This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Angat Buhay Youth Summit Send-off Dinner

    16 August 2017

    Microtel, UP Technohub, Quezon City, 15 August 2017

    Magandang gabi! Maupo po tayong lahat.

    Alam niyo napakahirap ng assignment na ibinigay sa akin nina Raffy at Jules. Una, sabi nila, bawal akong pumunta noong Sunday. Bawal din akong magpakita kahapon. Nasa office pa ako [kagabi], minadali nila akong umalis para pagdating ninyo, wala na ako. Tapos ngayong gabi, bawal din akong pumunta before 7:00 PM pero kapag nagsalita raw ako, dapat i-impart ko sa inyo iyong lessons na dapat ninyong malaman. Pero hindi raw puwedeng masyadong seryoso. Hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin.

    Naaalala ko [noong nagsu-shoot kami ng video message], dini-direct pa nila ako. Hindi ko makuha iyong direction. Kaya kanina, iniisip ko: ano ba iyong sasabihin ko na aral pero hindi masyadong seryoso. Kaya naisip ko, bago pumunta dito, idadaan ko na lang lahat sa kuwento.

    Mag-uumpisa ako sa isang sinabi ni Dumbledore kay Harry: “It is our choices, Harry, that show us what we truly are, far more than our abilities.” Doon ako mag-uumpisa kasi tingin ko, dapat doon lahat mag-umpisa iyong hugot. Wala tayo dito dahil sa ating kahusayan, although alam kong mahuhusay kayong lahat. Wala tayo dito dahil mas mahusay kayo kaysa sa mga hindi nakapunta dito. Pero nandito kayo dahil sa pinili ninyong landas na tatahakin.

    Marahil, alam niyo na may isang programa under Angat Buhay sa Office of the Vice President na ang tawag namin ay Istorya ng Pag-asa. Ngayong gabi, gusto kong magkuwento ng tatlong kuwento na konektado sa mga choices na ginawa mula noong sila ay bata pa. At itong tatlo ay lahat taga-sa amin, sa Naga. Alam ko mayroong mga Bikolano dito.

    Iyong pinakaunang kuwento ay kuwento ni Badong. Si Badong, anak siya ng magsasaka. Taga-Naga siya. Gusto niyang makapag-aral, ang ginawa niya nag-janitor siya sa city hall. Pero kapag gabi, nag-aaral siya ng accountancy. Dahil sa tiyaga – janitor siya sa araw, estudyante siya sa gabi – nakapagtapos siya, nakapasa sa CPA boards, naging accountant. Tapos na0promote siya: hindi na siya janitor, doon na siya sa accounting office. Doon siya nag-rise from the ranks, hanggang naging city accountant na siya. Siya na iyong head ng department. Pero hindi pa siya nakuntento. Habang city accountant siya sa araw, nag-aral siya ng law sa gabi. Nagtiyaga ulit, nagtapos, at naging abogado. Pagkatapos niya maging abogado, na-promote siya at naging city administrator siya. Pagkatapos niya maging city administrator, inalok siyang kumandidato bilang councilor. Nanalo siya at naging councilor siya for three terms. Pagkatapos niya maging councilor, dahil nagpamalas ng kahusayan, noong naging DILG secretary iyong asawa ko, ni-recommend niya maging head ng isang national government office, iyong Bureau of Local Government Finance, si Badong. Naging head siya noon. Noong namatay iyong asawa ko, ayaw niya nang tumira sa Maynila, gusto niya ng bumalik sa Naga. Nasa Naga na ulit siya ngayon at councilor na ulit.

    Pero alam niyo iyong kanyang dinaanan – napakahirap, nagpursige, nag-aral habang nagtatrabaho pero naabot iyong kanyang mga pinangarap.

    Pangalawang kuwento: si Aling Charing. Si Aling Charing naman, street sweeper sa Naga. Dahil sa kanyang pagiging street sweeper, napag-aral niya ang lima niyang anak. Noong napag-aral niya na iyong limang niyang anak at napagtapos na niya ang mga ito, nag-aral na din siya ng high school. Nag-graduate siya ng high school at the age of 50.

    Pagka-graduate niya ng high school at the age of 50, street sweeper pa rin siya, nag-aral ulit siya ng college. Nag-graduate siya ng college at the age of 54. Nakita niyo iyong determinasyon, ‘di ba? Na-imagine niyo ba? 40 plus na siya tapos iyong mga kaklase niya mga bata pa. Pero hindi niya iyon ininda.

    Pangatlong kuwento: si Jessie, kapangalan ng asawa ko. Si Jessie, nag-aral siya, nakapagtapos ng college, tapos nag-first year law. Pero dahil mahirap lang iyong pamilya nila, kinailangan niyang huminto sa law school para magtrabaho. Nagtrabaho siya, kinalimutan niya na iyong law school. Hanggang nakapag-asawa na siya, napag-aral niya na iyong lahat ng mga anak niya. In fact, iyong isa niyang anak, naging abogado na.

    Noong tapos na iyong kanyang mga anak, sabi ng mga anak niya , “Papa, baka gusto mo, tapusin mo na rin iyong law school.” Tinapos niya iyong kanyang law school, pagkatapos, nag-bar exam. Iyong una niyang subok, hindi siya nakapasa. Pangalawang subok, nag-self review lang siya at nakapasa. At the age of 60, abogado na siya. Nakapasa siya noong huling bar exam, baka nabalitaan niyo iyon – bar passer at the age of 60. Si Jessie iyon.

    Iyong kuwento ni Badong, Aling Charing, at Jessie ay puwedeng kuwento ng bawat isa sa atin.

    Ako mismo kukuwentuhan ko kayo. Susubukan kong maiksi lang iyong kuwento, pero ikinikuwento ko ito sa office na noong ako ay bata pa, mas bata pa sa inyo, napakamahiyain ko. Basta mayroong program sa school, ang pinipili kong role, iyong nasa backstage lang kasi nahihiya ako na aakyat sa stage. Pinilit ako ng nanay ko na sumali sa dramatics club. Pero ang pinipili kong role, either scriptwriter o iyong tagababa at tagataas ng kurtina. Iyong kapatid ko na sumunod sa akin, parating bida. Iyong nanay ko, teacher doon sa school na pinag-aralan namin. Parati akong itinutulak ng nanay ko, naiinis na sa akin. Parati niyang sinasabi sa akin, “Wala ka bang ilong at parati kang nahihiya?”

    Ganoon ako all through my life. Hanggang puwedeng hindi mag-catch ng attention, iyon ang role na gusto ko hanggang nag-college ako. Panganay ako sa magkakapatid, Economics iyong kinuha ko sa UP. Dahil masunurin akong anak, sabi ng magulang ko, “Maglo-law school ka pagkatapos.” Ako naman, oo lang nang oo.

    Pero noong na sa UP na ako, second year college ako, [nangyari ang] assassination ni Ninoy Aquino. Iyon ang aking political awakening. Mahiyain pa rin ako, at that point. Pero kahit papaano, nagpaparticipate na ako sa mga mass demonstrations, hanggang nag-graduate ako a few months after the EDSA Revolution.

    Iba na iyong pananaw ko. Nakiusap na ako sa magulang ko na puwede bang huwag muna akong dumiretso sa law school kasi gusto kong magtrabaho sa gobyerno, because I wanted to make a contribution at that time. Kakatapos lang ng EDSA, eh. I was among the very young people who were inspired, and who wanted to make a mark sa ating gobyerno. Pinayagan ako, pero sabi ng magulang ko: “Isang taon lang tapos maglo-law school ka na.”

    Nag-apply ako ng trabaho. Doon ko na-meet iyong asawa ko. Iyong asawa ko, iyong aking boss. Less than a year after ako natanggap, mag-asawa na kami – whirlwind romance. Noong namamanhikan iyong asawa ko, ayaw pumayag ng tatay ko. Ang sabi niya, “Hindi pa puwede mag-asawa ang anak ko kasi mag-aabogado pa siya.” Promise ng asawa ko sa tatay ko, na kahit mag-asawa na kami, sisiguraduhin niya na makakapag-abogado pa rin ako. So nag-asawa na kami, and true to his word, pinilit niya ako kahit ayaw ko na. Pinilit niya akong mag law school pa rin. Nagtuturo ako sa araw, naglo-law school sa gabi. Sabay-sabay iyong nangyari sa akin.

    A few months after we got married, kumandidato na iyong asawa ko bilang mayor. Twenty-two years old pa lang ako noon. After one year, nagkaroon kami ng anak. Nagtuturo ako during the day, naglo-law school at night. Napakahirap. Hindi ko alam kung mayroon na ditong nagtatrabaho saka nag-aaral. Pero iyong mga nagtatrabaho saka nag-aaral – napakahirap na gawain. Kapag eleksiyon ng asawa ko, magli-leave of absence ako. Kapag manganganak ako, magli-leave of absence ako, hanggang napatagal ko ang aking law school. Pero natapos ko.

    Naging abogado, pero klaro sa akin iyong choice ko na public service lawyering. So iyong una kong naging trabaho sa Public Attorney’s Office o PAO. Nagde-defend ng mga mahihirap na mga kliente. Tapos nag-SALIGAN ako, isang NGO. Iyong pag-aabogado naming, hindi iyong maaayos na mga suot pero doon kami sa mga communities. Parang iyong ginagawa namin ngayon sa Angat Buhay.

    Most of our days are spent in the farthest, smallest, and poorest communities – nagtuturo sa mga marginalized sector. Pero anyway, bakit ko ikinikuwento iyong kuwento ko? Kasi hindi mo masabi kung anong mangyayari. Akala ko nahanap ko na iyong place under the sun ko noong nagtrabaho ako sa SALIGAN. Akala ko iyon na iyong magiging buhay ko until the end of time. And then the plane crash happened.

    Noong biglang nagka-plane crash, biglang natulak ako. Nawala iyong asawa ko’ng bigla. Natulak akong kumandidato, hindi ko naman iyon gusto, pero parang I was left with no choice. Akala ko noon I wasn’t equipped kasi wala naman akong balak mag politiko. Iyon pala, iyong mahabang panahon na tinutulungan ko iyong asawa ko, iyon pala iyong preparation sa akin. Pero hindi ko naman iyon alam until the time I made a decision. Looking back, connecting the dots pala lahat iyon. Which brings me to the next point.

    Ikukuwento ko naman iyong anak kong si Aika. Si Aika, she’s 29 now. Kaklase at kabarkada niya si Jules, Mela, at Niko. Sila iyong magkakabarkada noong college. Si Aika at saka si Jules, hindi lang sila blockmates. Pero noong nagtrabaho sila, iyong first job nila, magka-opisina sila. Iyong first job nila sa isang American consulting firm. Ang head office nila sa New York.

    Ang course nilang pareho ay Management Engineering. Ang galing ng una nilang work, doon sila nahasa nang grabe. Pero ang hirap, kasi iyong work hours nila baliktad. Mayroon silang clients all over the world. Nag-uumpisa sila late morning, natatapos sila early morning the next day na.

    Naalala ko, noong time na iyon, kapag lalabas kami, tuwing bibisitahin namin dito [sa Manila] si Aika, dala ni Aika iyong computer niya, magpapaiwan siya sa Starbucks kasi doon niya kausap iyong mga clients. Until siguro na-burnout siya at gusto na niyang mag-resign.

    Nag-email siya sa tatay niya at ise-share ko sa inyo iyong reply ng asawa ko kay Aika. Babasahin ko lang sa inyo iyong portion ng sagot niya, kasi tingin ko lesson ito sa mga kabataan na parati tayong nagse-search for happiness. Hindi ko alam kung sino na dito ang nagta-trabaho, pero kadalasan, kapag first job parating itinatanong, “Happy ba ako sa first job ko? Fulfilled ba ako?” Ito iyong sagot ng asawa ko sa anak ko noong nagkokonsulta sa kanya kung puwede na ba siyang mag-resign:

    “It is too early to tell what you are meant to do. But quitting this early will not be good for you. While you may be unhappy and stressed, there is a better way of coping with it. The more unhappy and discontented you are, the more you will dread everyday you work.”

    Ito iyong sakit ng mga bata – ang huhusay, ang creative pero parating naghahanap ng happiness saka fulfillment.

    “As I have said, you are not in the worst place at this stage in your career. Sometimes, having too many choices is not that healthy.”

    ‘Di ba, tayo parang gusto natin parating maraming choices? Pero sometimes kasi, naco-confuse lang tayo.

    “I think sticking to your job for a significant amount of time is a good idea. It will test your ability to cope with something you are not too happy doing. The sad reality is that we have to bear it because it is part of the learning process. If I encourage you to quit early, the next time you feel the same discomfort, you will not learn to cope but quit again.”

    “I know of quite a number of people who were as good as you – or who were even better than you, but did not achieve their full potential because they always wanted to be happy with what they were doing.”

    Ito iyong gusto kong i-impart sa inyo. Kasi maraming mahuhuhsay, pero paminsan iyong mga mahuhusay, hindi nagiging achiever at the end of it all. Marami iyong mga hindi masyadong mahusay pero sila iyong mas nakaungos doon sa dapat sana mas nakakatalo sa kanila – dahil sa E.Q. Kaya iyon ang mahalaga.

    Kapag inasahan natin na sa araw-araw ng ating buhay, parating may magko-cause sa atin ng unhappiness, mas matututo tayong mag-cope. Iyong aking observation lang ngayon, lalo na kapag fresh graduate pa lang, parang parating kinikuwestiyon: “Masaya ba ako? Fulfilled ba ako sa trabaho ko?” Kapag ganoon iyong mga questions, parating iyong sagot hindi masyadong satisfactory kasi wala namang perpekto. Pero hindi naman ibig sabihin masama iyon.

    Paminsan, kailangang tayong dumaan sa maraming kahirapan at pagsubok kasi iyon iyong magpapatatag sa atin. Pero kung everytime na unhappy tayo, everytime na hindi tayo fulfilled, magre-resign tayo, aayaw, wala pong mangyayari sa buhay natin. Ang ikinikuwento ng asawa ko sa kanyang anak:

    “I have taken less fulfilling jobs in my career but I have looked at them as the dots that connected me to where I am now. The more you despair, the more you will be unhappy. Many people would love to take your place, given the opportunity. Just look at this stage as the difficult stepping stones in testing your character and patience. Probably, later on, with the benefit of hindsight, you will conclude that it was all for the better that you were not too hasty in making the decisions on this matter.”

    Kaya ko sya ikinikuwento, kasi tingin ko, iyong pinagdaanan ni Aika either pinagdadaanan niyo rin or pagdadaanan niyo. Sa buhay natin, maraming dumarating na hindi natin ginusto. Halimbawa, iyong namatay iyong asawa ko, hindi ko iyon ginusto. Pero hindi ako magmumukmok sa isang tabi dahil iyong nangyari, hindi ko ginusto. Pero hahanap na ako [ng paraan] paano ako makakabangong muli. Iyong napilitan akong kumandidato, hindi ko rin ginusto. Pero dahil nandiyan na at tinanggap na iyong challenge, paghusayan natin.

    Ang tanong: magdu-dwell ba ako [sa mga sitwasyon] na wala naman akong magagawa – o hahanap na lang ako ng mas makabuluhan na gagawin? So parati ang sagot: kung hindi puwede itong daan na ito, hahanap ako ng ibang daan. Kung naglagay ng roadblock sa gusto kong gawin, magi-emo ba ako tapos magmumukmok at magtatampo dahil hindi nangyari iyong gusto ko? Kapag ginawa ko iyon, wala na akong magagawa. So doon na lang ako sa may magagawa ako. Diyan nabuo ang Angat Buhay.

    Early on, parang sinabi na hindi ako puwedeng mag-participate sa government so sabi ko gawa na lang tayo ng gusto nating gawin. We conceptualized iyong Angat Buhay. Nandiyan sila Geo-ann, Raffy at ang buong Advocacy Team. Sila talaga iyong heart and soul ng Angat Buhay. Naging blessing in disguise kasi siguro kung hindi nagkaroon ng roadblocks, hindi naman nagkaroon ng Angat Buhay. Ngayon, hindi na lang nasa Advocacy Team iyong heart and soul ng Angat Buhay, pero siya na iyong pinaka-core ng Office of the Vice President.

    Every week, at least two to three days a week, bumababa kami sa pinakamahihirap na mga lugar. Itong picture na ito sa Agutaya. You can reach it by a 10-hour boat ride from Coron. Walang kuryente, halos lahat ng bata stunted, napakahirap ng lugar. Ako, once pa lang nakapunta doon pero iyong team, ilang beses na, at least twice na.

    Noong nakaraang araw, nandoon kami sa Palawan. Pumunta kami sa mga tribo, sa fishing villages. Iyon na iyong buhay ng Office of the Vice President ngayon. Totoo na hindi namin nakuha iyong initial naming pangarap pero iyong kinalabasan mas mabuti pa. Iyon ang gusto kong iwan sa inyo ngayon. Noong nahanap namin iyong ganda ng proyekto, gusto namin na ayain kayo to join us in our journey.

    Ang tingin naming, magbe-benefit dito hindi lang Office of the Vice President, hindi lang kayo, pero iyong magbe-benefit ay ang buong bansa. Na iyong mga kabataan na kagaya ninyo, this early, ini-immerse na sa ganitong klaseng serbisyo. Nasa politika man o wala, parating may pagkakataon na makatulong.

    Kaya nagpapasalamat ako sa Advocacy Team – Geo-ann, Raffy and the entire staff. Of course, kay Jules, Mela, Niko, at saka iyong ating core group ng mga volunteers na buong pusong tumutulong at ipinapakilala iyong programa sa inyong lahat.

    In a short while, i-aannounce na iyong 10 winners. Each of the winners will receive P25,000. Pero iyong top prize, surprise pala ito, will go to South Korea to make a pitch sa Hanyang University. Siguro next year, kayo na din iyong core volunteers. As we expand the program, mas marami na rin tayong mga kaibigan at partners. Kapag na-spread natin iyong ganitong klaseng spirit ng public service, walang dahilan para hindi umangat ang ating bansa.

    Kaya thank you to our sponsors, the representative from the US Embassy is here, Team Energy, Doc Anton, San Miguel Corporation. Maraming, maraming salamat.

    Thank you for journeying with us. Thank you for the inspiration that you have given our youth who are here this evening.

    Maraming salamat, congratulations, at magandang gabi sa inyong lahat!

    Posted in Speeches on Aug 16, 2017