This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at Manay Gina de Venecia’s Birthday

    28 February 2017

    Haven for Women, Alabang, Muntinlupa City

    Matagal na po naming pinagkukuwentuhan ‘yung haven. Kinukuwento ko po sa kanya na, noong dati wala pa ako sa pulitika. Hindi pa ako Congresswoman, hindi pa ako Vice President.

    Ako ‘yung nag-aabugado para sa mga kababaihan at mga kabataan na dumaan sa pang-aabuso. Pero masuwerte kayo at ‘yung haven dito, nasa isang complex lang kayo.

    ‘Yung sa’min, Congressional spouses din ‘yung, tsaka DSWD ‘yung nagtayo. ‘Yung haven for women sa amin nasa Ligao Albay. Iyong Ligao, Albay dalawang oras na biyahe mula sa amin sa Naga, pero karamihan doon, kliyente ko. Kaya kapag may hearing ‘yung kaso namin, pumupunta na ako sa Haven para interviewhin ‘yung aking mga kliyente.

    Pero kahit siya malayo na, pasalamat na pasalamat ako noong tinayo ‘yung haven. Dahil nung wala pa ‘yung haven, bahay namin ‘yung ginagawang halfway house noong mga ni-rerescue namin.

    Kasi pag may tumatawag sa amin na barangay official na may kailangang i-rescue, wala pa dating bahay na gaya ng haven sa bahay namin. Doon sila tumutuloy sa’min, okay din sana, kahit napakaliit ng bahay namin kasi sa apartment lang kami nakatira, talagang may isang lugar na doon para sa mga ni-rerescue.

    Kaya lang paminsan, nilulusob kami noong mga perpetrator. Pinupuntahan kami at ginugulo kami sa bahay. Eh dahil walang security sa bahay naming, iyong aming kliyente ay ‘di rin secured.

    Kaya laking pasasalamat naming noong tinayo na ‘yung facility sa Ligao, Albay. Kahit bumabiyahe ako parati, okay lang. Pero, noong tinayo ‘yung haven din for children, dahil lalo kaming napalayo.

    Kasi ‘yung haven for children sa amin nasa Sorsogon. Kung ‘yung Ligao ay 2 hours away, ‘yung Sorsogon ay 3 hours away. Kaya talagang kung mag-prepresent kami ng kliyente na kailangan ko nang i-represent sa court, ‘yung weekend pupunta na ako sa Sorsogon para interviewhin ko ‘yung aking kliyente.

    Kaya noong nakita ko ‘to, hindi siya gaanong kalayuan. Malapit pa siya sa Metro Manila. Naisip ko, mabuti na din na mayroong ganitong facility. Napakalinis, nasa isang lugar lang lahat, may paaralan sa loob, parang napaka-convenient, napakabilis na, napakagaan na maitulay sa panibagong kinabukasan ‘yung mga taong nandito.

    Kaya naman ‘yung panahon na ibinigay sa akin ngayon, birthday pa naman ni Manay Gina, laking pasasalamat ko. Kasi matagal na akong hindi nakakabalik doon sa haven. ‘Yung huling pagpunta ko doon, parang unang taon ko pa lang bilang congresswoman.

    Pero hindi na ako nakabalik, kaya ‘yung pagbalik ko dito ngayon parang dati pa din. Pero ‘yung kaibahan lang, kasi masasaya kayong lahat pagbisita ko ngayon. Masasaya kayo, kaya siguro, siguro masasaya din kasi kasama natin si Ryza Mae. ‘Di ba Ryza Mae?

    Kasi sabi ko sa nanay ni Ryza Mae, “Napakahusay mo naman na nanay.”

    Kahit artista ‘yung anak, napakagalang. Bihira ‘yun. Bihira na pag sikat, na magalang pa din. Pero si Ryza Mae napakagalang na bata, kaya nagpapasalamat tayo kay Mommy.

    Pero kaya ko sinasabing iba, kasi pagpasok ko lahat masaya, lahat nakatawa. Naalala ko dati, bawat bisita ko sa haven, iyakan ‘yung ating nadadatnan.

    Alam ko na dumaan din kayo sa ganoong mga, ganoong mga oras. Alam ko galing din kayo sa malalaking pagsubok. Pero kaya nagpapasalamat tayo kay Manay Gina at sa mga Cogressional Spouses, na talagang dugo’t pawis ang inialay para maitayo ito.

    Kasi napakalaking bagay para sa inyong lahat na meron tayong ganito. Salamat din sa DSWD saka sa lahat ng staff sa pagbigay ng kalinga, ng nararapat lamang na maibigay sa ating mga kliyente.

    Saka siyempre sa ating mga social workers at mga house parents. Nakita ko kung papaano sumandal sa inyo ‘yung mga kliyente. Mayroon kami dating mga kliyente na puwede na siyang bumalik sa dati niyang buhay, pero ayaw niyang, ayaw ng humiwalay.

    Kasi ‘yung attachment sa social woker tsaka sa house parents, talagang, talagang grabe na. Kaya ngayon tinitignan ko kayo, masasaya halos lahat, parang kahit papaano naiibsan iyong bigat na pinagdaanan niyo.

    ‘Yung sa amin lang, ‘yung pagpunta namin dito, pakikiisa namin, pakikiisa namin sa kahirapan na pinagdaanan niyo. Pero, pagbibigay din ng aming dasal na sana ‘yung kinabukasan mas maliwanag para sa ating lahat.

    Sabi nga ni Ryza, good vibes lang tayo. Ano ba yun, Ryza? ‘Wag sad, happy lang. Papaano ‘yun, Ryza? Ganyan ba? Pero bilib ako. ‘Yung cha-cha mo alam alam nilang ikanta.

    Pare-pareho tayong nanonood ng Eat! Bulaga tsaka Ryza Mae Show. Pero ngayon po, iyong atin lang, iyong pag-greet natin kay Manay Gina ng happy birthday, pero ‘yung pag-greet natin sa kanya, pagpaabot din ng pasasalamat sa kanya, sa kanyang pamilya, sa Congressional Spouses, sa DSWD, sa lahat ng social workers, sa lahat ng house parents, sa pag-aruga, pagmamahal na binibigay niyo sa mga kliyente natin.

    Magandang hapon po. Thank you.

    Posted in Speeches on Feb 28, 2017