This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Omasenso sa Kabuhayan Launch – Translated in Filipino

    Omasenso sa Kabuhayan launch

    Naga City

    delivered in Bikol, 19 July 2018

    Maraming salamat—Ay, huwag na po kayong tumayo. [laughs] Maraming salamat.

    Magandang hapon! (“Magandang hapon!”) Magandang hapon.

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang lang sa mga opisyal na kasama natin ngayong hapon, siyempre, sa pangunguna ng masipag na alkalde ng siyudad ng Naga, saka Chairman ng Metro Naga Development Council, Mayor John Bongat. Pagbigay-galang din sa mga city councilors na nandito ngayong hapon: Councilor Jun Lavadia, Councilor Lito del Rosario, Councilor Ray-An Rentoy, Councilor Badong del Castillo, Councilor Kylie Tripulca—baka may hindi pa ako nakita? Ay, nandiyan ka na pala, madi!—Councilor Nene de Asis… Sana napangalanan ko na lahat; ang presidente ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry, Mr. Ferdinand Sia; nandito rin ang Regional Governor for Bicol ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry, Mr. Clarine Tobias; ang ating Regional Director ng Department of Agriculture, Ma’am Ellen delos Santos; Provincial Director ng… Provincial Director ng DTI, Gigi Sales; Mr. Carlo Centenera, ang presidente ng Bigg’s, Inc.; Ms. Leanne Montemayor—Mrs. Pala, nandiyan ang asawa mo, baka mapagalitan ako—Ms. Leanne Montemayor, Bicol Business Month chairman saka MNCCI executive vice president; Ms. Anneline Panerio, general manager ng CamSur Multi-Purpose Cooperative; Ms. Judith Parlero, general manager ng May-Ogob Agrarian Reform Cooperative; ang mga iba-ibang farmer groups—hayaan niyo akong pangalanan ang mga grupong kasama natin ngayong hapon, siyempre sa pangunguna ng CamSur Multi-Purpose Cooperative, Agri-planters and Food Processors Association of Tigaon, LGU of Buhi, Agri-preneur Farmers and Producers Association ng Libmanan, Sonrisa Farm at ang Magarao LGU, saka ang mga Magarao-based na farmers; May-Ogob Agrarian Reform Cooperative, Panicuason Highland Agricultural Farmers Association, Del Rosario Multi-Purpose Cooperative; at siyempre iyong magagandang babae na nandito ngayon, mga miyembro ng Lakas Kababaihan ng Naga; ang atin pong mga bisitang nandito; sa inyo pong lahat: Magandang hapon! Magandang hapon muli!

    Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na ikuwento ulit ang ating pinagdaanan para makaabot sa MOA signing ngayong hapon, at kasama na dito ang pag-introduce ng Omasenso sa Kabuhayan, ano?

    Naisip namin itong Omasenso sa Kabuhayan sa kagustuhan na matulungang makaahon ang mga maliliit na magsasaka. Ito pong Omasenso sa Kabuhayan, bahagi siya ng mas malaking programa ng aming opisina, ang Office of the Vice President, na ang tawag Angat Buhay, ano? Ang Angat Buhay po, naisip naming ilunsad bilang programa dahil alam niyo naman ang aming opisina, wala kami masyadong pondo. Pero sabi namin, kahit wala masyadong pondo ang aming opisina, hindi siya gagawing dahilan para hindi kami makatulong. Gusto naming makatulong, pero paano ang gagawin na wala naman kaming pera? Ang naisip namin itong Angat Buhay.

    Ang ginagawa po ng aming opisina, iyong mga tao at mga pamilya na nangangailangan ng tulong, inilalapit namin sa mga gustong tumulong. Iyong mga individual na mga tao, mga korporasyon, mga organisasyon na gustong tumulong, ipa-partner namin sila doon sa mga communities na nangangailangan ng tulong.

    Sa loob po ng halos dalawang taon—magda-dalawang taon na po ang Angat Buhay sa October—marami nang mga programa ang nagawa namin sa buong Pilipinas. Namili kami… nagsimula kami sa 50 na mahihirap na mga komunidad; ngayon, mula doon sa 50, nasa 176 communities na kami. Ano pong klaseng mga programa? Iba-iba, gaya ng: paghanap ng pang-kabuhayan ng ating mga kababayan; paghanap ng puhunan para sa hanapbuhay; mga feeding programs sa mga classrooms para sa malnourished na mga bata; paggawa ng mga classrooms, mga health centers, at mga livelihood centers; magbibigay ng serbisyong medikal; pagbibigay ng mga bangka; paglalagay ng kuryente sa mga isla na hindi inaabot ng mga electric cooperatives. Marami pang iba.

    So iyon ang ginagawa namin sa halos dalawang taon. Depende sa pangangailangan ng komunidad. As of June 30 of 2018, nakapagsilbi na po kami sa 155,000 na families sa ilalim ng Angat Buhay. Nito lang Lunes saka Martes, nandoon po kami sa Marawi; nag-turnover kami ng pabahay (transitory housing) para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa bakbakan. Pero ito pong nai-turnover na mga bahay, wala pong pondo na nanggaling sa gobyerno—lahat po ay galing sa private sector, mga galing sa private sector na gustong tumulong. Sa 155,000 na families na aming natulungan, present kami sa 176 communities, at approximately mga P252 million-worth of projects na [ang aming naibigay].

    Pero ikukuwento ko lang po na noong ako ay congressman—next slide, please… ayan—iyang litratong iyan, dito iyan sa Canaman, ano? Sa may Barangay San Nicolas, Canaman. Noong ako po ay congressman, may isang… may isang realization po ako: na ang pinakamahihirap na magsasaka, sila iyong hindi natutulungan. Halos hindi matulungan dahil hindi sila kabahagi ng mga asosasyon. Kapag hindi ka miyembro ng asosasyon, mahirap nang maka-access sa tulong, mahirap lumapit bilang individual [farmer]. Kaya kailangan talaga organisado sila. Pero maliban sa dapat organisado sila, iyong mga mahihirap na mga magsasaka, iyon iyong mga walang kapital, hindi makautang dahil walang sariling lupa, walang crop insurance dahil wala silang organisasyon na kinabibilangan. Maraming tulong na hindi nakakaabot sa kanila. Kaya noong miyembro pa ako ng Kongreso, isa sa mga bagay na inasikaso ng aking opisina ay iyong pag-organisa ng mga magsasaka na hindi pa organisado, para mas madali para sa kanila na makahingi ng tulong mula sa mga opisina ng gobyerno.

    Kanina kausap ko iyong mga farmers na nandito, napakahirap dahil silang mga magsasaka, alas-tres, alas-kwatro ng umaga, nagtatrabaho na. Sila iyong mga naiinitan, sila iyong nagkakanda-kuba na dahil sa trabaho, pero dahil wala silang kapital, sila iyong pinakanahihirapan pero kahit anong kayod nila, iba iyong yumayaman. Ang yumayaman iyong mga nagpapautang sa kanila. Ang yumayaman iyong mga nagdadala ng kanilang mga produkto sa merkado. Pero silang naghihirap, hindi. Sa pag-iikot namin, hinahanap namin iyong mga bata na mga malnourished, at nalalaman namin na iyong mga batang malnourished, sila pa iyong mga anak ng mga magsasaka. Kaya sabi ko, hindi puwedeng ganito dahil iyong mga magsasaka, sila iyong naghihirap para sa ating makakain, tapos iyong mga sarili nilang anak, kulang sa nourishment. Kaya nagkaroon kami ng programa kasama iyong DAR, ang DA, saka ang DSWD, na ang tawag Partnership Against Poverty and Hunger. Gaya ng sinabi ni Judith kanina, iyong Partnership against Poverty and hunger, ang ginawa doon, iyong DSWD, na siyang nagpapakain sa mga bata sa daycare, imbes na binibili iyong mga kailangan nila sa mga established nang mga negosyante, ili-link na sila sa mga mahihirap na magsasaka.

    Marami po ang natulungan nito, kanina kinukuwento ni Judith na marami na ang natulungan. Iyong pinaka-malaking tulong dito, iyong mga maliliit na magsasaka, mabigyan sila ng pagkakataon. Isang halimbawa dito si Fe Carranza. Ayan si Fe. Ang mga taga-Naga, kilala si Fe dahil taga-Panicuason siya. Si Fe, nakilala ko siya, nagtitinda siya ng tofu, ano? Nagtitinda siya ng tofu sa City Hall. Nakilala ko siya, ano siya, PWD dahil sa polio, pero makita ko na masipag siya, nagtitinda ng tofu. Pero maliit lang ang kita dahil nilalako lang niya.

    Kaya noong nakilala ko siya, isinali siya sa Partnership Against Poverty and Hunger. Nagde-deliver siya ng tofu sa mga daycare centers. Alam ko sa Naga, siya iyong nagsu-supply ng tofu. Mayroon na rin siyang mga kontrata sa ibang mga lugar dito sa Camarines Sur. Naging milyon ang halaga ng kaniyang kontrata. Ang pagkakaintindi ko, sa Naga lang, 500-plus-thousand ang kaniyang kontrata para sa feeding [program]. Tapos nakakasali pa siya sa mga trade fairs, kung saan nakikilala siya, na-o-orderan na siya ng kaniyang produkto.

    Napansin ko rin siya dahil ang sasakyan niya dati, isang tricycle na motorized. Dahil maikli iyong isa niyang binti, pinapaandar niya iyong tricycle nang nakatalikod siya. Para i-start iyong kaniyang motor, nakatalikod muna siya. Kapag umaandar na iyong makina, saka siya haharap, tapos bibiyahe na pabalik sa Panicuason.

    Pero noong binisita ko siya ulit, asensado na! Dati sa kusina niya lang siya gumagawa [ng tofu], ngayon makapagpatayo na siya ng sariling bahay, mayroon na siyang production site, tapos may sasakyan na siya, ano? Mayroon siyang delivery van na nag-iikot. Dati, ang asawa niya nagtatrabaho sa Batangas. Pinauwi na niya dito sa Panicuason para matulungan siya. Pati iyong mga kasama niya sa simbahan, natulungan din.

    Isa itong halimbawa kung paano nakakatulong na magkaroon ang maliliit na negosyante ng direktang link sa merkado.

    Sa aming pag-iikot sa buong Pilipinas, may mga ehempo kaming nakita, ano? May mga halimbawa kaming nakita na puwedeng gayahin. Kaya naisip na mag-conceptualize ng Omasenso sa Kabuhayan, dahil gusto natin na iyong mga mahihirap na magsasaka, magkaroon ng pagkakataon na makadiretso sa merkado. Iyong direktang link sa merkado, iyon iyong ipo-provide ng ating mga partners dito. Pero kaya rin natin gagawin ito, para magkaroon ng inclusive supply chain dito sa Metro naga, ano? Bibigyan ang mga magsasaka ng koneksyon sa merkado, at tuturuan sila kung paano mas mapapabuti [iyong pagtatanim nila], ano? Gaya nga ng sabi ni Judith kanina, hindi lang sila magsasaka, pero tuturuan din sila maging magsasaka na negosyante pa. Tuturuan sila kung paano makapagtanim ng mga produkto na papasa sa standards ng merkado, gaya ng Bigg’s.

    Itong mga tutulungan natin ay iyong mga magsasaka na talagang mahirap, ano. Iyong mga magsasaka na medyo established na, ang sabi namin, baka hindi na nila masyadong kailangan ng tulong. Ang mas hahanapin natin, ang mas tutulungan, ito talagang pinaka-nangangailangan ng tulong, dahil gusto natin na sabay-sabay silang umasenso.

    Paano ba natin naisip itong programang ito? Naisip natin itong programang ito dahil sa pag-iikot namin for Angat Buhay, may mga halimbawa kami na nakita. Isa na dito iyong sa San Jose City, Nueva Ecija, na isang proyekto ng Jollibee Foundation. Kinukuwento ko na ito kanina sa mga magsasaka na nandito, pero iyong mga magsasaka sa San Jose City, wala silang ibang tinatanim kundi sibuyas lang, ano. Sibuyas lang dail nagkaroon sila ng kontrata with Jollibee, kung saan na-invite iyong mga magsasaka na mag-shift ng kanilang produkto sa sibuyas, dahil iyon ang may sigurado nang market. Masaya iyong aming pagbisita dahil proud iyong mga magsasaka na, “Ngayon, negosyante na kami.” “Umasenso na ang buhay namin, okay na kami.” “Ang aming mga anak, dati ayaw magsaka, pero ngayon gusto na nila.” Nakita ko kung paano sila natutulungan.

    Hindi lang ito sa San Jose, Nueva Ecija, pero nalaman din namin na mayroon din sa Cebu, itong Lamak Farmers Cooperative. Kung nakapag-attend kayo ng unang meeting sa Sonrisa, kasama natin iyong representative ng Lamak Farmers. Ang Lamak Farmers sa Cebu, sila na iyong nagde-deliver ng mga gulay sa lahat na Chowking, sa lahat na mga Chowking restaurant. Malaki iyong volume na kailangan, kaya nagtayo sila ng kooperatiba at nagyaya pa sila ng mga miyembro, ano? Lahat na mga miyembro nila nagbe-benefit na doon sa kontrata nila with Jollibee.

    Bisita natin ngayong hapon ang representative ng Alabat, Quezon. Sa Alabat, si Mayor mismo ang nagsimula ng programa. Kinuwento ko kanina sa mga magsasaka dito na sila [sa Alabat] ay mga coconut farmers. For a very long time, nagko-copra lang sila. Pero noong dumating si Mayor Mesa, in-introduce ni Mayor Mesa iyong coco sugar. Mas malaki iyong kita dito kaysa sa copera. Sa simula, walang gustong sumali, kaya ang ginawa ni Mayor Mesa, ginawa niyang empleyado sa munisipyo iyong mga farmers na apat na beses isang araw nagsasakat sa kahoy, ano. Noong napalaki na iyong kanilang income, doon na sila na-engganyo. Ngayon, hindi lang coco sugar, pero mayroon na silang kontrata sa Jollibee para sa calamansi, ano? Ang Jollibee bumibili sa kanila ng calamansi.

    Sa Calamig, Albay, mayroong kontrata ang Jollibee sa isang farmer group—sa Camalig saka sa Guinobatan. Sila naman ang nagde-deliver ng sili sa Jollibee.

    Dahil sa Angat Buhay, may mga nadiskubre kaming mga lugar na ang communities kung saan puwedeng dalhin iyong ganitong programa. Isa na dito iyong mga magsasaka sa Kiangan, Ifugao, ano. Sa Kiangan, Ifugao, nagtatanim sila ng sili. Ang ginawa namin, pinakilala namin sila sa Jollibee; ngayon nagme-mentoring na ang Jollibee sa kanila. Kapag nakapasa sa testing, makakapag-provide na sila ng sili sa Jollibee.

    Mayroon din kaming communities sa Sumilao, Bukidnon, mayroon kaming communities sa… saan nga… saan pa nga ba? Sa Lambunao, Iloilo. Iba-ibang communities na tinutulungan. Naikuwento ko, ko iyong programa na iyon kay Clarine saka kay Sieg, ano. Nagkausap kami, sabi ko may nakita kaming modelong ganito. Noong nag-usap kami, interesado na sila. Ang sabi ni Clarine, “Sige nga, pag-uwi mo, iimbitahan ko ang MNCCI.” Tapos si Sieg naman, nag-host sa Jolli—Jollibee? [chuckles]—sa Bigg’s ng meeting. Iyong pag-host ni Sieg, para sa akin iyon iyong crucial, dahil doon sa meeting, sinabi na agad ni Sieg na ang Bigg’s interesado to be part of the program. Kung hindi interesado ang Bigg’s, mas mahirap para sa atin, dahil dito sa atin, ang pinaka-kilalang restaurant ay Bigg’s. Malaking bagay na gusto ng Bigg’s to be part of the program, dahil kung hindi nila nagustuhan, mas mahihirapan tayo, ano.

    Nag-usap-usap si Clarine, si Sieg, si PD Eds—kasama ka sa Bigg’s, ano? Hindi pa? Hindi pa… Nag-host kami ng isa pang meeting… Nag-host kami ng meeting sa San Felipe. Natatandaan ninyo ito? Iyong San Felipe, for the first time, imbitado na iyong mga representatives ng government offices, so nandoon si PD Edna, may representative iyong DA… wala ka pa noon, RD, ano? Sa San Felipe? (“Nandoon.”) Ay, nandoon ka na sa San Felipe! Tapos may representative ang DAR. Mayroon na ding representative iyong ibang mga farmer groups. Dito na nabuo. Lahat na nandoon nagsabi na “interesado kami.” Crucial din na sinabi ni RD Ellen na okay sa DA na tumulong. Ang DAR nagsabi rin na okay sa kanila na tumulong. Si PD Edna nagsabi na okay sa DTI tumulong. Nandoon iyong MNCCI, ang sabi ng MNCCI, “okay kami na tumulong.” So sige-sige na.

    Bawat buwan mayroon tayong meeting. Iyong mga farmers na nakakasama, parami nang parami. Hanggang dumating na iyong CamSur Multi-Purpose Cooperative. Iyogn pagdating ng CamSur Multi-Purpose Cooperative, crucial din, ano—crucial sa pag-uusap dahil sila iyong may structure na kayang maging consolidator. Mahirap para sa ordinaryong magsasaka na siya iyong nakakapag-deal nang direkta sa buyet. Ang kagandahan kapag may nakikipag-usap na consolidator, mas madali para sa mga farmer groups o sa mga farmers. Nag-okay si CamSur Multi-Purpose Cooperative. Ang Bigg’s okay na okay. Kaya nagkaroon na ng survey.

    Iyong survey, ang nag-take charge dito iyong Metro Naga Development Council. Doon sa survey na ginawa, tiningnan ano ba iyong mga binibili ng mga restaurants, mga hotels, saka mga ospital dito sa atin? Nagkaroon ng listahan ng mga binibili nila. Tapos tinanong iyong mga magsasaka: ano ba iyong mga gulay na tinatanim ninyo? Kung natatandaan ninyo, doon sa Sonrisa Farms, nandoon iyon mga [representative ng] government offices, pinagkumpara iyong dalawa: iyong listahan ng mga magsasaka kung ano iyong tinatanim nila, at iyong listahan ng mga binibili [ng mga establishments]. Nakita doon sa listahan na mayroong mismatch, ano. Ang natatandaan ko, doon sa listahan ng mga establishments, lalo na iyong mga ospital, ang number one na binibili nilang gulay, sayote. Natatandaan niyo? Sayote. Pero kapag tiningnan iyong listahan ng mga magsasaka, ang number one nila, ano, talomg. Pero kapag tiningnan mo sa listahan ng mga hotel at restaurant, wala iyon sa top 10. Gustong sabihin, maraming nagtatanim ng talong pero kulang ang market.

    So ang gusto ngayong mangyari, i-match iyong dalawa: kung sino iyong bumibili, tutulungan niya iyong mga magsasaka na mag-adjust kung ano iyong itatanim. Mag-adjust kung ano iyong itatanim para sigurado na may mapagbebentahan. Kinuwento na kanina ni Judith na nagsimula nang mag-test pero hindi nakapasa iyong mga letsugas dahil mapait. Ang alam ko, tinuruan na sila kung paano hindi magiging mapait. Pero ang alam ko, ang CamSur Multi-Purpose Cooperative, mayroon nang… ilang produkto? Anim ang nakapasa sa inyo? Dalawa? Apat na… May apat na produkto na ang Multi-Purpose… CamSur Multi-Purpose Cooperative na nakapasa sa standards ng Bigg’s. Ang isa doon sa apat, calamansi.

    Pero nasabi ko sa kanila, nasabi din ni Sieg, na sa Naga lang—Bigg’s Naga lang—ang binibili nilang calamansi, 100 kilos a day, ano? One hundred kilos a day. Naubos na iyong calamansi dito, hindi pa rin kaya ang volume na kailangan ng Bigg’s. Naka-deliver na sila ng 2,000-plus na kilos, pero kulang na kulang pa.

    Iyon iyong kailangang ayusin, dahil in-organize na sa tulong ni Don, ni Mr. Ferdinand Sia—sa tulong ng MNCCI—in-organize na iyong hotels and restaurants para makasali sila dito sa programa. Nag-uusap kami sa organization meeting, ang pinaka-reklamo nila, hindi consistent ang volume saka ang quality, ano. Ang gusto ngayon, tulungan ang mga magsasaka para buong taon mayroon silang produkto. Tulungan sila na ang kalidad ng tinatanim nila, makapasa naman sa kailangan ng market. Tulungan sila na ang volume na kailangan ng market, kaya nilang i-produce. Nag-usap na kami kanina kung paano iyan gagawin.

    Ang pakiusap ko sa inyo, sana maging bukas kayo na kung kailangang mag-iba ng produktong itatanim, mag-iba, para sigurado ang market. Ang pinaka-crucial dito, ang pinaka-importante, iyong convergence, ano? Iyong convergence, iyong pakikipagtulungan hindi lang ng aming opisina pero ng lahat na stakeholders dito. Kami, ang mga magsasaka, ang tatlong government offices—ang DA, DAR, DTI—Metro Naga Development Council sa pamumuno ni Mayor John, ang mga partner na establishments led by Bigg’s saka iyong iba pang hotels and restaurants. Hindi ito mangyayari kung walang cooperation among us. Kaya ngayong hapon, iyong aming pasasalamat, iyong aming pasasalamat na nandito kayo ngayon para i-formalize itong ating partnership. Itong ating partnership, marami pang pagdaraanan na kahirapan, pero sabi nga ni Judith kanina, huwag mainip, habaan ang pasensya, dahil nakasalalay dito iyong kaginhawaan ng buhay.

    Kaya nagpapasalamat kami, Mayor John, para sa tulong ng Metro Naga Development Council. RD Ellen, PD Edna, PD Gigi, Mr. Don Sia, MNCCI, si Clarine, Leanne, Bigg’s—nandito iyong kanilang presidente, Mr. Centenera, siyempre si Sieg na ating kausap, and the entire Bigg’s family—saka po ang mga may-ari at mga managers ng mga hotels and restaurants na kabahagi ng programang ito.

    Muli po, maraming salamat sa inyong lahat! Magandang hapon!

    Posted in Speeches on Jul 20, 2018