This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at Sumilao, Bukidnon

    23 September 2016

    Magandang hapon po muli.

    Iyong pangako ko po sa inyo noong huli kong pag punta. Noong huli kong pagpunta, kandidato na ba ako?

    Hindi pa ako kandidato. Nag-iisip pa lang kung mag kandidato o hindi. Pero noong pumunta po kayo ng Manila, para ipakita niyo ang inyong suporta sa akin, nangako po ako sa inyo na manalo o matalo, babalik agad ako sa inyo para magbisita.

    Pero alam ninyo po, aaminin ko hindi pa sana ako ngayon pupunta. Ngayon po pupunta sana ako kina Congresswoman Kaka sa Dinagat. Iyon talaga ang aking schedule, pupunta ako doon para kay Yoyong.

    Akala ko makakahigop ako ng sabaw ngayong araw para kay Yoyong. Kaya lang nag-iba ang isip ni Yoyong. Kaya noong nag-iba siya ng isip, hindi na ako matutuloy sa Dinagat, sabi ko buti pa sa Sumilao na lang ako pumunta, kasi biglang nabakante iyong aking araw.

    Kaya tinanong ko po si Congresswoman Kaka, kasi dapat doon ako sa kanya pupunta. Sabi ko ho, Kaka pwede bang patanong sa ating mga kaibigan sa Sumilao, pwede bang ngayon na lang ako pupunta doon, na September 23.

    At mabuti naman umoo si Cong. Kaka, nandito din si Yoyong. Hindi ninyo ba nahahalata, gumaguwapo? May pinapaguwapuhan na kasi. Kaya ngayong hapon po masayang masaya ako na nakabalik ako.

    Alam ninyo naman medyo marami na tayong pinagsamahan. Kaya itong pagbalik ko parang umuwi din lang ako sa amin. Kayo ilang beses na kayo nakapunta sa amin, hindi lang sa Manila kung hindi pati doon sa amin sa Bicol. Pati din po sa Naga nakapunta na kayo.

    Ngayon naman ako uli ang babalik dito. Mas pasasalamat ang aking pagbisita. Mas pasasalamat, pero habang nandito na ako, iyong mga problema ninyo po pinapalista ko kanina sa aking staff.

    Iyong mga sinasabi ninyo pinapalista ko na kasi ngayon po medyo iba na ang sitwasyon. Ngayon na bumabalik ako dito sa inyo, mayroon kaunti na binigay sa akin na puwesto. Nasa puwesto po ako ngayon, nasa posisyon para mas lalong makatulong sa inyo.

    Noong una ko ho kasing punta dito, nakinig lamang ako, pero Congresswoman pa lang po ako noon, hindi ko naman kayo sakop. Kaya ‘yong inyong mga pinaabot sa akin, siyempre kay Congresswoman Malou natin idudulog at nagpapasalamat po tayo kay Congresswoman Malou.

    Pagpunta ko dito dati wala siya, mayron po siyang conference abroad pero ang kanya pong staff sobra ang pag-asikaso sa amin. Kaya maraming salamat po sa staff ni Congresswoman Malou.

    Pero ngayon po pinapakinggan ko po nasalisa ang mga tribo, at si Mayor po ini-interview ko kanina. Nagkukwento po si Mayor na iyong Sumilao isa sa pinakamahirap na bayan ng Bukidnon. At kinukwento niya din po kung ano iyong mga kahirapan na pinagdadaanan.

    Pinanood ko rin ang inyong pinalabas kanina, sinabi ko po kay Jesse, iyong staff ko, na kung puwede namang humingi ng kopra noong pinanood ninyo. Kasi sa October 10 po sa inyong anniversary, mayroon po kaming Anti-Poverty Summit sa Manila.

    Ang Anti-Poverty Summit po ang mga kausap po namin doon, mga pribadong korporasyon. Gaya po ng sabi ni Congresswoman Malou, medyo iyon po ang aking pinanggalingan, dahil marami po ako, noong ako po ay Congresswoman na, dahil po kaunti naman ang pera na nakalaan para sa distrito, lahat lahat pong pangangailangan, dinudulog ko sa pribado.

    Ngayon po na Vice President na ako, ang opisina ko po wala din masyadong pondo, pero hindi po iyon dahilan para hindi tayo makatulong. Kaya muli, dahil kulang ang pondo ng ating opisina, muli po tayong nakikidulog sa mga pribadong kumpanya at gusto po nating ipakilala sa kanila kung ano ang kalagayan ng mga sinasabi nating nasa laylayan ng lipunan.

    Kinukuwento po sa akin ni Mayor, na parang dalawang barangay lang ang nandito sa baba. Ang karamihan nasa bukirin. Ang sabi ko nga po kung ma-document sana namin, ang dahilan po dito, gusto po sana naming ipakita sa mga pribadong korporasyon kung ano ang sitwasyon dito.

    Kasi paminsan po hindi din nila alam. Marami pong gustong tumulong, pero hindi nila alam kung papano tutulong. Tinatanong ko po si Mayor kanina, ano ba ang hanapbuhay ng mga tao dito.

    Sabi ni Mayor, sa Brgy. San Vicente gumagawa dito ng magagandang mga walis. Ang sabi ko saan nila binibenta, sabi ni Mayor diyan lang sa highway. Sabi ko po siguro po papa-document namin sa aming staff.

    Para kung ma-imagine po ninyo na kung maramihan ang bibili sa ating mga gumagawa, baka makatulong sa kanilang hanapbuhay. Kanina po halos pare-pareho ang ating problema.

    Ang problema natin, support services para sa atin. Paulit-ulit po kaninang lumalabas, mayroong nakakatanim naman kayo, pero kulang ang tubig. Kinukuwento din ni Mayor kung bakit walang tubig.

    Sabi po ni Mayor ang dami kasing fish ponds sa amin. Nababawasan ang tubig para sa mga tinataniman ninyo. Hahanapan po natin iyan ng mas permanenteng solusyon.

    Mayroon po kaninang nagsalita na nag-request na kayo ng irrigation, pero ang sabi sa inyo, napakalayo ng kakabitan kaya masyadong mahal. Kaya ang sabi ko, makikipag-meeting din po tayo kay Sec. Manny Pinol para po iprisinta sa kanya kung ano ang mga kahirapan na pinagdadaanan niyo.

    Pero ang isang konseptong tinitingan ng aming opisina ngayon, marami pong mga malalayong mga lugar na ‘yong kanilang, ‘yong sinasabi niyo po, na may maaani naman sana ngayon pero hindi kayo excited kasi hindi naman marami ang kita.

    Ang dumadaming kita ‘yong may middle men. Ngayon po ang ginagawang modelo sa opisina namin, naghahanap kami ng mga mahihirap na magsasaka, pero nili-link na po namin sa merkado na mismo na hindi na siya dadaan sa mga traders.

    Marami po kaming nakausap na, may mga example na po dito. Halimbawa sa Nueva Ecija po, mayroong mga magsasaka na ang tinatanim nila ay mga sibuyas. Pero diretso na po binibili ng Jollibee, mahal ang presyo.

    Iyon po sana ang hinahanap natin, kung ano ang tinatanim ninyo dito, hahanap tayo ng malakihan na bumibili. Para hindi na masyadong dumadaan sa madaming middle men kasi kahit po marami ang ani ninyo, kung marami pang dadaanan, ang yumayaman iyong mga dadaanan hindi naman kayo.

    Kaya ito po galing kami sa Quezon noong mga nakaraang linggo, nakita ko po kasi kanina may fineature kayong coco sugar. Doon po sa Quezon ganoon din. Iyong pino-produce nilang coco sugar, ang kuwento po nila, dati kakaunti lang ang pino-produce nila dahil sila sila lang din ang nagbebentahan.

    Pero noong naka-link na sila, sila McDonald’s naman, maramihan na ang bili sa kanila, hindi na nila kaya ang hinihingi sa kanilang supply. So ganoon po ang hahanapin natin, titingnan po natin ano ang mga produktung kaya ninyong itanim ng maramihan para iyon ang hahanapan natin ng maramihan din ang bili.

    Iyon po ang assignment ng staff ko, makikipag-coordinate po siguro sa mga pangulo ng mga organisasyon para mayroon na po kaming listahan kung ano po ang mga pangangailangan, tutulungan po natin.

    Gaya kanina may nagsasalita galing taga-Malaybalay, sabi niya po hirap kayo magdala ng produkto. Mayroon kayong produkto pero hirap na dalhin iyon dito sa center.

    So iyon po ang titingnan natin, pero gaya po ng sabi ko sa inyo, halo ito na makikinig ako, tapos halo din na makikisaya. Dahil ang pagpunta ko po talaga mas pinakasadya natin ang magpasalamat sa inyo.

    Ngayon po na marami na ang hirap na pinagdadaanan, pero ang iniisip ninyo pa kung paano makatulong sa iba. Napakalaking inspirasyon po noon, alam natin kung ano ang hirap nang pinag daanan ninyo, pero ang naririnig po namin sa inyo lahat pasasalamat. Lahat pasasalamat sa kung ano ang inabot ninyo na ngayon.

    Ibang-ibang na po kayo ngayon kumpara sa noon. At sana iyong inabot ninyo ngayon, hindi kayo magsawang pagtrabahuhan pa. Kasi sabi niyo nga marami nang naabot pero marami pa ding kulang.

    At sana ang kuwento ninyo, maging inspirasyon din para sa iba. Inspirasyon na hindi umuurong sa mga laban na alam ninyo naman na kayo ang tama.

    Gaya po ng Sumilao Farmers, mahabang panahon na nakipaglaban pero dumating din ang panahon na nabigay sa kanila ang dapat sa kanila.

    Sana po ganoon din tayo. Nasa gitna ng maraming kahirapan, pinapatatag ang loob at hindi nawawalan ng pag-asa kasi alam natin na sa dulo ng lahat kung ano ang tama, kung ano ang para sa atin, iyon ang maibibigay sa atin basta hindi lang tayo umayaw sa laban.

    Maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa pagiging inspirasyon para sa aming lahat. Maraming salamat sa tulong. Maraming salamat sa pagmamahal.

    Para po sa inyong lahat, maraming salamat din sa napaka init na pagtanggap sa amin ngayon hapon.

    Posted in Speeches on Sep 23, 2016