This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Alliance of Filipino Families for Mental Health Inc. (AFFMHI) Fourth Family Congress on Mental Health

    Alliance of Filipino Families for Mental Health Inc. (AFFMHI) Fourth Family Congress on Mental Health

    Philippine Red Cross Headquarters, Mandaluyong City

    delivered on 10 November 2018

    Good afternoon. Please take your seats. Fr. Luke Mortgart, I hope I pronounced it correctly; Commissioner—Chairman de Leon; Dr. De Guzman; Dr. Raymond Marquez; Ms. Sally Bongalonta; the officers and staff of AFFMHI; Bukas Puso at Isip Family Support Group of the UP-PGH; Brother of Mercy of St. John of God; students, professionals, families, sa inyo pong lahat: Magandang hapon. [“Magandang hapon!”] [applause]

    I have to admit that I was initially hesitant to accept the invitation when I was told who the audience will be. I felt I was so inadequate to address you even if I was the author of the first Mental Health Bill. That was only to push for a platform and, you know, for a platform of a mental health policy program for the government.

    But aside from that, I didn’t—you know—I didn’t—I don’t know much about the illness. The reason also why I initially thought of drafting that particular bill was—as Dr. De Guzman was saying earlier, I was a human rights lawyer for a very long time. I thought I was going to be a human rights lawyer until the day I die. But when my husband passed away, the baton was passed on to me and I had bigger obligations other than the one I was already doing before. But when I was still a human rights lawyer, I helped a lot of battered women and I felt that the battered women whom I was helping before, who have been my clients, who have eventually been my clients, were not getting enough help. We were dependent on psychiatrists—but in Naga, there were not enough of them. They were overburdened with clients, they were overburdened with court appearances that they did not really have the time to sit down with the women we have been helping. And it was so frustrating on my part because I was not equipped to, you know, to do therapy sessions with them so parang, parang… ang term namin niyan sa amin, parang “wini-wido” ko lang. Parang tsamba-tsamba. Tsamba-tsamba how to deal with them. So when I joined the Joint Congress, I consulted many of my psychiatrist friends and were asking them what was wrong with our mental health program. And that was only when I realized that we did not really have an existing mental health policy for the country.

    So I started pushing for it. Mahirap siyang i-push in Congress. I know the doctors and the advocates who are with us are familiar with how Congress works. Mahirap talagang i-push lalo na—to be very honest with you—kulang iyong interes, kulang iyong interes sa mental health. Talagang marginalized siya, marginalized na topic. And I think it is contributing more to the stigma. It’s contributing more to the stigma because there is so much misinformation, there is no real policy, and there is very little interest on the illness.

    So pinush namin iyon. It was very frustrating that it did not get passed in the committee [level] during the 16th Congress. So iyong 17th Congress, ine-encourage ko iyong mga congressmen friends ko to co-author the bill. And I’m really very happy that more attention was given to it in Congress this time so nakapasa siya. And I think, lahat tayo should be vigilant in making sure that the implementation is done in accordance with how we envision the implementation to be.

    Marami pang problema. Pero when I became Vice President, we have been… in the Office, we have been thinking of ways. Siguro—I don’t know if you’re familiar at all with the Office of the Vice President—pero iyong Office of the Vice President in the Philippines, talagang spare tire siya kung wala kang gagawin, kung susunod ka lang sa mandato ng opisina. Halos wala siyang mandato. If you look at our laws, wala talagang sinasabing kailangan mong gawin except to be ready in case something happens to the President. But other than that, there’s none. If you look at our budget, most of the budget is really for the operations of the office for salaries and for ceremonial functions, receiving visitors, etcetera, but none for programs.

    But when I assumed office, sanay ako sa trabaho on the ground. Siguro, just to give you context, kukuwentuhan ko lang kayo kasi noong naghe-hesitate ako whether to accept the invitation or not, sabi ko, parang hindi ako iyong sapat na resource speaker. And then my staff was telling me, “Ma’am, pero iyong sulat po, hindi naman [iyong] resource speaker ikaw. Parang sinasabi lang na i-share mo lang iyong journey mo. I-share mo iyong journey mo at i-kuwento mo lang how you were able to, parang, transcend all the hardships. How you go through the struggles when you lost your husband.” So sabi ko, “Kung ganiyan ang usapan, puwede.”

    Pero just to give you context siguro, ako kasi I was born and raised in Naga. Kaya ko sinasabi where I was born and raised, kasi paminsan iyong environment na kinalakihan mo, ang laking contribution to who you are now ‘di ba? Simpleng pamilya. My father was a judge. He was a longtime judge. My mother is a university professor, was a university professor. Ako iyong panganay sa tatlong magkakapatid. Lumaki kami na iyong magulang namin very busy with work. Hindi naman sa napapabayaan kami, pero nakita namin na iyong mga magulang namin nagtatrabaho mula gumising sa umaga hanggang matulog sa gabi. … So parang kami, lumaki na iyong norm, iyong expectations, nagtatrabaho pa rin iyong magulang at dahil panganay ako, parang I was expected to fend for my siblings. Tatlo lang naman kaming magkakapatid.

    So growing up, ganoon iyong aming kinalakihan. Iyong grade school at saka high school ko nasa Naga ako. I only went to UP for college. Pero right after college, ito, medyo aksidente. Kasi parang sinasabi ng magulang ko na ako iyong panganay, susunod ako sa yapak ng Tatay ko at mag-aabugado din. So parang doon nakaguhit iyong aking tadhana. Economics iyong course ko noong college sa UP pero iyong expectation sa akin, mag-aabugado. Pero ako kasi, na-timing ko na noong panahon na pinatay si Ninoy [Aquino], second year college ako, so medyo may upheaval. May upheaval iyong atmosphere. Naging active ako sa mass demonstrations, etcetera, etcetera. Until iyong mga upheavals culminated in the EDSA People Power Revolution. 1986. Noong 1986 was the year I graduated. So nagkaroon ng People Power Revolution on February, nag-graduate ako noong April.

    Noong nag-graduate ako, parang I felt that I had to be part of the change that was happening. Parang feeling ko kailangan maging bahagi ako ng pagbabago. So after graduation, nakiusap ako sa magulang, puwede bang mag-trabaho muna ako sa gobyerno bago ako dumiretso sa law school. Akala ko hindi na ako papayagan pero pinayagan ako ng Tatay ko. Sabi ng Tatay ko, “Basta one year lang. After one year, maglo-law school ka na.”

    So dapat dito [sa Manila] ako mag-aapply. I went home to Naga after graduation for what was supposed to be my summer break. Tapos after the summer, babalik na ako dito para mag-apply. Pero noong umuwi ako sa amin, nakita ko iyong mga dati kong kaklase noong high school, excitedly, were telling me, “Mayroon ditong government office parang NEDA.” Alam niyo iyong NEDA, ‘di ba? Iyong mga gumagawa ng mga feasibility studies. Ang pangalan noong office, Bicol River Basin Development Program Office. Para siyang NEDA for Bicol. Nakapasok kami at naghahanap pa ng mga economists. So kinuwento ko sa mga magulang ko. Sabi ng mga magulang ko, “Bakit hindi ka mag-try? At least magtatrabaho ka, makakasama ka namin for a year.” So nagtry ako. Doon nabago iyong fate ko kasi iyong boss ko noon—iyong nag-interview sa akin—iyong asawa ko. [laughter] Who was much older than I was. He was seven years older than I was, and like me who also went home after EDSA. He was working for a long time sa San Miguel Corporation but because of EDSA, he decided to join government and that was his first government post.

    So nag-apply ako, nakapasok. Hindi ko na iku-kuwento iyong love story [laughter] pero para iksian na lang iyong kuwento, less than a year after I first joined the office, I was married to the boss already. [laughter] And I remember when my husband was asking for my hand in marriage, ayaw pumayag ng Tatay ko. Sabi ng Tatay ko, “Hindi pa puwedeng mag-asawa iyang anak ko kasi mag-aabogado pa iyan.” Ang sabi ng asawa ko, “Ang pangako ko po, kahit mag-asawa na kami, mag-aabogado pa rin iyong anak niyo.”

    So nag-asawa na kami. We did not have children yet so madali pa. By the way, when we got engaged, of course I had to resign because it would be unethical to stay in the same office. Wala namang masyadong opening for economists sa Naga, so nagturo ako sa isang university. Nagturo ako ng Economics. I became a full-time professor of Economics for 10 years sa [University of] Sta. Isabel. Siguro the same year, I think, when we got married, my husband required me to enroll na sa law school, kasi parati niyang sinasabi, “Papagalitan ako ng Tatay mo.” So nag-enroll na ako sa law school. I was teaching during the day, going to law school at night.

    Pero a year after when we started having children already, it became very difficult. Naging mahirap siya kasi full-time professor ako. I was a very young wife. I got married at 22. I delivered my first daughter at the age of 23. And my husband was newly-elected mayor of Naga. I was never political. So nagbago lahat. Parang, I was adjusting to so many things at the same time. Pero ginawan ng paraan; nag-adjust. At first, it was still manageable pero mahirap kasi evening school ako and I would go home with my daughter already asleep. So grabe iyong tug-of-war sa pakiramdam, hanggang sa ayaw ko nang mag-aral. Hindi pumapayag iyong asawa ko. Sabi ng asawa ko, “Kung gusto mo, kauntian mo na lang iyong subjects mo pero mag-aaral ka. Tatapusin mo iyan kasi iyan naman ang gusto mo.” And with the support of my husband, ang tagal kong nag-law school. Kasi kapag eleksyon, hihinto ako. Kapag iyon, nag-aalaga ng anak, babawasan mo iyong subjects na kukunin mo. But I was still a professor during the day. When I graduated, when I became a lawyer, I already had two daughters, ano. Dalawa na ho iyong anak ko. Ginapang ko talaga. Mahirap siya. Mahirap siya kasi not only was I a working mother, I was also the wife of the mayor so I had obligations to fulfill—ribbon-cutting, ninang sa kasal, iyong mga ganoon. [laughter] I was not very active in the sense na, iyong iba kasing mga nauna sa akin, may mga committee pa sa city hall, ako wala. Iyong sa akin, iyong mas ceremonial and social lang.

    Pero siguro kaya ko kinukuwento iyong pinagdaanan ko kasi kahit papaano contributory siya kung papaano ko hinarap iyong mga pagsubok. Noong naging abogado ako, probably also because of the exposure to the public service, parang it was so clear to me that I wanted to do public service lawyering. Eh iyong alam ko lang naman na public service lawyering, PAO. Alam niyo iyong PAO ‘di ba? Iyong PAO, ikaw iyong nag-aabogado sa mga walang pambayad ng abogado. So nag-PAO ako and I had the time of my life. I liked litigation, I liked being a lawyer, I liked being in PAO. Parang the rewards—diyos ko, kakarampot iyong suweldo—pero iyong rewards were immense kasi ito iyong mga taong kung wala ka, walang magde-depensa sa kanila sa court.

    Naalala ko most of my clients were inmates sa jail. Hindi naman sila makakalabas for interviews. I never went to court unprepared. So ang sipag ko, Monday to Friday nasa court ako pero kapag Sabado, I spent all my Saturdays while I was in PAO in jail. Nasa BJMP ako every Saturday kasi mag-iinterview ako ng mga kliyente. Iyon iyong naging buhay ko until it reached a point na nagkaroon na siya ng conflict sa trabaho ng asawa ko. Kasi iyong asawa ko, magpapahuli siya ng mga nagpapataya ng jueteng, nagpapahuli siya ng mga drug addicts, tapos ako iyong—sa akin ma-aassign. [laughter] So ako iyong dedepensa. So kinakantiyawan. But my husband perfectly understood, sabi ng asawa ko, “Trabaho mo iyan. Gawin mo iyong trabaho mo.”

    Pero ako I felt so bad because parang nagiging butt of jokes na kami—sa pulis, galit na sa akin iyong mga pulis. Parang sasabihin ng mga pulis, parang fake iyong drive ng asawa ko kasi iyong asawa ko iyong magpapahuli tapos ako naman iyong magpapalabas. [laughter] Naisip ko maybe it was time to resign. Pero I could not imagine myself being a private practitioner. Iyong private na nasa airconditioned office na naghihintay ka ng kliyente.

    Until, by a big stroke of luck, may nakilala ako na lawyer na kabahagi siya ng isang NGO. Ang pangalan ng NGO, SALIGAN. Ang SALIGAN is short for Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal. Iyong main office niya nasa Ateneo de Manila [University] pero mayroon siyang Bicol branch. And I found out na SALIGAN, that time, was looking for a lady lawyer kasi lahat sila lalaki. Iyong nag-iisang lady lawyer, nag-run for city council so wala nang nagha-handle noong mga battered women cases. So I joined and I stayed there for more than 10 years.

    Iyong SALIGAN is not like PAO. Ang PAO kasi lahat litigation. Pero iyong SALIGAN, pumupunta kami sa pinaka-malalayong lugar sa Bicol—iyong hindi na inaabot ng mga abogado—tapos tuturuan namin iyong mga sectors—basic sectors—ng karapatan nila under the law, with the belief na kapag alam nila iyong karapatan nila under the law, they will be in a better position to fight for their rights. Halimbawa, iyong mga mangingisda na nawawalan ng hanapbuhay dahil pinapasok sila ng mga illegal troll fishers. Iyong mga magsasaka na, kanila naman iyong sinasaka nila, papaalisin sila ng mga nganid, iyong mga land-grabbers. Iyong mga urban poor na mga ine-eject ng mga wala namang karapatan sa lupa. Iyong mga ganoon.

    So iyon na iyong naging buhay ko. Hindi lang kami iyong mga abogadong parating naka… magandang suot, wala nga kami sa mga airconditioned offices, pero iyong opisina namin, nasa communities. And it was at that time when I felt that iyong my marriage with my husband was a real partnership. Kasi parati na akong nagko-community work, sometimes he would bring me to Masbate, I have to stay five days there. Four days there for the paralegal trainings. Iyong asawa ko iyong nanay at tatay. And that went on for 10 years.

    Tingin ko, doon ko nakita iyong… doon ko nahanap iyong meaning ng aking ginagawa. Kasi iyong mga pinupuntahan namin were people na walang-wala talaga. Ang ginagawa namin iyong mga batas, we would translate them to the dialect, to the Bicol dialect, ituturo namin sa kanila. Tinuturuan namin silang gumawa ng mga affidavit, ng mga complaint. Kung walang abogado, tuturuan namin sila to defend themselves. Iyong nakakalakas ng loob na ipaglaban iyong karapatan dahil may alam na sila. So that was my life for 10 years.

    Nahinto lang iyan… Sabi ko kanina, that was what I would be doing for the rest of my life kasi happy talaga ako sa buhay ko eh. Umiba iyong lahat after 2010. Kasi noong 2010, natapos na iyong term ng aking asawa and pagkatapos ng term niya as mayor—he was mayor for six terms—three terms muna tapos nagpahinga siya ng one term tapos another three terms—na-appoint siyang DILG. Noong na-appoint siya sa DILG, kailangan niyang lumipat ng Manila. Kailangan niyang lumipat ng Manila. Tamang-tama naman, it was actually a welcome development for us because our two older daughters were already in Manila. One was already working, iyong isa naman magfifirst year college, so perfect. Perfect ang timing. Wala naman kaming bahay dito [sa Manila]. Wala kaming bahay dito. Wala akong trabaho dito. Iyong trabaho ko nandoon [sa Naga]. Iyong anak ko magge-grade six, iyong bunso. So sabi namin, “Hindi muna kami sasama sa Manila. Kayo munang tatlo doon. Kami ni bunso dito.” But I could not continue with my work in SALIGAN anymore kasi wala na akong maiiwanan sa anak ko kapag magko-community work ako. Naging volunteer pa rin ako. That was when nag-concentrate na lang ako sa battered women cases kasi sa city lang siya. Hindi ko kailangang mag-travel. So for two years, iyon iyong ginagawa ko, until the plane crash happened.

    Iyong plane crash, mahirap—ewan ko kung sino na dito iyong nawalan ng asawa—pero napakahirap niya in the sense na, iyong nagkakasakit, parang nagpe-prepare ka. Pero iyong plane crash, parang, iyong husband ko was perfectly healthy. He was 54 at the time the crash happened. Our youngest was only 12 [years old]. So parang ang dami naming dreams for the family. Ang naaalala ko ang dine-decide-an namin doon whether after one year, lilipat kami sa Manila or hindi kasi magfi-first year high school na iyong [bunsong] anak ko. So iyong mga ganoon. And then it happened.

    Siyempre, parang iyong devastation was great. Pero ako kasi—ewan ko kung sino dito iyong babae iyong mga anak—pero ang anak ko, tatlong babae. Wala akong anak na lalaki. Iyong anak ko—iyong mga anak kong babae—sobrang malapit sa Tatay. Parang kapag nandiyan iyong Tatay, second-class citizen ako. [laughter] And it was something that I really liked. Despite the fact that my husband was a politician, very, very special iyong relationship niya with the children.

    Iyong asawa ko istrikto eh, istrikto sa sarili. I think he would be the only politician na siya iyong may rule sa bahay na kahit ano iyong ginagawa namin, all meals should be eaten together. So kahit siya ay magni-ninong sa kasal, magni-ninong siya, uuwi siya para kumain tapos babalik na lang siya for the reception. Kaya siguro masyadong malapit.

    When I first learned of the plane crash, hindi ko iyon makalimutan, it was a Saturday. Iyong plane crash was a Saturday. Iyong mga anak kasi namin, swimmers, ano. Swimmers iyong mga anak namin. That particular Saturday—August 18, 2012—mayroong big swimming competition iyong bunso naming, and my husband never absented himself from any of my daughters’ competitions—from the oldest to the youngest. Pero that particular Saturday, first time niya mag-absent sa competition. And dinecide niya i-accept iyong representing the President in an event in Cebu. Naisip niya sigurong tanggapin iyon kasi anyway, it was a four-day weekend so kahit wala siyang Saturday, pagbalik niya ng Sunday, magkakasama pa kami hanggang Tuesday.

    So tinanggap niya. Ako iyong nagpu-push sa kaniya na, “Sige, tanggapin mo na,” kasi iyong mga daughters ko noon, hindi pa makakauwi ng Saturday. Uuwi sila by bus, Saturday evening. So sabi ko, “Punta ka na sa Cebu. Sabay-sabay na kayong umuwi tatlo.” So ganoon iyong plano. But I think my husband felt guilty. Maagang-maaga pa lang—kasi iyong competition maagang nagsa-start—alas singko tumatawag na, gusto nang makausap iyong bunso namin. Sabi ko, “Tulog pa. Mamaya ka na tumawag.” Basta siguro, every 15 minutes tumatawag siya until nagkausap na sila. Every event—kasi may six events iyong anak ko—nagpapabalita siya.

    Natapos iyong swimming competition early. Usually it ends by 5 p.m, pero mga 2 p.m. tapos na. So umuwi na kami ng 2 o’clock sa bahay. Kami noong bunso. Pag-uwi ko, nakita ko iyong staff niya. Sabi ko, “Bakit kayo nandito?” Sabi nila, “Kasi, Ma’am, padating si Sir.” Sabi ko, “Hindi, bukas pa iyon dadating.” Sabi nila, “Ma’am, hindi ma’am eh, ngayon.” So I called him up by phone, sabi ko, “Pauwi ka raw ngayon?” Tapos sabi niya, “Oo, nakasakay na ako sa eroplano.” Pero I thought it was a commercial flight. Kasi alam niya na kontra ako ‘pag nagpaprivate plane siya eh. I thought it was a commercial flight. Sabi ko, “Bakit ka uuwi na? Ang usapan natin sabay-sabay kayong mga bata na magba-bus mamaya.” Sabi niya, “Gusto kong habulin si Jillian.” Sabi ko, “Eh tapos na iyong competition.” Sabi niya, “Ah, tapos na.” Sabi niya, “Ah, tapos na. Hayaan mo na nakasakay na ako.”

    Kapag dumadating siya, ako talaga iyong sumusundo. Ako iyong nagdadrive, ako iyong sumusundo sa airport. So I took a quick shower. Sabi ko, “Hindi pa ako nagsha-shower.” Sabi niya, “Hayaan mo, kasi ang expected time of arrival is 4:20 p.m.” Parang it was past 3 p.m. at that time. Hinayaan kong may oras pa so I took a quick shower, nagsundo ako sa airport. Pagsundo ko sa airport, iyong anak ko hinatid ko sa isang—nanalo iyong team nile eh; mayroon silang celebration—hinatid ko sa Starbucks near our house. So sabi ko, “Balikan ka na lang namin ni Papa mo. Pupunta ako sa airport.” Drive ako papuntang airport. The airport was about 20 minutes away from the house.

    Siguro, five minutes away ako from the airport—five minutes away ako from the airport—may text message na pumasok from him. Ang sabi niya, “Pabalik iyong plane to Cebu.” So ako naman, I tried calling him up. Hindi ko siya na ma-contact. Nag-park muna ako sa side ng road, trying to contact him. Kasi kaya ko siya kino-contact kasi tatanungin ko sana, “Maghihintay na ba ako sa airport or babalik pa ako sa bahay?” Pero hindi na siya sumasagot. Noong hindi siya sumasagot, medyo kinabahan na ako. Kaya sabi ko, “Babalik ang plane sa Cebu, may problema iyong plane.”

    So anyway, I decided to go home. Pagdagting ko sa bahay, tawag pa rin ako ng tawag all throughout. Pagdating ko sa bahay, nag-ring na iyong phone niya. And then, he picked it up after the first ring. Tapos sabi niya—he calls me Mama—“Ma, tawagan na lang kita. May inaasikaso lang ako.” I was able to heave a sigh of relief kasi I thought the plane landed safely in Cebu and iyong inaasikaso niya, tickets—naghahanap siya ng tickets to a commercial flight pabalik ng Manila.

    So sinundo ko iyong anak ko. Sabi ng anak ko, “Ma, nasaan si Papa? Akala ko magkasama na kayo?” Sabi ko, “Ay, bumalik kasi iyong plane sa Cebu.” Sabi niya, “Tawagan natin.” Sabi ko, “Ano eh, tatawag na lang, kasi busy.” Tapos just a few minutes after, tinawagan [na] ako, na nag-crash iyong plane sa Masbate. Tapos binabalik ko iyong time, parang kausap ko pa lang siya. Tapos parang, five, 10 minutes, nag-crash na iyong plane. Later on, noong nag-crash iyong plane—naalala ko iyon eh na sinasabi ko, “Sila kaya iyon? May nakita raw na nag-crash na plane near Masbate airport,” etcetera, etcetera. Pero when I put down the phone, parang nag-jelly iyong aking knees. Hindi ko alam kung naramdaman niyo na iyon. Parang nawala iyong lakas—buong lakas ng katawan mo. And I was telling my daughter—iyong daughter ko naglalaro sa bed namin—sabi ko, “Anak, parang may nangyari. May nangyari sa plane ng Papa.” Umiiyak na iyong anak ko. Sabi ng anak ko, “Let’s go to Church.” Sabi ko, “I can’t drive in this condition.”

    Tapos ano na, parang ang bilis ng mga pangyayari. Ang bilis ng mga pangyayari. A few days after, tinawagan ulit ako. Ang sabi, na-rescue daw iyong bodyguard ng asawa ko kasi dalawa sila eh—two pilots, siya, at saka iyong security. Na-rescue iyong security. Tapos ako, huminga ako ng… parang nagaanan ako. Kasi sabi ko iyong asawa ko, ang husay na swimmer. Sabi ko, “Kung naka… na-save iyong isa, there is a big possibility that my husband would also be saved.” So siyempre, tuloy lang iyong dasal.

    Pero overnight. Overnight, walang news. Maraming false alarm na nahanap na siya, mayroon na ngang nasa isla; mayroon pang in-abduct daw ng NPA, etcetera. Pero iyong sa akin, parang after the first night, I knew that he was gone. Iyong padating na iyong mga anak ko from… parating iyong mga anak ko because they took a bus but they learned the news—as soon as nalaman ko iyong news, tinawagan ko iyong eldest because she was working already. Tinawagan ko siya, sabi ko: “Nasaan ka?” Tapos sabi niya, “Nasa Araneta.” Sabi ko, “Anong ginagawa mo sa Araneta?” Basketball fans iyong mga anak ko—nanonood ng basketball. Sabi ko, “Parang may nangyari sa plane ni Papa mo.” Hysterical na iyong anak ko. Tapos kinakalma ko siya sabi ko, “Wala tayong magagawa ngayon. Magdasal na lang.” Sabi ko, “Hindi makakatulong kung hysterical ka.” Sabi ko, “Nasaan iyong kapatid mo?” Nasa condo raw. May condo kami sa Tomas Morato. Sabi ko, “Uwi ka na kasi ayaw kong marinig ng kapatid mo sa balita. Dapat marinig niya from us.” Sabi ko, “May dala ka bang sasakyan? Huwag ka nang mag-drive. May mga kasama ka bang kaklase? Magpa-drive ka sa kaklase mo.” So pasunod-sunod na, tinawagan ko iyong mga relatives ng asawa ko. Pinasamahan ko iyong mga anak kong mag-bus kasi ayaw kong solo sila sa bus na sila lang na dalawa.

    Pero sa akin parang, ganoon naman iyong mga nanay, ‘di ba? Ewan ko, I think hindi lang ako pero natural lang iyon sa ating lahat na sa moments ng tragedy, parang nagshi-shift ka na kaagad doon sa ano iyong gusto mong isalba. And ako, para sa akin, iyong mga anak ko. I knew then that my daughters would be devastated. So inisip ko na kaagad lakasan iyong loob ko, without showing any sign of weakness. Kasi ang feeling ko noon, kapag naging mahina ako, lalong magka-crumble iyong mga anak ko. And I was correct. Pero I was—hindi ko naman alam eh kung anong formula, hindi ko alam kung anong tama. Iyong iba, iyong mga relatives kong mga matatanda sinasabi, “Iiyak mo, iiyak mo.” Pero para sa akin, iyong instinct ko, hindi ako iiyak, kasi ayaw kong ipakita sa mga anak ko kasi alam ko na kapag umiyak ako, ga-grabe din iyong mga anak ko. So ako, parang sumusunod lang sa instinct. It was difficult. Kapag naiiyak ka, pupunta ka sa banyo para huwag kang makita. Pero kapag kausap mo sila, parati ka nang… ‘di ba? Naalala ko, parati ko sa kanilang sinasabi noon, “Mas masaya si Papa kapag nakikita na okay kayo. Kasi kapag hindi kayo okay…” Parang you act according to your instincts. Parang there is no formula naman ‘di ba? Parang hindi ko sinasabi na iyong ginawa ko, tama. Pero it worked for us. Puwedeng what worked for us won’t work for others pero siguro iyon, hindi masyadong nabigyan ng puwang ang emosyon.

    It was very, very difficult lalo na kasi you have to grieve in public. I think it is the most difficult thing eh. Iyong alam mo iyon, iyong nagdadalamhati ka tapos ang daming media sa labas. Tapos naalala ko, ang daming media sa labas—we live in an apartment—so wala naman kaming masyadong shield. Siyempre compound iyon eh, iyong lahat ng media nandoon. Tapos naaawa din ako sa media kasi ilang araw na silang nagse-stake out. Siyempre hungry din sila for news tapos hindi mo lalabasin. Iyong nag-aagaw na iyong lahat na—nag-aagaw iyong lahat na considerations.

    Pero I think, hindi ko alam kung sa lalaki ganoon din mag-react, pero tingin ko, sa mga babae—sa mga mothers—medyo pare-pareho [iyong] the way we, ‘di ba, na kahit grabe iyong problema, may gusto ka parating isalba. And kung [iyong] isasalba mo iyong mga anak mo, parang natatalo ka ng—parang natatalo ka ng adrenaline. Parang iyong adrenaline, iyon iyong nagte-take over. Alam ko, I was able to… Dinala pa iyong asawa ko dito sa Malacañang. Ilang araw akong walang tulog. Wala lahat, pero wala akong nararamdaman na anything. Tapos winarn na kami na when everything is said and done, pinaka-mahirap after the funeral. Eh para sa akin, iyong pinaka-mahirap iyong paghatid sa mga anak ko dito. Tapos iiwanan ko, kasi kasama nila dati iyong Tatay nila, ‘di ba? Iyon iyong mahirap.

    Tapos bigla na lang, without any warning, kandidato na ako. [laughter] Parang iyon kasi, magfa-filing na eh. Magfa-filing na noong namatay iyong asawa ko. Napag-usapan na ng party iyong mga line-up, etcetera. Noong namatay iyong asawa ko, all of a sudden, hindi na sinunod iyong mga pinag-usapan. Nag-away-away na iyong mga ka-partido ng asawa ko tapos all of a sudden, parang nalipat na sa akin iyong burden na kung hindi ka mag-step in, mawawasak iyong pinagpaguran ng asawa mo. So at the very end, iyong asawa mo pa rin ang iniisip mo. Parati pa rin: “Ano kaya iyong gusto niyang gaiwn mo?”

    So iyong pag-kandidato ko, iyon na lang. Siyempre ayaw ko. Ayaw ko kasi parang hindi ko naman iyon napaghandaan eh. Tapos ang tingin ko sa politika—kahit iyong asawa ko ay matagal diyan—iba iyong pagtingin ko sa politika. Parang sa akin, kahit asawa ako ng politiko, I was always an outsider. Pero bigla na lang kandidata ka. Pero, tingin ko kasi, human instinct na nag-a-adjust. Parati ko lang iniisip na, “Bakit ko ito ginawa?”

    Ang daming kahirapan. Halimbawa, when I was a candidate, I was running against a well-entrenched political dynasty. Sobrang kawawa ako during the campaign kasi wala akong pera. Wala akong pera. Naalala ko na nag-last ako ng entire campaign na ang dala ko iyong portable na sound system. I don’t know if you saw that already. Pina-frame nga namin eh. [laughter] Ano siya, regalo sa akin. Parang 2,500 pesos iyon. Portable sound system siya na this big. Mayroon siyang microphone pero iyong microphone niya iyong clip, iyong walang hawakan—iyong lapel. Iyong lapel tapos rechargable siya. So wala talagang… Naalala ko, mag-aarkila sana ako ng sound system. Ang sabi sa akin, every arkila—hindi lang per day pero per event—parang 7,000 pesos. Saan naman ako kukuha ng pambayad? Tapos sabi ko, “Puwede na iyan.” Eh, hindi, siguro, sampu, bente makakarinig sa iyo kung may dala kang lapel. So, small groups. Tapos makikita mo iyong opponent mo, eh dati nang malakas, nagse-stage ng mga elaborate na productions. May mga sayawan, mga kantahan, tapos may pamigay, may raffle pa ng appliances. Tapos wala akong kakampi na local officials. Dahil incumbent iyong kalaban, wala akong kakampi. Wala sa aking nagpapahiram ng barangay hall. Wala sa aking nagpapahiram ng plaza. Doon lang ako sa… kaya sanay akong… sanay akong nasa laylayan kasi ganoon iyong—parang all my life, ganoon ako.

    Pero, iyon, naalala ko parang 286 barangays sa amin, ang kakampi ko yatang barangay captain hindi magte-trenta. Lahat nasa kaniya noon. Magpapatawag akong meeting, sinusundan noong kalaban ko iyong meeting tapos magse-stage siya ng… halimbawa, nasa bahay ako ng ganito, magpapa-meeting siya sa katabing plaza. Tapos ang daming tarpaulin. Iyong sound system, umaga pa, umaandar na, may pamigay. Siyempre iyong mga tao lahat nasa kaniya. Matitira sa akin iyong mga ano lang talaga, mga matitigas iyong ulo. [laughter] Pero I was able to prevail. Nanalo naman and I won by a landslide after that elections.

    Pero iyong sa akin, parang ang daming… ang daming sad and bad things about everything pero ang parati ko lang na tinatanong sa sarili ko: “Bakit ba ako nandito?” Hindi naman dahil sa kanila pero nandito ako for a purpose. Eh kaya ko ito sinasabi, kasi ang isa sa mga sinabi sa akin ng mga staff ko na, you want to hear papaano ko ba… papaano ko nakakaya iyong so much hatred, so much vilification since I became Vice President. It’s the same. Siguro iyong iba lang sa lokal, iyong iba lang sa lokal… iyong lokal, maraming fake news eh. Pero iyong iba sa lokal, kahit mag-fake news sila, people see you up close, so they know that things are not true. Pero dito sa national hindi eh. Kasi hindi ka naman nakikita up close. So kapag may nababasa sila, may tendecy na paniwalaan. So maraming tao, akala masama kang tao dahil sa nababasa nila.

    Pero again, is that something that I will allow na i-weigh down iyong sarili ko? Hindi. Kasi hindi naman ako pumasok dito dahil sa ambisyon. Pumasok ako dito for a specific purpose. Wala naman akong ambisyon na after 2022, kakandidato akong pangulo. Wala namang ganoon. Para sa akin, destiny lahat. Para sa akin, kapag iyon iyong nakatakda sa iyo, iyon iyong mangyayari. Hindi mo dapat ina-ambisyunan. At para sa akin, kung hindi naman ako nag-ambisyon na mag-Pangalawang Pangulo, kung may choice… siguro kung may rewind lang, mas gusto ko sana SALIGAN lawyer pa rin ako. Kasi sa SALIGAN walang judgments eh, ‘di ba? Parang iyong tao, nagpapasalamat lang sa tulong mo. Hindi na iyong mas maraming judgments. Pero again, mayroong greater purpose lahat. Parang, maraming galit sa iyo, maraming sinisiraan ka. Pero mas… iyong posisyon mo, parang mas gusto mong gamitin para makatulong.

    So iyon iyong ginawa namin, pag-upo ko, sabi ko sa mga staff, “Hindi naman puwede na anim na taon tayo dito na ceremonial lang iyong ating ginagawa.” Iyong ginagawa ko dati sa SALIGAN, gumawa kami ng programa, ang pangalan Angat Buhay. Pumili kami, initially 50 communities. Paano namin pinili iyong 50 communities? Hinanap namin iyong 20 poorest provinces—20 poorest provinces, nagbaba kami ng teams. Pinakalap namin iyong poorest na mga communities. We started with 50. Wala kaming pera, so papaano kami makakatulong? So para kaming mga salesman, ano. Pumunta kami sa community. Alamin namin iyong kailangan nila tapos maghahanap kami ng ready na mag-provide ng kanilang kailangan. So para kaming ahente. We search for communities needing help and to also look for organizations wanting to help. And the one thing we realized is: there are just so many—so many people, organizations, companies who want to help but don’t know how. And we provide that information. So kami iyong groundwork, kami iyong lahat. After two years of Angat Buhay, we were now in 176 communities. [applause]

    It’s frustrating, still. Frustrating siya kasi siyempre dependent kami on private help, ‘di ba? Halimbawa, hindi ko alam—sobrang overtime na ako pero ano na lang, a few more minutes; malapit nang matapos. [laughter]

    Halimbawa, may nahanap kami na isang very, very poor community in Palawan. The name of the town is Agutaya. Agutaya is in Northern Palawan. It’s very difficult to go there. Siguro hindi niyo pa naririnig iyong Agutaya. Naririnig niyo siguro, Coron. To go to Agutaya, you have to go to Coron first. Pero from Coron, it’s a 160-hour boat ride—10 to 16 hours depending on what barangay—to Agutaya. Pagpunta namin doon the first time we went, walang kuryente buong town, walang potable water, sobrang hirap ng mga tao. Binisita ko iyong only elementary school. Pagbisita ko, nag-iiyakan iyong mga tao kasi hindi naman sila nabibisita. Nag-iiyakan sila kasi tears of joy pala iyon. So, happy sila na nabisita sila. Pina-hilera nila. Wala naman doong roads, anong tawag doon sa mga—hindi pilapil, ano naman, sementado siya, pero iyong mga pathwalk. So naglakad kami sa pathwalk, excited sila. Iyong mga estudyante pinahilera nila sa side, sa pathwalk. May mga banderitas to welcome me. Pero nakita ko, nagsimula sila Kinder, Grade 1, Grade 5 na, ang liit pa rin. Iyon pala stunted iyong mga bata doon. Iyong nakakalungkot sa stunting—iyong mga doktor alam ito—kasi alam lang natin bansot, ‘di ba? Pandak. Pero iyong stunting pala, pati pag-iisip, nadadamay kaya sinasabi, mga bobo. Pero actually hindi naman mga bobo pero stunted.

    So pag-alis namin sa Agutaya—pagpunta namin wala pa naman kaming dalang tulong kasi hindi pa namin alam kung anong maabutan—we started looking for help. Masuwerte kami may nakuha kaming dalawang partners na ine-energize na ngayon ang Agutaya. We’re in four barangays already. Four barangays have been energized already. Mayroon na silang kuryente—solar lamps. Nakahanap na kami ng feeding program, nakahanap na kami ng partner na maglalagay ng water system para may potable water na, kasi poor as they are, they still buy drinking water. Paminsan binibili nila sa Iloilo na almost 20 hours away by boat. Ang dami pang pangangailangan but we had been there so many times already.

    Mayroong isang town sa Zamboanga del Norte, Siayan. Ang Siayan has been the poorest since 2003 to 2009. Ngayon, hindi na siya poorest. Doon naman sa Siayan, very high ang drop-out rate. Very high ang drop-out rates ng school and we learned na very high pala ang drop-out rate kasi children have to walk—high school ito; iyong elementary school kasi may malalapit pero iyong high school, parang isa, dalawa lang iyong high school sa center—children have to walk as far as 10 kilometers each way every day just to go to school so naglagay kami ng dorm. Naglagay kami ng dormitory with the help of our partner inside the high school. So sabi lang namin—more students can stay for free—sabi lang namin sa school, dapat sila iyong magra-run noong dorm pero pipiliin nila iyong pinaka-mahihirap at saka iyong pinaka-malalayo. Ngayon, happy na iyong mga estudyante. It is not enough. Gusto naming i-expand kasi ang dami pang gustong tumira.

    But after that in Siayan, we are also building a dormitory in Balangkayan, Eastern Samar na very high din ang drop-out rate for the same reason. Sobrang lalayo ng nilalakad ng mga estudyante. Also in Salcedo, Eastern Samar.

    So these are the things that we do, pero pondo ito karamihan ng private partners kasi wala naman kaming masyadong pondo.

    On Friday, I’m flying to Cebu—to San Remigio, Cebu—and ang i-inaugurate namin doon is a mental health facility. [applause] And in fact, we partnered with the Philippine Mental Health Association-Cebu Chapter and the Provincial Government of Cebu para magkaroon na ng framework iyong mental health intervention doon.

    Bakit kami naglagay ng ganoon sa San Remigio? Pumunta kami on a medical mission for iyong mga nangangailangan ng prosthetics—iyong mga prosthesis. May partner kami, Physicians for Peace na naglalagay sila ng mga artificial limbs kasi maraming disabled. Nagbigay ng mga wheelchairs, nagbigay ng mga assisted devices, at saka nagsukat ng mga prosthesis. But when we went, we discovered ang dami nilang mental [health] patients. Ang pinaka-nakakalungkot, kasi marami sa kanila, kinukulong. Kinukulong sila, tinatali. And mayroon kaming na-meet doon, nakakulong siya for more than 10 years already, kasi para makatrabaho iyong family members, walang mag-aasikaso. Takot din silang hindi ikulong kasi baka manakit sa iba. Tapos iyong mga taga-doon, hindi naman equipped mag-render ng help.

    So last year, we started collaborating with the Philippine Mental Health Association there and the Provincial Government tapos we started this year the facility. Maliit pa lang, 100 square-meters ang umpisa. Pero iyong 100 square-meters, may initial na ise-service na 92. 92. Hindi naman lahat iyon, hindi naman lahat stay-in. Pero at least mayroon nang doktor, mayroon nang mga health personnel, etcetera.

    So, ang haba na ng salita ko, naaano ko na iyong… iyon ang problema kapag hindi ako nagbabasa ng speech. [laughter] Pero anyway, siguro I would like to close by… ang dami na kasi ngayon na nangyayari na alarming with regards to mental health. We’ve lost friends, people we know, to suicide. Ang gusto sana namin, i-involve iyong kabataan—i-involve iyong kabataan. And iyong message lang, responsibility natin itong lahat na tutulungan natin.

    Nag-run kami ng Angat Buhay Youth program and maganda naman… pinapa-pitch namin ng programs iyong mga bata. May mga mental health programs na pinitch. Mayroon kaming Project Gifted in Lipa na iyong mga—[to audience] Kasama kayo doon?—mayroon kami sa Lipa na Project Gifted, sila naman, ito, hindi lang mental health pero iba pang disabilities. Ito, therapy through music. Nag-create sila ng symphony. Symphony para sa kanila. Mayroon naman sa Mindanao, art therapy for mental patients. Mayroon ding psychosocial services in Marawi for one of the youth programs that we have.

    We also launched a program called Istorya ng Pag-asa and noong nagkaroon kami ng short film festival, ang daming entries tungkol sa mental health. And in closing, we would like to show you one. Very short lang. I think, it’s a three-minute film pero it’s a, parang, testimony about one such patient na naka-recover na. [applause]

    [“Ngiti” plays]

    Ayon, doon na po nagtatapos iyong aking story. Pasensya na kayo kasi hindi lang nobela pero telenobela iyong narinig ninyo. [laughter] Pero sinesenyasan po ako ng aking staff kasi may kasal po ako [na pupuntahan] ngayon sa Makati. Makikibihis pa po ako sa baba kasi Ninang daw po ako ngayong hapon at late na kami. [laughter]

    Kaya maraming salamat sa oras ninyo, sa pakikinig. [applause]

    Posted in Speeches on Nov 11, 2018