This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Mangyan Community Visit, Pola, Oriental Mindoro

    27 August 2016

    delivered on 26 August 2016

    Alam ninyo po, matagal na po iyong balak kong pumunta dito, tanungin ninyo po si Mayor Dodjie, pang-apat ko na yata itong balak, ngayon lang natuloy.

    At itong, parati pong may nangyayari at hindi ako natutuloy. Ano pa po iyon, bago mag-eleksyon. Pero ngayon na tapos na ang eleksyon, natuloy din po ako at masayang masaya po ako.

    Kaya nagpapasalamat ako kay Mayor Dodjie, kay Gov. Boy, sa inyo pong lahat kay Kapitan, sa pag-ako sa amin ngayong umaga.

    Alam ninyo po, unang una, hihingi po kami nang kaunting paumanhin, na late po kaming pag-alis ng Manila, napakalakas po ng ulan doon. Akala po namin hindi kami matutuloy.

    At dahil sa lakas ng ulan doon, at iyon din ang dahilan kung bakit hindi po kami makakasakay kasi may warning po sa amin pag tanghalian umalis na din kami agad kasi baka hindi kami makalipad.

    Alam ninyo po na mayroong padating na bagyo. Nagulat nga po kami dahil mainit dito sa inyo, dahil po sa Manila napakalakas ng ulan. Pero dahil po natuloy kami, natupad na din ang matagal nang panaginip na mabisita kayo.

    Noong paakyat po kami, kinekuwento ko po kay Mayor at kay Kapitan hindi po ito ang unang pagkakataon na may binisita akong isang Mangyan community.

    Dalawang taon na nakaraan, doon naman ako sa Sabalyan. Pumunta po ako doon, may binisita din po kaming Mangyan community doon, kinekuwento ko nga po na napakasaya ng pagbisita ko kasi wala pong masyadong salitaan ang programa, kinantahan at kinantahan at sinayawan nang sinayawan noong mga taga-doon.

    Pero ngayon po, kulang kasi ang panahon natin kaya iyong pinakasadya ko po sana, makinig. Iyong pinakasadya ko po, makinig sa inyo. Para tingnan kung paano makakatulong ang Opisina ng Pangalawang Pangulo sa inyo.

    Alam ninyo po, noong nagkakandidato pa ako, kahit po noon pa, hindi pa ako pulitiko, ang trabaho ko talaga, kasama ko ang mga katutubo. Alam ninyo po, ang pulitiko po sa amin ang asawa ko.

    Iyong asawa ko na matagal na pong mayor, doon po sa amin, sa Bicol, sa Naga City. Noong mayor po ang asawa ko, isa akong abugada. Pero ang pag-aabugado ko po, hindi ako iyong parating nakabihis nang maayos, dahil ako po iyong–kasama ko po iyong anak ni Mr. Chito Sta. Maria sa aking trabaho.

    Iyong trabaho po namin, pumunta po kami sa mga bukid, sa mga coastal, hinahanap po namin ang mga grupong nangangailangan. At marami po sa grupong katrabaho namin, katutubo.

    Kaya noong biglaan po na namatay ang asawa ko, malamang po narinig ninyo na, ano po siya, Secretary po siya ng DILG nung 2012 po noong bumagsak ang kanyang eruplano.

    Pauwi po siya sa amin, galing siya sa Cebu, sa trabaho. Bumagsak iyong kanyang eruplano, sa kasamaang palad po, namatay siya. Noong namatay po ang asawa ko, biglaan pong namatay, napilitan po akong humalili sa trabahong iniwan niya.

    Wala akong balak pumasok sa pulitika. Pero noong namatay ang asawa ko, mayroong puwang na naiwan, at tinulak ako ng aming kababayan na ako yung pumalit.

    Kaya po na bigla na lang noong 2013 naging congresswoman po ako. Kasama ko po doon ang inyong congressman, Congressman Ray at saka si Congressman Doy. Kasama ko sila sa Kongreso, tatlong taon po naging congressman.

    Pero kahit po naging congressman ako, pinagpatuloy ko ang mga ginawa ko dati. Pinuntahan ko ang mga nasa malalayo dahil pakiramdam ko po, iyong mga malalayo, iyon ang malayo ang serbisyo ng gobyerno para sa kanila.

    Dahil marami ang nakakarating sa mga nandoon sa mga bayan, hindi nakakarating sa malalayo. Kaya tinutukoy ko talaga iyong mga nasa malalayo.

    Noong kumandidato ako bilang pangalawang pangulo, iyon din po ang aking sinabi sa kampanya. Na kahit na ako’y manalo man, sisiguraduhin ko na binibigyan ko pa rin ng oras ang mga nasa pinakamalayo.

    Kaya bawat Biyernes at Sabado ko po, linggo linggo, iyon ang mga araw ko para sa laylayan. Lunes hanggang Huwebes, nandoon ako sa Maynila pero po iyong Biyernes at Sabado binibisita ko.

    Kaya ngayong Biyernes, binibisita ko kayo. Bukas naman po, bukas po nandoon ako sa Tarlac.

    Noong nakaraang Biyernes nandoon ako sa mga coastal naman, sa lalawigan ng Quezon. Mayroon po doong mga coastal na bayan, Perez, Alabat at Quezon, nandoon din po ako sa kanila para makinig sa kanilang pangangailangan.

    Ngayon po, dahil po siguro, marami kayong love letters sa akin pero marahil po pinasulat na sa inyo dahil kaunti ang ating oras. Pero noong paakyat kami, nagkuwekuwentuhan kami ni Kapitan, iyong iba ninyong pangangailangan.

    Halimbawa, sabi ko sa kanya, “Kap, buti ka pa, sementado na ang paakyat ninyo.”

    Kaya ko po pinapikturan ko. Iyong kuwento ko pa sa mga community sa amin, mga IP community sa amin.

    “Sabi po ni Kapitan na sila ang nagtrabaho niyan.”

    Kasi pag-aakyat ako sa kanila, buong araw ang akyat. Noong nakaraan pong tatlong linggo, umakyat kami ng staff, ayun.

    Una, naka tsinelas ako, grabe ang putik, nag-paa na lang po kami at marami sa amin nahulog. Pero pag ginawa nila ito, masaya na siguro sila. Pero sabi ni Kapitan hindi pa kayo kuntento, gusto ninyo lawakan pa nang kaunti.

    Kinekuwento po rin nila na medyo malayo kayo sa mga serbisyong pangkalusugan. Kuwento po ni Mayor na ang pinakamalapit na ospital, mga 20 km iyong layo.

    Kaya po kasama po natin ang UNICEF at Unilab, kahit na nakaalis na ako maiiwan sila dito sa inyo para po pakinggan kung paano kami lalong makakatulong sa inyo.

    Alam ninyo po, nagkakilala ko si Mayor Dodjie sa isang okasyon, na nag-aattend siya sa isang seminar na pangkalusugan din.

    Ano po iyon, isang programa sa isang NHO. At nakita ko po doon sa pagiging kalahok sa programa na iyon, marami nang nabago sa numero sa pangkalusugan. Pero gaya po ni Kapitan, si Mayor, hindi nakukuntento pa.

    Mas galingan pa at mas gusto niya maibaba iyong kabutihan hindi lang sa baba lang pero hanggang sa inyo sa taas. Dahil kayo nga iyong mas malayo.

    Iyon po, sabi ko, marami akong babasahin sa eruplano pauwi, marami akong babasahin na love letter ninyo, pero kanina po, tinitingnan ko na, walang kuryente, mayroong kailangan ng dagdag na tulong sa kung ano ano.

    Iyon po ang gagawin ko sa pag-uwi ko po, ililista po namin lahat. Kami na po ang hihingi ng tulong para sa inyo, tapos ibabalik namin kay Mayor at kay Kapitan iyong mga kasagutan sa mga hiniling ninyo.

    Hindi po iyon lahat mamamadali pero sasabihin po namin sa inyo kung kailan ninyo aasahan. Iyong pinakamahirap sa lahat ang naghihintay kayo at hindi ninyo alam kung kailan dadating.

    Kaya iyon po ang gagawin natin. Dahil po sa haba ng inyong sulat, gusto kong sabihing ganoon din kahaba ang pangangailangan.

    May nakita po akong registration sa DOLE, may nakita ako para sa paaralan, pero iba-iba. Iba-iba po ang kahilingan. Iyong akin lang pong maipapangako sa inyo, bibigyan natin ng kasagutan iyong mga kahilingan ninyo.

    Kung hindi kaya, sasabihin, pero hindi po kayo maghihintay sa wala. Iyon naman po ang dahilan kung bakit tayo pumunta dito sa malayo. Alam ko po na mahirap na may makarating dito sa inyo na mga opisyal mula sa national dahil nga po malayo.

    Pero kami naman po, talagang mas dadalasan namin, talagang hinahanap namin ang hindi napupuntuhan. Para naman po maging mukha kami ng gobyerno, para ipaalala sa inyo na hindi naman namin kayo nakakalimutan. At susubukan po namin na mas mapadali ang pagbuhay sa inyo.

    Kanina po kasama ko po si Koktora paakyat. Kinekuwento niya po sa akin ang mga pangangailangan ninyo pagdating sa kalusugan. Marami pang kailangan pero dahil nagkakaisa kayo, walang utos-utos. Alam ninyo po ganyan naman po ang pinapaniwalaan natin.

    Kapag iyong ating mga panaginip para sa sarili natin, pinagkakaisahan natin, imbis na nag-aaway-away. Nakikiisa po tayo sa pamahalaan sa paggawa ng tulong sa inyo, yung mga pribadong organisasyon gaya ng UNICEF, UNILAB, nakikipagtulungan po tayo sa kanila. Yung lahat pong nasa isip natin na imposible magiging posible, basta po mahinahon.

    Hindi pa po ako nakipagkwentuhan masyado. Ang alam ko lang si Randy naaksidente, ang kuwento ni Mayor. Pero sana po kasi sa amin, may inaalagaan po kasi kami na katutubo na community doon po sa itaas ng Mt. Isarog.

    Away sila nang away. Sana sa inyo hindi naman, kasi nakikita ko po na ang gaganda ng mga bahay ninyo. Na-mention po ito ni Randy at tsaka ni Kapitan na dahil ito sa BUB.

    May kuwento lang po ako nang kaunti. Alam ninyo po ang BUB, nagsimula po iyon sa asawa ko, iyong Bottom-Up Budgeting. Noong DILG Secretary po ang asawa ko, siya po ang nagpakilala ng BUB dahil sa amin po sa Naga, matagal na po naming ginagawa ang BUB.

    Ano po ang konsepto ng BUB? Dati po kasi iyong pamahalaan ang nagdedesisyon kung saan ilalagay. Pero ang konsepto ng BUB, iyong pera ng pamahalaan ang magdedesisyon ay iyong tao kung saan niya gustong ilagay.

    Kapag tao ang nagdedesisyon kung saan niya gustong ilagay ang pera ng pamahalaan, natutugunan ang mga pangangailangan natin. Kaya masaya po ako noong narinig ko na nagkaroon kayo ng ganitong mga proyekto dahil sa BUB.

    Pakiramdam ko parang nabuhay muli ang asawa ko sa katauhan ninyo. Iyong kaniyang pinapaniwalaan, may mga nakikinabang. At ganoon din po paniniwala natin.

    May nabasa po ako doon sa mga sulat ninyo, mayroon dito nagibaan ng bahay nang dahil sa bagyo na hindi pa rin naaayos. Ako po iyong in-charge sa Housing kaya aasikasuhin po natin iyon.

    Ang hindi ko lang alam kung mayroong kalakip na listahan, baka hihingin ko na lang kay Mayor. May kalakip na listahan ng mga nagibaan ng bagyo. Pero iyon po ang sadya natin, hindi ko po alam kung kaya pag-usapan ito lahat. Pero gaya nga po ng pangako ko, iyong mga isinulat ninyo, sasagutin po namin iyon.

    Kaya sa muli po, maraming maraming salamat. Sana po hindi ko kayo masyadong naistorbo, baka kailangan ninyong magtanim.

    Ngayon hindi kayo nakapagtanim dahil sinalubong ninyo ako.

    Mayroon pa naman pong panahon pero maraming maraming salamat.

    Parati pong masaya ako na nakikilala ko kayo. Sana nga may panahon pa para kantahan ninyo naman ako o sayawan.

    Hindi ko po alam kay Mayor kung may panahon pa. Pero iyong naman po sana ang masaya, iyong kakantahan ninyo ako mamaya. Para naman mayroon akong madalang alaala.

    Mayroon kaming dalang video, para ma-video naman natin, bibigyan namin kayo ng kopya para mapanood ninyo ang sarili ninyo.

    Kaya maraming maraming salamat po.

    Sana po hindi ito ang huli na makaakyat ako sa inyo.

    Malay natin sa susunod nating akyat ay mas malawak na ang daanan. Di ba Kap?

    Maraming maraming salamat pong muli!

    Posted in Speeches on Aug 27, 2016