This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Thanksgiving Program at Pola, Oriental Mindoro

    27 August 2016

    delivered on 26 August 2016

    Matagal na po akong gustong makapunta dito dahil doon po sa amin sa Naga, mayroon pong Rural Bank of Pola. Kaya alam na alam ko na po ‘yong Pola. Noong una ko pong nakita iyong Rural Bank of Pola, hindi ko po alam kung nasaan iyon. Kaya tinatanong ko po, saan po ‘yong Pola, sabi po nila sa Oriental Mindoro po.

    Kaya ‘nong una ko pong nakilala si Mayor, sabi ko alam ko na ‘yong ang Pola dahil mayroon kaming Rural Bank of Pola. Ngayon pong nakarating na ako sa napakagandang bayan ninyo.

    Sabi ko nga po, pagpasok pa lang namin sa bayan, sabi ko parang napakasarap tumira dito kasi napakatahimik. Sabi po ni Mayor, opo magkakilala po kaming lahat dito.

    Sabi ko po sa kanya, ganoon din po kami sa Naga dati. Magkakilala agad, alam mo kaagad kung mayroong dayo. Pero ngayon na medyo umunlad na nang kaunti, marami nang hindi kilala.

    Kaya sana po hanggang sa katapusan ganito ‘yong Pola na magkakakilala lahat. Para pakiramdam natin iisang pamilya lang talaga tayo.

    ‘Yon atin pong pagbisita ngayon, bahagi po ito ng pangako ko noong panahon ng kampanya. ‘Yong pangako ko noong panahon ng kampanya, hindi ko po iiwanan ang mga nasa laylayan ng lipunan.

    At mula po noong ako ay manalo, Lunes hanggang Huwebes nasa Maynila po ako. Pero Biyernes, Sabado, talaga pong bumibisita ako sa mga probinsya. Ngayon po nandito po ako sa Oriental Mindoro, bukas po nasa Tarlac naman po.

    Noong nakaraan pong Biyernes din, kinukuwento ko po doon sa una po naming pinuntahan, ang binista po namin mga coastal na mga bayan sa Quezon. Galing po kami sa bayan ng Alabat, bayan ng Perez, bayan ng Quezon.

    Pero bakit po ito ang mga bayan na pinupuntahan namin? Gaya po rito, maliit lang ang Pola. Ganito po ang hinahanap namin, mga maliliit at malalayo.

    Dahil sa amin pong karanasan, karaniwan sa maliliit at malalayo iyon ang medyo paminsan nakakalimutan puntahan. Kaya naman po sa mga ganito kami pumupunta, para naman nabibigyan ng mukha ‘yong national na pamahalaan.

    Kanina po umakyat po kami doon sa mga Mangyan. Actually po pangalawang beses ko na pong nakabisita sa isang Mangyan community.

    Noong 2014 po, pumunta naman po ako sa Occidental Mindoro. Ang binisita ko po doon isang bayan. Umakyat din po ako sa isang Mangyan community at inakyat ko po ‘yon dahil nabalitaan ko po nakapunta na doon ang asawa ko.

    Alam n’yo po, marahil narinig na po ninyo ang kuwento ng asawa ko. ‘Yong asawa ko po siya po talaga iyong pulitiko sa amin. Siya po ‘yong pagkatapos po namin mag-asawa, naging Mayor na po siya ng Naga. At naging Mayor po siya ng Naga anim na termino — halos benteng taon.

    Pero sa pamilya po namin, siya lamang ‘yong pulitiko. Ako po ay ‘yong asawang nasa likod lamang na tumutulong. Noong panahon po na siya ay Mayor sa amin, ako naman po ay isang abugada. Pero ‘yon akin pong pagka-abugado, talaga pong pumupunta ako sa mga pinakamalalayong mga lugar doon po sa amin sa Bicol.

    At iyong pinaninilbihan ko po talaga iyong mga magsasaka, mga mangingisda, mga katutubo, mga urban poor, mga manggagawa, mga kababaihan. Iyon po ‘yong buhay namin mag-asawa noon.

    Pareho po kaming nasa paglilingkod sa publiko, pero siya lamang po ‘yong nasa gobyerno, ako po pribado. Pero alam n’yo naman po nandito po ang aking RD, kasama n’ya po ‘yong asawa ko dati sa DILG.

    Na-appoint po ‘yong asawa ko sa DILG noong 2010 mula po ‘nong naging pangulo si Pangulong Aquino. Pero nakadalawang tao lamang po siya sa kanyang panunungkulan ‘nong bumagsak ang kanyang eroplano.

    Galing po siyang Cebu pauwi po siya sa amin sa Naga, hindi na siya nakarating. Bumagsak po ang kanyang eruplano sa Masbate. Mula po nang bumagsak ang eruplano ng asawa ko, doon po nabago ‘yong buhay po naming mag-iina.

    Tatlong babae po ang aming anak. Nabago ang aming buhay dahil iyong puwang po na naiwan ng aking asawa doon sa amin, ako na ‘yong tinutulak ng aming mga kababayan na ako ‘yong humalili.

    Alam na alam po ito ng Governor Boy dahil magkaibigan po sila ng asawa ko. Alam n’ya po na ayaw na ayaw ko naman pong pumasok sa pulitika. Pero sadya po yatang ganoon ang tadhana.

    ‘Yong ayaw mo doon ka naman kakaladkarin. Kaya po bigla na lang, sapilitan naging Congresswoman po ako bigla-bigla. Ang sabi ko ‘nong naging Congresswoman ako, isang termino lang ako manunungkulan.

    Kasi sabi ko po, mas gusto ko yatang mas tahimik na buhay. Sabi ko po, isang termino lang pagkatapos ng termino ko sa 2016, mag-aabugado na uli ako.

    Ito po ang nangyari sa akin. Hindi pa nga ako nakakapagtapos ng aking panunungkulan bilang Congresswoman, naitulak na naman ako para tumakbo sa pagka-Pangalawang Pangulo.

    At alam n’yo naman siguro, sino lang naman ang nakakakilala sa akin ‘nong ako’y nag-uumpisa. Pero nagpapasalamat po ako sa dalawang ito, dahil po kahit hindi ako nakapunta sa inyo, talagang iginapang naman ako nitong dalawang ito at ng ating iba pa nating mga kasamahan.

    Kahit po na hindi ako personal na kilala talagang pinaglaban ako, kaya naman po malaki ang pinanalo ko dito sa Oriental Mindoro.

    Kaya maraming maraming salamat din sa inyo.

    Pero marahil po alam n’yo din, alam n’yo po ang pangalawang pangulo ang pinaka-papel n’ya po sa gobyerno ay suporta sa pangulo. Pero pagkatapos po ‘non, parang walang masyadong nasasabi sa gagawin.

    Kaya ‘nong pagkapanalo ko, sinabi ko na po sa opisina ko, na gusto ko sa anim na taon na darating, marami tayong gagawin at itutulak natin ‘yong mga adbokasiyang matagal ko nang itinutulak.

    At isa po sa mga adbokasiyang ‘yon, ‘yon pong pagtulong sa mga mahihirap. Iyon po ang adbokasiya sa gutom, sa malnutrisyon, sa kalusugan, sa edukasayon — ‘yon po ang aking mga itinutulak.

    At iyong pagpunta ko po dito ngayon umaga, ‘yon pong pag-akyat ko sa mga Mangyan, doon po sa Barangay, marami pong love letter na ibinigay sa akin. Iyon po ‘yong mga hinaing at kahilingan nila.

    At ‘yon akin pong pangako sa kanila, pagbalik ko po sa Maynila, babasahin ko isa-isa ‘yong kanilang sulat para po susubukan nating may matugunan. Bakit po natin ito ginagawa?

    Kasi po gaya ‘nong sa Barangay, ilan beses lang naman po sa kanilang pagkabuhay mabibisita sila ng isang opisyal ng pamahalaang nasyonal. Bihira lang po iyan. Kaya po ngayon naman nabisita sila, obligasyon kong pakinggan ang kanilang mga hinaing.

    Kaya lang po hindi ako magbibigay ng maraming oras, dahil alam n’yo muntik pa akong hindi na naman matuloy ngayong araw. Sobrang lakas po ng ulan sa Maynila pag-alis namin. Hindi po kami nakaalis ng alas-syete kasi sobrang ulan.

    Sabi po sa amin, dapat po hindi lalampas ala-una makabalik na kami kasi uulan daw po dito mamaya. Sabi po sa amin sa Maynila.

    Kaya sabi ko kahit gusto ko ng mas matagal na oras mamalagi, hindi po ako makakatagal. Imbis na mapakinggan ko ‘yong mga kwento sana nila, ipinasulat na lang po namin.

    Kaya baon ko po sa pagbalik doon ‘yon pong kanilang mga sulat. At ako po ay natutuwa, alam ko po si Governor busing-busy ngayon… [unintelligible] sa Camp Crame, sabi ko po, Gov pupunta ka ba sa Pola?

    Sabi nya oo naman, syempre. Kaya maraming maraming salamat po, Governor.

    Pero alam ninyo po, umakyat po ako sa barangay, sementado ‘yong paakyat. Kaya parang nagpapakita na hindi nagpapabaya. Hindi po nagpapabaya ‘yong ating mga opisyal dito.

    Kaya po ako naman ang sabi ko pumunta ako dito para magbigay ng inspirasyon, pero ako yata ‘yong uuwi sa Maynila ng ako ‘yong nabigyan nila ng inspirasyon.

    Dahil po sa pinakita ninyo, na dito sa inyo, nagtutulungan talaga ‘yong pamahalaan at ‘yong ordinaryong tao. Kasi ‘yon naman po ang gusto natin. ‘Yon naman po ang gusto nating ipaabot sa lahat. Nadaanan naman po sa lahat sa mahinahon.

    Dadaanin natin sa pakikipagtulungan kaya po bitbit po namin ngayon UNICEF at UNILAB nandoon po sila, iniwan na po namin sa Barangay para po makausap uli kayo.

    Sila po ‘yong naiwan doon para pakinggan ‘yong mga pangangailangan doon at sana po sa susunod naming pagbalik, dala na namin ‘yong mga kasagutan sa mga hinaing ng inyong mga kababayan.

    Kaya ngayong umaga po nagpapasalamat po ako sa inyo, hindi lang po dahil nakilala ko na kayong personal at narinig ko na ang inyong mga istorya, pero dahil din po sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na personal na mapamahagi po sa inyo ‘yong aking pasasalamat sa inyo pong suporta at tulong na ibinigay sa akin noong nakaraang eleksyon.

    Ang akin naman pong pangako hindi ko po makakalimutan ang aking utang na loob sa inyo at nandito po ako para patuloy na makining kung ano po ‘yong mga inyong mga pangangailangan at sa akin pong makakaya, susubukan po nating matugunan iyon.

    Magandang umaga pong muli sa inyong lahat at maraming maraming salamat muli sa inyo.

    Posted in Speeches on Aug 27, 2016