Search

Mensahe sa Bagong Taon

Sa pagtatapos ng taong 2023, nais kong salubungin natin ang bagong taon 2024 ng may positibo at progresibong pananaw sa buhay para sa ating magandang kinabukasan bilang mga Pilipino.

Ang taong 2023 ay isang makulay na taon para sa ating bansa at pati na rin sa buong mundo - maraming istorya ng tagumpay, pagsubok at pag-asa ngunit bilang isang Pilipino, tayo ay nananatiling malakas at matatag.

Kaya naman ang ating pananaw sa kinabukasan ay mananatiling malinaw: na patuloy tayong maghahatid ng serbisyong tapat. Patuloy nating paiigtingin ang ating hangarin para sa kapayapaan at kaginhawaan ng bawat pamilyang Pilipino. Hindi kailanman tayo magpadadaig sa ano mang pagsubok na darating.

Happy New Year po, mga kababayan. Hangad ko na sa pagsapit ng Bagong Taon, ang bawat isa sa atin ay magkakaroon ng panibagong pag-asa, lakas, at matibay na determinasyon na magsumikap at magkaisa para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

Kasama ng aking buong pamilya, ako ay nagdarasal na ang bawat isa sa inyo ay magkakaroon ng mapayapa, ligtas, at maligayang pagdiriwang ng bagong taon.

Shukran.