This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe niVP Leni Robredo National Executive Council ng Liberal Party of the Philippines

    Mensahe niVP Leni Robredo National Executive Council ng Liberal Party of the Philippines

    Maraming salamat, Senator Kiko. Good morning, good morning sa lahat. Salamat sa mga members ng NECO na nandito pa rin ngayong umaga, na matibay pa rin ang kapit sa mga values and ideals natin, despite the many challenges we have had to face over the last five and a half years. Salamat sa leadership ng partido, kina Senator Kiko, Senator Frank, Cong. Kit, Cong. Teddy, Cong. Erin, kay BM Jason, pati ‘yung lahat na staff natin sa LP HQ, hindi lang sa pag-asikaso ng mga events tulad nito, pero in making sure na patuloy na dumadaloy 'yung party-building work natin. Sa mga resolutions kanina na naipasa natin, kitang-kita 'yung thrust na ma-institutionalize ang mga paniniwala ng partido, ang pagbubuo ng institutional memory, ang pagte-train ng bagong dugo from the communities and the sectors, lalo na galling sa mga kabataan. Kaya maraming, maraming salamat sa inyong lahat.

    Mahalaga ang trabahong ito, dahil habang dine-define natin ang mga goals and methods natin, habang pinagninilayan at kini-crystallize natin into party documents ang mga batayang prinsipyo natin, lumilinaw at lumalalim din 'yung pagkakabigkis natin. Habang nangyayari ito, nagiging mas malakas tayo sa pagpursue noong pangarap nating liberal society na nabanggit sa isa sa mga resolutions natin kanina.

    In this effort, hindi tayo nag-iisa. While not everyone will raise their hands and swear their oaths as members of our party, there are certain goals that align with ours. At kung matatayog ang goals na 'yun, kung maraming obstacles para maabot ang goals na 'yun, tungkulin natin na hanapin ang mga alignment, kausapin ang willing kumausap, at i-exhaust ang lahat ng possible means para maging mas malaki 'yung chance na ma-achieve natin ang mga layunin natin.

    Alam ko naman na nauunawaan ninyo ito kaya maraming, maraming salamat. 'Yung isang resolution kanina, nilinaw ito: Ang overriding imperative talaga natin ngayon, 'yung mai-reverse ang trajectory of governance ng bansa. 'Yung mawakasan 'yung brand ng governance na anti-democratic, anti-rights, corrupt, at self-serving, na ugat ng pagdurusa at pagkamatay ng maraming Pilipino. Alam kong naniniwala kayo dito, at iba-iba man ang local contexts natin, iba-iba man ang political calculus, isa ito sa mga red line natin as a party bound by the same values and love of country.

    Gusto kong idiin sa inyo na walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang imperative na ito. Lahat ko naman ipinapahayag; wala po akong sinisikreto. ‘Yung mga araw natin ngayon, have been filled with deep discernment, at ng marami at paulit-ulit na pag-reach-out sa pinakamalawak na hanay para maabot 'yung layunin natin.

    Alam kong tumatakbo ang oras. Mulat ako sa deadlines. Mulat din ako sa tungkulin ko bilang pinuno, bilang Chairman ng ating party, at in a sense, pinuno rin ng lahat ng taong kahanay natin sa layuning ito. Pinakamahalaga: Mulat ako na being a liberal means, at the end of the day, always doing right by the country. Pinakita sa atin 'yan ni PNoy--'yung resolve para laging itanong sa sarili, "Ano ba ang tamang gawin? Ano ba ang kailangan ng bansa natin?"

    Patuloy ang dalangin at pagpupursige ko para masagot ang mga tanong na ito sa paraang makatao at makatarungan. At nagpapasalamat ako sa inyong tiwala. ‘Yung aking dasal lang ay in the next week or so, dagdagan pa natin ‘yung dasal, dagdagan pa natin ‘yung tiwala.

    Maraming, maraming salamat sa inyong lahat, at magandang umaga.

    ###  

    Posted in Speeches on Sep 28, 2021