Search

Mensahe Para sa Aking Mga Kapatid na Muslim

Sa aking mga kapatid na Muslim,

Nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa aking mga kababayan na kabilang sa anim na Muslim Tribes mula sa Davao City.

Maraming salamat sa aking mga kapatid na Iranun, Kagan, Maguindanao, Maranao, Sama at Tausug, para sa walang takot na pagpapahayag ng suporta at kagustuhang tumulong para sa kaligtasan ko at ng aking pamilya.

Walay pulong nga makahulagway sa akong pagpasalamat kaninyo.

Ngunit sa puntong ito, sadyang hindi ang aking seguridad ang mahalaga, kundi ang kaligtasan ng ating bansa.

Ang Pilipinas ay pinamumunuan dapat ng mga taong may malasakit at kakayanan para itaguyod ang malinis na pamahalaan at pag-unlad ng bayan. Subalit ang Pilipinas ngayon ay pinamumunuan ng mga taong walang katapatan sa trabahong sinumpaan. Kaya ang tanging nananaig sa atin ay takot para sa kinabukasan ng ating mga anak.

Ang Pilipinas, bilang isang kapuluang dinadayo ng bagyo taun-taon, may komprehensibong plano dapat at mga matatag na imprastraktura laban sa kalamidad. Subalit ang Pilipinas ngayon ay may gobyernong umaamin na wala man lang tayong flood-control master plan.

Ang Pilipinas, may healthcare system dapat na totoong mapapangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino, at maiibsan ang mga gastusing medikal tuwing darating ang sakuna. Subalit ang Pilipinas ngayon ay may Philhealth na imbes paigtingin ay kukunan pa ng pondo upang magamit sa mga bagay na walang kinalaman sa kalusugan ng tao.

Ang Pilipinas, may mga representante sa Kamara dapat na nakakaintindi sa totoong sanhi ng kakulangan sa police to population ratio — that the shortage is a figure that cannot be solved during our lifetime due to the annually ballooning population and lack of budgetary resources to hire more personnel. The country should have representatives who understand that, in order to fully address the shortage, there is a need to leverage available technology and leapfrog into the future where policemen are armed with the best security products that do not require their physical presence all the time. Subalit ang Pilipinas ngayon ay may representante na imbes na magpasa ng makabagong batas, ay nagpupumilit sumasawsaw sa isyu ng iba.

Ang Pilipinas ay may airport officials dapat na nagsusumikap na maabot ang adhikaing magkaroon tayo ng world class facility na pinapahalagahan ang seguridad at privacy ng lahat ng pasahero, lalong-lalo na pagdating sa kabataan. Subalit ang Pilipinas ngayon ay may mga opisyal ng paliparan na tikom-bibig ukol sa banta ng seguridad, at hindi man lang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon tuwing may banta tulad ng pagpapasapubliko ng video footage, flight details at iba pang maseselang impormasyon ng mga pasahero, kahit pa ng mga menor de edad.

Ang Pilipinas, bilang isang malayang bansa, ay tumitindig dapat laban sa mga panghihimasok ng mga dayuhan sa ating mga domestic affairs. Subalit ang Pilipinas ngayon ay dali-daling yuyuko at susunod na lamang sa anumang kagustuhan at pangingialam ng mga banyaga tulad nalang ng ICC.

Mga kaigsuonan ko, sa sipag at galing ng Pilipino, nangunguna dapat ang Pilipinas sa ating mga karatig bansa.

Subalit ang Pilipinas ngayon ay patuloy na nagugutom, naghihirap, at lumulubog nang dahil sa mga mapanlinlang para maupo sa pwesto.

Pagod na pagod na tayong makita ang bayan na napag-iiwanan, tinatrato na parang walang halaga, hindi kaaya-aya, at sunod-sunuran sa ibang lahi. We, Filipinos, deserve more than what we are hearing and seeing from the government right now. We, Filipinos, deserve better.

We, Filipinos, should be the best.

Allahu Akbar!

Shukran. SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines