This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Quezon City Homeowners Associations Pantranco Compound

    24 November 2016

    Pantranco Compound, Himlayan Road, Brgy Pasong Tamo, Quezon City

    Magandang umaga po sa inyong lahat.

    Ang saya saya naman ng umpisa ng umaga ko ang dinatnan ko ay napaka-sasayang mga tao. Kasi araw araw po ang kausap ko problema. Pero ngayon pagpunta ko, lahat masasaya, excited gaya po ninyo, excited din kami.

    Magandang umaga sa inyong lahat, mga residente ng Brgy. Pasong Tamo.

    Alam ninyo po, parang nasabihan lang ako ni Coun. Marivic noong Martes. Sabi niya po, mayroon kaming signing bukas, puwede ka bang makarating?

    Sabi ko basta housing gusto parating pumunta. Kasi parang ito ang pinaka-aasam nating lahat. Pero noong tiningnan ko po ang schedule ko noong Martes, sunod sunod din ako kahapon, lahat Makati.

    Ngayong araw po nakita ko ang Huwebes, sunod sunod din pero lahat Quezon City. Kaya pinakiusap ko kay Coun. Marivic, sabi ko gusto ko talagang pumunta. Pwede bang Huwebes hindi Miyerkules, at pwede bang maaga, para ito na ang uunahin ko bago ang iba ko pang mga lakad.

    Buti naman at pumayag pati ang PNB. Kasi sabi niya po sa akin magpapaalam muna sa PNB kung pwede. Kaya maraming salamat po sa inyo at nakarating po ako ngayong umaga.

    Hindi ko pa alam kung alam ninyo, napakahalaga po kasi ng mga ganitong proyekto sa akin kasi pakiramdam ko po, parang binubuhay ko pa din ang yumao kong asawa.

    Noong siya po ay nabubuhay pa, mula po noong siya ay Mayor ng Naga, talagang pinaka-malapit po sa kanyang puso ang mga informal settlers. Iyon po ang pinaka-una niyang inasikaso doon sa amin at naayos niya po lahat.

    Pero mas madali po sa amin kasi mas maliit ang Naga. Mas malaki pong di hamak ang Quezon City. Pero noong nabigyan po siya ng pagkakaton ng kalihim ng DILG, isa po sa tinutukan niyang adbokasiya iyon talagang pabahay para sa mahihirap.

    Ito po 2 years lang po siya naging kalihim ng DILG, pero ito po talaga ang pinaka malaking bahagi ng kanyang panunungkulan. Ang pag-asikaso ng mga maralitang taga-lungsod.

    Noong yumao po ang aking asawa, siyempre po sobrang lungkot naming mag-iina kasi isang bagay na hindi naman iyon inaasahan. Alam ninyo po ba, bata po ang asawa ko noong namatay.

    At kami naman po ay talagang magkakalapit kami. Parang naputulan kami, hindi lang po kamay at paa, pero parang ang buong katawan namin namatay na din.

    Pero isang paraan para buhayin ang kanyang ala-ala ay pagpatuloy pa din ng mga adbokasiyang malapit sa kanyang puso. Kaya po noong ako naman ay nabigyan ng pagkakataon maging Congresswoman ng third district of Camarines Sur, marami pong panukalang batas ang aking na-file, na patungkol pa din sa adbokasiya ng aking asawa at isa na po nito pabahay.

    Noong ako po ay tinulungan ninyo na manalo para sa pagka Pangalawang Pangulo, isa po ito sa pinagdadasal ko na sana mabigyan ng pagkakataon doon sa mga adbokasiyang malapit sa aking puso. Ang ating hiniling ay binigay, binigay po ang Housing.

    Pero noong ako po ay nasa Housing na, nakita ko napakarami pong problema. Pero sabi ko po, hindi tayo dapat panghinaan ng loob kasi gaya po ninyo, matagal pong naghihintay.

    Walong taon kayo naghintay. Walang dahilan para kami ay mawalan din ng pag-asa. Kaya ngayon po, halos araw-araw ng aking panunungkulan ay nakatutok sa Housing.

    Noong isang linggo po galing din po ako sa isang bahagi ng Brgy. Pasong Tamo. Doon naman po ay nag-ground breaking kami.

    Matagal din sila naghintay kasi alam noong buhay pa ang asawa ko tumutulong na sa kanila. Ngayon, nag-groundbreaking na sila. Sila po iyong mga galing doon sa North Triangle, lumipat na din sa Brgy. Pasong Tamo.

    Ngayong Linggo, talagang sabi ko napaka-sipag nitong apat na Quezon City officials na nandito. Talagang sunod-sunod ang mga proyekto para sa pabahay. Kahapon po nag-meeting ako kasama ko po ang mga Metro Manila City Mayors, nandoon po si Mayor Bistek.

    Sabi ko, napakapalad ng mga taga-Quezon City. Kasi talagang malawakan ang proyekto para sa pabahay. Napakaraming problema dito dahil napakalaki ng lugar, pero hindi nagpapabaya ang inyong opisyal para asikasuhin kayo.

    At nagpapasalamat po tayo sa kanila na kahit 8 years kayo naghintay, hindi binitawan ang proyekto. Kasi ang iba po diyan kapag ganyan katagal, umaayaw na lamang.

    At ngayon po ito ang direksyon na tinatahak. Ayaw po natin sa relokasyon na malalayo. Iyong atin pong pinaka-priority, on-site. Dahil ang kabuhayan ninyo nandito. Kung hindi talaga puwede ang on-site, basta in-city pa din.

    Kaya iyong last week po na galing North Triangle, swerte sila kasi Quezon City pa din. Kasi noong pumasok po ako, binibisita ko po ang mga relocation sites.

    Gaya po noong nakaraang buwan, nasa Bulacan po ako napakaraming taga-Quezon City doon. Sa Bocaue, Bulacan maraming taga Quezon City. Pero ang reklamo po nila, napalayo sila sa kanilang hanapbuhay.

    Iyong pag-alala po natin, pagnilalayo mo sa hanapbuhay, parang pinapatay mo din ang bahagi ng katawan. Sa atin po, ito ang ating susundin ngayon.

    Maging aktibo po tayo na tumulong sa mga local government officials para maghanap ng mga lupa dito sa Manila.

    Alam ninyo po kung hindi masisipag sila, kinukwento sa akin ni Coun. Marivic, kung paano nabili ang lupang ito. Di sana po papaalisin kayo kung hindi ito nabila. Nagpapasalamat po tayo sa sipag at tiyaga ng ating mga opisyal.

    Ito po ay on-site, may mga katulong po tayo sa proyekto, isa po ito sa mga direksyon natin. Iyong mga on-site na nabibili, gusto po natin ayusin lahat.

    Para maganda pa din. Hindi lang hindi kayo pinaalis, pero ang araw-araw na kabuhayan ninyo, pag gising ninyo sa umaga, pag tulog ninyo sa gabi at nagapapasalamat kayo kasi maganda ang inyong tinitirhan.

    Kaya ito po ang ating tututukan ngayon. Ang ating mga katulong hindi lang sa pagbili ng lupa, kung hindi pati sa pagsasaayos ng inyong komunidad.

    Pero ang gusto po nating bigyang ng pinaka-malaking pasasalamat ngayon lalo na ang Homeowners’ Association. Alam ko po na hindi basta-basta ang prosesong pinagdadaanan.

    Kasi tayo po ay community driven, kayo ang nagde-desisyon mula umpisa hanggang katapusan. Kaya maraming maraming salamat po sa inyong pagtityaga at pagsisipag.

    Dapat magpasalamat din tayo sa mga opisyal natin. Sa lahat ng tulong at pagpapagod para makamtan natin ang ating inaasam.

    Magandang umaga po uli at maraming salamat.

    Posted in Speeches on Nov 24, 2016