This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP) 2nd Anniversary

    Quezon Memorial Circle, Quezon City

    Maraming salamat! Magandang umaga sa inyong lahat. [“Magandang hapon po!”] Ayon. Talaga bang lahat ng babae iyong SNPP? [“Yes!”] Parang kakaunting lalaki iyong nandito. Kakaunti iyong nakikita ko. Pero alam naman natin kung bakit, ‘di ba? Kasi iyong mga asawa natin na lalaki, iyon iyong naghahanapbuhay. Pero bago ako magpatuloy, pagbigay-galang muna sa—pagbigay-galang sa ating presidente—Ms. Jeana Catancio, magandang umaga, Ma’am; at saka iyong lahat na officers saka members ng SNPP dito sa Metro Manila, sa 4A ba? Region 4A, saka sa buong NCR, ayon, happy second anniversary sa inyo! [applause] May dalawang guwapo sa likod: Congressman Kit Belmonte ng District 6, ayon [applause] tsaka Congressman Bolet Banal ng District 3 [applause], ayan.

    Ito, napakasaya—napakasaya na nakibahagi ako sa inyo sa inyong second anniversary. Kuwe-kuwentuhan ko lang kayo ng kaunti. ‘Di ba kasi iyong iba sa inyo naka-kuwentuhan ko na pero mas maraming hindi pa. Alam niyo, pareho lang naman ninyo ako. Isa din na ordinarying Pilipino—ordinaryong Pilipina pala. Pero wala naman akong bala pumasok sa pulitika. Iyong asawa ko iyong Mayor. Pero pagkatapos ng asawa ko, naka-anim siyang terms bilang Mayor: tatlo muna, nagpahinga, tapos tatlo ulit. Bawat pagkatapos ng term niya, pinapakiusapan na ako iyong pumalit. Parati kong sinasabi—sabi ko nga, “Over my dead body,” eh. Kasi sabi ko, never akong papasok sa pulitika.

    Alam niyo noong Mayor iyong asawa ko, mahirap din para sa akin kasi nag-asawa ako maaga. Nag-asawa ako isang taon pa lang akong nakaka-graduate sa college—22 years old pa lang. Wala namang—mas bata ka? Ano ka, 16 years old? [to audience] [laughs] Ah, mas bata pa. Pero mahirap—iyong sa akin, ang tatay ko, abogado, dapat—kasi ako iyong panganay—mag-aabogado din ako. Pero pagkatapos ng college—alam niyo nag-graduate ako noong EDSA—1986 ako nag-graduate. Aktibong-aktibo ako sa mga rally noon. Sabi ko magta-trabaho muna ako sa gobyerno bago ako mag-enroll sa law school. Pagtrabaho ko sa gobyerno, pinaka-una kong boss iyong asawa ko. Noong nagta-trabaho na ako, hindi pa isang taon, ikakasal na kami. Noong mamamanhikan iyong asawa ko sa tatay ko, ang sabi kaagad ng tatay ko: “Hindi iyan puwedeng mag-asawa. Hindi iyan puwedeng mag-asawa kasi mag-aabogado pa iyan.” Pero sabi noong asawa ko sa atay ko, “Promise po kahit mag-asawa na kami, sisiguraduhin ko na mag-aabogado pa rin siya.” Kaya noong mag-asawa na kami, siyempre nag-resign ako sa trabaho kasi hindi puwedeng mag-asawa iyong nandoon. Nagturo ako—naging teacher ako. So ano ako, full-time na teacher, nagtuturo ako sa araw, tapos nag-aaral ako sa gabi kasi iyon iyong promise ko sa Tatay ko. Noong una okay lang, pero noong nagkaroon na kami ng anak, mahirap na. Kasi po buong araw ako nagtuturo, sa gabi nag-aaral ako, siyempre iyong mga anak ko aasikasuhin ko pa.

    Alam ko, napakarami sa inyo, ganiyan din iyong pinagdadaanan, ‘di ba? Kahit nasa bahay ka lang, ‘di ba sino ba iyong pinaka-unang nagigising sa umaga sa bahay niyo? [“Nanay!”] ‘Di ba, tayo? Pinakahuling natutulog? [“Nanay!”] Walang katapusang trabaho. Paminsan nga, mas madali pang nag-oopisina ka, ‘di ba? Kaysa nasa bahay? Kasi iyong nag-oopisina, alas-singko, tapos ka na. Pero iyong mga nasa bahay, walang katapusan iyong trabaho. Kaya tayo, ganoon talaga iyong buhay natin, ‘di ba? Kapag natapos ang trabaho—sabihin natin nagta-trabaho tayo—kapag tumambay tayo sa labas, naki-tsismisan sa mga kaibigan natin, sasabihin ng iba, masama tayong babae. Pero iyong mga lalaki, kung uminom pagkatapos sa opisina, okay lang kasi lalaki naman. Kaya ko ito binabanggit kasi paminsan, hindi naiintindihan ng iba iyong kahirapan ng pagiging babae. Pero gaya niyo, dinaanan ko rin iyan kasi nagta-trabaho, nag-aaral, nag-aasikaso ng mga bata, mayor pa iyong asawa ko. Eh mayroon akong mga obligasyon sa city.

    Pero noong natapos na ako, sigurado na gusto ko na maging abogado para sa mahihirap. Kaya iyong pinakauna kong trabaho bilang abogado sa PAO. Alam niyo iyong PAO? [“Yes!”] ‘Di ba public attorney’s office ito iyong abogado ng mga walang pambayad ng abogado? So karamihan sa mga kliyente ko mga nakakulong. Kaya bawat Biyernes o Sabado, buong araw nasa kulungan ako. Nasa kulungan ako kasi iyong mga kliyente kong maghi-hearing sa susunod na linggo, ini-interview ko kasi ayaw kong i-presinta sila na hindi kami nag-usap. So ano na, parang iyong kulungan sa amin, at home na at home ako doon. Karamihan sa mga nakukulong, mga kliyente ko. Kaya lang, noong nag-aabogado na ako sa PAO, iyong mga hinuhuli na mga pulis sa drugs, sa jueteng, ako iyong magre-represent. Eh asawa ko iyong nagpahuli. [laughter] Napahuli ng asawa ko, nagpa-anti-drug drive, tapos sa akin ma-a-assign, parang nagtatampo iyong mga pulis. Sasabihin ng mga pulis, “Pinahuli ni Mayor, papalabasin naman ng misis.” [laughter]

    Kaya naisip ko, aalis na lang ako sa PAO kasi nakakahiya. Pero iyong asawa ko sinasabi, “Okay lang kasi naiintindihan ko iyong trabaho mo.” Pero naghanap ako ng ibang trabaho na parang PAO din. Nakahanap ako, ang pangalan ng opisina, SALIGAN. Hindi ko alam kung mayroon ditong nakakaalam ng SALIGAN kasi mayroon siyang Manila. Pero iyong SALIGAN, para kaming mga NGO ng mga abogado. Pero hindi kami iyong mga abogado na naghihintay sa bahay—ay, sa opisina. ‘Di ba iyong mga abogado, magara iyong mga damit, aircon iyong opisina, pupuntahan siya ng mga kliyente. Kami, hindi ganoon. Kami iyong mga abogado na parating naka-tsinelas, naka-t-shirt lang, ordinaryong damit. Pero ang opisina namin, mga communities. Pinupuntahan namin iyong iba’t ibang sektor, lalong-lalo na iyong malalayo. Kasi iyong malalayo, iyon iyong halos walang access sa abogado. Pumupunta kami ng… Bicol Region kasi ako, nagkaroon na ako ng project sa Masbate, dalawang taon. Pabalik-balik ako doon, pumupunta sa Catanduanes, sa Camarines Norte, sa Albay, pero ang mga pinupuntahan namin na communities, mga magsasaka, mga mangingisda, mga urban poor, mga manggagawa, mga kababaihan, at iba-iba pa. Iyon iyong aming communities. Ang ginagawa namin, pumupunta kami doon, tuturuan namin iyong mga sektor ng tungkol sa batas. Iyong mga batas, tinranslate namin sa Bicol para naiintindihan nila. Pagdating namin doon, tuturuan namin sila ng mga batas at tine-train namin sila. Marurunong na silang gumawa ng mga affidavit, marurunong magsulat ng complaint, alam nila iyong mga proseso kasi tine-train. Pero iyong sa amin, ginagawa namin iyon kasi ang paniniwala namin, kapag tinuruan ng karapatan, mas nasa posisyon sila para ipaglaban iyong kanilang mga karapatan. Kaya iyong gusto namin, kahit walang abogado doon, kaya nilang depensahan iyong sarili nila. Ganoon iyong ginawa ko mahigit sampung taon. Kaya iyong pagiging abogado ko, hindi ako mukhang abogado. Kasi ayaw namin na mag-aalangan iyong tao. Gusto namin, ang pakiramdam nila, kaisa lang kami sa anila. Masayang-masaya ako sa buhay noon at akala ko iyon na iyong magiging buhay ko nang matagal.

    Kaya lang noong 2010, biglang na-appoint iyong asawa ko sa DILG. Noong na-appoint iyong asawa ko sa DILG, kailangan siyang lumipat ng Maynila para mag-trabaho. Kasama niya iyong dalawa naming anak na nag-aaral na dito ng college. Ang naiwan sa akin iyong bunso kasi tatlong babae iyong anak ko. Ang naiwan sa akin iyong bunso, hindi na ako makakabiyahe kasi iyong SALIGAN, natutulog ako sa mga communities – mga apat, limang araw. Eh wala na iyong asawa ko, hindi ko na iyon magagawa. Masama man sa loob, nag-resign ako. Nag-volunteer na lang ako sa kanila. Kapag mayroong mga tutulungan sa loob lang ng Naga basta hindi mag-o-overnight kasi walang kasama iyong anak ako, ako pa rin iyon. So from 2010 to 2012, volunteer na lang ako ng SALIGAN pero hindi na ako employed sa kanila. Kaya’t siguro narinig niyo naman, 2012, dinaanan kami ng napakatinding trahedya. Naaksidente iyong asawa ko sa eroplano. Parang wala man lang warning. 54 years old iyong asawa ko. Alam niyo, hindi ko makalimutan iyong araw na iyon. Kasi iyong araw na iyon—Sabado iyon eh. Sabado, August, sunud-sunod iyong bakasyon, four days iyong weekend—Sabado hanggang Tuesday dahil National Heroes’ Day, ano. So iyong asawa ko, talagang tuwing Sabado at Linggo, umuuwi siya sa amin. Pero noong Sabadong iyon, sabi niya, “Pupunta ako ng Cebu kasi mayroon doong event, ako iyong mag-a-attend. Pero hahabol ako kasi iyong anak ko mayroong competition sa swimming.” Hindi siya nag-a-absent sa competition ng anak ko sa swimming. Sabi niya, “Hahabol ako.”

    So galing sa Cebu, nandoon pa kami sa swimming, sumakay siya sa private plane. Kapag dumadating iyong asawa ko, ako iyong parating sumusundo. Noong araw na iyon, akala ko kasi—ang text niya kasi sa akin, nag-board na daw siya ng eroplano, darating daw 4:20 ng hapon. Natapos na iyong kompetisyon ng anak ko hindi pa alas-tres. Nag-text siya, sabi niya, “Naka-board na ako.” Sabi ko, “Nako, hindi pa ako naliligo.” Sabi niya, “Sige lang, kasi 4:20 pa naman iyong dating.” So naligo ako ng madalian. Nag-drive ako—wala naman akong driver; ako lang iyong driver—nag-drive ako papuntang airport. Malapit na ako sa airport nag-text iyong asawa ko sabi niya, “Babalik iyong eroplano namin sa Cebu.” So ako, iniisip ko bakit kaya babalik? Baka may diperensya? Tinatawagan ko siya nang tinatawagan, hindi sumasagot, cannot be reached. Kaya noong tumuloy ako, nag-park lang ako sa tabi ng daan kasi hindi ko alam, maghihintay ba ako sa airport o babalik ba ako sa bahay kasi baka matagalan pa siya. Ang tagal, hindi ko nako-contact. Hanggang nagdesisyon na akong uuwi na lang ako sa bahay. Pero habang nagda-drive ako tawag ako nang tawag. Ninenerbiyos na ako. Pero pagdating ko sa bahay, biglang nag-ring na iyong telepono niya. Tinatawagan ko. Nakahinga ako nang malalim kasi gustong sabihin, nag-ring iyong telepono niya, okay na sila. Pero noong sumagot siya, sabi niya sa akin: “Tatawagan na lang kita kasi may inaasikaso ako.” Tapos hindi pa 30 minutes, tinawagan na ako naaksidente raw iyong eroplano. At ang sabi sa akin, sa Masbate raw. Sabi ko, kausap ko siya sabi niya babalik siya ng Cebu. Pero ako, parang wala pang pagtanggap—hindi ko alam kung sino na dito iyong biyuda; sino na ba dito iyong biyuda?—‘di ba ang hirap maging biyuda lalo na kung maliliit pa iyong mga anak mo. Lalo ako, babae iyong mga anak ko—siguro alam niyo iyon—kapag babae iyong mga anak, malapit na malapit sa tatay ‘di ba?

    Kaya iyong sa akin, iyon kaagad iyong inisip ko: paano iyong mga anak ko? Parang nawalan ng tatay, 12 years old pa lang iyong bunso ko, nawalan ng tatay na wala man lang. At least iyong nagkasakit para nape-prepare ka ‘di ba? Iyong nagkasakit—lalo na kung malubha iyong sakit—parang may preparasyon na baka dumating iyong araw na wala na pero sa amin, wala. Napakalakas, siya talaga iyong pinakahaligi ng bahay, nangyari iyong aksidente. Pero ako bilang nanay, alam ko hindi lang ako iyon. Alam ko kahit sino sa inyo kapag nangyari iyon ang iisipin niyo iyong mga bata: papaano ba papadaliin sa mga bata? Kaya ako, kahit napakabigat sa akin, hindi ko pinapakita sa mga anak ko na nahihirapan ako. Iniisip ko, kapag magpakita ako ng kahinaan, hihina din iyong loob ng mga anak ko.

    Naalala ko, tanong nang tanong iyong mga anak ko, “Mama, bakit kailangang mangyari ang nangyari?” Ang parati ko lang sa kanilang sinasabi na, “Regalo iyon ng Diyos sa tatay niyo kasi iyon iyong pagkamatay niya, ‘di ba nasa serbisyo? Hindi na siya naghirap. Iyon na iyong pinakamadali.” Pero siyempre, mahirap para sa akin kasi tatayo ka na nilang nanay at tatay. Kaya ako, nakita ko na iyong matinding kahirapan, nakita ko rin iyong paghihirap namin, bigla na lang naging kandidato ako, wala akong kapera-pera.

    Naging kandidato ako kasi mag-eeleksyon noon eh—2012, ang eleksyon, 2013. Biglang nawala iyong asawa ko, walang hahalili sa kaniya. Biglang kandidato ako, Congresswoman, wala akong pera. Ang kalaban ko, napakalakas na political dynasty sa amin, incumbent pa. Umikot ako, wala akong pang-arkila ng sound system. Ang dala-dala ko portable na sound system na walang microphone na ganito. Iyong clip lang—alam niyo iyon?—iyong clip, iyon lang. Wala akong—sinipagan ko lang. Mula alas-singko ng umaga hanggang gabi, naglalakad ako. Pero ang kaya ko lang—hindi ko kayang magparally—ang kaya ko lang, maliliit na grupo sa mga bahay-bahay. Pero tiniyagaan ko. Parang masyado akong yagit. Kasi kapag sinasabayan ako noong kalaban ko, ang lakas ng sound system nila. May mga ilaw, may mga raffle, paminsan may artista pa, may mga singers, may mga dancers, tapos pag-uwi ng mga tao, may mga food packs na dala. Sa amin, wala. Kung magpakain man ako, iyong binili lang na tinapay na ibabahagi sa iba. Pero alam niyo, pagdating ng eleksyon, landslide iyong panalo ko. [applause]

    Iyong sa akin, hindi talaga sa pera. Maraming lugar na masasabi kong hindi ka ma-pera, hindi ka mananalo. Pero ako iyong pinaka-halimbawa na hindi iyon totoo kasi iyong ordinaryong tao—tayo iyon—kapag makilala ka, kahit wala kang maibigay na materyal, pero alam niya na kahit may eleksyon, walang eleksyon, tumutulong ka, sasama sa iyo.

    Kaya iyong sa akin, iyon iyong parang naging adbokasiya na asikasuhin iyong mga maliliit. Kasi noong nabubuhay pa iyong asawa ko, hindi rin siya masyadong nakisama sa mga malalaking politiko, solo siya parati. Pero parati siyang panalo. Ang kakampi lang niya iyong mga maliliit dahil may eleksyon man o wala, kasama siya, ‘di ba? Kasi maraming politiko, kapag panahon ng eleksyon sasabihin, “Mahal ko iyong mahihirap.” Ganoon naman ‘di ba? Kapag eleksyon, lahat nagmamahal sa mahihirap. Pero sa akin, hindi naman eleksyon iyong basehan. Pero iyong basehan, nasaan ba siya noong panahong walang eleksyon? Ano ba iyong kaniyang mga tinatayuan? Kaya iyong tao basta alam niya iyan, kakampi siya sa mabuti. Kakampi siya sa tama. Kaya lang naman siya kumakampi sa hindi mabuti kasi kulang iyong impormasyon. Pero sa amin, may bibili ng boto parati kong sinasabi, “Kunin niyo. Kunin niyo iyong binibigay kasi inyo naman iyan. Pero i-boto niyo iyong tunay na nagmamahal sa inyo.” [applause]

    Ngayon, two years na kayo, ano? Two year anniversary. Alam niyo noong 16th Congress noong Congresswoman pa ako, isa ako sa mga co-authors noong mga batas na mag-i-institutionalize sa 4PS. Pero hindi iyon—nakapasa na siya sa third reading pero hindi nakahabol. Hindi nakahabol kasi patapos na iyong 16th Congress, ‘di ba? Pero marami pa akong ibang bills na para sana pang-suporta. Halimbawa, mayroon akong food security bill. Iyong food security, pumunta ako sa Brazil kung saan ginawa iyong 4Ps. Alam niyo iyon, ‘di ba? Parang sa Brazil, mayroon siyang Bolsa—Bolsa Familia. Mayroon siyang Bolsa Familia na naging very successful. Doon natin pinattern. Pero alam niyo, marami pang ibang programa doon na pinag-aralan namin. Iyong isa na hindi pa nagagawa kasi natapos na iyong dating administrasyon, iyong sa Brazil, maraming mga community kitchens. Ito, sa mga mahihirap na lugar, naglagay silang parang karinderya na ang bili ng pagkain, piso lang. Piso pero kumpleto iyong pagkain. Ang pinaka-kaisipan lang nila na kahit wala kang pera, makakakain ka. Pumunta kami doon, nakipila kami, napakahaba ng pila. Pero iyong piso, napakaraming pagkain. Iyong aming panaginip sana, gumawa rin dito ng ganoon pero hindi nakapasa pa.

    Iyong pangalawa, na iyong pagpapakain sa mga paaralan ang magsusuporta sana iyong mga mahihirap na magsasaka. Naging pilot iyong distrito ko—third district ng Camarines Sur. Napakagandang proyekto. Iyong mga nagkaroon tayo ng MOA, iyong mga pakain sa paaralan, binibili sa pinaka-mahihirap na mga magsasaka. Iyong income ng mga pinaka-mahihirap na magsasaka na nakasali sa programa, tumaas nang grabe. Mayroong mga PWD, mga kababaihan, na naghihirap na kasama.

    So ang dami nating panaginip para sa inyo. Pero bakit ba ginagawa ito? Bakit ba nagkaroon ng 4Ps sa Pilipinas? Ang pinakamalungkot na realidad: mahirap talagang maging mahirap dito. Hindi talaga pantay. Sa ating mga korte na lang, ‘di ba? Sa mga korte, kung mayaman ka, madali mong malusutan iyong mga kaso laban sa iyo. Pero kapag mahirap ka, wala. Pumunta ka sa jail, ewan ko kung nakabisita na kayo sa mga kulungan, iyong mga mayayaman, ano talaga, tama—VIP treatment—pero iyong mga mahihirap… May binisita akong kulungan, alam niyo iyong double deck? Iyong double deck, dalawa na iyong nakahiga sa—‘di ba dalawa iyon? Dalawa iyong nakahiga pero in between pa doon sa dalawa, naglagay pa ng parang duyan para may bumaba. Sa ilalim noong nasa baba, mayroon pang nakahiga. Mahirap maging mahirap.

    Kaya iyong sa akin iyong programang ito, pagsubok na kahit papaano mapantay man lang iyong pinanggagalingan, ‘di ba? Maipantay. Marami nang kabutihan iyong nadala ng 4Ps. Kahit papaano, nakatulong sa pang-araw-araw niyo. Pero hindi pa tayo napuputol doon. Hindi pa tayo nakukuntento kasi marami pang ibang puwedeng gawin. Masaya tayo kasi finally sa 17th Congress, nakapasa na sa House of Representatives August pa noong nakaraang taon; sa Senado nakapasa na noong January. Ang ating panaginip, mag-bicam na para naipasa na iyong batas na ini-institutionalize iyong 4Ps. Anong gustong sabihin ng institutionalization? Gustong sabihin, nasa batas na iyan. Hindi na siya maaapektuhan ng pulitika na sino man iyong nakaupo, hindi puwedeng baguhin iyong usapan ng 4Ps. Puwedeng dagdagan pero hindi puwedeng mabasag. [applause] Iyon iyong ating panaginip. Kasi ewan ko lang, ewan ko lang dito sa Manila at saka sa 4A, kasi sa amin kapag may eleksyon parati nang may mga tsismis, ‘di ba? Ewan ko kung nabalitaan niyo. May mga tsismis na tatanggalin daw iyong 4Ps. Pero kapag naisabatas na iyan, makakatulog na tayo nang mahimbing. [“Yes!”] [applause] At ang gusto sana natin, ma-expand pa kasi marami pa tayong mga kababayan na hindi na nakasali doon sa unang listahanan. Nakasali lang sila sa bagong listahananan na sana sa lalong madaling panahon, iyon na iyong puwedeng maging basehan para sa expansion.

    Noong nakaraang taon, 2018, marami sa atin iyong naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Mayroong—kaakibat iyong TRAIN law—may kaakibat na unconditional cash transfer na 200 [pesos] a month pero parang medyo mabagal iyong pagbigay. Kaya iyong sa pag-ikot ko, iyong sa iba, nakausap ko na na dapat sana January pa last year binigay pero nahuli. Ngayong taon hanggang sa 2020, iyong 200 [pesos] a month, 300 [pesos] ngayon. [“Yes!”] [applause] Kabahagi siya ng batas. Bakit 300 [pesos] a month? Kasi tumaas na naman iyong gasolina, ‘di ba? Kahit iyong ibang presyo ng mga bilihin bumaba, tumaas ulit iyong… dahil sa karagdagang, ano iyon, tax.

    Pero ito, mayroon tayong salo sa kahirapan. Iyong atin lang na panaginip, sana bilis-bilisan kasi parang nauuna iyong pagtaas ng presyo sa tulong sa atin. Pero patuloy tayong nangangarap. At iyong pinaka-pangarap natin, napakalaking bagay na organized na kayo, ‘di ba? Kasi kapag organized na kayo, may plataporma na para marinig iyong boses niyo. Kapag hindi kasi organized, kaniya-kaniyang boses, hindi tuloy maintindihan.

    Pero ngayon, mag-e-eleksyon. May 2019. Ang eleksyon na ito, napakahalaga lalo na sa Senado, ano, dahil kailangan natin ng balanse sa Senado na makikipaglaban para sa ating mga karapatan. Kaya pakiusap lang namin—hindi pa puwedeng magkampaniya ngayon—ang pakiusap namin sa inyo at sa iba niyo pang mga kasama, sana hindi sayangin ang pagkakataon. Sana hindi natin sayangin ang pagkakataon na pumili ng tunay na makikipaglaban para sa atin. [applause] Gaya noong sabi ko, kapag eleksyon, lahat mabait, lahat lalapit sa inyo at lahat magsasabi, mahal ko ang mahihirap. Pero iyong sa akin, baka puwedeng pag-aralan niyo. Pag-aralan niyo. Noong hindi pa ito kandidato, nasaan ba siya tumatayo? O kung incumbent man, iyong mga incumbent, noong panahon bang kailangan natin sila, ganiyan ba sila? Kasi madali lang iyong magsabi na, “Mahal ko kayo.” Pero huwag nating sayangin. Huwag tayong magpadala sa palakihan ng tarpaulin kasi mas malaki iyong tarpaulin, mas tatanungin mo, saan kaya galing iyong perang pampagawa niyan, ‘di ba? Iyong nagbibigay anong binibigay? Mga cellphone, kung anu-ano, ang parating tanong: saan kaya galing iyon? ‘Di ba? Kaya iyong sa akin lang, huwag sayangin. Pag-aralan. Pag-aralan sino ba talaga iyong mga magdedepensa sa mahihirap kahit hindi eleksyon kasi sigurado ako, sila rin iyong maaasahan natin, ‘di ba? Kaya iyon siguro iyong pinakamalaking pakiusap.

    At saka iyong pangalawang pakiusap, pagkatapos ko dito lilipat ako sa UP Bahay ng Alumni. Ito iyong launch ng Laylayan Koalisyon—Ahon Laylayan Koalisyon. Itong Ahon Laylayan Koalisyon, matagal na namin itong sinimulan sa opisina. Pero nag-umpisa kami sa Bicol. Pero napakaganda noong reception kasi lahat ng sektor, represented. Ang sabi ko, kapag may kailangan kayo, SNPP, ang pakikipaglaban hindi na lamang kayo pero lahat ng kabahagi ng Laylayan Koalisyon. Ang problema niyo, problema ng lahat. Bakit mahalaga iyon? Mas malakas ang boses, mas papapkinggan tayo, ‘di ba?

    Kaya iyong sa akin, panahon na para magkaisa. Marami pa tayong reklamo pero hindi puwedeng reklamo lang, dapat may gawin tayo. Kaya ito, sa pag-celebrate niyo ng second anniversary, pagkakataon na ito. Pagkakataon na lalong makabuti para sa atin lahat dito sa Pilipinas. Lahat tayo kabahagi ng pag-aayos ng buhay ng bawat isa sa atin. Hindi masamang mangarap. Parati tayong nangangarap sa mas mabuting buhay para sa lahat. Kaya… Ang tagal ko nang nagsalita kasi ang dami kong kinuwento. Pero happy anniversary sa inyo, Ma’am Jean–Ma’am Jeana, salamat sa leadership at sa inyong lahat, magandang hapon. Imbitado namin kayo. Kapag tapos na kayo dito, puwede kayong makiisa sa amin sa Laylayan Koalisyon sa UP. Maraming salamat! Happy anniversary. Magandang hapon. [applause]

    Posted in Speeches on Feb 06, 2019