This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at theUgyon Pamatan-on! Leadership Summit

    Caticlan, Malay, Aklan

    Magandang hapon! Hindi pa naman kayo inaantok? [Audience: “Hindi!”] [laughter]

    Bago ako magpatuloy, pagbigay-galang muna sa mga opisyal na kasama natin ngayong hapon, sa pangunguna ng ama ng Barangay Caticlan, Barangay Captain Ralph Tolosa, magandang hapon, Kap; [applause] kasama din ni Punong Barangay Ralph iyong kaniyang new members ng Barangay Council ng Caticlan, palakpakan po natin sila. [applause] Nandito rin, Christine Hope Pagsugiron—iyong ating SK Federation President. Sabi ko, masayang-masaya ako kasi babae din iyong SK President dito, kasi sa amin, babae din. Iyong mga members ng Katipunan ng Kabataan; mga iba pang mga bisita; iyong ating mga resource speakers; sa inyo pong lahat [na] mga magulang na kasama natin ngayon; sa inyong lahat: magandang, magandang hapon muli.

    Ayan, kanina paglapag ng aming eroplano, papunta kami rito, sinabi ko parang ito yata iyong una kong pagpunta sa Caticlan na hindi Boracay iyong aking sadya. Kasi iyong mga nauna kong punta sa Caticlan, parating diretso na sa port para pumunta ng Boracay. Pero ngayon, dahil sa imbitasyon ninyo, nabigyan ako ng pagkakataon na makita iyong magandang town ninyo maliban sa Boracay.

    Kaya iyong pagpapasalamat ko sa imbitasyon nandiyan, lalong-lalo na noong nakita ko na mga… lalong lalo na noong nakita ko na mga batang-bata iyong ating mga participants. Kasi parating sinasabi, ‘di ba parati niyong naririnig iyon na: “The youth is the hope of the motherland,” ‘di ba? Parating sinasabi na iyong kinabukasan daw nasa mga kabataan. Pero ako, hindi ako naniniwala doon. Hindi ako naniniwala na iyong kinabukasan ang para sa inyo, kasi iyong paniniwala ko, iyong kasalukuyan, dapat inyo din. Hindi puwede na ma-marginalize [kayo], hindi puwede na tingnan kayo na inferior dahil bata kayo. Kasi kahit sa kabataan, kahit bata pa kayo, napakarami nang puwedeng maitulong.

    Dahil diyan, naniniwala ako na napakalaki ng role ng SK para bigyan ng direksyon at bigyan ng puso at kaluluwa iyong mga ginagawa ng mga kabataan. At natutuwa ako na iyong SK dito sa Malay, very active. Hindi pa ako nakapag-attend, hindi pa ako nakapag-attend ng isang leadership training ng mga kabataan na SK iyong nag-sponsor. [applause] Karamihan sa na-a-attendan ko, kapag SK activity, mga SK lang iyong nandiyan. Pero ito, nandito iyong mga miyembro ng Katipunan ng mga Kabataan—at tingin ko, tamang direksyon ito. Tamang direksyon para kapag panahon niyo na na kayo naman iyong magle-lead, handang-handa na.

    Iyong sa akin lang, ito siguro mensahe ito sa SK. Na ngayon na SK tayo, sana maging challenge sa atin na hindi natin gagawin iyong mga ayaw na nakikita natin pagdating sa governance. Kasi marami tayong reklamo tungkol sa ating mga officials, marami tayong reklamo kung papaano pinapatakbo iyong ating lugar, pero kapag tayo nabigyan na ng pagkakataon, kadalasan pareho rin iyong ginagawa natin, ano? Pareho rin iyong ginagawa natin na iyong ayaw natin, hindi natin namamalayan, ganoon na rin pala iyong ginagawa natin.

    Kaya ko ito nasabi kasi noong nakaraang SK elections, ano, iyong nakaraang SK elections, nagulat ako na sa ibang lugar, nagkakaroon na ng bayaran, ano? Nagkakaroon ng bilihan, nagkakaroon ng bayaran. Eh ‘di ba, kaya tayo nagkakaroon ng SK, kasi gusto natin na mahubog iyong mga kabataan sa tamang asal, mahubog iyong mga kabataan sa tamang paniniwala sa governance. Kaya ito, medyo nakakalungkot iyong aking napansin sa ibang lugar, na parang kabaliktaran iyong nangyayari. Instead na tine-train natin silang maging mabuting leaders in the future, ang nangyayari, kabaliktaran. Kasi ang nangyayari, tine-train natin sila sa mga madudumi at masasamang gawi natin.

    Kuwe-kuwentuhan ko lang kayo. Galing ako sa Naga—hindi ko alam kung alam niyo iyong Naga, nasa Bicol iyon. Galing ako sa Naga. Alam niyo dati, hindi naman ako politiko. Iyong politiko talaga sa pamilya namin iyong aking asawa. Iyong aking asawa, naging mayor ng Naga for six terms—from 1988 to 2010. Mayroon lang siyang gap na three years noong siya ay nag-term limit.

    Noong 2007, nakita niya na—may SK na noon—pero parang nakita niya na parang sayang. Parang sayang na hindi nama-maximize iyong participation ng mga kabataan, lalo iyong mga kabataan na hindi naman sumasali o kumakandidato sa SK.

    Nagkaroon ng bagong programa iyong city government: ang tawag dito, City Youth Officials Program. Iyong nangyayari sa City Youth Officials Program, January pa lang, iyong mga kabataan, nag-a-apply na sa City Hall. Kadalasan, napakaraming applicants pero ang pipiliin lang talaga 45. Kaya napaka-competitive noong pagpasok. Dalawang phases iyong exams: iyong isa written at iyong isa, interview. Iyong lalabas na number one doon sa competitive exams—both written and interview—iyon iyong ginagawang City Youth Mayor. Iyong pangalawa, iyon iyong City Youth Vice Mayor, tapos iyong next 12, iyon iyong City Youth Councilors. Mayroon silang mga counterpart. Pero iyong City Youth Mayor, pipili siya ng mga department heads, from among doon sa rank 14 until 45, ano. Nakukuha niyo? Parang siya rin ang mag-a-appoint.

    Ang kabutihan nito, for one and a half months—from April 15 to May 31—every year, iyong city youth officials, ginagawa talaga iyong trabaho ng kanilang counterpart. For one and a half months, iyong City Youth Mayor, kasama talaga siya ng Mayor sa lahat ng [kaniyang] activities. At mayroong mga activities na nanonood na lang iyong tunay na Mayor, [tapos] iyong pinapapunta niya sa harapan iyong City Youth Mayor. Ganoon din iyong iba. Iyong City Youth Vice Mayor, nakakapag-preside siya sa Sangguniang Panglunsod. Iyong City Youth Councilors, gumagawa ng sariling mga ordinansa, ano. Sariling mga ordinansa na naipapasa talaga sa Sangguniang Panglungsod. Iyong mga city youth na mga—may mga City Youth Administrator, mayroong City Youth Planning and Development Officer, may City Youth Budget Officer, lahat na departments mayroon iyong katumbas na kabataan na gumagawa ng gawain nila. Iyon, nakita namin na very, very effective. In fact, itong programang ito, humakot na ng mga napakaraming awards, including iyong Galing Pook award.

    Pero ina-assess, na iyong mga nag-city youth officials, noong sila ay mas matanda na, talagang naging mga napakahusay na mga leaders. Ilan na sa mga youth officials ang naging city councilors. Ilan na sa mga city youth officials ang mahuhusay na leaders sa kaniya-kaniyang community. So ito, nama-maximize iyong kabutihan ng kabataan.

    Ngayon, sa Office of the Vice President, hindi ko alam kung familiar kayo sa gawain ng Vice President. Dito sa atin sa Pilipinas iyong Vice President, under the law, iyong kaniyang obligasyon lamang ay siya iyong hahalili just in case may mangyari sa Presidente. Pero walang ibang mandato, walang ibang mandate, na binibigay sa kaniya—na nakakasayang, ‘di ba? Nakaksasayang kasi Vice President ka for six years, pero walang specific na mandate iyong gagawin ng opisina except ceremonial functions. Iba ito doon sa mga Office of the Vice Presidents sa ibang bansa. Halimbawa, sa America, iyong Vice President, mayroon din siyang mandato na hahalili sa Pangulo just in case something happens, pero, siya rin iyong Senate President. Siya iyong parang presiding officer ng Senado. So mayroon siyang trabaho.

    Noong nanalo ako bilang Vice President, ang kinuha kong staff, sobrang babata. Hindi ko alam kung nakita niyo sila pero iyong mga staff ko, lahat sila bata. Ako lang yata iyong matanda sa opisina. Pero iyong average age sa amin parang 26 [years old]. Bata talaga. Ang chief of staff ko is only 34 years old.

    Pero iyon, sinadyo ko iyon. Sinadya ko kasi pakiramdam ko, makakatulong sa pagbuti ng Pilipinas na maaga pa, hinuhubog na [ang kabataan]. Tapos parang sa opisina, iyong benefit din nito ay para sa opisina: napansin ko na iyong mga bata, very creative, ano, very innovative. Bukas na bukas pa. Wala pang masyadong mga judgement sa mundo. Kaya nakakapag-isip ng napaka-huhusay na mga programa.

    Naisip namin na i-convert iyong opisina from an office performing nearly ceremonial functions, to an office that is more advocacy-heavy. Ginawa namin na programa iyong Angat Buhay—iyon iyong pangalan ng programa namin, at iyon ay [isang] anti-poverty program. Iyong Angat Buhay, pumili kami ng 50 poorest communities in the Philippines at binubuhusan iyon ng tulong. Pero wala kaming pondo. Wala kaming pondo. Ang ginagawa namin for Angat Buhay, nag-conceptualize kami ng isang programa na isasali iyong private sector. So kami, parang kami lang iyong matchmaker. Kami iyong naghahanap ng poor communities, hinahanap namin kung ano iyong mga pangangailangan nila, tapos naghahanap din kami ng mga organizations or companies that are willing to help. Sinimulan namin iyon ng October 2016, ngayon very, very succesful na iyong programa. Na-realize namin na napakaraming mga private organizations who are very willing to help, hindi lang nila alam kung papaano. So kami iyong nag-gagroundwork, kami iyon lahat. Natutulungan iyong mga communities. We started with 50 communities, now, we are in 176 communities and these are very poor communities. Ito iyong mga sobrang hirap puntahan.

    Masaya na nakikita na kahit hindi gumagastos ng pera ng gobyerno, natutulungan pa rin iyong mga communities. And I think, it is something that the SK can do. Na i-maximize iyong private sector participation saka collaboration with them.

    And itong Boracay is very right for that. Napaka-swerte niyo dahil hindi lang malinis saka maganda saka pinupuntahan iyong lugar ninyo, pero iyong tourism talaga, napaka-husay. Halimbawa ngayon, paglapag ko, tatlong eroplano ang magkakasunod na dumating. Gustong sabihin: ganiyan kadami ang turistang pumupunta.

    Pero dapat iyong pumupuntang turista, nata-translate iyon sa development noong lugar. Iyong parating tanong: iyong pagpunta ba nila, bumubuti ba iyong buhay ng mga tao? Kasi iyon naman dapat iyong sukatan, ‘di ba? Dapat parati nating—dapat iyong iniisip natin na programa, papaano ba natin mama-maximize iyong pagpunta ng mga turista in terms of developing or upgrading the lives of the constituency sa Malay, kasi dapat naman talaga ganoon. May kinukuha sila sa atin eh, kasi resources natin iyon. Dapat bumabalik din sa atin. So ito, isang bagay na iyong SK, puwedeng pag-isipan gawin.

    Noong ginagawa na namin iyong Angat Buhay program, naisip namin na gusto naming magka-programa sa youth. So naisip namin i-launch iyong Angat Buhay Youth.

    Iyong Angat Buhay Youth, nagkaroon na kami ng three runs: iyong first run namin sa Manila. Nag-invite kami ng 50 youth organizations all over the country. Iyon, four-day program: mayroong leadership training, may capacity-building, etcetera. Pero iyong pinaka-finale, magpi-pitch sila ng sarili nilang mga projects. At iyong ipi-pitch nilang projects, hahanap kami ng popondo doon.

    Iyong first run, iyong nanalong project, isang organization sa Lipa. Iyong kanilang programa ang pangalan [ay] “Project Gifted.” Ang ginawa noong sa Lipa, iyong mga mahihirap na mga kabataan, mga out of school youth, tinuturuan nila ng symphony, tinuruan nilang maglaro ng instruments. Nagbuo sila ng isang symphony orchestra. At iyong lahat na nagtutugtog mga mahihirap na mga bata. Ito, iyong pinaka-layon nila iyong malayo iyong mga bata sa masamang bisyo. Pero ito, iyong kabutihan nito, iyong effect sa mga bata na kasali. Naniniwala na sa sarili, nabibigyan na ng pag-asa na bubuti iyong buhay.

    Partner din namin dito iyong Hanyang University sa Seoul, South Korea. At iyong Hanyang University sa Seoul, South Korea, iyong nagfi-first place sa aming Angat Buhay Youth program, dinadala namin doon, at nagko-compete din sila with other countries sa Hanyang University. Noong dinala namin doon during the first year iyong Project Gifted, nabigyan siya ng additional na pera para sa kaniyang program.

    Iyong second run namin was just a few months ago sa Cagayan de Oro. Iyong run naman na iyon, for organizations in Mindanao, na hindi kasama iyong ARMM. Pero iyong sadya noon, dapat iyong projects na ipi-pitch nila, dapat nag-iisip sila ng paraan para mga tungkol sa kapayapaan. Thirty youth organizations iyong aming inimbitahan. Ganoon din, four days din. Ang gaganda noong mga projects.

    Noong pumunta ako doon last day, hindi ko alam kung bakit nag-iiyakan iyong mga participants. Noong nag-aaward kami ng mga winners, nag-iiyakan sila. Iyon pala, kinukuwento noong facilitators, na noong umpisang pagpunta nila parang ang feeling nila wala silang kaalam-alam. Hindi sila marunong gumawa ng project proposal, mahiyain pa sila, parang first time na nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng leadership role. Pero during the fourth day—four days pa lang iyon—pero ibang-iba na sila. After the four days, very confident na sa sarili, mahusay iyong mga projects na pinitch.

    Iyong nanalo doon sa Cagayan de Oro, ang pangalan ng kaniyang project ay Balay Duwaan. Ito iyong [project ng] Youth for Peace Movement ng Davao Oriental. Iyong pinanalo nilang project, maglalagay sila ng isang—parang happy hub, happy place for children of rebels, iyong mga rebel returnees. Kasi may programa lang daw for rebel returnees pero walang programa para sa mga anak nila. So iyon iyong ibi-build nila. Para siyang village. Ang kanilang proposal, magkakaroon ng communal vegetable garden, magkakaroon ng learning center, magkakaroon ng recreational area, para iyong pag-rehabiltate, hindi lang doon sa… hindi lang doon sa rebel returnee pero pati iyong mga pamilya nila.

    Again, iyong nag-first place doon… kasi iyong inawardan namin top 10, even during the first run, top 10 iyong inawardan—lahat iyon may cash assistance for their project. Sa Cagayan de Oro, top 10 ulit and iyong number one, dinala ulit namin sa Seoul, South Korea. Kasama ako noong dinala namin sila doon. Again, nag-pitch ulit sila ng project doon with many other countries. Sobrang saya nila. Nine days iyong training sa Seoul. Ako two days lang. Iniwan namin sila doon. Pagbalik nila, parang ibang-iba na—ibang-iba na kasi parang nabuksan iyong mata sa mundo ng many possibilities.

    And that is what we want to impart to young people like you, na maging open, maging bukas. Kasi napakaraming puwedeng gawin, napakaraming kakayahan iyong puwedeng maiambag sa lipunan.

    Just last month, nagkaroon kami ng third run—ito naman sa ARMM. Ano iyon third run namin sa ARMM nitong October? Iyong nanalo naman doon ng cash prize… doon, nag-award naman ng top 10 [at] mayroon pang three special awards. Pero iyong nag-top prize naman doon, Okir University Arts Club from Lanao del Sur. Ang kanila namang proposal ay art therapy workshops for children na na-displace dahil sa Marawi siege. Next year, sa March, dadalhin din namin sila sa Seoul, South Korea because of the partnership with Hanyang University. Kaya ang pagnanais ko, sana kapag nagkaroon na kami ng Visayas run, makapag-participate din kayo.

    Pero why am I telling you this? Bakit ko kinukuwento sa inyo iyong mga ginagawa namin, iyong mga nangyayari? Kasi tingin ko kami na nasa pamahalaan, ang obligasyon namin hindi kayo sasabihan kung ano ang gagawin ninyo. Pero ang obligasyon namin, dapat kami ay enablers, ‘di ba? Dapat in-e-enable namin kayo na maging mahuhusay. Dapat binibigyan kayo ng space at saka opportunities para ma-harness niyo iyong inyong talents. Dapat binibigyan kayo ng push, binibigyan kayo ng encouragement para magawa niyo iyong mga bagay to the best of your abilities. Kasi tingin ko kung sinasabi lang namin sa inyo kung anong gagawin ninyo, hindi kayo magiging mahusay. Siguro, magiging masunurin kayo; pero hindi kayo huhusay, kasi sunod lang kayo nang sunod. Dapat kami iyong ginagawa namin, sinisiguro namin na na-eexplore niyo iyong lahat ng opportunities na available, na wina-widen namin iyong horizons niyo para maging mahusay kayo sa mas mahusay.

    Naalala ko iyong… my late husband, parati niyang sinasabi na, “We should make the best better.” So iyong best, hindi pa iyon iyong sukdulan, kasi everyday is an opportunity to grow. Everyday is an opportunity to be better than what we were before.

    So iyon iyong aking wish for you, at sana in the coming days, in the coming years when we see each other again, iyong naabot niyo grabe na. Kasi iyong pagbiyahe, iyong pag-meet ng ibang tao, iyon iyong nakaka-widen ng horizons. And that is also my hope not only to the participants here but also to the facilitators, na iyon iyong ating mga SK chairmen.

    Pero the mere fact na ginawa ang programang ito, I would like to congratulate the SK leadership na nakaisip ng isang kakaibang programa para maging inclusive iyong paggalaw ng mga kabataan dito sa Malay.

    With that, nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Magandang hapon muli at maraming salamat. [applause]

    Posted in Speeches on Nov 08, 2018