This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni VP Leni Robredo para sa Araw ng mga Bayani 2021

    Mensahe ni VP Leni Robredo para sa Araw ng mga Bayani 2021

    Ngayong National Heroes’ Day, kinikilala natin ang giting, sakripisyo, at kadakilaan hindi lang ng mga tanyag na bayani ng ating lahi, kundi pati ng napakaraming Pilipinong nag-alay ng buhay para sa bayan. Di man naitala ng kasaysayan ang kanilang pangalan at pinanggalingan, nabubuhay sa atin ang kanilang pinangarap at pinaghirapan: Isang bansang mas ligtas, mas malaya, mas makatao.

    Patunay sila: Bawat Pilipino, puwedeng maging bayani. At ang totoo nga—lalo ngayong panahon ng krisis—bawat Pilipino, tinatawag na maging bayani. Hindi kailangang magarbo ang pagkilos; bawat hakbang, gaano man kaliit, ay kabayanihan basta nakatuon sa kapwa. Sa panahong ito, kabayanihan ang pagsisilbi sa propesyong medikal; ang pagpapabakuna; ang pagsunod sa health protocols; ang pagbabahagi ng katotohanan at pagpalag sa kasinungalingan; ang pagtulong sa nangangailangan sa abot ng makakaya.

    Today reminds us: Heroism can be found beyond the gallows or the battlefield. Maaari itong makita sa tuwing titingin tayo sa salamin— dahil ang potensyal ng kabayanihan ay nasa loob natin, pamana ng mga kapwa-Pilipinong nauna sa atin at nagbahagi ng magandang halimbawa: Ng pagbubukas-loob, pagiging tapat at makatotohanan, pag-una sa kapwa kaysa sa pansariling interes, pagkilos nang marangal, at pagmamalasakit. Sa bahay, sa eskwelahan, sa opisina, sa ating mga komunidad, tinatawag tayong maging bayani— sa bawat pagkakataon, sa ating sariling paraan. Saksi ang kasaysayan: Lahi tayo ng mga bayani.

    Kaisa ninyo ako at ang buong Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa pagsagot sa tawag na ito—at hiling ko ang isang ligtas at makabuluhang Araw ng Mga Bayani para sa lahat.

     

    #

    Posted in Statements on Aug 30, 2021