Assalamu Alaykum!
Congratulations to the Philippine Army on your 127th Founding Anniversary!
The theme, “Matatag na Hukbong Katihan para sa Bagong Pilipinas,” manifests the bravery, dedication and strength of your service to our nation. It resonates deeply with our strong commitment to enhancing the capabilities and readiness of our armed forces towards the attainment of our shared aspirations and common destiny.
Your professionalism and resilience amidst internal and external challenges solidify our position in the global security arena and ensure the security of every Filipino.
Ang inyong serbisyo at sakripisyo ay nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa bansang Pilipinas at sa sambayanang Pilipino. Patuloy sana nating itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran para sa ating mga mamamayan.
Bilang inyong Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, kaisa ninyo ako sa patuloy na pagpapatibay ng ating Hukbong Katihan. Patuloy kong susuportahan ang ating mga programang naglalayong palakasin ang ating depensa at tiyakin ang seguridad ng ating estado.
Tayo ay magkaisa tungo sa mas matatag na Hukbong Katihan na handang harapin ang mga hamon sa hinaharap at pangalagaan ang kasarinlan at integridad ng ating teritoryo.
Mga kababayan, patuloy tayong maging MATATAG tungo sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata at mga Batang Makabansa.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan at bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
Sara Z. Duterte Vice President of the Philippines Secretary of the Department of Education