This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at Bistekville-2

    Unang-una po nagpapasalamat ako kay Mayor Bistek at sa inyong kapitan sa pag-imbita sa akin ngayong maulan na umaga. Alam ninyo po mga dalawang linggo na nakakakaraan, pumunta po sa akin si Mayor Herbert, Vice Mayor Joy, lahat po ng mga opisyal, para iprisinta sa akin ang programa ng Quezon City para po sa pabahay. Napakaganda po at masuwerte ang mga taga-Quezon City dahil binigyan talagang prayoridad ang problema ng pabahay. Sabi ko nga sa kanla, siguro kung iyong lahat ng mayor kagaya ni Mayor Herbert, na ganito na lang ang pagbigay halaga sa problema ng pabahay, siguro kaunti na lang ang problema natin sa pabahay. Noong pumunta po sila, sabi ko, Mayor baka puwede ninyo kaming imbitahin sa isang Bistekville para makita namin. Katunayan po bago niya kami inimbita dito, marami na po akong speeches na ginagawa kung saan saan na parati ko pong ginagawang halimbawa ang partnership ng Quezon City government at PHINMA. Dahil ito po ang relationship na gusto nating ipakilala. At gusto nating magawang inspirasyon ng iba pang local government units. Ako po aaminin ko sa inyo isang buwan na po ako nakaupo na chairman ng HUDCC at napakarami ko pong problema ng inaatupag. Sabi ko po buti pa ang Quezon City, nakalatag na lahat ng programa. Sabi nga po ni Mr. Palma, by the end of the term ni Mayor Bistek, Bistekville 30 na lahat. Kinukuwento ko nga kay mayor Bistek last week iyong anak ko nag-volunteer po sa Habitat, guamawa din ng bahay sa Bistekville sa Visayas Ave. Napakagandang halimbawa ng pagtutulungan ng gobyerno at pribado para mabigyan ng sagot ang mga problema ng pabahay ng ating mga kababayan. Gaya po ng sinabi ko kanina, napakaraming problema na aking inaasikasao ngayon. Iyong una po ay wala po tayong datos na hawak. Pagpasok ko po hindi po namin alam kung ilang pag-aari ng gobyerno ang puwedeng gamitin para sa housing. Ilan ba ang nangangailangan ng pabahay? Iyong lahat po ay estimates at iyong estimates napaka-wide ranging. May estimates po na 1.5 million ang kulang, may estimates po na 5 million. Talaga pong hindi namin alam ang pinaka-eksaktong figures kaya ang pinakaginagawa namin sa HUDCC, nililikom namin ang datos para alam namin ang sitwasyon. Ang isa po nating ginagawa ay sulong agad tayo pero sa palagay ko po pagdating sa usapin ng pabahay, kailangan ng masusing pagpaplano at natutuwa po ako sa Quezon City government na naka-project na po lahat pati iyong mga hindi pa nangangailangan ngayon pero mangangailangan sa susunod na panahon dahil maaapektuhan sila dahil sa mga infrastructure programs ng gobyerno, naka-plot na rin po iyon sa Quezon city. Gaya po ng sabi ni Mr. Palma, kayo lang po yata ang local government unit na may socialized housing tax. Pag may nakakausap po akong mayor ngayon, parati ko pong binabanggit ang socialized housing tax at napakagandang pagkunan po nito ng resource para sa mga medyo may kaya, matutulungan iyong mga medyo wala. Natutuwa po akong pagpasok ko at hindi ko po inaasahan na ganito kaganda at ganito kalinis. Parang lalo po kaming nangarap na sana iyong nararamdaman ninyog kaginhawaan, maramdaman na din po ng mga kababayan nating naghihintay na magkaroon ng sariling bahay. Ito po at the end of 6 years, ang target sa aming opisina, kahit papaano malaki iyong mabawas doon sa backlog para sa housing. Marami pa tayong kababayan na naghihintay na dumating ang pagkakataon na magkaroon sila ng sariling pabahay. Karamihan ng naghihintay, nandito sa Maynila. Tama po ang direksyon ng Quezon City government na on-site kung hindi man on site, iyong in-city or kung hindi man puwede ang in-city, near city. Kasi alam ninyo po marami na kaming nabisitang relocation areas at talaga pong kawawa ang mga na-relocate. Unang-una, maraming na-relocate na hindi handa ang utilities. Hindi handa ang kuyente, hindi handa ang tubig. Marami po na ilang taon na nakatira doon na hindi pa handa ang utilities. Pero ang pinakamalaking problema nila ay trabaho. Marami pong ni-relocate sa labas ng Manila na di nagtatagumpay dahil bumabalik din sa Manila kahit na may bahay na doon dahil wala naman trabaho sa labas ng Maynila. Kaya ang direksyon po natin ngayon talagang on-site kung hindi puwedeng on-site, in-city para natutugunan po natin ang kabuhayan. Kasi ang housing po hindi lang siya sa pabahay. Ang housing dapat sinusukat natin kung napabuti ba natin ang buhay ng isang pamilya dahil nabigyan sila ng bahay. Kasi kahit nabigyan sila ng bahay kung hindi naman napabuti ang kanilang pamilya, hindi natin makukunsidira na naging matagumpay ang programa. Nagpapasalamat po ako sa buong pamunuan ng lungsod ng Quezon pati na rin sa SHFC sa pamumuno ni Ma’am Ana, pati na rin sa PHINMA, pagpasok po sa isang kasunduan, nakalimutan ko po ang may-ari ng lupa na malaking bahagi kung bakit nangyari ang panaginip na ito. Ito po ang mga partnership na gagawin nating halimbawa sa mga susunod na panahon. Maraming salamat po at congratulations sa lahat ng mga nakinabang sa proyektong ito.

    Posted in Speeches on Aug 16, 2016