This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Parents and Teachers (PTA) Day 2017 in Antipolo City

    Office of the Vice President 08 July 2017

    Ynares Multi-Purpose Covered Court, Bagong Nayon IV Elementary School, Brgy. San Isidro, Antipolo City, 08 July 2017

    Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga!

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang lang sa mga opisyal na kasama po natin ngayong umaga sa pamumuno po ng ating minamahal na councilor, Councilor Ronald Barcena, magandang umaga po.

    Nandito rin po si Mr. Joseph Abanel Paluyo, ang Pangulo ng Antipolo City Federation of Parents and Teachers Association (PTA). Nandito rin po, Dr. Rommel Bautista, ang ating Schools Division Superintendent, magandang umaga po, sir; Mr. Anselmo Celeste, Jr., Pinuno ng School Governance and Operations Division, magandang umaga po; siyempre po, nandito ang ating host principal, Principal Erwin Acorda at iyong iba pang mga principals na nandito po kasama natin ngayong umaga; Ms. Rowena Arellano, Pangulo ng Regional Confederation of PTA-Region 4A CALABARZON; mga kasapi ng Mapalad Cooperative at ng Center for the Development of Youth and Students in the Philippines, Inc.; mga opisyal at kawani ng DepEd-Antipolo City.

    Kanina po binati ko na ang mga punong-guro, pero gusto ko rin pong batiin ang mga teachers, mga magulang at mag-aaral na kasama natin ngayong umaga; mga minamahal kong kababayan: Magandang magandang umaga pong muli sa inyong lahat!

    Unang-una po, nagpapasalamat ako sa imbitasyon na iginawad niyo po sa akin ngayong umaga. Naalala ko, sir, noong iniimbitahan ako. Ang ibinigay na petsa, hindi ako puwede. Pero sabi ni sir, mag-a-adjust sa petsa na puwede ako. Kaya nagpapasalamat po ako sa pagbigay-daan.

    Napakahalaga po sa akin na muli akong maka-attend ng isang PTA meeting. Alam niyo po, meron akong speech dito pero hindi ko na lang babasahin. Kasi gusto kong magkuwento.

    Alam niyo po, magulang din ako. Meron po akong tatlong babaeng anak. Alam niyo po, iyong mga anak ko, anim na taon ang pagitan ng bawat isa. Kaya napakatagal ko na pong magulang. Nag-aral at lumaki ang akin pong mga anak doon sa Naga, sa Bicol. Naglalakad po ako papasok at ang daming bumabati sa akin sa Bikol. Sino po ang mga Bicolano dito? Ayun, napakarami! Anong ginagawa niyo sa Antipolo? Napakalayo nito sa atin. Ayan, marami pong bumati.

    Iyong mga anak ko po, nag-aral ng elementary at high school doon po sa atin sa Bicol, sa Naga. Maliban na lang po iyong bunso ko pong anak. Kasi ang bunso ko pong anak, dito na nag-high school sa atin. Dito po sa Maynila dahil first year high school po siya noong namatay ang tatay niya. Kaya lumipat na siya dito.

    Pero alam ko po ang pagdurusa ng mga magulang. ‘Di ba, tayong mga magulang – tayo ang pinakaunang gumigising sa umaga sa bahay dahil tayo ang nag-aasikaso ng lahat. Tayo din ang huling natutulog. ‘Di ba? Tayo ang unang nagigising at tayo ang huling natutulog. Malaking sakripisyo po.

    Pero po ako, maliban sa pagiging magulang, ang hindi po siguro alam ng ating mga guro ngayon – matagal din po akong naging teacher. Sampung taon po ako naging teacher. Alam niyo po, nag-graduate po ako sa college, dito po sa UP. Dapat po, mag-a-abogado agad ako. Mag-aaral po bilang abogado. Pero nakilala ko na po ang asawa ko. Kaya nag-asawa po ako nang maaga.

    Pagkatapos ko pong mag-graduate ng college, ang asawa ko po iyong pinakauna kong boss sa pinakauna ko pong trabaho. At hindi pa po isang taon magmula nang makilala ko siya, mag-asawa na po kami. Kaya nahuli po ang pag-aaral ko.

    Dahil mag-asawa na po kami, hindi na ako puwede doon sa dati kong pinagtatrabahuhan kasi siya po iyong boss doon. Nag-resign po ako at nagturo ako sa isang paaralan doon sa Naga. Kaya teacher po ako sa araw at estudyante ako ng abogasya sa gabi. Iyon po ang panahon na nagkaroon na rin po kami ng panganay na anak. So, pinagsasabay-sabay. Asawa, nanay, teacher at estudyante. Napakahirap po.

    Napakahirap kasi gigising ka nang maaga, mag-aasikaso ka ng bata, tapos papasok sa opisina. Paglabas sa opisina, papasok pa sa paaralan. Pero sa paggapang, natapos din at naging abugado.

    Alam niyo po, iyong nanay ko, napakatagal din nang teacher. Nagsimula po siyang magturo, 18 years old. Ngayon po, 81 years old na siya at nagtuturo pa rin. Nag-retire po siya noong 65 years old siya, pero bumalik pa para magturo sa graduate school. Kaya ngayon, 81 pero teacher pa din. Kaya napakalaki po ng aking paggalang sa mga teacher.

    Pero pagpasok ko po dito kanina, nakita ko na napaganda ng paaralan. Napakalinis, napakaganda. Pero marami pong mga paaralan sa NCR, sa Rizal – napakagaganda. Pero sa probinsya po, hindi ganito. Sa probinsya po, maraming maraming kakulangan sa paaralan.

    Noong ako po ay Congressman pa lang sa third district, napakarami po sa aming paaralan, sa isang classroom tatlong grade level ang nag-o-occupy. Grade 1 to Grade 3, isang classroom lang. Grade 4 to Grade 6, isang classroom lang. Iyong Kinder, nakiki-classroom lang kung saan-saan dahil kulang na kulang ang classroom, lalo na po sa malalayong mga lugar. At sa mga ganoon pong sitwasyon, kadalasan iyong mga bayani ay ang mga guro at mga magulang.

    Kukuwentuhan ko po kayo. Isang pagkakataon, paakyat po ako sa isang bundok. Ewan ko kung sino dito ang taga-Camarines Sur, pero iyong taga-Camarines Sur po, alam niyo ang Mt. Isarog, ‘di ba? Paakyat po ako isang araw sa Mt. Isarog. Iyon po ay Huwebes. June. ‘Pag Lunes, magbubukas na ang klase.

    Paakyat po ako sa bundok, may daanan ako na mga magulang na nakatayo po sa gilid ng daan. Hinintuan ko po sila. Tinanong ko, “Anong ginagawa niyo diyan?” Sabi po nila, “Gumagawa po kami ng paaralan.” Ang sabi ko po, “Nasaan naman ang ginagawa niyo?” Tinuro po nila – mayroong walong poste. Wala nang iba. Huwebes na po noon, Lunes na ang pasukan. Sabi ko, “Iyan ang ginagawa niyong paaralan?” Sabi nila, “Opo.” Sabi ko, “Matapos kaya para sa Lunes?” Sabi nila, “Opo.” Mga magulang at mga teachers iyong mga gumagawa.

    Sabi ko, “Ano iyong hinihintay niyo?” Sabi po nila, “Kasi po iyong principal namin, bumili ng gamit doon po sa sentro.” Umakyat na po ako ng bundok. Pagbaba ko, ayun nagtatrabaho na sila.

    Kinausap ko po iyong principal kasi kaunti lang naman ang gamit na nandoon. Meron pong nipa shingles, merong coco lumber, merong kaunting ano pa. Sabi ko po sa principal, “Ito na ba ang gamit niyo?” Sabi po ng principal sa akin, “Opo, ma’am, kasi may nag-pledge na po sa amin ng 10,000 pesos. Pero wala pa po iyong pera, kaya nag-withdraw na muna ako sa sarili kong ATM.”

    Kita niyo iyon, nag-abono iyong principal para may panggawa ng paaralan. Sabi ko po, “Kasya na kaya ito?” Sabi niya, “Bahala na po, ma’am, basta mabubungan lang namin. Kahit wala na munang dingding. Basta makaumpisa lang na makapag-aral ang mga bata.”

    Pero masaya po sila. Ang sabi nga sa akin ng principal, “Baka, ma’am, meron kayong mga tarpaulin na luma. Hihingin na lang naming at iyon ang gagamitin naming na dingding.” Ako po, hindi ako mapakali. Pag-uwi ko sa amin, tinawagan ko po ang DepEd. Tinatanong ko kung bakit walang pondo iyong paaralan. Iyon pop ala ay wala pang school ID. Dahil siya ay extension school, wala pa siyang budget galing sa national government.

    Nilagay ko po sa Facebook ang kanilang kuwento. In less than a week po, naka-raise po ako ng 300,000 para sa paaralan dahil lang doon sa pinost ko sa Facebook. Ibinigay ko po sa principal, ipinadala ko sa bangko. Pagbalik ko po after one week, tapos na iyong paaralan – 300,000 lang ang ginastos nila. Totoo, light materials lang iyon. Pero nakakabilib, ‘di ba? Nakakabilib na dahil sa pagod ng mga magulang at mga teachers, nakabuo sila ng paaralan para sa kanilang mga anak.

    Iyon po ay Kinder hanggang Grade 6. Pero ang ginawa nila apat na classrooms lang muna. Sinama ko po doon iyong isang undesecretary sa DepEd noon, si USec. Mario Deriquito. Pagkatapos po ng ilang buwan, nalakad iyong papeles ng paaralan. Pagbalik ko po ulit, ilang buwan pagkatapos, semento na yung paaralan, mayroon ng isang classroom sa bawat grade level.

    Pero bakit ko siya ikinikuwento sa inyo? ‘Di ba, sabi po ng ating presidente, na sa paaralan parang iyong mga teachers ay ang mga magulang ng ating mga anak. Iyong pagpapalaki at ang edukasyon ng ating mga anak ay responsibilidad pa rin, hindi lang ng magulang, hindi lang ng mga guro, kundi ng komunidad.

    Ito pong tatlong ito – iyong komunidad, iyong mga magulang, mga guro – kayo po ang dapat nagtutulong-tulong para sa mga estudyante. Mayroon po akong mga kaibigan na mga teachers. Paminsan po nagrereklamo, “Ayoko na magturo.” Sasabihin ko po, “Bakit? Napapagod ka na ba sa mga estudyante mo?” Ang sagot po, “Hindi, napapagod na ako sa mga magulang ng mga esudyante ko.”

    Madalas ganoon, ‘di ba? Madalas mayroong kiskisan ang mga magulang saka iyong mga guro. Hindi naman na siguro iyan matatanggal. Pero parati nating iisipin na nakasalalay po sa atin ang lahat. Hindi puwede na kapag hindi nagpe-perform iyong anak, ‘di ba parang sasabihin, “Mahina kasi ang guro.” Hindi po puwede iyon.

    Kapag mahina iyong anak, hindi siya masyadong natututukan, hindi lang ng guro pero pati ng magulang. Kaya ito po ang ating misyon sa buhay. At natutuwa ako, kahit mas marami ang mga babaeng nandito ngayon, mayroon ding mga kalalakihan. At iyong pangulo natin ay lalaki. Kasi kadalasan po, kapag pumupunta po kami sa mga PTA meeting, lahat babae ang nakikita ko. Pero ngayon, marami-rami rin iyong mga lalaki. Kaya palakpakan po natin ang mga tatay na nandito ngayong umaga.

    Ito po sana pinapahalagan natin parati – iyong mga PTA natin na okasyon – dahil ito iyong pagkakataon na nakakapag-usap tayo. Ito po iyong pagkakataon na hahanapan natin ng mga solusyon ang mga problema. Sabi ni sir kanina, iyong ibang lugar daw, ang bawat PTA meeting parang panahon ng pag-aambag. Pero sabi naman ni Councilor Ronald, malaki ang subsidy ng City of Antipolo para sa ating mga public schools. Kaya mapalad po kayo. Mapalad po kayo dito kahit marami po sigurong pagkukulang, kahit po marami iyong problema.

    Kung makikita po natin ang sitwasyon sa mga probinsya, napakapalad niyo pa din po. Marami po kaming binibisita. Halimbawa, may pinuntahan po kami sa Palawan, ang pangalan po ng bayan Agutaya. Pero napakalayo niya po. Alam niyo naman iyong Coron, ‘di ba? ‘Di ba ang capital ng Palawan ay Puerto Princesa? Pero iyong Coron, doon siya sa pinakataas ng Palawan. ‘Di ba iyong Palawan pahaba? Iyong Agutaya po, galing sa Coron, sasakay ka pa ng bangka, sampung oras bago mo siya maabot.

    Pumunta po kami doon, buong bayan wala pang kuryente. Pero pagpunta namin doon, mayroong isang public school – sira, wala pong bubong. Sabi po namin, “Kailan pa ito nasira?” Ang sabi sa amin, “Noong Yolanda pa.” Ilang taon na iyong nakakaraan. Sabi po namin, “Bakit hindi pa naaayos?” Sabi po sa amin, “Siguro hindi pa nalalaman sa national” – sa layo nila.

    Kaya iyon po sana ang iisipin natin parati: na sa gitna ng maraming problema, mas maraming may problema sa atin. Sa gitna ng napakaraming problema, ang solusyon nasa atin din. Kaya sana po ang ganitong pagtitipon, patuloy na ginagawa. Sana ang ganitong pagtitipon, patuloy na ginagawang pagkakataon para napapag-usapan ng magulang, ng mga guro, ng komunidad kung paano lalong matutulungan ang ating mga anak sa kanilang edukasyon.

    Kaya ngayong umaga po – hindi naman ito Parents’ Day, hindi naman ito Teachers’ Day – pero iyong aking pagbati, iyong akin pong pagbigay-pugay sa ating mga PTA officers. Alam ko na ilang gabi sigurong walang tulog kayo sa preparasyon nito.

    Pagbigay-pugay rin po sa ating mga principals natin. Nasaan po iyong mga principals natin? Ay, nandito pala sa harap! Nandito iyong mga principals natin. Pagbigay-pugay po sa inyo. Alam ko po na kayo ay mga bayani ng ating mga anak. Marami na po akong mga principal na nakita lalo na doon sa amin na ibinibigay ang sarili, ibinibigay po ang lahat para maayos lang ang kanilang paaralan.

    Sa atin pong mga guro, sa atin pong mga magulang, pagbigay-pugay din po sa inyong lahat sa lahat ng sakrispisyo, sa lahat ng pag-aalay na ibinibigay niyo po para sa ating mga anak.

    Maraming maraming salamat po! Magandang umaga muli sa inyong lahat!

    Posted in Speeches on Jul 08, 2017