This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Ahon Laylayan Koalisyon NCR Assembly and Covenant Signing

    UP Bahay ng Alumni, University of the Philippines – Diliman

    Magandang hapon! (Audience: “Magandang hapon!”) Magandang hapon sa inyong lahat! Napakasayang araw kasi magkakasama tayo, ‘di ba?

    Ito po, siguro ikukuwento ko sa inyo bakit Ahon Laylayan. Kung naaalala niyo—naaalala niyo pa ba iyong eleksyong nung 2016? (Audience; “Yes!”) Naaalala niyo pa? Kung naaalala niyo iyong eleksyon nung 2016, ako po iyong kandidato na hindi inaasahan na kakandidato, ano? Hindi ako inaasahang magkakandidato kasi hindi naman ako kilala. Noong ako po ay nag-file na bilang vice presidential candidate, marami po iyong nagsasabi, “Wala iyang pag-asa kasi hindi naman kilala.” Alam niyo po, sa survey noon, nag-umpisa ako 1% lang iyong nakakakilala sa akin. Anim kami na kandidato sa pagka-pangalawang pangulo, nag-umpisa po ako sa surveys, pang-anim ako. Pang-anim, unti-unting nagpapakilala, sinipagan, at marami po sa inyo na nandito iyong tumulong sa akin. Pero maraming nagsasabi, “Hindi naman namin iyan kilala, kaya wala iyang pag-asa.”

    Naaalala ko po, iyong una kong mga pag-iikot, sinasamahan po ako ng mga kaibigan ko sa Kongreso, wala sa aking pumapansin. Hindi nga po nila naiintindihan iyong pangalan kong Robredo, hindi ma-pronounce nung iba. Sasabihin, “Sino daw iyon?” [laughter] “Ano daw iyong kinakandidatuhan nun?”

    Pero ako po, hindi ako pinanghinaan ng loob. Hindi ako pinanghinaan ng loob, kasi alam ko iyong dahilan kung bakit ako pumayag kumandidato. Marami po sa inyo, noong nabubuhay pa iyong asawa kong si Jesse, nakatrabaho ninyo—lalong lalo na iyong mga informal settlers, ‘di ba? Nasaan iyong mga urban poor sector dito? [cheers] Ayan! Marami sa inyo nakatrabaho ni Jesse.

    Alam niyo po, napakatagal na panahon na mayor po siya ng Naga. Pero noong mayor po si Jesse sa Naga, ako po wala po sa pulitika. Siya lang po sa pamilya iyong nasa pulitika. Ako po, abogado para sa mga mahihirap. Kung kakilala niyo po si Atty. Aison—Nasaan si Atty. Aison? Nandoon—saka si Ka Rene, iyong representative ng mga manggagawa, magkakatrabaho po kami sa SALIGAN. Kami po iyong klase ng mga abogado… kami po iyong klase ng mga abogado na hindi naghihintay sa aming mga opisina, kundi pumupunta po kami sa mga communities, kausap po namin iyong mga basic sectors, at gumagawa kami ng mga paralegal trainings… [pause] Pasensya na po kayo at inuubo ako.

    Pero iyong konsepto po na kami mismo iyong pumupunta sa mga communities, kasi naniniwala po kami na obligasyon namin na bigyan ng oportunidad iyong lahat. Nakakalungkot, pero sa Pilipinas, parang totoo iyong kasabihang “Mahirap maging mahirap.” ‘Di ba? “Mahirap maging mahirap.” Pagdating po sa mga korte, sa mga kaso—alam na alam po iyan ni Atty. Chel Diokno, ni Atty. Florin Hilbay, kasi mga abogado din—pagdating sa korte, sorry ang mahihirap. Ang mayayaman, madaling makalusot, pero kapag mahihirap, kahit kaunti lang iyong kasalanan, nabubulok sa kulungan.

    Maraming mga bagay, halimbawa iyong mga magsasaka, talong-talo ng mga land owners. Iyong mga mangingisda, kapag pinasok na ng malalaking barko iyong kanilang pinapangisdaan, wala na. Iyong mga informal settlers, ganoon din. Maraming mga problema, parating kawawa iyong mga mahihirap.

    Pero iyong nakakapagtaka, kasi sa Pilipinas, mas marami iyong mahihirap sa mayayaman. Dapat sana, dahil mas marami iyong mga mahihirap, dapat sana mas malalakas iyong boses. Dapat sana sila iyong pinapakinggan kasi sila iyong mas marami. Pero parang baligtad iyong nangyayari.

    Noong mayor po iyong asawa ko sa Naga, nagbuo ng Naga City People’s Council. Iyong Naga City People’s Council, umuupo sa lahat na kumite ng City Hall. Ang dahilan noon, para magkaroon ng boses. Ang dahilan noon, para kasama siya sa lahat na pagpaplano, para nakakapagplano siya kung saan niya gustong pumunta. Kung naaalala po ng ating mga urban poor sector, iyong People’s Plan—naaalala niyo iyong People’s Plan? (Audience: “Yes!”) Iyong People’s Plan po, ginawa iyan noong DILG Secretary iyong asawa ko, pero ginaya lang iyan sa ginawa niya sa Naga. Kaya po iyong ating national convenor, si Dan Ludovice— Tayo ka, Dan. Ayan, palakpakan po natin si Dan. [applause] Siya iyong ating national convenor ng Ahon Laylayan Koalisyon. Pero pinakiusapan po namin siya, kasi siya ngayon iyong pangulo ng Naga City People’s Council.

    Ang gusto po natin, iyong napakaraming chapters ng Laylayan Coalition, maging People’s Council rin sa kaniya-kaniya niyong mga lugar. Bakit po gusto nating bumuo ng People’s Council? Gusto po nating bumuo ng mga People’s Council kasi gusto natin tuldukan na iyong mahabang panahon na wala tayong boses, tuldukan na iyong mahabang panahon na kapag mahirap ka, naaapi ka. Ang gusto po natin, parang Naga City People’s Council—dahil nauupo sila, mayroon silang boses.

    Ito po, napakahirap. Marami po sa inyo pumupunta sa opisina, kausap po namin sa iba’t ibang mga adbokasiya. Halimbawa, sina Uper, sina Ka Rene, may mga kausap tayo na iba’t ibang leaders ng mga sektor. Mayroon tayong usapan, pero parang kaniya-kaniyang sektor. Naisip po namin, bakit hindi natin buuin lahat? Bakit hindi natin gawing koalisyon? Para iyong problema ng mga magsasaka, problema nating lahat. Iyong problema ng mga mangingisda, problema nating lahat. Kanina, ang reklamo ni Ka Uper, “napakahina ng aming boses, kami iyong pinakamahirap na sektor.” Pero ganoon kasi dahil kakaunti, hindi naririnig.

    Pero ngayong hapon, ito iyong mga leaders ng bawat sektor, marami kayo. Pero hindi tayo makukuntento na tayo-tayo lang iyong nag-uusap. Dapat pagkatapos natin i-launch ang koalisyon na ito, assignment ng bawat isa na magparami pa. Dahil kung tayo ay marami at nagkakaisa, walang dahilan para hindi tayo pakinggan.

    Kanina, isa-isang nagsasalita, marami pang hinihingi na batas na maipasa. Karamihan po sa mga batas na iyon iyong aking… noong ako po ay nasa 16thCongress, isa ako sa mga authors. Halimbawa, iyong Freedom of Information Bill, iyong sa NaLUA (National Land Use Act), iyong Anti-Dynasty [Bill], iyong extension ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program), iyong kung anu-ano pang sinabi, parang author po ako ng karamihan doon. Pati iyong institutionalization ng 4Ps. Pero marami sa ating kahilingan, gaya ng Security of Tenure, hindi maipasa-pasa. Pero baka po iyong dahilan, iyong ating hinahalal, hindi naman totoong kinatawan ng mga mahihirap.

    Iyong 2019, panahon na naman ng eleksyon. Kapag eleksyon, lahat na kandidato, mabait sa atin. Kapag eleksyon, lahat nagsasabi, “Mahal ko ang mahihirap.” ‘Di ba? Marami ang nagsasabing, “Mahal ko ang mahihirap.” Lahat, kung ano iyong kailangan natin ibibigay. Kahit hindi pa natin hinihingi, ang iba nagbibigay ng ng cellphone, dahil eleksyon. Pero iyong tanong ko: Nasaan ba sila noong wala pang eleksyon?

    Ang atin pong mga kasama ngayon, hindi po kami nadalian sa pagpili. Nakita niyo walo lang iyong aming kandidato sa dse. Marami po tayong kasamahan na gusto ay dose, pero tayo, siniguro po natin na iyong ating ipipresenta sa inyo na mga kandidato, iyong mga kandidatong hindi ikakahiya, iyong mga kandidato na mayroong track record. Iyong mga kandidato na nagpakita na ng totoong pagmamahal sa bayan at totoong pagmamahal sa mga nasa laylayan.

    Kasama po natin sila dito. Kanina po nandito si Sen. Bam Aquino. Kilala po natin, most productive na senator. Bago pa lang, first term pa lang na senador, napakarami na niyang mga batas na naipasa. Kasama na doon ang libreng college education. Marami pang iba.

    Sen. Mar Roxas—wala pong kuwestiyon ang abilidad. Represented po siya ngayong hapon ni Sec. Dinky Soliman. Pati si Sec. Dinky kilala niyo, ‘di ba? Si Sec. Dinky, ina ng 4Ps. Kaya po ako na-late, Sec. Dinky, ngayong hapon, kasi galing po ako doon sa Samahan ng Nagkakaisang Pamilya [ng Pantawid] event, na dahil sa 4Ps, medyo gumaan-gaan iyong dala-dalang kahirapan. Si Sec. Mar po, sinabi na ni Sec. Dinky kung ano iyong mga ipinasang batas.

    Cong. Erin Tañada—nauna po siya sa akin sa Kongreso, anak ng napakahusay na lider ng ating bayan, si Ka Bobby. Iyong lolo niya, nakita po natin, iyong mga ka-edad ko, kung naaalala niyo si Sen. Lorenzo Tañada, kahit matanda na, nandoon pa sa kalye, pinapakipaglaban iyong mga kahilingan ng mga mahihirap. Pero si Sen. Erin—Senator—Cong. Erin, napakasimple, ‘di ba? Napakasimple pero napakahusay na lingkod-bayan.

    Cong. Gary Alejano—kasama ko po siya, kasama ko siya sa 16th Congress, pareho din. Sundalo, nasugatan sa laban sa Mindanao. Bemedalled, napakarami pong medals bilang sundalo. Pero napaka-humble pa din. Hindi niyo makikita iyong ere. Talagang napakahusay, napakatino.

    Secretary—parati kong natatawag na secretary lahat. Atty. Chel Diokno. Ayan. Si Atty. Chel, love na love ng mga Lumad, ‘di ba? Love na love ng mga Lumad. Pero hindi lang mga Lumad iyong tinutulungan. Sa napakahabang panahon bilang abogado, talagang iyong mga problema ng mga mahihirap, problema ng mga maliliit, iyon iyong kaniyang dinedepensahan. Kahit wala sa pulitika, minamahal iyong mahihirap.

    Kaya iyon po iyong hahanapin natin: hindi lang mahal iyong mahihirap kapag eleksyon, pero kahit hindi eleksyon, inaasikaso pa rin kayo.

    Atty. Pilo Hilbay—laking Tondo. Ito po, idol ito. Kinuwento naman niya iyong kaniyang buhay: iyong kaniyang tatay, mensahero; iyong kaniyang nanay, kasambahay. Nakapag-aral dahil sa scholarship. Naging Bar topnotcher. Hindi piniling magpayaman, bagkus nagtrabaho sa gobyerno para ipaglaban iyong ating karapatan.

    Samira Gutoc—nakita niyo naman, napakahusay magsalita, ‘di ba? Napakahusay magsalita. Kabahagi ng pamahalaan, pero noong may mga nakitang hindi maganda, umalis sa pamahalaan. Ito iyong hindi kapit sa puwesto, pinakita ang tibay ng dibdib. Isa siyang ehemplo ng taga-Mindanao. Parang mga Lumad din, na walang kasiguruhan, walang kasiguruhan ng kapayapaan, kaya parating pinagdadasal iyon.

    And last but not the least, iyong akin pong abogado. Kaya po Pangalawang Pangulo pa din ako hanggang ngayon, dahil sa kaniya—Atty. Romulo Macalintal. [applause] Ayan, si Atty. Romy, talagang noon pa man, ang adbokasiya niya senior citizens. Hindi niyo po naitatanong, itong si Atty. Romy, marami nang negosyo ang kinasuhan. Kapag nakikita niya na ang negosyo hindi nagko-comply doon sa Senior Citizens Law, kinakasuhan ni Atty. Macalintal. Napakahusay na abogado. Abogado ng napakaraming malalaking tao, pero ang pagmamahal sa mahihirap parating nandiyan.

    Ang 2019 electionspo, pagkakataon natin. Kaya ko sinasabing pagkakataon kasi marami tayong reklamo sa nangyayari. Pagkakataon para tayo iyong magresolba. Pagkakataon para ang botohan natin, iyong mga magsusulong ng ating mga paniniwala at adbokasiya. Iyong Senado po napakahalaga sa mga susunod na taon. Kaya hindi pa napapalitan ang Konstitusyon, dahil sa Senado. Kaya hindi pa naipapasa iyong death penalty law, dahil sa Senado. Kaya hindi pa naipapasa iyong napakaraming mga bagay na ayaw natin, dahil sa Senado.

    Pero ngayong 2019, may mga kasama tayo na lumalaban para sa atin, na magtatapos na. Ang isa doon, Sen. Bam Aquino, kaya kailangan po natin siyang ibalik sa Senado, para siguradong nandiyan pa rin siya para tulungan tayo. Sen. Sonny Trillanes, tapos na iyong kaniyang termino at hindi na siya puwedeng magkandidato dahil naka-two terms na siya. Nabawasan po iyong mga senador na makikipaglaban para sa ating mga karapatan. Napakahalaga na tulungan po natin iyong mga kandidato. Kapag lumapit po tayo sa mga mas malalaking tao, ang sasabihin, “Dalawa lang iyong tutulungan ko diyan, kasi dalawa lang iyong may pag-asa.” Pero iyong ehemplo ko: noong umpisa, walang kapag-a-pag-asa. Noong 1% po ako, noong nangunguna sa race, 38%. Napakalayo ko. Pero iyong 1% ko, dahil sa tulong niyo, naging 4%, naging 7%. Unti-unti, bawat buwan, umaakyat ako. Naging 7%, naging 12%, naging 17%, naging 19%. Hanggang bigla na lang pangatlo na ako, malapit na ako sa first saka second. Noong palapit na iyong eleksyon, nag-number two na ako. Noong papalapit na iyong eleksyon, tie na kami ng number one. At dahil po sa tulong niyo, nagtagumpay ako. [applause]

    Ganoon din po iyong gagawin natin sa ating Otso Diretso. Kahit po sa una ay mahina, para din pong si Vice President Leni Robredo, ikakampanya din natin nang husto. At ito po, hindi kampanya ng pulitiko—kampanya po ito ng tunay na Pilipino, kampanya ng mga taong nasa laylayan ng lipunan.

    Dati po iyong pangalan ng koalisyon natin, Laylayan Koalisyon din, pero ang sabi po namin, hindi na tayo papayag na parati lang tayong nasa laylayan. Kailangang iahon na natin ang ating mga sarili. Kaya ngayon po, Ahon Laylayan Koalisyon tayo. [applause]

    Doong DILG Secretary po iyong asawa ko, gaya ng sinabi ko kanina, marami siyang programa para sa mga nasa laylayan. Unang una, iyong People’s Plan. Pangalawa, iyong sectoral representation ng mga IPs sa Local Legislative Council. Iyong BUB (bottom-up budgeting), naaalala niyo ba iyong BUB?

    Pero namatay iyong asawa ko [nang] maaga. Pinagpatuloy ni Sec. Mar Roxas. Pero ngayon, wala na iyong BUB. Marami na tayong hinahanap na iba. Noong nasa Kongreso ako, nag-file ako ng Empowerment Bill, kagaya nung sa Naga, na dapat sana bibigyan… ire-require iyong People’s Council. At bibigyan ng pondo. Hindi po iyon nakapasa. Maraming hindi nakakapasa dahil ang hinahalal kasi natin, hindi naman tunay na nagmamahal sa atin.

    Kaya ito pong 2019 elections, sana hindi po hindi tayo magpadala sa pera. Sana hindi tayo magpadala sa palakihan ng tarpaulin. Sana po hindi tayo magpadala sa pagandahan ng mga campaign materials. Pero ang tutulungan po natin, dapat pinag-aralan natin kung sinu-sino sila. Iyong piniprisenta po namin na Otso Diretso, pinag-aralan po namin ito nang matagal na panahon. Ang sabi po namin, “Ayaw nating magprisinta ng ikakahiya natin kapag nakaupo na.” Ang atin pong mga kasama, sinisiguro ko po sa inyo, kahit nakaupo na sila, ang kanilang puso ay nasa inyo. [applause]

    Kaya maraming, maraming salamat po sa inyo! [applause] Maraming salamat sa mga nag-organize. Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Ang atin pong trabaho: magpapadami tayo. Iyong bawat isang sektor po dito, huwag naman iyong tayo-tayo lang iyong nag-uusap. Ang ating assignment, dapat bawat araw dumadami tayo. Dapat bawat araw, nakikilala kung sino ang ating mga kandidato. Para din po ito sa kinabukasan ng bawat Pilipino.

    Maraming salamat! Magandang hapon sa inyong lahat! [applause]

    Posted in Speeches on Feb 06, 2019