Assalamu Alaykum.
Ngayong International Day of the World's Indigenous Peoples, ating ipagdiwang ang mahalagang papel ng mga Katutubong Mamamayan bilang tunay na tagapangalaga ng ating kalikasan bilang mahalagang bahagi ng kanilang pamumuhay at pagkakakilanlan.
Hindi matutumbasan ang kanilang kontribusyon sa ating lipunan — at kahanga-hanga ang kanilang katatagan sa paninindigan para isulong ang kanilang pagkakakilanlan, kultura at tradisyon, at karapatan.
Tayo po ay nakikiisa sa pagkilala at paggalang sa kanilang mga karapatan at mga adhikain bilang mga mamamayan na ang pamumuhay ay humaharap sa iba't ibang mga hamon na dala ng makabagong panahon.
Kapit-bisig po tayong lahat para matiyak na ang mga Katutubong Mamamayan ay mamuhay na may dignidad, kalayaan, sapat at makabuluhang suporta at serbisyo.
Maligayang Araw ng Katutubo!
Shukran. SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines