This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Dialogue with T’boli Women Weavers

    LASIWWAI Compound, Barangay Klubi, Lake Sebu, South Cotabato

    Maraming salamat, Mayor! Magandang umaga po sa inyong lahat. [“Magandang umaga!”] Magandang umaga! Ayan.

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang muna po sa mga opisyal natin na kasama po natin ngayon, sa pangunguna po ng ating vice governor, Vice Gov. Vic de Jesus. Ayan. Congratulations po, Vice Gov. Alam niyo po, iyong South Cotabato kilalang kilala na sa buong Pilipinas dahil sa kahusayan, ano? In fact, noong nagkaroon po kami ng awarding sa Jesse Robredo Leadership Award, ‘yong inyong governor [ang] aming awardee, at ‘yong inyong lalawigan ay parating awardee sa Galing Pook [Foundation Awards], sa iba’t ibang mga award-giving bodies sa buong Pilipinas, kaya mapalad po kayo na nandito kayo sa South Cotabato. Kahit napakalayo ng inyong probinsya, maraming nagagawang mabubuti kahit maraming pagkukulang.

    ‘Di ba? Maraming pagkukulang—kulang sa pondo, kulang sa resources—pero hindi nagiging hadlang iyong pagkukulang na iyon. Kaya kay Vice Gov po, iyong aming pagpaabot kay Gov. Daisy (Avance Fuentes), saka sa buong pamunuan ng South Cotabato, iyong amin pong pasasalamat sa serbisyong binibigay ninyo sa ating bansa.

    Siyempre iyong atin din pong paggalang at pagpasalamat kay Mayor (Antonio) Fungan at kay Vice Mayor (Floro) Gandam dahil po sa napakainit na pagtanggap sa atin dito sa Lake Sebu.

    Nandito din po si Kapitan Bernard Caat ng Barangay Poblacion. [applause] Nandito din po si Kagawad Chita Sulan ng Barangay Klubi; saka si Jelly Escarlote, LASIWWAI Board of Trustee; saka siyempre si Jenita Eko, iyong ating founder saka president.

    Sa inyo pong lahat, hindi lang po mga kababaihan, pero mga kalalakihan din na nandito, saka iyong mga kabataan din na kasama natin: Magandang umaga pong muli!

    Alam niyo po, matagal ko nang gustong pumunta dito sa Lake Sebu, hindi pa po ako Pangalawang Pangulo. Naalala ko po, congresswoman pa lang po ako, nakabisita po ako sa Koronadal. Kasama ko po si— Naimbitahan po ako ni Mayor (Peter) Miguel, kasi alam niyo po noong nabubuhay pa iyong asawa ko, may binigay na pera iyong DILG sa Koronadal. Ang ginawa po ng Koronadal, pinanggawa ng mahabang highway. Ano? Pinanggawa nila ng mahabang highway, at iyong highway na iyon pinangalan sa asawa ko, sa yumao kong asawa, at noong inauguration po—sa kasamaang palad lang po, noong natapos iyong highway, wala na iyong asawa ko. Pagkatapos po—nabalitaan niyo naman siguro, namatay siya dahil bumagsak iyong kaniyang eroplano—noong inauguration po noong highway na iyon, ako na po iyong inimbitahan dahil wala na siya.

    Pero noong nandoon po ako sa Koronadal… Isang araw lang po ako doon, nag-overnight po ako, pero kinaumagahan paalis na ako. Sabi ko po kay Mayor, “Mayor, gusto kong pumunta ng Lake Sebu.” Kasi marami na akong nakikita na pictures, mga retrato, marami na po akong nababasa tungkol sa Lake Sebu. Hindi lang tungkol sa munisipyo, pero tungkol po sa inyo. Actually iyong LASIWWAI, nabasa ko na siya dati pa, at alam niyo po, bago ako naging politiko—kasi sa pamilya po namin, iyong asawa ko iyong politiko; naging politiko lang po ako noong siya ay namatay na. Pero noong hindi pa po ako politiko, isa akong abogado, na iyong pinagtatanggol ko iyong karapatan ng mga kababaihan. Kaya marami pong mga pakikisalamuha sa maraming mga grupo ng kababaihan. Hinahanap po talaga namin iyong mga kababaihan na mahirap iyong pinagdaanan, pero kahit mahirap iyong pinagdaanan, maraming… parang maraming na-a- achieve, kasi hindi hinayaan na maging hadlang iyong kahirapan. At iyong LASIWWAI, ganoon iyong kuwento. [applause]

    Isa pong malaking inspirasyon sa akin iyong kuwento niyo. Alam ko po kung gaano kahirap para sa isang katutubo gaya ninyo na mapansin. Mapansin dahil unang una, napakalayo ng tinitirhan. Mahirap, mahirap para sa… halimbawa, sa amin po sa national government, parang mahirap makita iyong sitwasyon. Kaya po mula noong ako ay naging… naging public servant, sinusubukan ko talagang mapuntahan iyong pinakamalayo, dahil alam ko na iyong nasa pinakamalalayo, iyon iyong pinakamalayo din sa tulong. Iyon din iyong pinakamalayo sa grasya dahil hindi nakikita iyong kalagayan nila, hindi nararamdaman kung ano iyong kahirapan.

    Kaya noong ako po ay naging Pangalawang Pangulo, talagang sinubukan po namin sa opisina… Siguro alam niyo naman iyong opisina namin, iyong opisina namin iyong may pinakamaliit na pondo sa lahat na mga opisina. Hindi naman siya dahil sa anupaman, pero iyong batas natin wala namang binibigay na mandato masyado sa Pangalawang Pangulo. Gustong sabihin, wala naman kaming pondo pang-proyekto. Iyong Pangalawang Pangulo, assistant lang talaga siya ng Pangulo.

    Pero noong ako po ay nahalal, sinabi ko po sa mga staff sa opisina na hindi naman puwede na anim na taon tayo na wala tayong ginagawang proyekto. Ang problema wala kaming pondo. Kaya bumuo po kami ng programa, ang pangalan noong programa Angat Buhay. Iyong Angat Buhay, isa siyang programa para matulungan iyong mga mahihirap na mga communities. Ano? Iyong mahihirap na communities sinusubukan naming maabot, tinitingnan kung ano iyong mga pangangailangan doon. Tapos kung nakita na iyong pangangailangan, hinahanapan po namin ng mga partners. Gaya ni Ben, ano? Si Ben Abadiano, kaibigan ko pong personal. Maari po niya at… ang mga taga-Ateneo para po isulat iyong hinaing… para po isulat iyong ating pagkakakila-kilala. [applause]

    Katulad nga ng sinabi ko, matagal ko na talagang gusto pumunta dito. Ang nilalayon talaga namin sa opisina noong una pa lang na puntahan iyong pinakamalalayng mga lugar. Sa tingin kasi naming, mas epektibo iyong tulong na maibibigay kapag mismong mga partners at ang gobyerno ang pumupunta sa inyo. Iba po kapag napupuntahan, ano? Ngayon na napunta ako, alam ko kung gaano kahirap pumunta, ano? Mahirap—iyong daan papunta dito, mahirap maabot.

    Pero ito po, kahit walang pondo iyong aming opisina, puwede po kaming tumulong maghanap ng pondo. [applause] Iyong akin lang pong, hindi po muna ako mangangako kasi ihihingi din namin, pero iyong akin lang, baka puwedeng iyong mga requests, baka puwedeng magkaroon kayo ng resolution saka sulat. Pati po iyong endorsement ni Mayor mahalaga, saka kung maaari po, iyong endorsement ng Provincial Government. Para po maidulog natin. Halimbawa iyong daan papunta dito, mayroong programa iyong ating pamahalaan na Tourism Roads, ‘di ba? Iyong mga daan papunta sa mga lugar na pinupuntahan ng mga turista. Puwede natin iyong ihingi. Iyong listahan niyo ng mga pangangailangan, puwede po nating idulog iyon sa Department of Tourism, pero kailangan po natin iyong documentation na maayos. Ngayon, kung hindi pa iyon handa, kung puwede po na i-prepare natin para mahingi natin iyong pangangailangan.

    Pero ito, hindi mahirap sa amin na tumulong kapag nakikita namin na tinutulungan iyong sarili. [applause] Pinakamahirap pong tulungan iyong ayaw tulungan iyong sarili, ‘di ba? Pero kayo, iyong kuwento niyo, nabasa ko po iyong kuwento niyo. Nabasa ko kung paano kayo nag-umpisa, nabasa ko kung paano niyo inipon iyong mga kita ninyo, hindi para sa sarili, pero para sa community. Ano? Iyong pagtayo nito, iyong paggawa nito ng kindergarten—lahat iyon dahil sa pagdedesisyon ninyong lahat.

    At ito, iyong nakakatuwa kasi mga babae. [applause] Mga babae iyong nakapag-isip. Ito po iyong matagal naming sinusulong noong ako ay abogado pa lang. Iyong kultura kasi, iyong kultura na kinalakhan ng maraming Pilipino, iyong lalaki iyong maghahanapbuhay, iyong babae mag- aasikaso sa bahay. Pero kahit ganoon—ganoon din ako, nag-aasikaso sa bahay—pero hindi iyon dahilan para hindi tayo maghanap ng paraan na tulungan iyong ating mga asawa sa hanapbuhay. Hindi puwedeng umaasa lamang tayo, kasi kapag umaaasa lamang tayo, hindi tayo nakakadagdag, ano? Kaya iyon iyong kinakatuwa ko sa inyo: sa gitna ng maraming pagsubok, sa gitna ng maraming kahirapan, kayo mismo iyong naghahanap ng solusyon, ano? Kayo iyong naghahanap ng solusyon para makatulong hindi lang sa mga asawa niyo, hindi lang sa inyong mga pamilya, pero sa community na ginagalawan niyo.

    Marami kayong pangangailangan, marami kaming puwedeng maitulong para mahanapan ng maipa-partner sa inyo. [applause] Siguro magyayaya tayo, magyayaya tayo na makabisita dito sa inyo, kasi napakaganda ng produkto niyo. Ano? Napakaganda ng produkto niyo na gaya po noong— kaya ko tinatanong kung ano iyong pangalan ng suot niyo—kasi sa Maynila, mayroon nang mga nagtitinda ng mga ganiyan na sobrang mahal iyong pagtinda. Kaya gustong sabihin, nakikilala na talaga hindi lang iyong husay niyo kundi iyong kultura. At iyon iyong gusto nating ayusin, na lalong nagpapaunlad tayo sa sarili. Lalo din nating sinusubukan na maipakilala kung sino tayo, kung sino iyong mga T’boli—kung ano iyong mga paniniwala, kung anong klase iyong pagbuhay. Dapat kapag nakikita iyong damit niyo, nalalaman iyong kuwento. ‘Di ba? Hindi lang siya sinusuot ng iba dahil maganda, pero sinusuot siya dahil pagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura niyo.

    At iyon iyong pagtatrabahuhan natin. Marami pong mga weavers sa buong Pilipinas iyong tinutulungan ng aming opisina, na iyong produkto nila makilala, iyong produkto nila magkaroon ng outlets sa Manila, kasi ito din iyong paraan para mabigyan ng mas halaga. ‘Di ba? Kasi parati nating sinasabi iyong indigenous peoples parating marginalized. Nama- marginalized kasi hindi kilala, hindi naiintindihan, hindi naaabot. Pero walang dahilan na ganoon pa din kapag pinagtulung-tulungan natin.

    Kaya ito, ngayong araw po, umpisa ito, ‘di ba? Umpisa ng partnership ng opisina namin sa pagtulong sa inyo. Umpisa din na sabay-sabay nating hahanapan ng solusyon iyong mga pinapangarap niyo pang mangyari dito sa inyong lugar. Mahaba po iyong listahan ninyo at hahanapan natin ng makaka-provide. Pero may pauna na kami ngayon, ano? May pauna kami ngayon. Iyong sa listahan niyo, iyong number one: dala namin ngayon. Iyong number one niyong kahilingan: digital camera, ‘di ba? [applause] Ayan. Kaya kanino ko ba—sa ating presidente, itu-turn over namin. Ito po, donation din galing sa isa sa mga partners namin. Iyong nag-donate po nito, ang pangalan niya—dati po siyang assistant secretary sa DepEd, si ASec… naging USec siya, USec. Rey Laguda. Siya na iyong head ngayon ng PBSP.

    (Philippine Business for Social Progress), ano? Nalaman niya na mga kahilingan kayo at sabi niya pauna na ito. Kaya nagpapasalamat po tayo. Kami ay tagadala lamang niyan, pero galing iyan kay USec. Rey Laguda. Ipapaabot namin sa kaniya iyong inyong pasasalamat. Alam namin marami pa iyong nasa listahan, pero iyan iyong number one, kaya iyan muna iyong aming hiningi para sa inyo. Alam ko mayroon kayong planong ayusin iyong inyong audiovisual center, ‘di ba? Iyong inyong audiovisual center, may kahilingan kayong mga gamit doon. Kapag mas maraming nakakaintindi kung bakit niyo kailangan, mas madaling humingi ng tulong.

    Kaya maraming, maraming salamat po, Mayor. Maraming salamat kay Vice Mayor, kay Vice Gov, kay Kapitan. Maraming salamat sa pagtanggap sa amin ngayong araw. iyong aming pagnanais sana hindi ito huli. Maraming lugar sa Pilipinas—siguro hindi puwedeng madalas, pero sana hindi ito huli, at sana marami kaming mayaya na bumisita dito para makita iyong kalagayan niyo at pangangailangan. Iyon po iyong paraan para makakahingi tayo ng tulong. Pero iyong una nating hihingian ng tulong iyong ating pamahalaan. Kaya mag-uusap kami ng ating president kung ano iyong mga dokumentong kinakailangan para mahingi natin.

    Kaya hindi po ako magtatagal, dahil mayroon po akong sasalitaang— actually kaya po ako napadpad dito kasi inimbitahan ako maging speaker doon sa isang conference dito sa Lake Sebu. Pero sabi ko sa opisina, pupunta na lang din ako sa Lake Sebu. Hindi puwedeng hindi ako dadaan sa inyo. Kaya dito muna ako nauna bago sa kanila para sigurado. [applause]

    Kaya maraming salamat! Maraming salamat din po para sa napakaganda kong damit. At salamat sa pagdadamit sa akin. Maraming, maraming salamat sa inyo!

    Posted in Speeches on Jan 26, 2018