July 7, 2024
Assalamu Alaykum!
Binabati ko ang ating mga kapatid na Muslim nang maligayang pagdiriwang ng Amun Jadid!
Isa itong panibagong pagkakataon para itaguyod ang makabuluhang pamumuhay at harapin ang mga hamon na dala ng panahon na may mga pusong mas pinatibay ng pagmamahal, pag-asa, at pananampalataya.
Patuloy din tayong maging mabubuting Pilipino at magkaisa lagi para maabot natin ang ating mga pangarap at mamuhay ng matatag, masaya, at mapayapa.
Nawa’y sa inyong pagharap sa panibagong taon, lagi ninyong tatandaan na kayo ay may malalim na pinagmulan ng lakas at pag-asa.
Hinaot unta nga dili molubad ang inyong pagtuo kay Allah ug kini mopadasig ninyo sa tanang panahon — ug unta mahimo kining lamdag sa katawhan sa panahon sa mga pagsulay ug kalisod.
Muli, isang mapayapang Islamic New Year sa inyong lahat!
Shukran.
SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines Secretary of the Department of Education