25 August 2016
Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, Quezon City
Unang-una, salamat sa pagdalo ninyo. Malaking konsolasyon po sa aming pamilya na kahit na apat na taon nang nakakaraan ay ‘yong kanyang mga kaibigan na dating niyang kasama noong siya ay nabubuhay pa ay patuloy pa rin.
Patuloy pa rin na pumupunta, nakiki-isa, hindi lang sa aming pagdadalamhati pero sa kasihayan ng pag gunita ng mga naiwan niyang aral sa ating lahat.
Nagpapasalamat po kami hindi lang sa Quezon City government pero sa lahat ng nagpakita kung gaano sila naapektuhan ng aral ng buhay ng aking asawa. Maraming mga naiwan na patuloy pa ring nabubuhay at isinasabuhay ng mga dati nating kasamahan.
Nagpapasalamat po tayo sa Araneta Center, sa Gateway, of course kay Mr. Harvey Keh, na siya ‘yong tagatulak sa lahat. Sa pagtataguyod uli ng photo exhibit na ito.
Parang ngayon yata ako ‘yong representative ng aking anak. Madalas siya ‘yong representative ko pero ngayon siya ‘yong executive director ng Jesse Robredo Foundation pero hindi siya makakadalo dahil may pasok siya kaya ‘yong nanay muna ang substitute.
Kaya sa ngalan po ng anak ko na siya ho ang executive director dito, sa ngalan ng aming pamilya, sa ngalan po ng napakaraming nagmamahal sa asawa ko.
Kahit ‘yong mga hindi siya nakilala dati nagpapakita ng pagmamahal. ‘Yong ating mga Jesse Robredo volunteers, maraming salamat sa inyo.
Sa inyo pong lahat, whether napadaan lang o pumunta, kayong lahat na mga kaibigan.
Maraming maraming salamat.
Over the years hindi ninyo nakakalimutan ‘yong asawa ko. Kanina pinapanood ko, sabi ko, parang mas madali sa aking tingnan ‘yong pictures pero pag naririnig ko ‘yong boses ng asawa ko parang buhay pa din siya.
Iba yata ang epekto ng boses. Pag tinitingnan ko ‘yong pictures parang, one lifetime ago na pero pag may boses parang kahapon lang.
Pero maraming maraming salamat at sa buhay ninyo lahat, nabubuhay pa rin hindi lang ‘yong alaala ng asawa ko pero ‘yong lahat na pinaniwalaan niya.
Maraming maraming salamat muli sa inyo at magandang tanghali.