This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Angat Buhay Youth ARMM Summit

    Shariff Kabunsuan Cultural Center

    Cotabato City, Maguindanao

    Maraming salamat! Maupo po tayong lahat.

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang lang muna sa mga opisyal na kasama natin ngayong umaga. Siyempre po sa pangunguna ni RG Mujiv [Hataman]; si [Regional Vice Governor] Moi; iyong kaniyang chief-of-staff Kal Mambuay; Cabinet Secretary JL Balagot; Secretary Dayang Nomaide; Secretary Boyet Alonto; Asec. Ahmad Guro; Asec. Dats, aking kaibigan; iyong ating mga participants dito sa Angat Buhay Youth ARMM chapter; ating mga bisita; mga minamahal kong mga kababayan; magandang umaga sa inyong lahat.

    Ayan, napakasaya na nakabalik muli ako dito sa Cotabato. At binibilang ko kanina, RG, hindi ko sigurado kung pangatlo o pang-apat ko na nagpunta. Alam niyo po noong buhay pa iyong asawa ko at nasa DILG siya, wala na siyang ibang kinuwento sa akin kundi ARMM. He was very hopeful about ARMM. Parati din sa aking kinukuwento si RG Mujiv. Pero hindi kami magkakilala. Kilalang-kilala ko siya sa pangalan pero parati niyang kinu-kuwento na batang-bata, mahusay, matino, etcetera, etcetera. Madalas siya, madalas siya dito sa ARMM noon. Pero siguro nabalitaan niyo na rin iyong kuwento ng kaniyang buhay.

    Alam niyo iyong asawa ko, pinaka-una siyang nag-Mayor ng Naga at the age of 29. Batang-bata din, at the age of 29. Nag-three term siya ng Mayor. Pagkatapos ng three terms, nagpahinga, bumalik ulit, another three terms. Natapos iyong kaniyang pagiging Mayor noong 2010. Noong 2010, after natapos iyong kaniyang term bilang Mayor, na-appoint siya bilang kalihim ng DILG.

    Iyong passion niya talaga, governance. Siya iyong Mayor pa siya pero iyong advocate niya talaga, good governance talaga sa mga local government units. Iyong paniniwala niya, iyong tanging pag-asa ng ating bansa para umunlad [ay] iyong good governance sa mga LGU. Kaya iyon iyong kaniyang kinakampanya, iyon iyong kaniyang passion, iyon iyong kaniyang inaasikaso talaga. Iyong paniniwala niya—tama iyong sabi ni RG Mujiv—na iyong istruktura nandiyan na, nasa drayber, ano, nasa drayber saka nasa pasahero. Kaya siya, kung naalala mo, RG Mujiv, siya iyong nag-umpisa noong Seal of Good Housekeeping. Iyong Seal of Good Housekeeping, parang nire-reward-an iyong mga local government units na nagpe-perform nang maayos. Iyong sa kaniya, parang carrot-and-stick approach. Na kung mahusay ka, mayroon ka parating aim na hinahabol.

    Marami siyang panaginip. In fact, the weekend that he died—noong namatay siya Sabado iyon—noong Lunes noon—after noong Saturday na iyon, dapat pabalik siya dito kasi marami siyang mga unfinished business na gagawin. After the plane crash, immediately after… Alam niyo noong Mayor pa iyong asawa ko, hindi ako involve sa pulitika. Abogado ako pero iyong pag-abogado ko, I was a human rights lawyer. Iyong pag-aabogado ko, hindi iyong pag-aabogado na nasa opisina, nasa airconditioned office, na magara iyong suot. Pero kami iyong mga abogadong pumupunta sa mga communities at in-e-empower iyong mga communities. We worked very closely with mga farmers and fisherfolk, women and children, indigenous peoples, mga manggagawa, urban poor—iyon iyong aming mga pinupuntahan. Pumupunta kami—ang area ko noon was Bicol—pumupunta kami sa mga pinaka-malalayo—iyong sa mga bihirang napupuntahan ng mga abogado—with the understanding na itong mga communities na ito, kapag naiintindihan nila iyong kanilang mga karapatan under the law, they will be in a better position to fight for their rights. So iyong empowerment of the basic sectors. Pero dahil mga abogado kami, gusto naming i-train sila: ano ba iyong sinasabi sa batas na mga karapatan ninyo? So iyong mga batas noon, tina-translate namin into the Bicol dialect, itinuturo sa kanila, para kahit walang abogado, alam nila kung paano ipaglaban iyong kanilang mga karapatan.

    Noong nag-term limit iyong asawa ko, tinutulak ako sa amin na ako iyong pumalit sa kaniya. Parati kong sinasabi: “Over my dead body.” Sabi ko never akong papasok sa pulitika; happy na ako na ito iyong ginagawa ko. But the plane crash happened.

    Noong nangyari iyong plane crash, nagkagulo iyong pulitika sa amin kasi ganito iyon eh, ganitong panahon. May eleksyon next year, filing [sa] October. Namatay iyong asawa ko, August. Nakahanda na iyong mga line-up doon sa amin sa lokal. Noong namatay siya, nag-away-away at ayaw nang i-honor iyong mga napag-agreehan na mga posisyon. Ako na ngayon tuloy iyong tinutulak ng mga naiwan. Sinasabi nila, “Kung hindi man ikaw, talagang mag-aaway-away na. Masasayang na iyong legacy ng asawa mo.” Napilitan akong kumandidato. Pero noong ako iyong nanalo bilang Congresswoman, gusto ko talagang bumalik dito para tingnan ano ba iyong iniwan ng asawa ko, ano ba iyong mga puwede kong gawin. And I worked very closely with, iyong asawa ni RG, si Cong. Dada. Magkasama kami sa Kongreso. Maraming mga batas na nagco-coordinate kami at nagco-collaborate.

    Sabi ko last… sabi ko, isang term lang ako magco-Congresswoman, [pero] natulak. Kumandidato bilang Vice President. Noong 2016, parang walang kapag-a-pag-asang manalo. I was one of the six candidates. Iyong kalaban ko lahat lalaki. Iyong kalaban ko, lahat senador. Ako iyong pinaka-hindi kilala. Pero sinipagan. Dito sa ARMM, napakalaki ng pinanalo ko kaya maraming, maraming salamat sa suporta. [applause]

    Pero noong ako nanalo na, ang una kong ginawa, siguraduhin na iyong kukunin kong mga tao—pareho kami ni RG—mga bata. Kaya kung titingnan niyo iyong aming opisina, ang average age ng aming opisina siguro mga 26 lang or 27. Average age. Iyong aking chief-of-staff—na-meet niyo siguro—si USec. Boyet Dy. Nakita ko iyong picture niya. Iyong aming chief-of-staff is only 34 [years old], ayan, 34. Hindi ko na tatanungin si Jill kung ilan iyong edad niya. Hindi ko na rin tatanungin si Raffy kung ilan na iyong edad niya. Pero isa na sila sa mga matatanda sa aming opisina. Maraming sa aming opisina nasa early 20s, mga bagong graduate.

    Pero ang experience ko, pareho ng experience ni RG, iyong capacity to be innovative, iyong capacity to be creative, bukas na bukas pa iyong pag-iisip, wala pang mga hadlang, wala pang masyadong biases, nasa mga bata.

    Iyong Angat Buhay, produkto ito ng creativity ng mga bata. I’m sure you are well aware of the nature of the Office of the Vice President as far as our Constitution is concerned. Kapag tiningnan niyo iyong opisina ng Pangalawang Pangulo, wala namang nakasaad na mandato. We don’t have the mandate to implement programs. Kapag tiningnan niyo, ang only mandate of the Vice President is to be ready just in case something happens to the President.

    Pero gustong sabihin, doon sa anim na taon, wala kang gagawin, ceremonial lang. Kapag tiningnan mo iyong budget namin, there’s nothing there para sabihin na puwede kang gumawa ng mga proyekto kasi I think we have one of the smallest budgets in the bureaucracy. Isa kami sa pinaka-kaunti iyong budget. Kapag tiningnan mo iyong mga items sa budget namin, pang sweldo, operations ng opisina, ceremonial work, walang programa. Pero sinabi ko pag-upo pa lang, hindi naman puwedeng anim na taon ka ditong wala tayong ginagawa kundi ceremonial work. “Mag-isip tayo,” and siyempre closest to my heart, anti-poverty because that was what I was doing before I became a politician.

    Na-conceptualize namin iyong Angat Buhay. Pero iyong Angat Buhay, gusto namin tumulong sa pinaka-mahihirap na mga lugar pero wala naman kaming perang pang-tulong. So nag-conceptualize kami ng isang programa na ang posisyon ng opisina, parang we reinvented our office from being a mere ceremonial office into a more advocacy-heavy office. So we conceptualized na iyong role ng opisina namin will be a sort of conduit between communities needing help and organizations wanting to help. So iyon ang nangyari sa Angat Buhay. Maraming natutulungan: We initially chose 50 adopted communities na ngayon, we are in 176 communities already.

    Talagang tiningnan namin iyong ARMM. Ano ba iyong puwedeng maitulong sa ARMM? Tiningnan namin na isa sa mga pinaka-nangangailangan ng tulong, Lanao del Sur. So nag-launch kami ng Angat Buhay Lanao del Sur chapter and we chose how many towns in Lanao? 16 towns. Ni-launch namin iyon March 2017. Tama ba? Oo. March 2017 nag-launch kami. Nandiyan kami sa Marawi. We launched Angat Buhay Lanao del Sur chapter.

    In fact, iyong pinaka-first noong program namin, nakahanap na kami ng partner—Pilipinas Shell Foundation—to help a weaving community in Barangay Dayawan in Marawi. Pumunta sa amin iyong mga weavers [on] May 2017—two days after, sumiklab na iyong giyera. Iyong aming tinutulungan na community, hinanap na namin, hindi na namin mahanap. Initially, hindi namin mahanap kasi lahat nag-evacuate. Until nahanap namin sila sa isang barangay sa Iligan City. Nandoon sila sa isang bahay, binigyan namin ng kabuhayan habang nasa evacuation centers. And pagsiklab [ng giyera], si Raffy nasa Marawi na—almost the entire time. Nakipag-partner kami with Xavier University, we set up relief operations with their help. Tapos noong tapos na iyong giyera, we started our rehabilitation efforts already.

    May nagdo-donate na pera sa akin para sa protest. Mayroon akong protest case sa eleksyon. Hindi ko puwedeng tanggapin kasi bawal akong tumanggap ng donations. Pinakiusapan namin iyong mga nag-donate na, “Puwede ba i-donate na lang natin ito sa Marawi?” Pumayag sila and they were able to build an Angat Buhay village in Marawi. Right now, nakalipat na sila doon sa village. Gumagawa na kami ng livelihood for the evacuees na nakabalik in Barangay Sagongsongan. Tapos mayroon din kaming mga ginagawang projects sa Saguiaran and Balo-i dahil marami pang mga evacuees doon.

    Maraming puwedeng gawin. Iyong Angat Buhay Youth, naisipan namin na kung nangyari sa opisina natin na iyong mga kabataan iyong nakaisip ng napakagagandang proyekto, bakit hindi tayo gumawa ng Angat Buhay Youth? Gumawa kami ng run last—anong month? 2016 ba o 2017? Sure ka? Parang mas late—February of 2017, we did an Angat Buhay Youth run in Manila—parang mas late, Raffy. Anyway, i-correct natin mamaya. And we are very inspired by the kind of projects na pini-pitch ng mga grupo na inimbitahan.

    And then we thought of doing an Angat Buhay Youth Mindanao run. We did that in August—tama ba?—August of ngayon lang, ngayong year. Iyong first run was August of 2017. We did a Mindanao run August of 2018, super inspiring. We did that in Cagayan de Oro City. Hindi namin ine-expect iyong klase ng mga projects na pinitch. Dahil very inspired kami sa mga projects na pinitch, we thought of doing Angat Buhay ARMM run immediately after kaya nandito na tayo ngayon. [applause] Kaya maraming salamat sa inyo, maraming salamat for accepting our invitation to join Angat Buhay Youth ARMM run. Pero hindi rin namin magagawa ito kung wala iyong collaboration with the ARMM regional government, kay RG Mujiv.

    Kanina tinitingnan ko, binibigyan ako ng listahan noong mga nanalo. Binigyan ako ng listahan ng mga nanalo but I have been keeping tabs of what has been happening over the past four days. Tinututukan namin. Ang iba sa amin nandito na, may mga pumunta na, may mga umalis na, at ako last day. Ngayong umaga, i-aannounce na iyong winners, ‘di ba? We are going to choose 10—the top 10—iyong top 10 of the 28 na nag-participate.

    Noong Angat Buhay Youth na nag-run—iyong pinaka-umpisa—ganoon rin, pumili din ng top 10. Sa Mindanao, pumili din ng top 10 and dito sa ARMM, pumili ng top 10. But what is making this run much more special than the rest is the fact na tatapatan ni RG Mujiv. [applause] Tatapatan ni RG Mujiv iyong ating prizes. Hindi ko alam kung na-announce na ni Raffy. Na-announce mo na ba, Raffy, kung ano iyong prizes nila? Iyong top 10? In-announce na ba natin?

    Iyong top 10 will be receiving a 25,000-peso grant from the US Embassy. [applause] So iyong top 10 may 25,000 [pesos], tatapatan pa ni RG Mujiv so magiging 50,000 [pesos] iyong grant. [applause] At hindi pa iyon, iyong magna-number one, iyong magna-number one will be representing the Philippines sa isang international youth conference similar to this in Seoul, South Korea [applause] sa August next year.

    Iyong nanalo doon sa Mindanao run, magkakasama kami. Dinala namin sila doon sa Seoul, South Korea noong August. [applause] It happens only every August. So iyong mananalo dito ng first prize, sila din iyong magre-represent and doon, bibigyan ulit ng, ano iyon, ng funding for the project.

    Pero hindi lang iyon. Sabi ko, the help of Gov. Mujiv is very significant, pero Raffy just informed me when I arrived na sobrang impressed iyong mga panelists sa inyo. So they decided that they will award a special jury prize [to] six more groups. So iyong six more groups will also be awarded, and the panelists themselves will be helping fund the programs of the six other groups. [applause] So iyon iyong exciting about this.

    Pero bakit natin ginagawa itong exercise na ito? Pareho noong exercise na ginawa ni Gov. Mujiv noong nag-handle siya ng ARMM regional government, pareho noong paniniwala ko noong ako ay iyong naging Pangalawang Pangulo, na talagang iyong solusyon ng mga problema natin, aasa na kami sa inyo. Kami, patapos na kami. Siguro iyong aming creativity, hindi na namin mama-match iyong creativity ninyo. Iyong aming innovativeness, hindi na namin mama-match iyong sa inyo.

    Naniniwala kami na iyong mga leaders, wala silang monopoly—wala kaming monopoly—of good intentions. Wala kaming monopoly ng husay, wala kaming monopoly ng magagandang plano. Kaya kailangan, para maging mas empowering iyong gobyerno, binibigyan ng pagkakataon iyong ordinaryong mamamayan na makilahok sa pagpaplano. And this is the very purpose why we are having this exercise: to give you the avenue to express how you feel about things; to give you a chance to pitch sa mga programang gusto niyo.

    Iyong Mindanao, napakagandang lugar. Napakagandang lugar. Parating iyong gusto nating ma-attain, iyong lasting peace, ‘di ba? Na parang napaka-elusive. Madalas tinitingnan na military iyong solusyon. Iba iyong paniniwala natin. Iyong paniniwala natin, governance iyong solusyon.

    Noong nakaraang dalawang buwan, kasama ko si Gov. Mujiv, pumunta kami sa Basilan. Iyong pagkakaiba sa Basilan ngayon from the Basilan of yesteryears, sobrang malayo na. Pumunta kami sa Sumisip, pumunta kami sa Lamitan, because we’re doing projects there. Iyong effect ng governance, ibang-iba na. Kausap mo iyong ordinaryong tao, sobrang happy siya sa nangyayari sa lugar kahit may mga problema pa. Nakikita mo na hopeful ang mga tao. And that is what is important, na may pag-asa sa puso na magbabago, ‘di ba? May pag-asa na mayroong mas magandang bukas na aasahan.

    Noong pumunta kami sa Sumisip, mayroong napakagandang programa si Mayor saka si Vice Mayor, iyong reintegration ng mga surrenderees. Pagpunta namin doon mayroong mga bata, mayroong mga bata, kabahagi sila noong surrenderees. So tinatanong namin, “Ganito ba kababata iyong involved sa ganito na problema?” And the answer was yes.

    May sinubukan kaming isang exercise. Sinama namin sa Manila iyong isang bata. An 11-year-old boy na siya na lang iyong natira sa pamilya niya, kasi apparently, namatay iyong lahat ng family members [niya] because of rido. Ang natira, dalawa—iyong kuya niya at tsaka siya. Iyong kuya niya, during a recent encounter naman namatay din, so solo na lang siya. Eleven years old, Grade 1. Grade 1 pa lang siya.

    Sinama namin siya sa Manila. Kasama namin, Gov., si Vice Mayor, kasama namin si Vice Mayor. Pinasyal namin siya. Ako mismo iyong sumama. Pinasyal ko siya sa Kidzania. Ang Kidzania parang indoor na amusement park na iyong bata may chance na maging pulis, may chance na maging pilot, may chance na maging firefighter, basta may roleplaying. Noong unang na-meet ko iyong bata, napaka-stern noong kaniyang mukha. Parang hindi 11 years old—hindi tumatawa, masungit iyong mukha, kapag kinausap mo sasagutin ka paisa-isa. Maghapon siyang naglaro. Maghapon siyang naglaro. Nasamahan ko lang siya hanggang one o’clock lang in the afternoon dahil mayroon na akong meeting. Pero natira pa sila doon kasama iyong mga ibang staff sa office naglaro pa sila.

    Pagka four o’clock, pinadalhan ako ng picture noong bata. Bata na ulit iyong itsura niya. Bata na ulit iyong itsura niya, ibang-iba na. [applause] Same day. Pagkatapos sa Kidzania, dinala sa Landmark, pinapili siya ng isang toy—nakalimutan ko kung anong toy iyong pinili niya basta may picture siya with the toy. Pero kapag kinompare mo iyong itsura niya noong nine o’clock in the morning saka itsura niya noong four o’clock in the afternoon, ibang-iba na.

    Pero ano iyong exercise na iyon? Bakit ginawa? Iyong exercise na iyon, binibigyan mo ng pagkakataon iyong bata na makita iyong mundo outside sa alam niya. Makita iyong mundo na hindi naman marahas lahat. Makita iyong mundo na mayroong puwang para sa mga bata. And after that very successful trip, we decided to, parang to partner with a local government unit sa pag-asikaso noong mga batang nagiging biktima noong giyera sa Basilan. It will be a continuing exercise pero parang napakaliit na bagay ang ginawa mo pero natu-turn around niya iyong buhay in a really big way. And that is what we hope will be the product of our exercise today.

    Totoo, bata pa kayo. Pero iyong kabataan niyo, iyon iyong weapon niyo. Iyong kabataan niyo, iyon iyong magagamit ninyo para mahanap iyong lasting peace dito sa Mindanao. Iyong paniniwala na nakita natin kung anong change iyong nadala ng regional government—noong nagkaroon ng ARMM dito—nakita natin iyong kahit na very limited iyong powers ng ARMM, posible naman pala. Halimbawa, kami sa Office of the Vice President, very limited ang aming powers, pero instead of complaining na limitado iyong powers, walang pera, maghanap tayo. Ang parati kong sinasabi sa opisina, “Kapag mayroong roadblock, hanap tayo ng ibang daan kasi siguradong mayroong iba.” And iyon iyong mindset na gusto natin i-cultivate dito: to turn limitations into opportunities. And that is what you did over the past four days.

    Kaya maraming, maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa inspirasyon na binibigay niyo sa aming lahat. Magandang umaga. [applause]

    Posted in Speeches on Oct 25, 2018