This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at St. Josephville, San Juan City

    22 September 2016

    Magandang hapon po.

    Ako po aaminin ko po sa inyo na nagpaimbita po ako kay Sen. JV. Nagkasama po kaming una sa isang housing na event.

    Pangalawa po noong nagpresenta kami ng budget ng housing agency sa Senado.

    Kasi siya po kasi iyong number one na champion na magkaroon na tayo ng Department of Housing.

    Kinuwento ko po kay Senator JV. Sabi ko, “Senator, parati kong naririnig na mayroon daw kayong napakagandang housing project sabi ko baka gusto mo naman akong imbitahin doon.”

    At napakabilis naman ng pagdesisyon ni Senator JV ngayon agad nakapunta na ako sa inyo kaya maraming salamat Senator at maraming salamat Mayor Guia.

    Alam ninyo po iyong narinig ko noon kung gaano po ito kaganda, parang na-exceed pa ng na-experience ko ngayong hapon.

    Hindi ko inaasahan na mas maganda pa pala siya kapag pinuntahan. Kinukuwento ko po kay Mayor at kay Senator, lahat ng pinupuntahan kong housing projects, linggo linggo po tatlong lugar na housing ang pinupuntahan ko.

    Tulad po nitong linggo, galing po akong Batanes noong Lunes kasi marami pong nawalan ng bahay doon.

    Kahapon po nasa Leyte ako para mag-inspect ng Yolanda housing sa Tacloban at Palo. Ngayon po nandito ako, bukas po nasa Bukidnon ako at Cagayan de Oro.

    Housing din po ang pupuntahan ko doon, sabi ko po sa kanila, ngayon lang ako pumasok na hindi reklamo ang narinig ko bagkus nakikita ko ang mga mukha ng mga residente na masasaya ang lahat.

    Kaya kausap ko po si Ma’am Rose. Sabi ko, “Ma’am Rose, puwede naman pala. Posible naman pala na magkaroon ng ganitong kaganda at napakagandang partnership ng local government unit at NHA.”

    Sabi po ni Ma’am Rose, ang susi po kasi ang LGU talaga. Napakapalad ninyo po na ang LGU sa pamumuno ni Mayor Guia ay tinutukan ang proyekto.

    Hindi po ito mangyayari kung hindi tutok ang local government unit at NHA kaya masayang masaya po ako na nakita ko na ang matagal ko ng naririnig na successful na project dahil po sa pagpunta ko dito nanghingi po ako ng tulong kay Senator JV kanina.

    Sabi ko, “Senator JV, ipatawag natin lahat ng Metro Manila mayors, magkaroon tayo ng isang forum.”

    Pinakiusapan ko na po si Mayor Guia na mag-present at siya po iyong mag-tututor at baka puwedeng may field trip pa tayo dito, Mayor.

    Alam ninyo po, kaya ko po gusto ko iyon mangyari kasi gusto kong i-showcase na posible pala. Kasi marami na akong nabisita, nakaraang buwan galing na ako sa Laguna, isang relocation site, 6,000 families.

    Galing po ako sa Bulacan, napakaraming relocation sites doon, 18 relocation sites. Pero ayon kasi, malayo sa city.

    Kaya ang tao, pupunta doon, babalik din. Kaya po sabi ko kay Senator JV noong nasa Senado ako, hindi po ako naniniwala na i-rerelocate ang mga tao sa malayo sa trabaho.

    Kasi kung i-rerelocate mo na malayo sa trabaho, kahit gaano pa kaganda ang bahay, babalik at babalik kung walang pagkakataon na makapaghanapbuhay.

    Iyong direksyon natin ngayon, on-site, in-city. Kung hindi po posible ang on-site, basta malapit sa trabaho.

    Iyon po ang tinitingnan natin, tapos dahil po napakamahal ng lupa dito sa Manila, lahat po ganito na, low-rise saka mid-rise.

    Ito po, tinitingnan po, five storeys high, basta maayos ang paggagawa, posibleng-posible naman. Kasi paminsan, pag sinabi mong 5 storeys, lahat ayaw na sa 5th floor.

    Pero ngayon, pinakita nga ni Mayor Guia ang mga stairs, talagang mas healthy ang mga nasa taas. Nag-eexercise pero hindi masyadong pagod na pagod.

    Pero ito po ang panaginip natin: Araw-araw po nakikipag-usap ako sa mga ahensya patungkol sa housing, parati ko po inuulit sa kanila na hindi lang tayo gumagawa ng bahay.

    Gumagawa tayo ng mga communities. Kasi hindi naman puwede na bahay lang, pero hindi pa maayos ang pangbuhay.

    Ito po nakita po natin, medyo settled na kayo. Sabi ko kay Mayor, ito ang legacy ng mahahabang buhay.

    Binago mo na talaga ang buhay ng mga nakatira dito.

    Sabi ninyo nga po, dati hindi pa maayos ang kanyang buhay, siyempre nalungkot kayo noong kayo ay nasunugan.

    Pero sa kaunting sakripisyo at sa pagpapagod ng inyong opisyal, mayroon na po kayong permanenteng tirahan at hindi basta-bastang permanenteng tirahan pero tirahan na puwede ninyo ipagmalaki kahit kanino. At puwede ipamana sa inyong mga anak.

    Kaya ngayong hapon nagpapasalamat ako sa inyo, at humihingi po ako ng pag-unawa, nadistorbo ko po kayo.

    Baka natutulog po kayo kasi ang oras. Pero nagpapasalamat ako sa inyong mainit na pagtanggap sa akin, at nagpapasalamat ako kay Mayor at kay Senator JV na pinasyal nila ako sa napakagandang proyekto.

    Hayaan ninyo po, madami pa akong bisitang dadalhin dito para pag-aralan kung anong ginawa ng San Juan.

    Kasi ang pinakaaral dito, kung nakaya na ng San Juan dito, walang dahilan na hindi kaya ng ibang lungsod dito sa ating bansa.

    Hindi lang sa Metro Manila, pero sa ating bansa.

    Maraming maraming salamat Senator, maraming salamat Mayor Guia, maraming salamat sa NHA sa pagapaginhawa ng buhay ng mga pamilya dito sa St. Joseph Ville.

    Magandang magandang hapon po muli sa inyong lahat.

    Posted in Speeches on Sep 22, 2016