This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Inauguration of Floridablanca New Settlement Elementary School Library

    Office of the Vice President

    16 August 2017

    Floridablanca New Settlement Elementary School, Floridablanca, Pampanga

    Magandang umaga! Bago ako magpatuloy, pagbigay-galang muna sa mga opisyal na kasama natin ngayon sa pamumuno ng nag-request sa atin ng library, napakasipag, napakahusay, palakpakan po natin si Vice Mayor Mike Galang; nandito din ang ating former Governor, si Among Ed Panlilio at iyong nagbigay sa atin ng library, si Mr. Harvey Keh ng AHON Foundation; iyong ating Public School Supervisor ng West District ng Pampanga, Ma’am Ignacia Quiroz, at saka rin po iyong lahat ng school principals ng West District; Dr. Nairo Olalia, principal ng Floridablanca New Settlement Elementary School at iyong lahat ng guro ng FNSES; at atin pong kapangalan, ang ating PTA President, Mrs. Lenie Sazon; nandito rin po iyong dalawa nating kapitan, Brgy. Capt. Jacob Fajardo ng Brgy. Palmayo at si Brgy. Capt. Ernesto Manasan ng Brgy. Pagbanlag; iyong mga barangay officials na nandito; mga magulang; mga mag-aaral; iyong atin pong school librarian; sa inyo pong lahat: Magandang umaga muli! Good morning!

    Ako po, masayang-masaya na nakarating ako dito sa FNSES. Masayang-masaya ako kasi first time ko dito sa Floridablanca, first time din dito sa FNSES. Pero dito sa probisya ng Pampanga, maraming maraming beses na akong nakapunta.

    Kaya po iyong sinasabi ko kanina, iyong nagrequest nito sa atin, si Vice Mayor Mike Galang – galing na siya sa amin sa Naga, bumisita na siya. Nagpapasalamat tayo sa kaniya.

    Magpasalamat din tayo kay Mr. Harvey Keh sa pagbigay sa atin ng library. Sino ba dito ang mahilig sa libro?

    Iyong libro, binabasa, ’di ba? Kailangan babasahin. Every time nagbibigay kami ng libro, parati naming sinasabi: babalik kami, titingnan namin kung kumusta na iyong mga libro. Kasi kung napakalinis pa nung mga libro at wala pang kagusot-gusot, ibig sabihin, dini-display lang siya, hindi binabasa. Kaya iyong gusto namin, pagkatapos nating pasinayahan ang inyong library ngayong umaga, pagbisita ulit namin, makikita naming gamit na gamit na [iyong mga libro].

    Bakit namimigay ng libraries ang AHON Foundation? Alam niyo naman iyong kabutihan ng pagbabasa, ’di ba? Unang-una, marami kayong matututunan kapag ikaw ay nagbasa. Pangalawa, kapag nagbabasa ka, marami kang mga lugar na mararating na hindi mo pa nararating dati. Pangatlo, talagang lalawak ang inyong imagination. ’Di ba ganoon ang nangyayari kapag nagbabasa tayo? Parang na-iimagine natin ang lahat ng bagay na nababasa natin.

    Gaya kaming matatanda na, parati naming sinasabi: hindi tayo huhusay magsulat kung hindi tayo nagbabasa. Walang mahusay magsulat na hindi nagbabasa. Kaya napakahalaga na basa tayo nang basa.

    At ngayong August, ito iyong buwan na namimigay tayo ng libraries all over the Philippines. Bakit August? Kasi iyong August, iyon iyong buwan kung saan namatay iyong asawa ko, si Jesse Robredo.

    Maliliit pa kayo noon, kasi namatay siya five years ago na. Alam niyo ba kung paano siya namatay? Iyong asawa ko, Cabinet Secretary siya ng DILG ni Pangulong PNoy Aquino. Mayroon siyang trabahong pinuntahan noong August 18, 2012. Pumunta siya sa Cebu. Sabado iyon. Noong pabalik na siya sa amin sa Naga, nag-crash iyong kaniyang eroplano. Bumagsak ito sa dagat sa may Masbate, doon sa Bicol. Tatlong araw hindi nahanap doon sa dagat iyong kaniyang eroplano. Nahanap lang August 21 sa ilalim ng dagat. Noong nahanap iyong eroplano, nandoon pa siya sa loob ng eroplano.

    Tuwing August, ginugunita namin iyong pagkamatay ni Jesse Robredo. At isa sa mga paraan para gunitain ang kaniyang pagkamatay ay nag-iinaugurate tayo ng mga bagong libraries, dahil siya, napakahilig niya sa libro.

    Noong siya ay nabubuhay pa, napakahilig niyang basahan ang aming tatlong anak. Kaya iyong librong hihiramin niyo, sana hindi niyo lang sasarilihin. Sana isi-share niyo rin iyong libro sa inyong mga kapatid at magpapabasa kayo sa mama at papa niyo. Mahalaga na binabasahan kayo ng mama at papa niyo sa bahay kasi nakakatulong iyon magpalakas ng samahan ninyong mag-ina o mag-ama.

    Pangalawang library na ito ngayong taon. Dati, noong hindi pa ako Vice President at Congresswoman ako sa Camarines Sur, maraming maraming libraries din ang ibinigay sa atin ng AHON Foundation. Ngayong Vice President na ako, patuloy ang pagsuporta ng AHON Foundation sa pagbigay ng libraries. Ngayong taon, mayroon silang binigay na lima. Ito iyong pangalawang ini-inagaurate natin. Iyong unang inaugurate natin ay sa Calabanga, Camarines Sur. Pangalawa ito. Mayroon tayong isa sa Quezon City, mayroon tayong isa sa Nueva Ecija, at mayroon tayong isa sa Cagayan province. Dito sa Region III, iyong FNSES lang ang mayroong library.

    Kaya palakpakan natin si Vice Mayor, si aa Among Ed. Palakpakan din natin ang ating principal sa pagbibigay-bahay sa ating library. At siyempre palakpakan din natin iyong ating librarian kasi siya iyong mangangalaga ng mga libro dito.

    Kaya ngayong umaga, ito iyong handog namin sa inyo. Sana hindi natin sayangin iyong mga libro. Hindi po iyan pang-display pero gagamitin, babasahin.

    Kaya ngayon, nagpapasalamat po kami, hindi lang sa ating principal, hindi lang sa librarian, pero sa lahat ng mga teachers at magulang na nandito, at sa inyo, mga bata.

    Maraming maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa amin ngayong umaga. Magandang umaga muli sa inyong lahat!

    Posted in Speeches on Aug 16, 2017