This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the MetroLaylayan Visit in Muntinlupa City

    Southville 3, Muntinlupa City

    Magandang umaga! [Kids respond: “Magandang umaga po!”] Ayan. Magandang umaga sa mga taga-Southville 3! Ayan, palakpakan natin iyong ating mga sarili. [applause] Magandang umaga din sa lungsod ng Muntinlupa! Palakpakan natin iyong lahat na taga-Muntinlupa.

    At siyempre, magbigay-galang tayo sa ating mayor, iyong ama ng lungsod ng Muntinlupa, palakpakan po natin, Mayor [Jaime] Fresnedi. Ayan. At siyempre, kung si Mayor Fresnedi iyong ama ng Muntinlupa, sino naman ang ama ng Southville 3? Kapitan Allen Ampaya, palakpakan natin si Kapitan Allen. Palakpakan din po natin iyong buong barangay council—ayan—ng Southville 3.

    Nagbibigay-galang din po tayo at nagpapasalamat kay Dr. Tek Tullao, iyong ating City Health Department head, saka iyong lahat na doktor at nurses at personnel ng City Health Office na nandito ngayong umaga. Nagpapasalamat din tayo, Engr. Dado Moldez, iyong ating Community Affairs Department head, saka iyong buong Community Affairs Department.

    Nagpapasalamat din po tayo [kay] Mr. Danidon Nolasco. Ayon. Traffic Management Department head. Maraming, maraming salamat po sa mga traffic aide, mga traffic enforcers na tumulong sa atin ngayong umaga.

    Okay pa ba kayo? [Kids respond: “Opo!”] Mamaya may surprise tayo sa mga bata, ‘di ba? Pero mga matatanda muna. Unahin natin iyong mga matatanda.

    Alam niyo po, masayang-masaya ako. Dapat December pa ako pupunta dito, pero iyong araw na pupunta ako dito, bigla akong nagkasakit. Kaya na-postpone iyong [pagbisita noong] December, pero tuwang-tuwa po kami, iyong opisina po namin, at natuloy din po kami ngayong January 18.

    Ito po, hindi ito matutuloy kung walang tulong iyong ating city government. Kaya palakpakan po natin ulit iyong ating city government. Napakahusay, ‘di ba? Napakahusay ng serbisyo ng lungsod ng Muntinlupa.

    At alam niyo po… alam niyo ba, hindi lang Muntinlupa iyong inaasikaso nina Mayor, ano? Inaasikaso po [ang] buong Pilipinas. Kapag nagkakaroon tayo ng mga sakuna, ang pinakaunang sumasaklolo parating Muntinlupa, ‘di ba? Kapag mayroong mga bagyo—alam niyo po noong nakaraang taon (2016), nagkaroon ng Typhoon Nina doon sa amin sa Bicol, Muntinlupa iyong tumulong sa amin. Kaya palakpakan po muli natin iyong Muntinlupa. [applause]

    Nagbigay po ng cash assistance iyong Muntinlupa sa apat na bayan ng Camarines Sur, at doon po sa Catanduanes, saka sa Oriental Mindoro, saka sa Marinduque—nagbigay ng isang milyong piso sa Marinduque dahil ito po iyong napakaraming nasalanta ng bagyo. ‘Di ba? Kaya pinagpala iyong Muntinlupa kasi tulong nang tulong.

    At hindi lang po iyon. Iyong barangay niyo po mismo, ‘di ba, iyong Southville 3—kaya maraming salamat po kay Kapitan Allen saka [sa] buong konseho—tumulong din po doon sa amin sa Iriga, Camarines Sur. Nagbigay po ng mga school supplies, ng mga relief goods, ng mga grocery packs, ng livelihood assistance. Kaya doon po sa mga tumutulong sa amin, kung ano po iyong maitutulong ng opisina namin, gusto din po naming ibalik ang inyong kabutihan.

    At ngayong umaga po, maliban sa tulong ng lungsod ng Muntinlupa, gusto din po naming pasalamatan iyong aming partners. Ano po? Iisa-isahin po natin:

    Unang una, iyong DAMPI Coalition. Nasaan iyong mga taga-DAMPI? Nasaan iyong DAMPI? Ayon, nandoon sila. Nahihiya pa, eh. Nandoon sila… Bawat po baba namin sa mga lugar dito sa Metro Manila, tumutulong sila, nagbibigay po ng mga grocery items sa mga mahihirap.

    Nandirito din po iyong PAPPI. Nasaan ba iyong PAPPI? Philippine Association of Pharmacists in the Pharmaceutical Industry. Iyong PAPPI po, pumipili kami ng isang mahirap na pamilya, nagbibigay po sila ng cash pantulong doon sa pamilya. Kaya maraming, maraming salamat sa PAPPI. Kanina po, iyong tinulungan namin iyong pamilya… Eraya. Ayon. Pamilya Eraya, doon po sa nadaanan natin kanina. Ayan.

    Nagpapasalamat din po tayo sa Integrated Bar of the Philippines. Nandiyan po sila, iyong atin pong mga abogado—IBP Pasay-Parañaque-Las Piñas-Muntinlupa chapter. Ayan. Bawat baba natin, kasama din natin iyong IBP para po iyong may mga tanong po sa abogado, hindi na po kailangang maghanap ng abogado kasi nandito na po sila.

    Nagpapasalamat din po tayo sa PhilHealth. Ayon, nandoon po sila sa likod. Parati din po natin silang kasama.

    Nagpapasalamat po tayo sa Juan Portrait. Iyong mga nag-a-apply ng trabaho na walang mga ID pictures, ayan po iyong Juan Portrait. Libre po iyong ating ID pictures.

    Nagpapasalamat din po tayo sa Alitaptap. Nasaan iyong Alitaptap? Nawala na iyong mga Alitaptap… Ayan. Lumilipad na po siguro. Iyong Alitaptap, nag-assist din po sa atin, nagbigay po ng mga salamin. May nagpasukat ng salamin, iyong mga hindi na po masyadong makabasa. Iyong salamin po na ibinigay sa inyo, galing iyon sa Alitaptap.

    Nagpapasalamat din po tayo [sa] DuBredo Army. Ayan. Ito po, mga supporters po namin ng ating Pangulo. Bawat po baba namin, kasama din namin sila. Tumutulong sila sa ating mga job applicants. Ayon.

    Nagpapasalamat din po tayo sa Twigs. Nasaan ba iyong Twigs? Lahat kasi busy pa. Pero iyong Twigs nagbigay sa atin ng mga gamot ngayong umaga.

    Iyong Lifebank Foundation, nandito po sila. Maraming salamat, Lifebank Foundation! Sila din po iyong tumutulong para sa micro-insurance saka sa mga micro-finance. Kapareho po ng City of Muntinlupa, iyong mga gustong maghanapbuhay na walang kapital, puwede pong umutang sa kanila ng kapital.

    Iyong mga… mga partners din po namin na nagbibigay po ng trabaho. May mga nakalinya po doon, nag-a-apply ng trabaho—mayroong mga motorcycle riders, may mga drivers, may accounting assistant, customer relations assistant, sales executive. Sana lang pag-alis namin dito, maraming tagarito sa Southville na mayroon nang permanenteng trabaho.

    Magpapasalamat po tayo sa partners natin: AAI Worldwide Logistics; Black Arrow Express; Eagle Guard Global; Southern Global Services Multipurpose Cooperative; iyong Reyes Haircutters, nandoon po sila sa likod; Asiapro; Adventures Multipurpose Cooperative; Lots’ A Pizza, Inc.; Ferino’s Bibingka—ito po iyong lahat na kukuha ng empleyado galing sa inyo—Fresh Salon; Big Apple Express; VCargo Worldwide; JobStreet, ito, parati naming kasama iyong JobStreet, nandoon sila; Association of Filipino Franchisers, Inc. Ayan. Maraming, maraming salamat po sa inyong tulong!

    Ayan, mga bata. Handa na ba sa surprise? [Kids respond: “Opo!”] Gutom na ba? [“Opo!”] Pero bago kumain, mayroon muna tayong surprise. Ano kaya iyong surprise? Ano kaya iyong surprise? Mayroon tayong bisita, ‘di ba? Mayroon tayong bisita dito. Hulaan niyo kung sinong bisita natin. [Kids respond.] Ha? Sinong gusto niyong pumunta dito? [“Jollibee!”] Si Jollibee!

    Ewan ko kung nagising nang maaga si Jollibee. Napuyat daw kasi kagabi. Nagising bang maaga si Jollibee? Ha? Nagising nang maaga si Jollibee? Itatanong muna natin kung nagising nang maaga si Jollibee, ha? Papatingnan natin.

    Pero bago natin tawagin iyong ating bisita, mag-a-award muna iyong aming opisina ng Plaque of Appreciation sa ating City Mayor, para po sa buong City of Muntinlupa, para sa lahat ng tulong ng binibigay sa atin. Mayor, isang simpleng pasasalamat lang po mula sa amin. Maraming salamat po! Palakpakan po natin si Mayor!

    [VP Leni awards Plaque of Appreciation to Mayor Fresnedi]

    Ayan. Ano, nagising ba? Ayan, masuwerte tayo, nagising daw si Jollibee! Ready ba tayo [pumalakpak] nang malakas? Ayan… Okay na ba, ready na? O tayo—ay, huwag na, huwag na kayong tumayo. Naku, kasama pa sina Mayor Jimmy!

    [Jollibee and mascots of Mayor Fresnedi and Cong. Ruffy Biazon go centerstage]

    Posted in Speeches on Jan 18, 2018