This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the 3rd Graduation Ceremony of the BUKAS-PALAD COMBAT Program

    Bayang may Ugnayan at Kalinga sa Pamilya, Laban sa Droga (BUKAS-PALAD) Community Based Treatment (COMBAT) Program

    Saklay Center, San Antonio, Nueva Ecija

    delivered on 28 November 2017

    Maraming salamat! Maupo po tayong lahat.

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay galang po muna sa mga kasama po nating mga opisyal ngayong gabi. Siyempre po sa pamumuno ng ating vice mayor, Vice Mayor Julie; iyong atin din pong mga kaparian, siyempre, sa pangunguna ng ating director dito po sa Saklay, Fr. Arnold, na sabi niya po matagal na kaming magkakilala dahil kaibigan po siya ng aking yumaong asawa; nandito rin po si Fr. Sid at saka si Fr. Aldrin, maraming salamat po sa inyo; nandito po si PD, Col. Tanding; nandito rin po ang ating acting chief of police, Police Inspector Cudal; at nandito rin po iyong ating commanding officer ng Philippine Army, Lt. Col. Cabugon, magandang gabi po sa inyo.

    Nandito rin po iyong mga katuwang natin na mga doktor—Dr. Lapuz, Dr. Santiago, Dr. Abesamis, Dr. Marcelo; Ms. Nemia Paz, isa po sa mga board members ng Ako ang Saklay, Inc.; Mr. Ariel Viñas; iyong atin pong mga graduates ngayong gabi—kayo po ang bida ngayong gabi, kayo po iyong pinunta namin dito sa Ang Saklay; iyong atin pong mga volunteers, mga 4Ps, mga taga-DOH [at] DSWD, mga taga-La Salle, mga taga-Couples for Christ—sis, Couples for Christ din kami; iyong atin pong napaka-touching ng testimonial, si Sir Aying; sa inyo pong lahat: mga pamilya ng ating mga graduates: magandang, magandang gabi po sa inyong lahat!

    Unang-una po, hihingi lang po ako ng pag-unawa. Late na late po kami ni Mayor Baby Congco. Alam ninyo po, kaninang maaga po ako umalis ng Maynila, dumiretso po kami sa lungsod ng San Jose, dahil mayroon po kaming mga kausap na mga magsasaka roon. Buong umaga po, sila iyong kasama namin. Pero noong hapon po—may project po kami kasi nina Mayor Baby, doon din sa San Jose—may ibinigay kaming tulong sa isang paaralan, sa isang library. Umalis po kami roon, hindi pa alas-tres. Akala po namin alas-kuwatro nandito na kami. Ayon po, nakarating kami, lampas ng alas-singko, kasi na-traffic po kami [nang] grabe. Akala ko sa Maynila lang iyong traffic; sa Cabanatuan pala medyo matindi rin.

    Pagpasensiyahan ninyo na po. Alam ninyo po, tumatawag po ako kanina, sabi ko ipagpatuloy ninyo na iyong programa, hahabol na lang ako. Kaya hiyang-hiya po ako pagpasok ko kasi hindi pa pala nagsisimula iyong graduation. Kaya iyong paghingi ko lang po ng paumanhin.

    Mahalaga ang okasyon na ito, kasi mula pa po sa umpisa, ito na po iyong ipinaglalaban ko: ang pakikipaglaban po na ang paraan sa pagsugpo ng problema sa droga ay hindi karahasan—hindi karahasan ang solusyon—bagkus dapat tingnan iyong mga nalululong sa droga bilang mga biktima na kailangang tulungan.

    Alam ninyo po, marami nang pagtutuligsa iyong natanggap ko. Marami pong kumakantiyaw sa akin na pati ako nagsha-shabu dahil sa pagkampi ko, [dahil] sa pakikipaglaban ko po na dapat tingnan siya bilang problema na kailangang tulungan iyong biktima.

    Mahaba-haba na rin pong panahon, pag-umpisa pa lang po ng aking pag-upo—naaalala ko po, Father, hindi ko pa sa iyo ito naikukuwento—humingi po iyong aming opisina ng briefing galing sa iba’t ibang mga ahensiya. Paghingi po namin ng briefing, sinabi sa amin na ganito iyong numero ng mga nalululong sa droga. Pero ang sabi, dito sa numerong ito, kaunti lang naman talaga iyong malala na. Karamihan ay madadala sa community rehabilitation program. Ipinapaglaban po natin, mula pa noong umpisa, na dapat sana iyong mga komunidad magkaisa, kasi hindi po ito problema na kaya ng nalululong, hindi po ito problema na kaya ng pamilya lamang. Isa itong napakakomplikadong problema, na dapat bawat isa sa atin mag-ako ng responsibilidad.

    Ngayong gabi po, ito po iyong matagal ko nang pinaplano na naikuwento ko minsan kay Fr. Arnold. Sabi ko po, “Father, may gusto sana akong gawin, pero alam ninyo po iyong opisina kasi namin, wala naman po kaming pondo. Pangalan lang po iyong dala namin, pero wala kaming pondo.” Sabi ko, “May gusto po akong gawin. Kailangan ko ng tulong. Pero marami kasi iyong balakid.” Siguro po hindi na kailangang isa-isahin iyong balakid. Pero ganitong-ganito iyong aking pinapangarap: na bawat mahalagang bahagi ng lipunan ay magtutulung-tulong para sugpuin [ang problemang ito]. At kanina po tinitingnan ko iyong streamer ninyo, sabi ko, “Ito na iyong sinasabi ko.”

    Nandiyan po iyong Simbahan. Nandiyan iyong local government unit—units, kasi nandiyan iyong munisipyo, nandiyan iyong probinsiya. Nandiyan po iyong kapulisan. Nandiyan iyong kasundaluhan. Nandiyan iyong community, nandiyan iyong 4Ps. Nandiyan po iyong mga ahensya ng gobyerno—nandiyan iyong DOH, nandiyan iyong DSWD, nandiyan iyong TESDA. Nandiyan iyong mga organisasyon sa komunidad, at tinitingnan ito na problema nating lahat.

    Kaya ito po, iyong halimbawa na ipinapakita ng Ang Saklay, ito sana ang kuwentong gusto nating ipakita sa labas – kuwento na ito iyong solusyon. Kanina po, paulit-ulit na sinasabi: sino ba namang tao ang hindi nagkakamali? Lahat naman tayo, iba’t iba iyong pagkakamaling pinagdadaanan natin, pero lahat ng nagkakamali, natutulungan kapag binigyan ng pagkakataon na magbago.

    At ito po ngayong gabi, inspirasyon po namin kayo na mga graduates kasi iyong pagdesisyon lamang na gustong magbago, napakabigat na desisyon iyon. Hindi po iyon madali, kasi iyong desisyon na magbago, gustong sabihin tinatalikuran ninyo iyong nagbigay sa inyo ng kasiyahan noon. Mayroong pagkilala na kahit ito iyong nagbigay sa inyo ng kasiyahan noon, ito ay hindi nakabuti sa inyo. Kaya po sinasabi natin na malaking responsibilidad ito, malaking desisyon, kasi hindi po madaling tumalikod sa isang bagay na nagbigay sa iyo at nagdulot sa iyo ng kasiyahan.

    At ngayong gabi nandito kayo, pagtatapos ng isang yugto ng buhay. At ang yugto ng buhay na iyon, ito iyong yugto na nagdesisyon kayong tapusin iyong pagkadapa. Ito iyong yugto na pagdesisyon ninyo na nadapa kayo pero bumangon kayong muli. At nagpapasalamat po tayo sa lahat ng [nag-]sakripisyo.

    Kanina po naglalakad kami ni Father, hanggang umakyat kami sa chapel, ramdam ko iyong bigat na dinadala ni Father. Ito po, iyong bigat na dinadala ni Father, sinabi ko po sa sarili ko habang nagkukuwento siya, iyong pakiramdam kong bigat, wala pala iyong sinabi sa bigat na dinadala niya. Kasi, alam ninyo po, iyong opisina po namin nilalapitan din kami ng mga biyuda, mga magulang, ng mga pinatay. Mga kamag-anak, mga anak, ng mga pinaslang nang walang kalaban-laban. Pero hindi po kami makabuwelo sa pagtulong dahil maraming harang sa pagtulong. At ito po ay nagiging dahilan ng aming pakiramdam na nabibigo kami, kasi kahit alam namin na kailangan kaming tumulong, hindi kami makatulong sa paraan na gusto naming tumulong.

    Alam ninyo po, noong lumalala na iyong problema natin sa ipinagbabawal na gamot, lumalala na iyong takbo ng kampanya sa ilegal na droga, nagbasa po ako nang nagbasa noong karanasan ng mga ibang bansa. At sa pagbabasa po, nakita ko na iyong lahat ng bansa na gumamit ng karahasan bilang paraan para sugpuin ang problemang ito ay hindi nagtagumpay. Ang mga nagtagumpay na bansa ay iyong mga bansang kinilala na kayo ay biktima na kailangang tulungan.

    Alam ninyo po—alam po ito ni Father—bago lang po akong pulitiko. Iyong asawa ko po iyong pulitiko [nang] napakatagal. Pero noong pulitiko po iyong asawa ko, abugado po ako. Pinakauna ko pong trabaho, sa PAO. PAO lawyer po ako noon, at napakarami pong kliyente ko ang inakusahan, nahuli, dahil sa ipinagbabawal na gamot. Nakita ko po kung paano sila ikulong na matagal. Ikinukuwento ko nga po sa mga anak ko, tinatanong ko po sila kung naaalala nila, na may isang Pasko na bitbit ko iyong mga anak ko, at saka iyong asawa ko. Sa kulungan po kami nag-Pasko, kasi iyong aking kliyenteng nahuli sa ilegal na droga, nanganak ng Christmas Eve sa loob ng kulungan. Dahil po walang pamilya, kami pong mag-asawa iyong nag-asikaso sa kaniya. Kami iyong bumili ng gatas, ng bote, ng mga damit ng kaniyang isinilang. Doon siya nanganak.

    Pero alam ninyo po, kahit napakatagal nila sa kulungan, karamihan paglabas, nadadapa muli dahil wala naman pong ganitong programa sa loob ng kulungan. Marami pong kulungan na nabisita ko ngayon, lahat po umaapaw sa tao. Patung-patong iyong mga tao. Pati po iyong mga daanan, may natutulog. Pati po iyong mga hagdan, iyong bawat step ng hagdan, may natutulog, kasi punung-puno na iyong mga kulungan dahil sa kahuhuli [dahil] sa ilegal na droga. Iyong iba po, ilang taon na sa loob. Paminsan hindi naaasikaso iyong kaso. Paminsan po, iyong nilagi nila sa loob, mas mahaba pa sa parusa na kailangan nilang pagdusahan. Walang nag-aasikasong abugado. Nakakalungkot dahil kahit napakatagal sa loob, walang ganitong programa. At paglabas nila, pareho iyong buhay na babalikan.

    Isang pagkakataon po noong kampanya, bumisita po ako sa Women’s Correctional ng Camp Karingal sa Quezon City. Mga babae lahat iyong nandoon, siguro po mga 70 porsiyento ng nandoon, dahil sa droga. Pero walang ganito.

    Ang inaaalala ko po, kahit pa ilang taon sila sa loob, paminsan mas may nakikilala silang mas nakakaimpluwensiya pa sa masama. Parang imbes na natulungang bumuti, lalong napasama, at paglabas ganoon ulit. Ikinukuwento po sa akin noong naka-assign doon, na sabi niya, “Ma’am, mahigit sa kalahati rito, mga repeat offenders. Pabalik-balik na rito sa loob.”

    Kaya po nakakalungkot. Kapag hindi po natin dinibdib iyong pagtulong, talagang hahaba, tatagal lang iyong problema sa ilegal na droga, pero hindi naman nasosolusyonan. Gaya po ng sabi ko, marami nang mga bansa na grabe iyong patayan, pero hindi naman nasolusyonan iyong problema sa ilegal na droga. Kaya po tayo, ang gusto sana nating sundan ngayong yapak, iyong yapak ng mga bansa na naging matagumpay. At kung titingnan po natin, sino iyong mga naging matagumpay? Iyong mga bansa na kinilala iyong ganito—na kinakailangang tulungan nang maayos iyong lahat ng nalululong para magbagong muli.

    Kanina po may mga nagbigay ng testimony. Nagpapasalamat po kayo sa mga taong nag-volunteer dito at nag-alaga sa inyo. Sana po itong graduation na ito, parang graduation din nila, ‘di ba? Hindi sila nagtatapos sa pagtulong, pero pinaparangalan din natin sila sa lahat ng sakripisyong ibinigay nila. Kanina pinapakinggan ko ang bawat isa, parang kabahagi na rin sila ng buhay ninyong lahat. Hindi lang sila papunta-punta rito, pero itinuring na kayong pamilya nila.

    At ngayong gabi po, gaya ng sinabi ni PD kanina, sana hindi natin sayangin. Sana po hindi natin sayangin iyong pagkakataon na ibinigay sa atin. Sana hindi natin sayangin iyong lahat ng pagod ng mga ate, ng mga volunteers na ibinigay halos lahat ng oras at buhay nila rito. Sana hindi natin sayangin iyong pag-iintindi ng ating mga pamilya.

    Hindi po magiging madali paglabas ninyo ulit. Hindi po dito sinasabi na dahil tinapos ninyo iyong kursong ito, paglabas ninyo wala nang problema. Hindi ganoon iyon. Paglabas ninyo, marami pa ring pagsubok. Pero ang kaibahan ngayon, nandiyan kayo para sa isa’t isa, na iyong lahat na pagsubok na pagdaraanan ninyo, maramdaman ninyo po sana na heto kaming lahat—pamilya ninyo na puwedeng ninyong lapitan.

    Hindi dahilan para madapa ulit tayo kung sumasalubong tayo ng napakaraming kahirapan. Kaya ang gabi pong ito, gabi ng pagpapasalamat. Gabi ng pagpapasalamat para sa inyong lahat.

    Sa amin po, gabi ito ng inspirasyon, dahil kami po, kapag tinitingnan po namin kayo, naisip ko lang kanina: ano kayang nangyari sa inyo kung hindi kayo dumaan dito? Ano kaya ang nangyari sa inyo kung walang ganitong programa rito sa San Antonio? Baka pareho rin iyong sinapit ng iba na hindi kasing palad ninyo.

    Kaya ito po, gusto naming gamitin iyong kuwento ninyo bilang inspirasyon na makagawa pa tayo ng ganitong mga programa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, para kung kayo ay natulungan, gusto rin po nating matulungan iyong iba. Malamang po iyong iba sa inyo magvo-volunteer na rin, ‘di ba? Magvo-volunteer na maging inspirasyon na tulungan din iyong iba na dumaraan sa pinagdaanan natin na magbago na rin.

    Kaya ito po, Fr. Arnold, sana po hindi kayo panghinaan ng loob. Alam nating mahirap, pero lahat ng mahirap may solusyon. Pagtutulung-tulungan na lang po natin. Pero ito po, kung hindi dahil sa paglalakas-loob ninyo, papaano na ito? Kaya maraming, maraming salamat po sa inyo. Maraming salamat sa lahat na natulung-tulong dito.

    Sa atin pong mga graduates, congratulations po. Sana po hindi ninyo makalimutan [ang mga karanasan ninyo rito]. Uuwi po kami ngayon sa Maynila na dala-dala iyong inspirasyon ninyo.

    Kanina po nagpapaalam ako kay Fr. Arnold, kasi may hinahabol po ako sa Maynila na isa pang okasyon. Sabi ko, “Father, hindi po ako makakatagal masyado.”

    Pero ito po, malaman ninyo lang sana, na babalik po kami sa aming opisina, dala po namin iyong inspirasyon na ibinigay ninyo sa amin ngayon. Sana po lakasan din ninyo ang inyong loob.

    Sa atin pong kapulisan, sa ating kasundaluhan: sa inyo po kami huhugot ng pag-asa. Alam po namin na mas marami iyong matitino. Alam po namin na mas marami iyong bukas ang mga puso sa mga kasama ninyo. Sana po iyong mga graduates po natin dito, tingnan po kayo bilang kakampi, tingnan po kayo bilang taga-bigay sa kanila ng proteksiyon. Kaya salamat po. Iyong pagpunta po ninyo ngayong gabi ay pinalalakas po ang loob naming lahat.

    Kaya maraming, maraming salamat po sa inyo. Congratulations muli! Magandang gabi po!

    Posted in Speeches on Dec 01, 2017