Cerebral Palsy Community, Awareness, Rehabilitation, Empowerment, and Support Philippines, Inc. (CP Cares PH) Christmas Party
The Ampitheater, Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, Quezon City
Maraming salamat!
Magandang umaga! [audience: “Magandang umaga!”] Parang naninibago akong dito kayo nagkita-kita, ‘di ba? Madalas tayong nagkikita-kita sa opisina namin. [audience: “Opo!”] Pero noong papasok ako, sabi ko kela Rose, one year na, anniversary na natin ngayon, ‘di ba?
Una ko kayong nakilala, Christmas last year at medyo aksidente iyong pagkakakilala natin. Nagbisita lang kami doon sa Christmas party sa PCMC, ‘di ba? Naaalala niyo iyon? [audience: “Opo!”] Nagbisita lang ako doon, nag-Christmas party, tapos noong nakipagkuwentuhan ako sa bawat isa sa inyo, doon ko nalaman kung gaano ka-grabe iyong sakripisyo [ninyo], lalo na noong mga magulang, ‘di ba? Iyong sakripisyo ng mga magulang para sa pagmamahal sa kanilang mga anak.
Mula noon, naghanap kami ng mga makakatuwang natin. At kaya kayo ilang beses nang nasa opisina kasi nakahanap tayo ng katuwang—iyong ANCOP USA—na iyon iyong nagbigay ng individual na mga nebulizers at saka iyong mga hip seats para hindi maging mahirap masyado iyong pagdadala sa mga anak. At marami pang ibang inaasahan tayo na tulong na darating.
Ngayong umaga, natuwa ako nakita ko sila Rocky. Partner namin sila. Ang pangalan ng grupo nila, MULI. Partner namin sila sa mga Metro Laylayan activities namin at nagkukuwento kanina si Rocky. Sabi niya, malapit sa puso niya iyong cerebral palsy kasi mayroon siyang anak na 44-year-old na CP patient din. [applause] Kaya sabi ni Rocky, gustong gawin na advocacy ng kanilang grupo iyong pagtulong din sa inyo, kaya palakpakan natin sila. [applause] Ito iyong grupo na hindi pa kami humihingi ng tulong, nandiyan na. Kaya maraming, maraming salamat sa inyo.
Pero itong—‘di ba kapag Christmas, panahon ng pasasalamat, ‘di ba? Pasasalamat na kahit grabe iyong hirap na pinagdadaanan natin, kasama pa rin natin iyong mga anak natin, ‘di ba? May mga kababayan tayo na hindi kasing palad, pero nagpapasalamat tayo na sa tindi ng kahirapan na pinagdadaanan, malulusog pa rin. Ang Christmas, pagkakataon din para iyong mga kababayan natin na mas… siguro sabihin nating pinalad, mapaalala na ang Christmas panahon ng pagtulong. Panahon ng pagtulong para kahit papaano gumaan-gaan iyong mga dinadala natin.
Kaya ito, sabi ko nga, one year anniversary na ng pagkakakilala natin. Sana humaba pa iyong ating pagsasamahan at sana mas marami pang tulong iyong dumating sa atin para kahit papaano, iyong mga natulungan na, mas lalo pang matulungan. Iyong mga bago naman na sali ng grupo, matulungan din natin, ‘di ba?
Kaya iyon na siguro iyong mensahe ko. Pero ang pinakamahalaga sa lahat, sa lahat na magulang na nandito, alam ko kung gaano kagrabe iyong sakripisyo niyo. Kaya iyong sa amin, ang aming pakikiisa sa inyo lahat, sana sa kaunting… sa kaunting suwerte na binibigay sa iba, maibahagi din sa inyo para magaanan iyong inyong dala-dala. Kaya sa inyong mga magulang, maraming salamat. Merry Christmas, at mabuhay po kayong lahat! [applause]