This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Turnover of Carabaos and Farm inputs to Organic Farmers in Bukidnon

    Turnover of carabaos and farm inputs to organic farmers

    Barangay Puntian, Sumilao, Bukidnon

    Maayong hapon! (Audience: “Maayong hapon!”) Pagbigay-galang po kay Mayor, kay Vice Mayor, kasama rin natin; sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan; sa atin pong mga department heads na nandito; iyong ating mga kasamahan sa DA (Department of Agriculture); iyong ating mga barangay officials; sa inyong lahat, magandang, magandang hapon ulit. (Audience: “Magandang hapon!”)

    Napakasaya ko po na nakaabot ako dito sa inyo. [applause] Napakaganda ng lugar. Alam niyo po itong mga pinyahan, nakikita ko lang ito kapag nakasakay kami—pa-minsan kasi, Mayor, nagcha-chopper kami, naghe-helicopter po kami kapag umiikot-ikot sa mga lugar dito sa Bukidnon. Sobrang ganda niya kapag nasa taas. Parang ngayon lang ako dumaan dito sa baba. Mas maganda pala, ano? [applause] At napakasuwerte po na nandito kayo sa lugar.

    Pero mas masaya ako dahil parang nagbubunga na iyong sinimulan natin, ‘di ba? Kung naalala niyo—[applause]—nag-umpisa po iyong partnership natin 2016. Isa po kayo sa pilot—pilot na mga bayan para sa aming Angat Buhay na program. Alam niyo naman siguro iyong opisina po ng Pangalawang Pangulo, wala namang masyadong pondo, wala namang masyadong kapangyarihan. Pero noong nagsimula po kami, talagang iyong pinaka-gusto po naming magawa, mapuntahan namin iyong mga malalayong lugar na hindi na masyadong inaabot ng mga tao. Para kahit papaano, mapaalala ang mga gaya niyo na hindi naman kayo nakakalimutan ng pamahalan. [applause]

    Masuwerte po kami na napakasipag ng ating Mayor kasi po alam niyo, mayroon din po kaming in-adopt na mga bayan na hindi na namin naituloy iyong partnership kasi hindi masyadong madali na kausap iyong LGU. Pero ito pong Sumilao, isa sa pinaka-madali naming kausap—[applause]—kasi napakasipag po ni Mayor. Marami po siyang pangarap para sa inyo. [applause]

    Kanina po, nag-bless po kami ng dormitory sa Vista Villa. Dormitory po ito para sa mga babaeng Grade 11 at saka 12 para hindi na sila lumalakad nang malayo araw-araw [para] makapag-aral. Iyong pinakasadya po natin, iyong makatapos [sila] ng high school. Na hindi maging dahilan iyong kahirapan, hindi maging dahilan iyong layo ng inuuwian para hindi makatapos. Dinaanan din po namin iyong sa Tribal. Iyong classroom na nahingi din po natin na binigay diyan. Ilan na po iyong nababa natin.

    Kung naalala niyo, magkakasama tayo, ‘di ba, noong nag-graduation kayo? Noong nag-graduation kayo sa IFBS na partner po natin iyong Pilipinas Shell [Foundation]. Ito pong mga binaba natin dito, iyong mga kalabaw, iyong mga equipment, bahagi po ng programa. Kapag sinabi nating bahagi, ang programa kasi tuloy-tuloy. Tinitingnan lang po natin kapag nakakahingi tayo. Iyong ito pong mga inputs, mga kalabaw, galing po ito sa pondo ng opisina namin. Pero iyong iba pong nababa natin, iyong mga school building, iyong dormitory, iyong iba-iba pa, galing po iyon sa pondo ng mga partners namin.

    Pero ito po iyong Angat Buhay program na kahit kaunti iyong pondo, hinahanapan ng paraan para matugunan iyong mga pangangailangan.

    Parati pong masaya—kinuwento ko na po sa Vista Villa—parati pong masaya para sa akin na nakakapunta po ako ng Sumilao dahil abogado pa lang po ako, nakapunta na po ako dito dahil kami po iyong nag-abogado sa mga Sumilao farmers. Iyong amin pong NGO dati, kinuwe-kuwento ko po kanina sa Vista Villa na noong nag-crash po iyong Cebu Pacific, kung naaalala niyo, sa Cagayan de Oro, iyong boss po namin kasama doon. Iyong pinaka-boss po ng aming opisina na abogado kasi papunta po siya ng Sumilao. Dalawa po sila—iyong dalawang abogado po galing sa opisina namin—namatay doon sa plane crash na iyon.

    Kaya iyong Sumilao po, parang kabahagi na ng buhay namin dahil marami po kaming kaibigan, iyong mga magsasaka. Pero ayaw namin na parang sila lang iyong pinupuntahan namin. Kaya sa tulong po ni Mayor, nakilala po namin kayo. [applause]

    At ito lang po iyong mapapangako ko lang: paulit-ulit na magbibisita kami. Ilang beses na din po ako nakabalik dito pero sa mga darating na panahon—kaya po pina-picturan ko nang pina-picturan kasi alam ko po na iyong mga staff namin na hindi nakasama ngayon, iyong mga partners natin, kapag nakita po iyong lugar niyo, matutuwa, ano. Parang magsasabi na hindi nasasayang iyong tulong.

    Nagpapasalamat po tayo sa may-ari ng bahay. Nasaan na si Sir? Nandito po siya. Ang ganda ng bahay niya, ‘di ba? Ang ganda ng bahay niya, ang ganda ng lugar. Parang mabibigyan ka ng dahilan na bumalik nang bumalik. [cheers] Kaya po pina-picturan ko na po iyong bahay, pina-picturan ko po iyong taniman sa likod, pina-picturan ko iyong paligid para po maibahagi naman namin iyong magandang balita sa ibang lugar.

    Kaya ito po, hindi po kami makakatagal kasi babalik po kami ng Cagayan de Oro at marami pa pong okasyon doon. Pero napakalaking pasasalamat po na nabigyan niyo po kami ng pagkakataong makilala kayo ngayong umaga. (Audience: “Yehey!”) [applause] Parati pong mas masaya na mainit iyong pagtanggap niyo. Parang pakiramdam po namin may pamilya kami dito sa Sumilao.

    Kaya maraming salamat po. Hindi na po kami magtatagal. Magandang—maayong udto—maayong hapon sa inyong lahat!

    Maraming salamat po. [applause]

    Posted in Speeches on Mar 14, 2019