This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Turnover of Girls’ Dormitory to Sumilao National High School

    Turnover of girls’ dormitory to Sumilao National High School – Vista Villa Annex

    Barangay Vista Villa, Sumilao, Bukidnon

    Ayan. Magandang umaga. (Audience: “Magandang umaga!”) Ano pala, maayong udto. (Audience: “Maayong udto!”) Udto din po iyon sa Bicol kaya alam ko iyong udto. Pero hanggang doon na lang iyong alam ko. Kahit nakakaintindi ako ng Bisaya, hindi ko na kaya magsalita.

    Pero bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang muna sa mga opisyal na kasama po natin ngayon. Siyempre, sa pangunguna ng ating napakasipag at napakahusay na mayor: palakpakan po natin Mayor Sonny Villo [applause]. Ayan, si Vice Mayor po nandito sa unahan. Si Vice Mayor photographer ngayon. [laughter] Si Vice Mayor Emily Okit, palakpakan po natin si Vice. [applause] Iyong mga opisyal ng Sangguniang Bayan ng Sumilao, magandang umaga po sa inyo; iyong atin pong mga barangay captains na nandito, siyempre po sa pangunguna ng barangay captain ng… Barangay Captain Eric Gaguan—[applause]—at iba pang mga pinuno ng mga barangay; iyong ating public school District Supervisor ng Sumilao, si Mr. Ronald Lambo, magandang… magandang umaga po [applause]; Mr. John Urbina, iyong ating school principal. Ito po iyong ating guardian angel: Napakabilis po nila. Alam niyo po, June ko lang sa kanila ko na hiningi iyong dormitory, ngayon, tapos na. March pa lang, tapos na. Palakpakan po natin, Rotary Club of Makati, sa pangunguna po ng Presidente Alfredo Pascual. Si Mr. Pascual po siya din po iyong dating presidente ng UP, ano, University of the Philippines; si Engineer Vicente Bañares, President ng Alay Balay Development Corporation, saka po iyong mga board of directors na nandito; sabi po ni Mr. Pascual, kayo raw po iyong dahilan kung bakit mabilis iyong trabaho, kaya maraming salamat sa inyo. [applause] Colonel Edgardo de Leon, Sir, iyong ating Commander ng 403rd Brigade, alam niyo po kami ni Col. De Leon, nagkita kaming huli sa Myanmar noong 2016. Ngayon, nandito—hindi ko alam nandito na pala siya sa Bukidnon ngayon. [laughter] Nako, na-promote ka na tuloy, Sir; iyong ating Commander ng 1st Battalion, Lieutenant Colonel Sergio Macarandan, magandang umaga po [applause]; the officers and men of the Armed Forces of the Philippines, maraming salamat sa pag-assist niyo; siyempre po iyong—ito po, kababayan ko po itong si Sir, si Sir Pintor, kababayan natin si Philippine National Police at saka sa lahat ng PNP officers and men na kasama po natin ngayon; siyempre, iyong mga tagapangasiwa, mga teachers, mga magulang, mga estudyante ng Sumilao National High School – Vista Villa Annex, ayon; [applause] mga kapwa ko pong mga lingkod-bayan; mga kababayan ko pong taga-Bukidnon, magandang, magandang tanghali ulit sa inyong lahat.

    Alam niyo po first time ko sa barangay ninyo. (Audience: “Yes!”) Pero alam niyo po—alam po ito ni Mayor at saka ni Vice [Mayor], madalas po ako dito sa Sumilao. Kahit po noong hindi pa ako pulitiko, abogado pa lang po ako, pumupunta na po ako dito dahil iyong Sumilao farmers po, kliyente po ng aming opisina. [applause] Nasa SALIGAN po ako dati. Iyong SALIGAN po, isang NGO ng mga abogado. Kliyente po namin iyong Sumilao at pinanalo po namin iyong kaso. [applause]

    Kaya lang, alam niyo po, merong… kung naaalala niyo iyong plane crash, iyong trahedya noong 2000—ay hindi, 19—kailan ba iyon? 1997 yata, 1996 ba iyon? Iyong Cebu Pacific na—1997, ‘di ba? February 2 iyon eh. Iyong pinaka-boss po namin, si Atty. Bobby Gana, nakasama po doon. Nakasama doon sa plane crash. Dalawa pong ka-opisina ko iyong kasama. Dalawang abogado galing sa opisina namin kasi papunta po sana sila sa Sumilao.

    Pero mula po noong abogado pa lang ako, noong nag-congressman ako, saka noong nag-vice president na ako, talaga pong malapit sa puso ko iyong bayan niyo. Una po dahil doon sa mga farmers. Sunod, napakadali pong ka-trabaho ni Mayor Sonny, ano. (Audience: “Yes!”) Binibida ko po… binibida ko po kay Sir Fred kanina kung gaano kahusay ni Mayor Sonny kasi isa po sa mga adopted na mga bayan ng amin pong Angat Buhay program—iyong Office of the Vice President po mayroong anti-poverty program, tawag po doon Angat Buhay—iyong Sumilao po isa sa aming mga adopted na mga towns. Pero napakadali pong magdala dito ng tulong kasi napakahusay—napakahusay po ng pamunuan ninyo. [applause]

    Ilang beses na rin ako, Mayor, ano, ilang beses na rin ako, habang VP na po ako, ilang beses na po akong nakapunta dito. Iyong pinakauna yata iyong pagbaba noong mga toilets. Nagbigay po tayo dito ng mga toilets. Parang dalawang school buildings na iyong nababa natin, Mayor, ‘di ba? Dalawang school buildings at saka isang Kindergarten na classroom. Nagkaroon rin tayo ng… oo, FB—IFBS. Parati akong nabubulol doon. Mayroon po tayong training para sa mga farmers, 244 farmers po from 10 barangays dito sa Sumilao iyong atin pong tinutulungan. Nag-umpisa po sila sa isang training ng Pilipinas Shell Foundation, iyong ating partner, tapos nagbaba po tayo ng mga tulong sa kanila.

    Pagkatapos po ngayon, pagkagaling namin dito, kaya po hindi po ako makakatagal kasi apat po iyong lakad ko. Galing lang po ako sa airport ngayon. Medyo na-delay po iyong aming flight. Pero pagkatapos po pupunta pa po kami ni Mayor—anong barangay, Mayor, iyong pupuntahan natin? [Barangay] Puntian. Sabi ni Mayor, first time ko rin pong makakapunta doon, kasi may binigay po tayong mga kalabaw, mga farm equipment, mga, ano ito—[applause]—mga fertilizers, mga inputs, mga seedlings, para po sa ating mga farmers.

    Pero bakit po natin ito ginagawa at papaano po namin nagagawa? Kasi alam po siguro niyo na wala naman pong pera iyong aming opisina. Nagagawa po natin ito dahil sa mga organisasyon na nagmamagandang-loob tumulong, gaya po ng Rotary Club of Makati. [applause] Iyong pagpagawa po ng dormitory na ito, panaginip po ito ni Mayor. Panaginip po ni Mayor na magdala ng dormitory dito po sa inyo dahil alam po natin kung gaano kalalayo iyong mga inuuwian ng mga estudyante. Kanina po, iyong isang kausap namin na estudyante, 13 kilometers away iyong inuuwian. Napipilitan na mag-arkila, ‘di ba? Kahit hirap sa pag-arkila, napipilitan mag-arkila. Wala naman pong jeep na pumapasok, so kung kailangang sumakay, habal-habal iyong sasakyan. Napakamahal naman.

    Kaya ngayon po, ang makakatira po sa dorm na pinatayo po sa atin ng Rotary Club of Makati, initially 20—initially 20 na mga babaeng mga Grade 11 and 12, tama ba? Grade 11 and 12. Bakit po natin ito ginagawa? Kasi nakita po natin sa records na iyong attendance rate at saka iyong dropout rates, medyo mataas sa mga lugar na iyong mga estudyante, malalayo iyong inuuwian. Kaya hopefully, dahil po sa dormitory na ito, mag-improve iyong ating participation rate, mag-improve po iyong ating dropout rate. Pero may nagbubulong na sa akin kanina na sana daw mayroon ding para sa mga lalaki. [laughter] Parati pong pangarap iyan. Basta pinangarap natin, mangyayari naman, ‘di ba? [applause] Marami na tayong pinangarap na sa umpisa akala natin imposible, pero nangyayari naman kasi nagtutulong-tulong tayo.

    Ito naman po iyong pinaka-minimithi natin sa ating lugar: na sa gitna ng kahirapan, basta nagtutulong-tulong tayo, walang imposible, ‘di ba? Patuloy pong babalik-balik ako dito sa Sumilao dahil partner po namin kayo. Pero gusto ko lang po ulit kunin iyong pagkakataon na magpasalamat. Magpasalamat sa cooperation po na binibigay ng Sumilao sa opisina namin. Hindi po namin ito magagawa kundi dahil sa inyo din.

    At nagpapasalamat po tayo sa ating maraming partners. Lahat pong dinala namin dito, marami pong partners na katuwang tayo. Halimbawa iyong mga school building po namin: mayroong galing sa Philam Foundation, mayroong tulong po doon sa LBC Foundation, iyong ating training po sa farmers, galing po iyon sa Pilipinas Shell Foundation, mayroon pong mga tulong—iyong mga [farm] inputs po—galing po sa Church of the Latter Day Saints, tapos ito po ngayon, itong ating dormitory, galing sa Rotary Club of Makati.

    Sabi ko nga po kila Mr. Fred Pascual, sa atin pong mga kasama, pasensya na kayo kasi dinala ko kayo dito sa gitna, ‘di ba? Sa gitna ng mga pinyahan—[laughter]—sa gitna ng pinyahan, pero napakagandang lugar. Ma-suwerte din po iyong mga taga-Sumilao—[applause]—at napakaganda ng inyong bayan. Pero parati pong masaya, parating nakakaantig ng puso iyong bawat punta namin dahil nakikita po namin iyong init ng pagtanggap niyo sa amin, nakikita po namin iyong katuwaan. Iyong katuwaan sa mukha at sa puso ng bawat isa sa inyo.

    Ito po, Mayor, Vice Mayor, sa atin pong mga kapitan, sa ating Sangguniang Bayan members: maraming, maraming salamat po sa inyo. Sa atin pong school officials, sa DepEd, maraming salamat po sa tulong. Sa mga magulang, nakita ko po magkakaroon tayo ng houseparent, ano? Mayroon na doong vegetable garden na pinaghandaan. Excited po tayo lahat. Excited po tayo lahat sa pag-umpisang tumira sa dormitory na ito.

    Maraming salamat at magandang tanghali po sa inyong lahat. [applause]

    Posted in Speeches on Mar 14, 2019