kay Ka Buboy, sabi ko, “Ka Buboy, sa lahat yata ng napuntahan ko, ito na iyong pinakamalaki.” Ano? Ito na iyong pinakamalaki. [applause] Sabi ni Ka Buboy, mayroon pang isang kasinglaki din dito. Pero napakasuwerte niyo. At iyon iyong dahilan kung bakit mahalaga iyong People’s Plan, ‘di ba? Mayroon kayong boses sa pag-apruba ng disenyo ng bahay. Mayroon kayong boses sa pag-apruba ng lugar kung saan kayo dadalhin.

    Pero habang sinasabi ko po iyan ay marami tayong hihingiin kay Mayor, ‘di ba? Marami tayong hihingiin kay Mayor, alam ko iyon. Kaya kailangan siguro iyong obligasyon din natin, magrehistro na tayo dito, kasi kung patulong tayo nang patulong kay Mayor, hindi naman po tayo nakarehistro dito, mahirap naman iyon, ‘di ba? Kaya para matugunan din ni Mayor iyong maraming mga pangangailangan natin, sana maging opisyal na residents na tayo—hindi lang po ng San Jose del Monte, pero pati na din ng barangay, kay Kapitan. Hindi niyo na mahahabol iyong barangay elections, pero sa lalong madaling panahon, sana makapagpa-register na po tayo, para po iyong mga pangangailangan natin matugunan na din, ano po?

    Ayan, si Congresswoman Robes, nasa Committee on Housing siya, bossing niya din si Congressman Albee Benitez. Kilalanin niyo po si Congressman Benitez kasi boss natin siya lahat—siya po iyong tutulong sa atin. In fact, ang tagal na niya pong nagtatrabaho para sa pabahay, ano po. Noong ako po ay HUDCC [chair], madalas po akong sumasangguni sa kaniya kasi siya talaga iyong matagal na sa usapin na ito, at siya iyong nakakaalam kung ano iyong pinagmulan ng trabaho, at ano iyong susunod pa.

    Kaya ito po, iyong araw na ito labis na mahalaga, hindi lang sa inyo—alam ko sa inyo mahalagang-mahalaga—pero lalo na po siguro sa akin, kasi ngayong araw, binuhay niyo muli, ano, binuhay niyo muli iyong alaala ng aking asawa. [applause]

    Ito po, iyong pakikiisa ko po dito sa inyo, hindi lang bilang Pangalawang Pangulo, pero iyong pakikiisa ko po dito sa inyo, bilang maybahay ng yumaong Jesse Robredo.

    Kaya maraming salamat. Ka Manny, Ka Buboy, maraming salamat sa inyo. Sa atin pong developers, maraming salamat. At siyempre, sa ating mga officers, ano, sa pamumuno ni Girlyn: alam ko na kayo iyong pinakanapagod sa lahat ng ito, kaya maraming salamat sa sakripisyo ninyo. At congratulations po sa inyong lahat! Magandang hapon muli!

    Posted in Speeches on Apr 15, 2018