This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Angat Buhay Women’s Entrepreneur Bootcamp

    Angat Buhay Women’s Entrepreneur Bootcamp

    Sequoia Hotel, Diliman, Quezon City

    Magandang umaga!

    Bago ako magpatuloy, gusto ko lang batiin iyong ating mga partners sa programang ito: siyempre, si Maica Teves ng SPARK! Philippines [applause]; si Jaymie [Reyes] ng Dutch Embassy [applause]; si Ronald [Rodriguez] at saka si Toto ng Beebeelee [applause]; at sa inyong lahat, magandang umagang muli.

    Iniisip ko parang grabe na iyong transformation niyo. Tama si Maica, noong una tayong nagkita sa Zamboanga, iyong mga taga-Mindanao dito parang mahiyain pa kayo, ano. Hindi pa masyadong… hindi pa masyadong active. Iyong mga nagkita tayo—iyong mga Visayas naman nagkita tayo sa Bohol, ganoon din. Pero tinitingnan ko iyong video niyo parang ibang-iba na kayo. [laughter] Parang lumabas na—lumabas na iyong pagka-aktibo.

    Pero siguro kaunting pagbabalik-tanaw bakit napakahalaga sa akin iyong economic empowerment para sa mga kababaihan. Sa mahabang panahon bago ako naging politiko, abogado ako. Pero kabahagi ako ng isang NGO; ang pangalan noong NGO, SALIGAN. Ang tinutulungan namin, kami iyong mga abogadong hindi naghihintay ng kliyente sa mga opisina, pero kami iyong mga abogadong bumababa sa mga communities. Karamihan sa mga communities na binababaan namin mga mahihirap, mga iba’t ibang sektor, mga magsasaka, mga mangingisda, mga IPs, mga urban poor, mga manggagawa, at saka mga kababaihan.

    Sa opisina namin—kami iyong Bicol branch; mayroon siyang national branch kami iyong Bicol branch—ang kasama ko na mga abogado lahat lalaki, ako lang ang iyong babae. At dahil ako lang iyong babae, parang natural na ma-assign sa akin iyong lahat na kaso patungkol sa kababaihan. Hanggang dahil iyon iyong mga—parang naging brand ko siya, parang naging tatak ko na ako iyong mga abogado ng mga kababaihan na naaapi. Dahil taga-Naga ako, kapag mayroong kaso na binugbog iyong asawang babae o may naabuso na babae, parating ako iyong tatawagin ng pulis, ako iyong tatawagan ng fiscal, ako iyong tatawagan ng barangay para ako iyong tumulong. Madalas, may panahon kasi sa amin na parang wala pang halfway house. Wala pang halfway house para sa mga abused women. Kapag tinatawagan ako lalo na kapag hatinggabi, magrerescue ako kasama ko iyong pulis pero dadalhin ko na sa bahay iyong babae. Dadalhin ko na sa bahay, parang ako na iyong lahat—ako na iyong magrerescue, ako na iyong magka-counselling, ako iyong magpo-proseso. Kapag ayaw pang bumalik sa kanila o ayaw na bumalik sa kanila, natatagalan sa bahay namin so parang iyong bahay namin—eh, ang liit lang ng bahay namin. Sa apartment kami nakatira hanggang ngayon. Sa amin talaga iyong parang naging tatak na ako iyong taga-sagip sa mga naaapi na mga kababaihan.

    Pero ito iyong… ito iyong aking experience. Paminsan may irerescue kami na black and blue, iyong parang alam niyo iyon, iyong pasa sa katawan kasi binugbog tapos dadalhin mo sa ospital, iti-treat, tapos hindi pa siya makakauwi. Mabuti kung may pamilya na iba, halimbawa iyong magulang niya, mga kapatid niya ang pupuntahan, okay iyon. Pero paminsan walang ganoon. So sa amin, kadalasan sunod-sunod iyong pagbubugbog kasi karamihan sa mga nirerescue ko hindi first time sinaktan. Karamihan sa kanila continuously binugbugbog. Bibigyan mo ng advice, bibigyan mo sila ng options, at isa sa mga option magfa-file sila ng kaso. ‘Di ba mayroon tayong batas na anti-violence against women and children? Iyon, kapag nag-file ka noon, iyong batas kasi sinasabi na kapag nag-file ka noon, iyong korte o iyong barangay puwede siyang magbigay ng protection order. Puwede siyang magbigay ng protection order. Dapat iyong babaeng binugbog, siya iyong maiiwan sa bahay, hindi siya iyong aalis para kasama niya iyong mga anak niya pero pagbabawalan iyong asawang nambugbog na bumalik sa bahay. Ganoon iyong batas.

    So ako, kapag tuloy-tuloy iyong pambubugbog, ina-advise ko iyong kliyente na, “file na tayo para sa protection order. Mag-file na tayo para hindi ka mawalay sa mga anak mo kasi ‘di ba, binugbog ka na nga tapos hindi mo pa kasama iyong mga anak mo. Parang ikaw iyong pinarusahan.” Pero ito iyong aking karanasan, kapag bago pa iyong… kapag bago pa iyong pambubugbog, iyong kliyente gustong gusto mag-file ng kaso kasi, “sobra na, talagang hindi ko na matiis, etc.” Pero kinalaunan, nawawalan ng resolve, nawawalan ng pagka-desidido para mag-file ng kaso. Maraming beses na na nasa korte na ako kasi nakapag-file na kami ng kaso, ilang gabi kong pinagpuyatan iyong petition, naka-file na kami ng kaso, kapag nasa korte na, hindi na darating iyong aking kliyente. At madalas, pinapagalitan ako ng Judge. Sasabihin ng Judge, “Ikaw lang yata iyong desidido. I”—ano ito—“idi-dismiss ko na iyong kaso.” At kadalasan, nagmamakaawa ako sa Judge, “Judge, huwag mo munang i-dismiss. Baka mayroon lang emergency iyong aking kliyente.” Tapos hindi na magpapakita sa akin iyong kliyente. Eh maliit lang naman iyong Naga, mayroon doon sa amin dati—wala pang SM dati at saka Robinson’s—mayroong maliit na mall, kapag Linggo halos lahat na tao nandoon. So kapag Linggo, nandoon din kami ng pamilya ko, makikita ko iyong kliyente ko tapos sweet na naman sa kaniyang asawa. [laughter] Tapos kapag nakikita ako, iyong kliyente ko magtatago. Tapos ilang beses na na sinugod ako ng mga asawa—ilang beses na na sinugod ako sa opisina, sinugod ako sa bahay kasi iyong sa kanila, parang naglakas-loob lang daw iyong mga asawa nilang magkaso dahil sa akin.

    So ano iyon, para siyang cycle—paulit-ulit. Nag-file ka na ng kaso, hindi dumating, magtatago sa iyo pero kapag binugbog ulit babalik sa iyo. Dati noong hindi pa ako marunong nagagalit ako. Pero noong alam ko na na ganoon talaga iyong cycle, ‘di ba iyong battered women syndrome, iniintindi na lang. Pero mayroon akong isang natuklasan—na mas mahina iyong loob ng babae kapag wala siyang kitang sarili, ano. Kahit gusto niya nang iwan… kahit gusto na niyang iwan iyong asawa niya dala iyong mga anak niya dahil tuloy-tuloy iyong pambubugbog, wala siyang… wala siyang lakas ng loob kasi pakiramdam niya, hindi niya kayang buhay iyong kaniyang mga anak. Kahit iyong batas natin nagsasabi na iyong nambubugbog, kailangan niyang magsuporta. Kadalasan hindi ganoon kadali, ‘di ba.

    So mula noon, noong nakita ko iyong pattern, naging personal na adbokasiya ko na iyong economic empowerment. Ayan, naging personal ko nang adbokasiya iyong economic empowerment. Nakita ko on the ground maraming mga… maraming programa iyong gobyernong nagte-training, ‘di ba? Iba-ibang ahensya nagte-training, mga LGU nagte-training. Pero parang walang focus, training lang nang training. Halimbawa, may isang ahensya magpapa-training ng manicure-pedicure sa isang, ano ito, sa isang barangay or may isang… may isang ahensya magpapatraining ng beadwork para sa isang barangay pero napapako sa training. Hanggang training lang at pagkatapos, dahil wala namang capacity iyong mga kababaihan na ipagpatuloy, o paminsan lalo na kapag manicure-pedicure, nag-training sa isang barangay, lahat na marunong, wala nang kostumer. [laughter] Sila-sila iyong mga nagmamanicure-pedicure.

    So ang gusto ko lang sabihin, parang hindi seryoso—parang hindi seryoso iyong ibang programa na talagang makita na iyong kanilang tinuruan, matatranslate iyon sa kabuhayan. Parang, kapag naka-training na, ayos na iyon. Ayaw ko ng ganoon.

    Noong congresswoman na ako, mayroon akong programang parang ganito din doon sa aming distrito na hindi kailangan na ang dami mong tinraining. Kahit kaunti lang, pero iyong tinraining mo hahawakan mo iyong kamay hanggang okay na siyang magsarili; hindi iyong pagka-training iiwan mo kasi karamihan sa mga programa ganoon. Training lang tapos accomplishment na iyon.

    So noong naging Vice President ako at naisip namin iyong Angat Buhay, talagang gusto ko na isa sa mga pillars ng aming programa ay women empowerment. Kaya namin kayo naimbita—una sa Zamboanga para sa mga taga-Mindanao—kasi gusto naming kumuha sa mga lugar na hindi masyadong naaabot. Iyon iyong umpisa. Kaya nga si Nanay Leila, galing pa iyan ng Basilan. Imported iyan galing Basilan. Pinuntahan namin siya at pupunta kami sa Tuesday; nandoon kami sa kanila sa Basilan. [applause] Iyon iyong mga hinahanap namin na mayroong… mayroong sipag, mayroong kaalaman pero hindi masyadong natutulungan—at kayo iyon.

    Kaya kayo iyong napili kasi naghanap kami ng mayroon nang alam. Kailangan lang ng kaunting tulong para umasenso. Pero iyong sa atin, hindi tayo natatapos sa training. Ang gusto natin, ang training hindi lang tinrain kayo sa kaalaman kasi iyong kaalaman mayroon na, eh, ‘di ba? Pero turuan kayo kung paano ma-translate iyong kaalaman sa isang economic activity na aasenso kayo. At ang paniniwala namin, hindi lang asenso para sa pamilya pero asenso para sa community.

    So ito, iyong mga training na nakuha niyo, ‘di ba iyong una sa Zamboanga iyong mga lectures. Nakarinig kayo ng mga sharing galing sa mga experts, nabigyan kayo ng mga kaunting kapital. Pero itong bootcamp na ito, bakit kayo dinala sa Maynila? Ano iyong tanong? Bakit dinala sa Maynila? Para lumawak, ‘di ba, para lumawak iyong—hindi lang iyong kaalaman pero iyong nakikita na makita niyo na, “puwede ko pala itong gawin,” ano. Mayroon palang ganitong opportunity. Ganito pala iyong ginagawa ng iba na, “kayang-kaya ko naman, makakuha lang ako ng kaunting suporta.” Kasi paminsan, mayroon tayong mga kababaihan na mayroon namang ginagawa pero dahil hindi nabibigyan ng opportunity, ang kaniyang market nandoon lang sa kanila at hindi sustainable kasi siyempre… Lalo na kapag—halimbawa iyong beadwork, kung hindi mo lalawakan iyong… kung hindi mo lalawakan iyong market mo, iyong mga dati mong customer, ilan lang bang beses iyon bibili ng benta mo, ‘di ba? ‘Di ba paminsan ang binebenta mo kung mayroon na, tapos na. Tapos kahit nandiyan pa iyong talento, nandiyan pa iyong kaalaman, wala na iyong market.

    So ito, iyong sadya natin sa Maynila iyon nga number one, makita niyo iyong opportunities; number two, makarinig kayo ng sharing ng mga experts kung paano nila ginawa; at number three, ipakilala kayo—ipakilala kayo sa mga taong puwede niyong maging market. Iyong iba sa inyo nakapunta na dito—kailan iyon, iyong sa Gateway? March, ano. Naalala ko, naiyak pa si Nanay Leila noon, eh, noong nakita ako sa Gateway. Parang sinasabi niya, parang ngayon… “ngayon lang ako nakapunta ng Maynila.” Ngayon, pangalawang beses mo na. [laughter] Iyon nga, sinasabi ni Maica kanina karamihan sa inyo, iyong pumunta tayo ng Bohol, pumunta tayo ng Zamboanga, first time na sumakay sa eroplano, ‘di ba. First time na nakaluwas doon sa mga community kung saan tayo… kung saan tayo, ano ito, naninirahan. Pero nakakatulong kasi iyon sa negosyo, ‘di ba, iyong lumalawak iyong ating horizon, iyong lumalawak iyong nakikita natin, iyong pinapayagan tayong mangarap at managinip ng isang mas malaki pang mundo sa mundong alam natin. Iyon iyong sadya kung bakit nandito kayo.

    Alam niyo iyong nakilala ko lalo na iyong weaving communities, iyong ‘di ba kapag bumibisita kami sa inyo, bumibili kami ng mga produkto at pinapatahi namin. Iyon iyong sinusuot namin. Ako, halos suot ko araw-araw galing sa communities at parating natatanong, “saan mo iyon binili?” ‘di ba? Pero ako, ikukuwento ko saan nanggaling, “galing ito sa Basilan, galing ito sa Marawi, galing ito sa Iloilo o sa Bukidnon.” Ang sunod na tanong nila, “papaano naman kami makakabili?” Iyon iyong gusto nating asikasuhin ngayon. At nagpapasalamat tayo sa Beebeelee na sila iyong isa sa mga puwedeng maging dahilan kung paano iyong produkto niyo magiging accessible na sa market. Kasi ang huhusay ninyo, ang gaganda ng ginagawa, pero iyong problema natin papaano tayo magse-scale-up, papaano kayo tuturuan maging negosyante, ano. Kasi karamihan, naalala ko sa Zamboanga iyong mga nakausap ko, hindi natin binibigyan ng halaga iyong labor, ‘di ba. Hindi natin binibigyan ng presyo iyong pagod natin. Kapag binebenta natin iyong ating mga ginawa, ang kinukuwenta lang natin iyong nagastos natin pero walang halaga iyong labor. So siguro naman, sa pangalawang pagkakataon na nagkaroon kayo ng training, alam niyo na iyon.

    Pero iyon nga, eh, iyong sa atin, sobrang grabe iyong talent. Kailangan lang ikabit namin kayo sa market. [applause] At halimbawa, last year ba iyon, Nanay Leila? Last year, iyong pinang-regalo ng opisina namin sa mga partners, galing sa Basilan, ano, galing sa Basilan. [applause] Oo, iyong nakaraang ilang araw nagkaroon kami ng graduation sa ABYLG, iyong mga sash na ginamit nila galing din sa mga Yakan weavers. Gaya sa kanila, iyong sa Lamitan, ang pinaka-problema nila noong binisita namin, wala silang gawaan. Nasa labas lang sila ng mga bahay nila. Nasa labas lang sila ng mga bahay nila. Kapag umuulan, umaaraw, nandoon sila. Tapos iyong mga ginagawa nila, binibili sa kanila pero iyong bumibili sa kanila mga middlemen na binebenta din sa Zamboanga, binebenta kung saan. Iyong mga yumayaman iyong mga nagbebenta, hindi iyong gumagawa.

    So iyong gusto nating mangyari na sana hindi na kailangan na iba pa iyong magbenta ng produkto nila, sana sila na iyong magbenta para sila naman iyong kumita. So, ganoon—kaya kami papunta sa Tuesday kasi mayroong groundbreaking. Papagawan na sila ng gawaan. [applause] Actually, delayed na ito; dapat last year pa. Pero mangyayari na finally kasi nagkaroon kami ng problema sa lupa kasi dapat… dapat lupa ng gobyerno iyong paggagawan. So ngayon—ah, Wednesday pala kami nandoon, mali pala ako. Miyerkules pala—so mangyayari na. Ini-imagine namin na kapag nangyari iyon, sama-sama na sila lahat na gumagawa—[applause]—at mas marami na iyong produksyon. ‘Di ba mas marami na iyong produksyon kasi mayroon nang lugar kasi humihinto sila, eh. Halimbawa, galing din kami—mayroon ba ditong taga-Lake Sebu? Wala? Hindi sila nakarating—halimbawa galing kaming Lake Sebu, iyong mga weavers naman doon T’nalak. Sa kanila ‘di ba Yakan weavers iyong Tennun, ‘di ba? Iyong sa Lake Sebu naman T’nalak. Ang problema naman sa Lake Sebu walang kuryente, walang tubig so hindi sila nakakatrabaho ng gabi. Mayroon na sanang market, mayroon sa kanilang nag-order, ano pa, foreign market pa, pero hindi nila kaya iyong quantity na hinihingi kasi maraming sagabal, ano. Maraming mga kuwento, halimbawa iyong community namin sa Marawi, ayon at least iyon nabigyan na ng lugar. Pero ano talaga, eh, kapag nakikita ng tao iyong gawa niyo, lalo na kapag nalalaman iyong kuwento sa likod ng mga gawa niyo, ang daming may gusto, ano. Kailangan lang talagang ikabit kayo at iyong Beebeelee, ngayon baka matututo na kayong gumamit ng computer. Kung hindi naman nga kailangan ng computer, kahit telepono. Pero kailangan buksan natin iyong lahat na oportunidad. Huwag lang tayong magsabi, “ay matanda na ako. Hindi na ako puwede niyan.” Kasi walang matanda sa atin, ‘di ba? Bawal iyong matanda. Lahat bata, ano. [laughter] Kanina nga sabi ko magka-edad pala kami, pareho kaming 54, pero walang sagabal basta gusto natin.

    At nagpapasalamat tayo sa SPARK! Philippines for making this possible. [applause] Mula pa sa Zamboanga, partner na natin sila Maica. Nagpapasalamat sa amin si Maica kanina pero, Maica, dapat kami iyong magpasalamat sa inyo. Alam niyo naman iyong opisina namin wala kaming masyadong pondo at nabubuhay kami dahil sa tulong ng mga partners na tumitiwala sa amin. Kaya lang naman namin ito nagagawa dahil sa partners gaya ng SPARK! Philippines, ng Dutch Embassy—[applause]—siyempre ng Beebeelee, iyong ibang partners natin hindi nakarating ngayong araw. Pero ayon, so, kung naging posible sa amin na wala kaming pera, magiging posible rin sa inyo.

    Kaya kami ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Kami iyong… napakalaking karangalan sa amin na makilala kayo—iyong ating mga kababayan na very talented at iyong ating partnership, hindi nagtatapos ngayong araw. Hopefully, sa lahat ng mga opportunities na darating, mga trade fair, etc., makadalo kayo para makilala kayo ng mas maraming tao.

    Kaya maraming salamat. Congratulations sa inyong lahat! [applause]

    Posted in Speeches on Dec 06, 2019