This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni VP Leni Robredo sa Anibersaryo ng Deklarasyon ng Martial Law

     Mensahe ni VP Leni Robredo sa Anibersaryo ng Deklarasyon ng Martial Law

    Kaisa ng sambayanang Pilipino ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa paggunita sa deklarasyon ng Martial Law noong 1972.

    Ipinapaalala sa atin ng kasalukuyang situwasyon, kung kailan malinaw ang pagsisikap na baluktutin ang katotohanan ng malagim na kabanatang iyon: Kumukupas ang alaala; kung minsan, nabibili ang plataporma; ang kuwento, nabubura. Kapag nanahimik tayo— kapag hindi natin pinadaloy ang naratibo sa sari-sarili nating mga espasyo, pera at kapangyarihan ang magdidikta ng kasaysayan.

    Kailangan nating ulit-ulitin, sa bawat pagkakataon, ang katotohanan: Sa ilalim ng rehimeng Marcos, nagdusa ang Pilipino—ninakawan, tinorture, at pinaslang; ginamit ang ngalan para ibaon ang bansa sa utang, at pagbabayaran ang utang na ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Nasa sistema pa rin ang latak ng uri ng pulitikang naghari noon, at idinidiin pa rin nito ang maraming Pilipino hanggang sa ngayon. Diktador si Marcos, at hindi niya napagbayaran nang husto ang krimen niya; katunayan, patuloy ang pagpapakasasa ng kanyang angkan sa kayamanang ninakaw niya mula sa atin.

    Kaya’t kailangan nating gunitain ang mahahalagang petsa tulad ng ika-21 ng Setyembre. Isa ito sa pinakaimportanteng trabaho natin bilang mamamayang Pilipino: Ang bantayan, igiit, at idiin ang pag-ukit sa kasaysayan ng tunay na kuwento ng sambayanang Pilipino. Sa ganitong paraan, nagiging mas buo ang pagkabansa natin, bansang binibigkis ng mga katotohanang pinagdaanan ng mga nauna sa atin, bansang handang gamiting instrumento ang nakaraan upang maitawid ang sarili sa mga hamon ng kasalukuyan.

    Kasama ninyo ako sa pagpalag, sa pagbantay, at sa paggiit: Pilipino ang susulat ng kuwento ng Pilipino.

     

    #

    Posted in Statements on Sep 21, 2021