This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Inauguration of the Historic Alberto Mansion

    Inauguration of the Historic Alberto Mansion

    Plaza Rizal, Brgy. Poblacion, City of Biñan, Laguna

    Ang atin pong kaibigan, Congresswoman Len Alonte at ang kaniyang asawa, si Steve na nasa likod; ang atin pong ginagalang na Mayor—Mayor Arman Dimaguila at ang kaniyang maybahay, Ma’am Dess; Vice Mayor Gel Alonte; the members of the Sangguniang Panlungsod of Biñan; Carl Almoro na kinakatawan si Governor Ramil Hernandez ngayong gabi; iyong atin pong mga department heads; ating mga barangay captains; mga barangay officials na nandito ngayon; mga members ng Local Government unit of Biñan; siyempre po special mention iyong lahat na katulong sa pagpagod para maisakatuparan ang proyektong ito—Mr. BJ Borja, Dr. [Bimbo] Sta. Maria; iyong kinatawan po ng NCCA sa pamumuno ni Mr. Bernand Joseph Corpuz; iyong mga kinatawan ng NHCP sa pamumuno po ni Mr. Alvin Alcid; iyong atin pong mga bisita—Mr. Howie Severino; iyong atin pong Save the Alberto House Movement; mga minamahal ko pong mga kababayan: magandang, magandang gabi sa inyong lahat!

    Isang napakalaking karangalan po ang masaksihan ang napakahalagang araw na ito para sa Biñan, sa ating muling pagbubukas ng Alberto Mansion. Binabati namin ang lokal na pamahalaan ng Biñan, pati na ang lahat ng organisasyong nakiisa sa proyektong ito, na binuhos ang lahat para maibalik at maibangong muli ang mansyon, upang manatiling buhay ang alaala ng mayamang kultura at kasaysayan ng inyong lugar.

    Ang pagtitipon natin ngayon ay pagkilala sa napakahalagang papel ng kasaysayan sa pagbuo ng ating pagkakilanlan bilang isang lahi. Ito ang hindi matatawarang kontribusyon ng Biñan sa kasaysayan nating mga Pilipino.

    Ang mga pasilyo ng Alberto Mansion ay saksi ng ilang taong ginugol ng Biñan para maging kung ano ito ngayon. Nanatili itong nakatindig, sa kabila ng napakahabang panahon mula nang itayo ito. Nasaksihan nito ang pagsibol ng inyong mahal na bayan—mula sa pagiging isang maliit na poblacion, hanggang sa pagiging maunlad na lungsod ngayon.

    Naging tahanan ito ng bayaning Pilipino, pati na ang mga lingkod-bayan at lider ng inyong lugar. Dito rin lumaki at namulat si Doña Teodora Alonso, ang dakilang ina ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Siya ang nagpakilala sa batang Pepe sa iba’t ibang uri ng karunungan, at nagmulat dito sa hirap at pang-aabuso na ating dinanas sa ilalim ng mga mananakop.

    [Mula dito] tinuro kay Rizal ang mga mahahalagang aral na umiigpas ng panahon: paglaban para sa katotohanan, katarungan at pagkakapantay-pantay sa lipunan. [Dito], kasama ng kaniyang kapatid na si Paciano, sabay silang nag-aral at nakakuha ng edukasyon mula sa mga mahuhusay na guro.

    Paglipas ng isang taon, lilisanin ng magkapatid ang [lugar] na ito. Dala-dala ang mga aral na itinuro ng ina at mga guro, mangingibang bayan si Pepe para maging iskolar. Ilalathala niya ang dalawang obra, ang Noli me Tangere at El Filibusterismo, na magsisilbing mitsa ng rebolusyon laban sa mga Kastila. Sasanib dito ang kanyang Kuya Paciano, at ipagpapatuloy ang laban ng nakababatang kapatid.

    Higit isa’t kalahating siglo mula nang [sila]’y manirahan sa mansiyong ito, at sa gitna ng iba’t ibang banta na gigibain ito at ibebenta sa iba, narito tayo sa bungad nito: namamangha sa katatagan at ganda ng tahanang naging saksi ng lahat.

    Isang paalala ito sa atin: na ang bawat tahanang Pilipino ay bukal ng kasaysayan at kabayanihan. Na ang giting, tapang at pag-ibig sa bayan ay unang kinikilala sa loob ng tahanan. Simbolo ang tahanang ito ng ating nakaraan, pati ang tatahakin nating kinabukasan.

    Nabubuhay man tayo sa isang bagong panahon, [binibigkis] pa rin tayo ng mga kontribusyon ng mga nauna sa atin at mga dakilang Pilipino na tumuloy sa tahanang ito. Hanggang ngayon, tinuturuan nila tayo na piliin ang mas nakabubuti, alang-alang sa ating mahal na bayan.

    Paalala ito, na sa gitna ng mga nangyari sa ating paligid, sa iisang tahanan tayo nanggagaling: ang pinagmulan ng ating kasaysayan bilang lahi, na may pagmamahal sa katarungan, nagbibigay-boses sa naaapi, at nagtatanggol sa mahihirap.

    Walang tamang panahon para magsiraan. Walang tamang panahon para maghilahan pababa.

    Ito ang panahon upang balikan at isabuhay ang ating magagandang kaugalian. Panahon ito upang ituro sa ating kabataan na hindi nadadaan sa dahas o pananakot ang katuwiran.

    Higit sa lahat, sa kabila ng mga hamong ating hinaharap, nawa’y manatiling buhay ang mga mahahalagang laban natin bilang Pilipino: ang pangangalaga sa ating demokrasya at mga karapatang pantao, ang kalayaang ipahayag ang sarili, ang respeto sa buhay ng tao, at ang tapat na pamamalakad sa ating gobyerno.

    Lahat tayo ay kabilang sa iisang pamilyang kumakapit sa isa’t isa para sa lakas at katatagan. Walang mag-aangat sa Pilipino, kundi ang kapwa niya Pilipino. Walang ibang maglilingkod sa Pilipino, kundi ang kapwa niya Pilipino. At walang patuloy na lalaban para sa Pilipino—gaano man ito kahirap—kundi ang kapwa niya Pilipino. Ito ang uri ng kabayanihan na hinihingi ng mapanghamong panahon ngayon.

    Tulad ng mansiyong ito, sama-sama nating itayo at iangat muli ang ating bayan, upang ang pagsasakripisyong ginawa ng ating mga bayani ay hindi masayang at mabaon sa limot.

    Kapag nalilihis na ang landas ng ating mga ginagawa, tanungin natin ang ating sarili: Saan nga ba tayo dinadala ng pagbabagong ito? Hinihikayat ba tayo nitong mas piliin ang daan ng pag-unawa at pagkakaisa, o tinutulak lamang tayo nitong magkawatak-watak at maging mas mahina?

    Ang pagbubukas sa publiko ng mga pinto ng makasaysayang tahanan na ito ay patunay na kapag tayo ay nagtulungan, ang imposible ay nagiging posible. At sa pagkamit natin ng tunay na kaunlaran, alalahanin natin: Dapat walang nahuhuli, dapat walang naiiwan.

    Hindi nakasalalay sa iisa ang tunay na pagbabago. Dumadaloy ito sa bawat Pilipino—sa akin, sa inyo, at sa ating lahat—na handang mag-ambag ng kanyang talino, oras, at kakayahan para sa ikauunlad ng ating Inang Bayan.

    Kaya muli, maraming salamat sa Lungsod ng Biñan! Mabuhay ang Mansiyong Alberto! Mabuhay ang mga bayaning Pilipino! [applause]

    Posted in Speeches on Dec 06, 2019